1

Elesi
Please Subscribe to read the full chapter

A/N: Prerog (Teacher's prerogative)- pag kausap sa prof para makakuha ng slot sa subject

 

 

 

 

 

"Ano?" Sabi ni Lisa pagkadating niya sa apartment. "Nakapasok ka na?"

 

"Di pa nga, putanginang site kasi talaga yan, lag na naman. Mauubusan na ako ng slot sa Physics." Asar na asar na si Seulgi habang paulit ulit niyang pinipindot yung login button. 

 

"Mag prerog ka na lang, sama ka sakin." Umupo si Lisa sa tabi ni Seulgi para silipin yung monitor. "Try mo nga sa phone mag log in." 

 

Habang busy ang dalawang mag kaibigan, biglang may nag bukas ng pinto. 

 

"Mga ulaga, may subjects na kayo?" Sabi ni Yeri na kasunod si Wendy. "May Econ na kami ni Wends, tumambay kami sa lib, mas mabilis yung net dun."

 

"Ayun pala eh!" Tumayo na si Lisa. "Tara na, baka may slot pa!" 

 

"Dalian nyo, dami na pumupunta dun." Umupo si Wendy sa pwesto nila Seulgi. "Dapat pala in-enlist na namin kayo, 'no?" 

 

"Hala oo nga 'no?" Tumawa na lang si Yeri. 

 

"Ganyan naman kayo." Nang asar pa si Seulgi bago sila kumaripas palabas. 

 

 

 

"Motor mo na lang para mabilis. Maipit pa tayo sa traffic." Sabi ni Seulgi. 

 

"Sige."

 

 

 

 

Pagkatapos ng 5 minutes, nakarating na sa Main Lib si Lisa at Seulgi. Pinark na ni Lisa yung Vespa niya.

 

"Dalian mo ha," Sabi ni Lisa. "Wala pala ako ID. Sa labas na lang kita intayin."

 

"Sige sige."

 

 

 

 

 

Pagkarating ni Seulgi sa basement para gumamit ng desktop para mag login, nilapag niya kaagad yung ID nya. Binigyan na sya ng stub at minatahan na agad niya yung dulong desktop dahil wala pang nakaupo. Pumunta na siya agad dun at hinila yung upuan nang biglang may babaeng naunang umupo.

 

"Excuse me." 

 

Kumunot yung noo ni Seulgi. 

 

"Ah, ate." Tinapik niya yung balikat ng babae. "Ako po nauna diyan."

 

"Parang hindi naman." Di na humarap yung babae at lalong nairita si Seulgi.

 

"Eh hawak ko na yung upuan eh."

 

"Tapos?" Nag log in na siya at tinype yung credentials niya. "Eh umupo na ako eh."

 

"Ate, sige na please." Nagmakaawa si Seulgi. "Kailangan ko makakuha ng Physics ngayong sem. Kung hindi, made-delay ako." 

 

"Sakto oh," Natatawang sagot ng babae. "Meron pa isa."

 

"Talaga?" Nanlaki ang mata ni Seulgi. 

 

"Oo, ayan kaka enlist ko lang. Aww, wala na." Nag log out na siya at tumayo. "Sige, pwede mo na gamitin."

 

Nakanganga lang si Seulgi at nagdilim na ang paningin niya. Gusto na niya sakalin yung babae sa harap niya kaso bigla siyang nagulat nung humarap ito. 

 

 

 

Parang siya na ata yung pinaka magandang babae na nakita ni Seulgi sa balat ng lupa. 

 

 

 

"Better luck next time." Kumindat pa sakanya yung girl bago siya umalis. 

 

 

 

 

 

 

 

"Seul, balita?" Sabi agad ni Lisa pag labas ni Seulgi ng Main Library. 

 

"Tangina. Sinulot sakin yung slot, gagi." Napakamot na lang ng ulo si Seulgi. 

 

"Ha? Nino?" Nanlaki yung mata ni Lisa.

 

"Ng isang demonyong may mukhang anghel." Natawa na lang si Seulgi. "Ba yan. Chat ka nga. Inom na lang tayo."

 

 

 

MGA BOBONG ANAK NI MOMMY WENDS

Lisa: nom? libre ni seul

 

 

 

 

 

Pagkabasang pagkabasa ni Rosé ng chat, tumayo na siya agad para mag reply. 

 

"Jen, labas ako tonight." 

 

Umupo si Jennie sa kama niya at nag ayos ng buhok. "San na naman punta mo?" 

 

"Nag aaya blocmates ko." 

 

"You're so clingy with them." Sabi ni Jennie habang nag susuklay. "I don't even remember the names of my blocmates."

 

"Kasi you're such a snob." Pang aasar ni Rosé. 

 

" you." 

 

"Love you too, . Text kita pag uuwi ako." Sabi ni Rosé bago siya umalis.

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
inyourareuh
maraming salamat sa lahat ng nagbasa, sumuporta, nakibardagol sa cc, nakitawa, nakifeel trip, at sa lahat ng nakarelate.

shoutout sa pizza friends ko love ko kayong lahat!

pero eto ano gusto niyong sabihin naririnig kayo ni pooh ngayon https://curiouscat.qa/inyourareuh

Comments

You must be logged in to comment
hunters__ #1
Chapter 45: ANG CUTEEE PLS
hunters__ #2
Chapter 42: SHUTAAA HSKWJWJS HUEHUEHUE KILIG
jaangwaang
882 streak #3
Chapter 117: Ayaaaannn naaa. comeback israel naa!
jaangwaang
882 streak #4
Chapter 85: Hay naku seulghoster 🙄
jaangwaang
882 streak #5
Chapter 67: Hay naku bogum tinik ka talaga sa buhay ng seulrene 🙄
jaangwaang
882 streak #6
Chapter 21: rereading kasi nagets ko na sa wakas yung annalise kuting 😭😭😭😭😭
IZk1mjcw
#7
Chapter 21: ANNALISE KUTING 😭😭😭😭😭😭
Kylie_123 #8
Re-reading :DDDD
xantheaverielle
#9
Chapter 130: Will always, always be one of my faves. Laging nasa puso ko 'to. Salamat sa Elesi, author! ❤️‍🩹
alley1kenobi #10
Chapter 130: 🥹🥹