four

tell me how good it feels to be needed
Please Subscribe to read the full chapter

Akala ni Joy ay natuturuan ang puso, at kapag tapos mo na itong turuan, naniniwala siyang makakalimutan na nito ang lahat.


Masyado siyang nakampante sa paniniwala niya na alam niyang imposible.


Noong nakita niya ang incomplete pencil sketch ni Seulgi sa kaniyang canvas, napabitaw siya sa bagay na matagal na niyang pinanghahawakan. Wala na siyang kakapitan pa.


Iniangat ni Joy ang kaniyang kamay papunta sa harap ng sketch at dinama ang malalalim na guhit sa surface ng canvas. Dahan-dahan niyang inilakbay ang kaniyang daliri hanggang sa makarating siya sa mata ng pamilyar na babae.


Napangisi ito nang mapait na agad ding napalitan ng mapait na tawa. Hanggang sa humalakhak na wala namang kalaman-laman. Isa-isang nagsilabasan ang mga hikbing kanina niya pa pinipigilan. 


Pinigilan ni Joy ang mga maiingay na hikbi sa pagtakip nito sa kaniyang bibig, takot na baka marinig siya ni Seulgi na mahimbing na natutulog sa couch ng studio niya. Para siyang bata na inagawan ng candy ng kalaro niya.


Kahit walang kakulay-kulay ang sketch ng mukha ng babae, ramdam na ramdam ni Joy na galing sa puso ang pagguhit nito. Sa paglapat ng lapis sa ibabaw ng canvas ay ibang-iba sa kung paano siya iginuguhit ni Seulgi kapag magkasama sila. 


Tumingin siya sa kaliwang bahagi ng dingding ng studio at nakita ang self-portrait niya na iginuhit ni Seulgi. Wala sa sariling ipinagkumpara niya ito sa hindi pa tapos na pencil sketch ng mukha ni Irene. 


Doon siya nanliit sa sarili niya.


Ilang minuto siyang nanatiling tahimik na umiiyak habang nasa harapan pa rin ng canvas ni Seulgi. Tumayo ito at nagpunta sa kinaroroonan ng kaniyang girlfriend. 


Parang may sariling buhay ang kaniyang kamay na lumapat sa mainit na katawan ni Seulgi. Ibinaliktad niya ang basang towel na nakapatong sa noo nito at tinitigan ang maamong mukha ni Seulgi.


Ang daming tanong ang bumabagabag sa loob niya. Marami siyang gustong itanong kahit alam na niya ang sagot.


Sa loob ng tatlong taon, ngayon lang ipinaramdam ni Seulgi kay Joy na hindi pa siya sapat; na kahit kailan ay hindi niya malalagpasan ang nagawa sa kaniya ni Irene. 


Hinding-hindi siya magiging si Irene.


Naiwang nakatulala si Joy habang nagpapalipas ng oras. Hindi niya alam kung anong oras nakatulog si Seulgi kaya hinihintay niya itong magising para kainin ‘yung dinala niyang take-outs.


Inabot na siya ng alas quatro, hindi pa rin gising si Seulgi kaya yumuko na lang ito sa gilid ng kaniyang girlfriend at nagsimulang humimbing. 


Nagising din siya kaagad dahil sa posisyon niyang hindi kumportable para sa kaniya. Tumingin siya sa cellphone niya at napamura dahil nakakuha lang siya ng dalawang oras na tulog.


Tumayo ito at nagsimulang maghanap ng gamot sa studio. Hindi siya masyadong pamilyar sa lugar na ‘yun dahil hindi naman siya pumupunta ro’n. Hindi rin siya inaaya ni Seulgi.


Bigla siyang napatanong sa sarili kung magkaiba ba sila ni Irene. Kung marami bang alam si Irene tungkol kay Seulgi, marami ba siyang alam sa studio ni Seulgi, kung mas kilala ba ni Irene si Seulgi kaysa sa sarili niya.


Nagsimula siyang mag-over think. Naisipan niya lang gumalaw noong tumagos sa kurtina ang sinag ng araw na lumapat sa kaniyang mukha. Natutulala na naman siya.


Katulad kagabi, naupo na naman si Joy sa tabi ni Seulgi at tahimik na pinapanuod ang babae sa kaniyang pagtulog. Kahit hindi alamin ni Joy ang nangyari, alam niyang pinaghalong pagod at stress ang dahilan kung bakit nagkasakit si Seulgi.


Bago pa man ito maglagi sa kaniyang studio noong mga nakaraang araw, balisa na si Seulgi. Lagi niya itong naaabutang tulala tapos titingin sa cellphone niya paminsan-minsan na tila may hinihintay. 


Minsan naiisip niya kung may natitipuhan na bang iba si Seulgi, pero mas nanaig sa kaniya ang pagtitiwala sa kaniyang girlfriend. Alam niyang hindi gano’ng klaseng tao si Seulgi.


Hindi niya magagawang saktan si Joy.


O kung mangyari man, hindi ito hahanap ng iba para lang saktan ito. 


Nariyan parati si Joy sa tuwing kailangan siya ni Seulgi. Sa tuwing walang-wala si Seulgi. Ngayon ay pakiramdam niya’y lumalayo ito sa kaniya nang kusa kahit napakahigpit ng kapit niya.


Dapat ko pa bang higpitan ang pagkapit?


Natigil sa pag-iisip si Joy nang makita ang pagbukas ng mga mata ni Seulgi. Sa loob ng ilang segundo ay nagawa ng babae na pabilisin ang tibok ng puso niya.


“Seul.”


At nag-umpisa nang umarte si

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Varcenciel21
#1
Chapter 2: di ko yata kaya 🥲
akosizig #2
Chapter 3: nakakaexcite naman kung ano na magaganap between seulgi at irene (kung meron man) pero nakakaawa na so far si seulgi lang nakakaalala sa nangyari sa kanila >: also worried para kay joy dahil sa mga happenings AHHHHHH ( also yay nag update ka na ulit otor-nim! sana masarap ulam mo today <333 )
akosizig #3
Chapter 2: otor-niiim balik ka na poooo
svgktrn
#4
Chapter 1: Ramdam kong iuupdate mo to bukas
yujiverse
#5
Chapter 1: Continuation plz
yujiverse
#6
Chapter 1: Continuation plz
yujiverse
#7
Chapter 1: Continuation plz
yujiverse
#8
Chapter 1: Continuation plz
yujiverse
#9
Chapter 1: Continuation plz
yujiverse
#10
Chapter 1: Continuation plz