two

tell me how good it feels to be needed
Please Subscribe to read the full chapter

Naka-ilang canvas na ba si Seulgi?


Hindi na niya mabilang. Pati ang pagbuntong-hininga niya ay hindi na niya rin mabilang mula noong mag-umpisa siya sa pag-sketch ng ipipinta niya.


Napailing siya dahil wala siyang makuhang sagot nang tanungin niya kung bakit niya ginagawa iyon.


Bakit niya ipinipinta si Irene?


Lumibot ang kanyang mapupungay na mata sa kabuuan ng studio niya. Lagpas alas dos na ng madaling-araw at hindi pa rin niya natatawagan o na-me-message si Joy. Paniguradong nag-aalala ‘yun at nagtatanong kung nasaan siya.


Alam niyang alam ni Joy ang sagot, ayaw lang mag-assume ng babae. Wala nang ibang gustong puntahan si Seulgi kapag wala siyang ginagawa kung hindi ang magulong studio niya.


‘Yung studio niya na amoy pintura at puro kalat ang makikita. Ang mga maliliit na timba ng paints na umuukopa halos ng buong silid, sumunod ang mga canvas na may pintang hindi tinapos. 


‘Yung studio niya na lagi niyang pinipuntahan kapag malungkot siya o ‘di kaya’y masaya.


Pero madalas, kapag nakakaramdam siya ng pag-iisa. 


‘Yung studio niya na kahit puno ng makukulay na pintura ay nagmumukhang monochrome sa kaniya. Wala itong kabuhay-buhay na pwedeng maihalintulad sa mga mata niyang bibihira na lang kung abutin ng ngiti niya. 


‘Yung studio niya na dati ay punong-puno ng kulay dahil kasama pa siya ni Seulgi. 


Kumurap ang mga mata ni Seulgi nang marinig niyang mag-ring ang kaniyang telepono. Kahit hindi niya tignan ang caller I.D., alam niyang si Joy iyon. 


Hindi siya sumagot nang sagutin niya ang tawag.


“Seul?”


“Hm?”


“Nasaan ka?”


“Sa studio lang,” matamlay na sabi niya.


“Ginabi ka na naman.”


“May tinapos lang.”


“No’ng nakaraang araw ka pa may tinatapos,” narinig niya ang pagsilip ng inis sa boses ni Joy na inaasahan niya. 


“Malapit naman na.”


“‘Yan din ‘yung sabi mo sa ‘kin,” mapait na sabi ni Joy.


Hindi na kayang makipagtalo pa ni Seulgi dahil sa pagod at antok. 


“Bukas na lang tayo mag-usap,” may tapos sa tono ng boses niya.


Hindi umimik si Joy.


“Joy?”


Narinig na lang ni Seulgi ang sunod-sunod na pag-beep ng cellphone niya. Paniguradong mahaba-habang suyuan na naman ang gagawin niya, pero sanay na siya. 


Para nang kasama sa daily routine niya ang suyuin si Joy dahil kung hindi ito galit ay nagseselos ito. 


Kanino pa ba siya magseselos? Wala namang ine-entertain na ibang babae si Seulgi. Ilag si Seulgi sa mga tao. 


Kung may kaibigan man si Seulgi, mga katulad niya rin na babae rin ang hilig. Hindi uso sa kanila ang talo-talo. Sino pa ang pagseselosan ni Joy?


Tinitigang maigi ni Seulgi ang natapos niya ngayong araw. Ang details pa lang sa mga mata nito ang natapos niya bukod sa background na nag-contrast sa kulay ng balat ni Irene sa portrait. Napangiti si Seulgi.


Ibinaba niya ang paint brush at palette at parang zombie na naglakad papunta sa sink na may malaking salamin. Tinignan ni Seulgi ang sarili at nakita niya ang lumalalim niyang mga mata na may kulay itim sa bandang baba.


Wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang bumuntong-hininga. 


Hindi dahan-dahan ang pagtanggal niya ng mga mantsa ng pintura sa palad, braso, at damit niya dahil nagmamadali na siya kahit wala nang sense ang pagmamadali niya dahil galit na si Joy. Kung bakit ba kasi pumayag siya na magsama na sila sa iisang condo unit. 


Simula noong magsama sila ay limitado na ang mga galaw ni Seulgi. Mula sa mga dapat niyang gawin sa bahay hanggang sa oras ng uwi niya kapag galing siya sa labas o sa trabaho. Bihirang lumabas si Seulgi sa bahay for work dahil kaya niya namang gawin ito sa bahay lang. 


Naiinis si Seulgi sa setup pero wala siyang magawa. Pagod na siyang makipagtalo palagi kay Joy na ang gusto ay makuha o masunod lagi ang gusto niya. Pagod na siyang makipagtalo kasi alam niyang siya palagi ang talo. Walang saysay ang pagsasayang niya ng laway kung gano’n katigas ang kaharap niya. 


Napapikit si Seulgi sa inis nang hindi niya matanggal ang mantsa ng pintura. Binalibag niya ang towel sa gilid sa sobrang inis bago humugot ng malalim na hininga. Pagod na siya at alam niya ‘yun, pero bakit hindi pa rin siya tumitigil?


Iniisip niya kung sa couch sa studio siya matutulog dahil baka hindi na niya kayanin ang pag-drive sa sobrang antok. Iniisip niya si Joy na naghihintay sa kaniyang pagbalik at galit pa rin. 


Sa huli, sinunod niya ang gusto niya. Sinunod niya kung ano ang tama dahil ayaw niyang mapahamak dahil lang sa kaantukan habang nagda-drive. 


Hininaan ni Seulgi ang air conditioner dahil kahit wala no’n ay nilalamig pa rin siya. Ilang araw na siyang puyat at hindi kumakain sa tamang oras kaya malamang ay sumuko na ang katawan niya. Inaapoy sa lagnat si Seulgi at mag-isa lang siya. Itutulog niya na lang. 


Pero hindi siya hinayaang makatulog ng mga ala-ala niya sa nakaraan. 


Simula noong pagpasok ni Irene sa isip niya noong mga araw na hindi niya inaasahan, hanggang sa nalaman niyang may gustong bumili ng paintings niya na naka-display sa museum. Tinanong niya kung sino ang interesado at nawala siya sa katinuan noong malaman niyang si Bae Joohyun. 


Hanggang ngayon ay ginagambala pa rin siya ng mga ala-alang hindi niya makalimutan dahil wala siyang balak kalimutan. 


Ang mga ala-alang natira na lang nila ang mayroon siya. Wala na si Irene sa kaniya. Pati sa puso ni Irene, wala na siya. Pati sa isip, wala na rin. Hindi na alam ni Seulgi kung saan pa siya dapat lumugar dahil alam niyang wala na siyang pwesto. 


Noong mga panahong naghahanap siya ng makakapitan, wala siyang mahawakan dahil wala siyang makapa sa dilim. Hanggang sa tuluyan na lang siyang makabitaw, wala pa ring sumalo sa kaniya. 


Hirap siya noong mga araw na naghahanap siya ng mga sagot sa mga katanungang nanatili pa ring tanong. Wala siyang makuhang sagot dahil wala nang alam si Irene. 


Hindi niya ito malapitan dahil natatakot siya na sa pagkakataong maitanong niya rito kung naaalala niya pa ba si Seulgi ay marinig niya ang mga salitang, “Sino ka?”, “Anong pangalan mo?”, at “Kilala ba kita?”. Takot na takot siya na umabot sa puntong hindi niya dinalaw si Irene sa hospital matapos ang aksidente. 


Sa pagtunog pa lang ng telepono niya ay alam niyang may masama nang balitang sasabihin ang kapatid ni Irene na si Yeri. Aminado na siya rito at hindi siya natakot harapin ang katotohanan na iyon. Takot lang siyang malaman na tama ang hinala niya.


H

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Varcenciel21
#1
Chapter 2: di ko yata kaya 🥲
akosizig #2
Chapter 3: nakakaexcite naman kung ano na magaganap between seulgi at irene (kung meron man) pero nakakaawa na so far si seulgi lang nakakaalala sa nangyari sa kanila >: also worried para kay joy dahil sa mga happenings AHHHHHH ( also yay nag update ka na ulit otor-nim! sana masarap ulam mo today <333 )
akosizig #3
Chapter 2: otor-niiim balik ka na poooo
svgktrn
#4
Chapter 1: Ramdam kong iuupdate mo to bukas
yujiverse
#5
Chapter 1: Continuation plz
yujiverse
#6
Chapter 1: Continuation plz
yujiverse
#7
Chapter 1: Continuation plz
yujiverse
#8
Chapter 1: Continuation plz
yujiverse
#9
Chapter 1: Continuation plz
yujiverse
#10
Chapter 1: Continuation plz