one

tell me how good it feels to be needed
Please Subscribe to read the full chapter

Habang siya ay nakatingin sa isang malaking painting sa harap niya, ako naman ay nakatingin sa likod niya. 

 

 

Ang mga paa niya’y magkadikit. Nakakapit ang kaniyang kamay sa strap ng shoulder bag niya habang bahagyang nakatingala sa makulay na painting. 

 

 

Naglalaro ang kaniyang mga daliri sa gilid ng kaniyang hita habang mahinang kinakanta ang paborito niyang kanta na naging paborito ko rin. 

 

 

Ipinuwesto ko ang camera sa aking kaliwang mata; hinanapan ko siya ng magandang anggulo bago ko siya kuhaan ng litrato. 

 

 

Maganda pa rin siya kahit nakatalikod. 

 

 

Mas maganda pa siya sa painting na nasa harapan niya. 

 

 

Ni-review ko ang kuha ko habang busy pa rin siyang nakatingala sa painting. Naka-zoom nang kaunti yung picture sa bandang mukha niya. Automatic na nag-form ng smile ‘yung labi ko. 

 

 

Naramdaman ko ang malamig mong palad na dumaplis sa balat ko bago mo sinukbit ang iyong braso sa braso mo. Hilig niya na yata ‘yan kahit no’ng hindi pa kami. 

 

 

Akala niya kasi parati akong mawawala sa tabi niya. Gusto niya akong katabi o kasama kahit anong oras. 

 

 

Anong karapatan kong magreklamo? Gusto ko rin naman. 

 

 

“Saan tayo kakain?” malambing na tanong mo habang nakatingin nang diretso sa akin. 

 

 

“Kain ulit? Kakakain mo lang,” sabi ko nang hindi tumitingin sa’yo, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na halikan ka kasi sobrang adorable mo. 

 

 

Bumalik ka sa dating pwesto mo. “Kanina pa tayo rito sa National Museum, hindi ka ba nagugutom?”

 

 

“Hindi.”

 

 

“Ilibre mo ‘ko since pinilit mo na naman akong sumama sa’yo rito,” umirap siya habang sinasabi ‘yon. Wala akong nagawa kung hindi ang umiling. 

 

 

Kahit naman hindi mo sabihin, gagawin ko pa rin. 

 

 

Yumuko ako at nakitang sabay ang paghakbang ng aming mga paa habang naglalakad. 

 

 

Napangiti ako bigla.

 

 

Kahit na maliit na bagay, basta involve ka, napapasaya ako. 

 

 

“Tayo ka riyan,” utos ko sa kaniya.

 

 

“Saan?” 

 

 

“Sa tabi niyan,” turo ko sa statue na nakapuwesto sa bandang sulok ng room. Tinulak ko pa siya nang bahagya kasi ayaw pa niyang pumwesto. 

 

 

Ayaw niya kasi sa museums. Hindi niya raw alam, ang creepy raw ng vibe sa loob. Feeling niya raw nasa horror house siya sa Enchanted Kingdom kaya kung makalingkis sa akin, akala mo mawawalang bata. 

 

 

“Ang dami mo talagang alam,” pamaktol siyang nagmartsa papunta sa tabi ng statue at pilit na ngumiti.

 

 

Ang saya niya talaga inisin, never akong na-disappoint sa reactions niya kapag iinisin ko siya. 

 

 

Walang pagdadalawang-isip na kinuhaan ko siya ng litrato sa gano’ng itsura niya na lalo niya namang kinainis.

 

 

“Sinabi ko bang go na?!” gigil na tanong niya. Kung hindi lang talaga masyadong maraming tao sa loob ng museum, kanina pa ‘yan nagsisisigaw. Kaso mahihiya ‘yan kapag nag-echo boses niya.

 

 

Tumawa ako dahil hindi ko na talaga mapigilan. Halos hindi na maipinta ang kaniyang mukha dahil sa inis. Kahit na medyo dim ang paligid at hindi ko maaninag nang maayos ang kaniyang mukha, alam kong namumula na ito.

 

 

“Hindi na, game na,” pigil-tawa kong sabi. Nag-360 na naman ang kaniyang mata kaya nanahimik na ko sa gilid at agad na pinorma ang camera sa mata ko. 

 

 

At nakuhaan ko na naman ng litrato ang pinakamagandang tao sa buhay ko. 

 

 

I would literally risk everything for Irene. Kahit ano. The sense of thinking twice would vanish when it comes to her. Gagawin ko ang lahat, makita lang ang ngiti niya. 

 

 

Gano’n din kaya siya sa akin?

 

 

Nangingiti akong yumuko para tignan ang litratong katulad ng iba kong kuha sa kaniya—palaging maganda. Mahaba ang kaniyang nguso no’ng lumapit siya sa akin tapos niyakap ako mula sa aking gilid. Ipinatong niya ang kaniyang pisngi sa aking braso.

 

 

“Okay na ba?” malambing na tanong niya. Tango lang ang naisagot ko dahil busy pa rin akong nakatitig sa mga litrato niya. “Happy ka ba today?”

 

 

Natigilan ako. 

 

 

Masaya nga ba ako?

 

 

Kailan ba ako hindi sumaya kapag kasama ko siya?

 

 

Ano nga ba ang definition ng kasiyahan sa akin?

 

 

Kapag kasabay ko siyang kumain, masaya ako. Minsan, gigising akong may nakahanda nang pagkain sa lamesa. Nagluluto siya before pumunta sa work niya. 

 

 

‘Pag nagising naman akong naabutan siyang nagluluto, ang unang gagawin ko ay yakapin siya mula sa kaniyang likod tapos isisiksik ko ‘yung mukha ko sa leeg niya. Magagalit siya sa akin kasi hindi na niya makita ‘yung niluluto niya.

 

 

Sisigaw siya kapag kiniliti ko siya habang nagluluto. Hindi ko kasi mapigilan ‘yung sarili ko kasi ang cute-cute niya ‘pag naka-purple siya na apron na may bunny na naka-embroidered. 

 

 

Minsan, sinusubukan kong umidlip habang nakayakap sa kaniya. Kapag nahuli niya ako, manenermon siya na kesyo puyat ako nang puyat kasi busy ako kakabili ng pictures sa OnlyFans. Baliw talaga.

 

 

Titili siya kapag pinapaulanan ko ng wet kisses ‘yung leeg niya. Hindi niya naman kayang ihiwalay ‘yung katawan ko sa katawan niya, kaya hinahayaan niya na lang ako.

 

 

Masaya ba ako?

 

 

Oo, masaya. Masayang-masaya. 

 

 

Lalo na kapag naiinis siya kasi pipilitin ko na naman siyang sumama sa akin sa museum. Masaya ako kapag kasama ko siya sa mga lugar na gusto kong puntahan nang kasama siya. 

 

 

Masaya ako kapag hinahalikan niya ang noo ko bago kami matulog. Kapag hina-hum niya ‘yung paborito naming kanta para makatulog ako, masaya ako. 

 

 

Masaya ako kapag siya ‘yung muse ko sa mga painting ko. Doon ko nakikita kung gaano talaga kaganda ‘yung ngiti niyang kahit kailan ay hindi ko pagsasawaan. ‘Yung ngiti na kahit saan man ako magpunta, hahanap-hanapin ko. 

 

 

Masaya ako kapag naaalala niya ‘yung mga ayaw at gusto ko sa isang bagay. Hindi man big deal ‘yun para sa kaniya, ginagawa niya pa rin para sa akin. 

 

 

Kapag nagkukwento siya tungkol sa araw niya, masaya ako. Lalo na kapag may natulungan siya. Iba ‘yung ngiti niya kahit pagod siya. Inaasar ko nga ‘yun minsan na magmadre na lang siya sa sobrang bait niya, e

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Varcenciel21
#1
Chapter 2: di ko yata kaya 🥲
akosizig #2
Chapter 3: nakakaexcite naman kung ano na magaganap between seulgi at irene (kung meron man) pero nakakaawa na so far si seulgi lang nakakaalala sa nangyari sa kanila >: also worried para kay joy dahil sa mga happenings AHHHHHH ( also yay nag update ka na ulit otor-nim! sana masarap ulam mo today <333 )
akosizig #3
Chapter 2: otor-niiim balik ka na poooo
svgktrn
#4
Chapter 1: Ramdam kong iuupdate mo to bukas
yujiverse
#5
Chapter 1: Continuation plz
yujiverse
#6
Chapter 1: Continuation plz
yujiverse
#7
Chapter 1: Continuation plz
yujiverse
#8
Chapter 1: Continuation plz
yujiverse
#9
Chapter 1: Continuation plz
yujiverse
#10
Chapter 1: Continuation plz