Simula at Wakas

Ang Istorya Natin

Kaya ko pa.

Yan ang mga salitang pauli-ulit kong sinasabi sa aking sarili. Araw-araw, oras-oras, minu-minuto, kailangan kong paniwalain ang aking sarili na kaya ko pa, kakayanin ko pa. 

"Wan, are you okay?"

Mga salitang palagi mong tinatanong sa akin. 

"Of course, why wouldn't I? You know I can handle this, right?"

Palagi kong sagot sa'yo.

"Are you sure? You know, pwede mong sabihin sakin kahit na ano. Hindi mo kailangang harapin lahat ng mag-isa. I'm your girlfriend, Wan and I will always be here for you no matter how hard things will be."

 



Mapait na napangiti si Seungwan habang sumisimsim ng mainit na kape.

"So, when are you planning to publish this as a book?"

Ibinababa naman ni Seungwan ang hawak na tasa ng kape bago sagutin ang kaibigan.

"Never?" Simple nyang sagot ang saka tipid na ngumiti.

Pumalatak naman ang kaibigan nya dahil sa naging sagot nya at saka humalukipkip. "What? Really? This could be one of your best-seller books at baka mas makilala ka pa dahil dito. C'mon Wannie, what's stopping you?"

"It's too personal, Seul and hindi pa ko handang maging talk of the town dahil sa naging failed relationship ko." Paliwanag nito sa kaibigan.

Sandali namang napaisip si Seulgi at saka bumuntong-hininga at sumandal sa kinauupuang sofa. "Well, you have a point. I can also imagine kung gaano karaming offers ang makukuha mo para sa movie adaptation nito kung sakali. You know what's also possible?"

Kunut-noo namang tinitigan ni Wendy ang kaibigan at hinintay ang kasunod nitong sasabihin. 

"She can be the lead star and when that happens, it will be so ing epic!" Pagpapatuloy ni Seulgi at pumalakpak pa na para bang isang napaka-bright na idea ng naisip nya.

Inirapan naman sya ni Seungwan dahil dito.

"What? Possible naman yun ah since she's one of the most sought-after actresses of this generation and your books' movie adaptation are always a hit."

"Nye, nye. As if that's ever gonna happen. Nakakalimutan mo na ata kung ilang beses nya nireject na maging lead sa movie adaptation ng mga sinulat kong libro."

"I did not pero malay mo, ito lang pala yung makapagpapayag sa kanya."

"Which I will never publish so cut it, Seul. I will never publish this. Not today, not tomorrow and not ever." May pinalidad nyang sagot at saka sumimsim ulit sa mainit nyang kape.

Pinaningkitan naman sya ng mata ng kaibigan.

"Don't tell me... di ka pa nakakamove on?"

Naibuga naman bigla ni Seungwan ang iniinom na kape kaya tumapon ang ilan sa suot nyang puting t-shirt.

"What the hell, Seul?!" Gulat nyang tanong sa kaibigan.

"Oohhh... looks like someone has been lying these past two years, huh?" Pang-iintriga sa kanya ng kaibigan.

"The hell? Pinagsasabi mo dyan?" Inis nyang tanong habang pinipilit na punasan ang natapong kape sa damit nya. "Nakamove on na ko, okay? I'm happy now."

"Weh? Tingin nga nung happy?" Pang-aasar ni Seulgi sa kanya kaya sinamaan nya ito ng tingin.

"Alam mo, magsi-cr na nga lang muna ko para alisin to. Wala kang kwenta kausap eh." 

"Uyy, tumatakas sa topic."

"Gago!" Mura ni Seungwan sa kaibigan at saka tumayo at nagtungo sa cr. Pagkapasok ay agad syang dumiretso sa lababo sabay kuha ng panyo sa bulsa. Binasa nya ang isang parte nito at nilagyan pa ng handwashing soap. 

"Bwisit talaga to si Seulgi eh." 

Habang pilit na tinatanggal ang mansta sa puting t-shirt ay bigla nyang naalala ang sinabi ng kaibigan.

"Don't tell me... di ka pa nakakamove on?"

"Tss... baliw talaga." Aniya habang napapailing pa.

 

 

 

 

"Seungwan... I... I think we need space."

"Space?" Natatawang tanong ni Seungwan. "We need nga ba or baka ikaw lang?"

"Seungwan..." Sinubukan nitong hawakan ang kamay ni Seungwan ngunit agad ding umiwas ang huli.

"I don't need space. I need you."

 

 

 

 

"Oh, ba't natagalan ka?" Agad na tanong ni Seulgi pagkabalik nya galing sa cr.

"Tapunan ko kaya ng kape yung damit mo para alam mo kung gano kahirap tanggalin yung mantsa. Tsk! Lagot na naman ako nito." Inis na sabi ni Seungwan.

Tumayo naman si Seulgi at kinuha ang flannel shirt na nakasabit sa armrest ng sofang inuupuan ni Seungwan at saka inabot sa kanya.

"Oh, suot mo muna yan kasi kitang-kita ko yung pagkatao mo dahil sa pagkakabasa ng damit mo." 

Agad namang napatingin si Seungwan sa basang parte ng damit nya at nang mapansin nyang naging see through ito, dali-dali nyang ipinantakip ang flannel shirt na inabot ng kaibigan.

"Thanks." Aniya matapos matakpan ang sarili.

Nagkibit-balikat naman si Seulgi bilang sagot.

"So, what do you think? Okay na ba na ipasa ko sya ngayon sa publishing company or may isasuggest ka pang dapat kong irevise?" Pagtutukoy nito sa sinulat na manuscript.

"Hmm... okay naman sya pero I like the other story better. Why don't you just submit it intead?"

"I've told you already, there's no way in hell na gagawin ko yun. It's like my diary. That's how personal it is."

"Then why did you let me read it?"

"Kasi sinusumbat mo sakin yung five years na pagkakaibigan natin."

"Well, may point naman ako. Hanggang ngayon nga hindi mo pa kinukwento yung tungkol sa nangyari sa inyo eh. Ang tanging alam ko lang is iniwan ka nya. All this time akala ko simple lang yung naging paghihiwalay nyo not until nabasa ko yung sinulat mo. Damn, Wannie! Trust me, it's gonna be a hit."

"But Seul---"

"Hep!" Putol ni Seulgi sa kung ano mang sasabihin ng kaibigan. "Wannie, it's okay to share something personal to your fans. May ibang writers na gumagawa nun."

"Yeah pero hindi ba disrespectful yun para sa kanya? I mean, this is her story too, our story actually. I will need to seek for her permission before I decide to publish it which means that I will have to contact her and talk to her. You know I can't do that."

"Why not? Akala ko ba naka-move on ka na?"

"Oo pero hindi mo naman maiaalis sakin na makaramdam parin ng sakit at galit dahil sa nangyari. She was my first girlfriend and hindi naman din biro yung four years na relasyon namin. I loved her, Seul. I was more than willing to give up everything for her. Kahit nga ata bala sasaluhin ko para sa kanya eh kaya lang..."

" happened." Pagtutuloy ni Seulgi.

Mapait na ngumit si Seungwan. "Yeah, happened and parang sinabi talaga samin ng tadhana na hindi kami para sa isa't-isa. We tried, at least I did but one person's effort will never be enough to save a relationship. Naramdaman ko namang minahal nya ko pero gaya nga ng sabi sa isang kanta, sometimes love just ain't enough."

 

 

 

"We can still save us, right? I promise I'll be better, for you, for your friends, for your family. Just please, please stay." Pagmamakaawa ni Seungwan.

"I'm sorry, Wan pero hindi naman ikaw yung problema eh. Ako." Huminga pa ito ng malalim bago nagpatuloy. "Ako yung pagod na. Ako yung may hindi na kaya. At first akala ko kaya ko pang maging malakas para sayo pero ang hirap pala eh. Wala na yung dating ikaw." Sa pagkakataong ito ay inabot nyang muli ang mga kamay ni Seungwan at hinawakan. "Sinubukan kong intindihin na isang araw babalik din yung dating ikaw. I've waited for days, weeks, months at hanggang sa umabot na nga ng taon. I tried Seungwan, believe me pero hindi na bumalik yung dating ikaw."

"B-but, I thought you said that you'll be stronger for us so that I can be weak?" 

"I did, didn't I?" Inabot nito ang pisngi ni Seungwan at pinunasan ang mga luhang nagsisimula na sa pagtulo. "Pero sana maintindihan mo na kailangan mo ring lumaban para satin."

Mapakla namang tumawa si Seungwan at mahinang hinawi ang kamay ng kausap na nakahawak sa pisngi nya. "Hindi ba kaya nga ako ganito dahil sa kakalaban para satin? You know how I suffered para lang matanggap ng mga kaibigan at pamilya mo. For four ing years, tinanggap ko kung pano nila ko titigan ng may pandidiri sa mga mata. For four ing years, tinanggap ko kung pano nila ako idisregard sa mga gatherings nyo. For four ing y-years, hinayaan kong iset up ka nila sa mga anak ng business partners nila kasi wala kang choice diba? Ang sabi mo konting pag-intindi pa kasi mapapagod din sila at balang araw matatanggap din nilang babae yung pinili mo. I've waited and endured everything for you pero nauubos din naman ako. Sa apat na taon na yun, naubos ako kaya hindi ba pwedeng magpahinga? Sa totoo lang, hindi ko na makilala yung sarili ko eh kasi sa apat na taon na yun, unti-unti akong pinapatay ng mga taong mahalaga sayo."

 

 

 

"Earth to Wannie!" Sigaw ni Seulgi at pinapitik pa ang dalawang daliri sa harap ng kaibigan.

"H-ha?" Naguguluhang tanong ni Seungwan.

"Hayy, naku... tulala ka na naman. Ano bang iniisip mo?"

"A-ah, wala. May bigla lang akong naisip." 

"Ano nga?"

"Wala nga."

Pinaningkitan naman sya ulit ng mga mata nito. "Naglilihim ka na ba sakin ngayon?"

"Using the bestfriend card against me again, huh?"

"Well, gumagana ba?"

Mahina namang natawa si Seungwan at saka humalukipkip at sumandal sa upuan. "I was thinking about her."

Kitang-kita naman ni Seungwan kung pano nanlaki ang singkit na mga mata ng kaibigan.

"You what?! Are you... are you thiking about getting back with her?!" Gulat na gulat nitong tanong.

"Of course not!" Agad na depensa ni Seungwan. "Iniisip ko lang yung nangyari samin and kung dapat pa ba kaming mag-usap gaya ng sabi mo."

"Err... Can you explain more?" 

Napailing naman si Seungwan dahil dito. "I'm considering on publishing our story." 

"For real?!"

"Yeah." Simpleng sagot ni Seungwan.

Pumalakpak naman si Seulgi at napasuntok pa sa ere dahil sa saya. "Hell, yeah! But wait, are you sure with this? I mean, kakausapin mo ulit sya after three years. Ready ka na ba dun?"

Tumango naman si Seungwan. "Handa naman na ako pero hindi ko lang alam kung pano. We had a very bad break up. Baka nga galit sya sakin eh."

"Galit? Sya pa talaga?" 

"Seul, karapatan nya yun kung magalit man sya."

"Not when she's the one who broke up with you."

"But I said nasty things to her."

"Point taken but still, hindi mo kasalanan."

Bumuntong-hininga naman si Seungwan at napatingin sa cellphone nya nang tumunog ito. 

"Papunta na raw sila Joy dito." Pag-iimporma ni Seungwan sa kaibigan pagkatapos basahin ang natanggap na text message.

"With Yeri?" Tanong ni Seulgi.

"I think so pero wait, bakit sakin nagtitext si Joy? Did you guys fight?" Pag-uusisa nya. Bigla namang napanguso ang kaibigan dahil dito.

"N-nakalimutan kong anniversary namin ngayon. Masyado kasi akong na-excite nung sabihin mo saking natapos mo na yung manuscript mo eh." 

"It makes sense." Sagot nito habang tumatango-tango. "Anyway, order muna ko ng drinks nila ah." Paalam nito at tumayo na para pumunta sa counter ngunit bigla ring huminto at lumingon sa kaibigang nakanguso parin hanggang ngayon. "Seul, I'll be praying for your soul. I think you should too." Pang-aasar nya sa kaibigan at kumindat pa dito.

"Wannie! Di ka nakakatulong!" Reklamo nito na tinawanan lang ni Seungwan. 

 

 

 

 

"So ito yung reason kung bakit ka atat na makipaghiwalay sakin?" 

Agad ipinakita ni Seungwan ang litratong nasa cellphone nya.

"Ito ba yung totoong dahilan mo? Tang ina, sana sinabi mo nalang at hindi yung kung anu-ano pang dinahilan mo sakin!"

"Seungwan, let me explain." Pinilit nitong abutin ang kamay nya ngunit agad na umiwas si Seungwan.

"Anong kasinungalingan pa ba ang sasabihin mo?!"

"It's not what you think!" Tumaas narin ang tono ng boses nito.

"Then what?! Sasabihin mo ba sakin ngayon na magkaibigan lang kayo kaya kayo magkahalikan sa litrato? Or baka naman sasabihin mo saking magpinsan lang kayo at sobrang close nyo lang to the point na nakakadiri na kayong---"

Hindi na naituloy ni Seungwan ang sasabihin nang bigla syang sampalin nito.

"S-seungwan, I'm sorry---"

"No." Pigil nya nang subukan sya ulit hawakan nito. "Alam mo kung ano yung mas masakit? Yung nilubog ko yung sarili ko para lang isalba yung relasyon natin. Lumaban ako para sa relasyong susukuan mo lang din. Apat na taon pero tinapos mo lang yun ng isang kasinungalingan. Hindi ko ba deserve ng katotohanan?" 

"No, Seungwan, it's not like that."

"Then ano? Gulung-gulo na ko eh. Hindi ko na alam kung ano pa bang ipapaliwanag ko sa sarili ko sa tuwing gigising ako sa umaga na wala ka na. Ano bang kulang? Ano bang mali? Kaya ko namang gawin lahat para sayo eh, sabihin mo lang."

Tuloy-tuloy na sa pagtulo ang mga luhang kanina nya pang pinipigilan. 

"I'm sorry, Seungwan. I'm sorry."

Sa kabila ng mga luhang wala atang balak na tumigil, napangiti sya ng mapait.

"Sorry? Yun lang ba ang kaya mong sabihin sakin?" Huminga sya ng malalim dahil parang naninikip na ang dibdib nya sa sakit na nararamdaman.

"I-I don't know w-what to explain. Hindi ko sinasadyang saktan ka, Seungwan, believe me. Nagkataon lang na nung mga panahon na hinahanap mo yung sarili mo, nandyan sya para sakin. Sa tuwing kailangan kita, sya yung nandyan. Sa tuwing napapagod ako dahil sa mga mental breakdowns mo, nandyan sya para sabihin saking magiging maayos din ang lahat. Binigay nya sakin yung nawala sayo, yung hinahanap-hanap ko sayo. Sinabi mong kailangan mo ko pero sana maintindihan mong kailangan din kita. Lumaban ako, Seungwan. God knows how hard I tried pero hindi ako kasing lakas tulad ng inaakala mo."

"And you think that's fair?"

"No, and it will never be kaya nga I'm really sorry. I'm really really sorry, Seungwan. I'm sorry." 

Pinanood lang ni Seungwan kung pano unti-unting napaupo ang kausap habang nakatakip ang mga kamay sa mukha nito. Pinanood nya lang kung paanong gumalaw ang mga balikat nito dahil sa pag-iyak. Alam nya sa sariling dapat nya itong daluhan ngunit sa halip ay ikinuyom nya ang mga kamay at tumalikod.

"Kahit ilang sorry ang sabihin mo, hindi nun maaalis ang katotohanang naging mahina ka sa mga panahon na kailangan kita. And you know what's bull? Yun yung mahal mo lang ako kasi convenient sayo." Marahas nyang pinunasan ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata nya. "Tang ina lang kasi hindi kita ganun minahal eh. Tang ina lang din na kahit sinasaktan mo ko ngayon, mahal na mahal parin kita." Hinawakan nya ang dibdib nang maramdaman nyang bigla itong kumirot. "Mahal na mahal kita pero hindi ko na kayang ipaglaban ka kasi hinding-hindi na ako mananalo pa. Be well. I hope the best for the both of you. Goodbye, love."

Gamit ang natitirang lakas, pinilit ni Seungwan na ilakad ang mga paa palayo sa taong naging mundo nya sa loob ng apat na taon. Ngayong wala na ito, hindi na alam pa ni Seungwan kung san sya papadparin ng mga paa. 

 

 

 

"Here you go." Anunsyo ni Seungwan nang ilapag nito ang mga orders.

"Wow! Unnie, salamat dito ah." Masayang sabi ni Yeri.

"Hoy, anong salamat? Akala mo ba libre yan?" 

"Nye nye! Ikaw ba nagbayad? Hindi naman diba? Seulgi unnie, lambingin mo nga tong girlfriend mo. Kanina pa to parang napagkaitan ng pagmamahal eh."

"H-ha?" Gulat na tanong ni Seulgi habang nakaupo na parang batang napagalitan ng nanay.

"Ha? Hamburger. Kanina ko pa napapansing hindi kayo nagpapansinan ah? Nag-away ba kayo nito ni kapre?"

"Sinong tinatawag mong kapre?" Tumayo pa si Joy at parang susugarin na si Yeri nang pigilan sya ni Seulgi at hawakan sa baywang at braso.

"B-babe, nagbibiro lang naman yan si Yeri. Hayaan mo na." 

Tinitigan naman sya ng masama ng girlfriend kaya dahan-dahan syang napabitaw dito ay yumuko.

"Eww... bottom." Komento ni Yeri habang sumusubo ng blueberry cheesecake.

 

Napapailing nalang si Seungwan habang pinapanood ang tatlo. Wala talagang araw na hindi nagtalo ang dalawang pinakabata sa grupo nila at lagi namang naiipit ang kaibigang nyang si Seulgi sa tuwing susubukan nitong umawat.

 

Agad namang napalingon si Seungwan nang maramdaman ang mahinang pagpisil sa kamay nya.

"You okay?" May pag-aalalang tanong ng katabi nya.

Matamis namang syang sinuklian ng ngiti ni Seungwan. "Of course, Hyun. Why?" Tanong nya pabalik.

Hinawi naman nito ang ilang buhok na tumatabing sa mga mata nya at sinubukang ilagay sa likod ng tenga nya. "Your eyes look tired. Nagpapabaya ka ba ng tulog?" 

Inilapit naman ni Seungwan ang mukha dito at hinalikan ito sa ilong. "I'm fine lola Joohyun. Kailangan ko lang talagang tapusin agad yung manuscript ko kasi nagmamadali na yung publishing company pero natutulog naman ako."

"Hindi yun yung sinasabi ng mga eyebags mo." Seryoso nitong sabi at nakataas pa ang isang kilay.

"I'll sleep more, promise. Kung gusto mo, dun ka pa sa condo magstay para makasigurado ka eh." 

Bigla namang sumilay ang masayang ngiti sa mga labi ni Joohyun. "Hmm... okay." Agad na pagpayag nito at pinisil pa ng mahina ang ilong nya. 

"Ehem!" 

Napalingon naman ang dalawang magkasintahan sa pinanggalingan ng boses.

"Uhmm... Pasensya na kung nakakaabala kami sa inyong dalawa ah pero baka nakakalimutan nyong hindi kayo yung nagce-celebrate ng anniversary ngayon?"

"So?" Mataray na tanong ni Joohyun.

"So Joohyun unnie, respeto naman dito sa dalawa lalo na kay Sooyoung kasi mukhang papatay na ng tao sa inggit sa inyong dalawa." Paliwanag ni Yeri.

Bigla naman syang binato ng straw nito. Hindi naman agad nakaiwas si Yeri kaya tumama ang straw sa damit nya at nagmantsa dahil sa frappe na iniinom ni Joy.

"Holy sh*t! Sooyoung!" Eskandalosa nyang sigaw.

"Serves you right. Anyway, san nyo gustong pumunta pagkatapos nito?" 

"Hmm... Camping?" Suggestion ni Joohyun.

"No, thank you unnie. Any other suggestion?" Tanong ulit ni Joy.

 

Nagpatuloy naman sila sa pag-iisip ng dapat puntahan habang patuloy lang si Yeri sa pagpupunas ng namantsahang damit at nagsasalita pa ng kung anu-anong magic spells.

 

"So, it's settled then. Theme park na tayo?" 

"Yes." Sabay na sabi ni Seulgi at Seungwan. 

"Pero oo nga pala. Kailangan ata muna bumili ng bagong damit nila Yeri at Seungwan bago tayo pumunta dun." Suggestion ni Seulgi.

"Ha? Si Yeri oo pero bakit pati si Seungwan?" Takang tanong ni Joohyun.

"Kasi natapunan ng kape yung damit nya. Ayan oh, nasa banda dibdib." 

Napatingin naman si Joohyun dito at naningkit ang mata. Napalunok naman si Seungwan at saglit na sinamaan ng tingin ang kaibigang inosenteng nakatingin din sa kanya.

"Yah, Seungwan." 

Dinig nyang tawag sa kanya kaya napalunok syang muli bago sumagot.

"Y-yes, Hyun?" Nauutal nyang sabi.

"Alam mo ba kung gano kahirap maglaba lalo na ng puting damit?"

"A-ah, ano kasi eh. Ano... tutulong nalang ako."

"Sa tingin mo hahayaan kita? The last time na tumulong ka, natapon mo yung fabric conditioner ko and I will never allow that to happen again. EVER." May diin nitong sabi kaya mas lalong kinabahan si Seungwan.

"S-sorry, Hyun. Si Seulgi kasi eh!" Paninisi ni Seungwan sa kaibigan sabay turo pa dito kaya napatingin si Joohyun.

"Anong ako? Bakit ako?" Inosenteng tanong ni Seulgi.

"Ginulat mo ko kanina kaya natapon ko yung kape!"

"Hindi kita ginulat! Binanggit ko lang si Sejeong tapos nasamid ka na agad!" 

Nanlaki naman ang mga mata nila Joy at Yeri sa narinig. 

"Ahh... So si Sejeong pala. Okay, ngayon alam ko na."

Bigla namang napatakip ng bibig si Seulgi nang marealize ang sinabi dahil sa naging reaction ni Joohyun.

"U-unnie, mali yung iniisip---" Sinubukan nya pang magpaliwanag ngunit itinaas agad ni Joohyun ang kamay para patigilin sya.

"No, Seul it's okay. Okay lang kung pag-usapan nyo ng pag-usapan si Sejeong. Okay lang din kung mukhang apektado parin tong bestfriend mo dahil sa first love nya. Mahirap nga naman talagang kalimutan yun. You know what, naalala kong may gagawin pa pala ako. Hindi na pala ako makakasama. Enjoy nalang kayo guys." Pagkasabi nya nito ay kinuha na nya ang wallet at cellphone at saka tumayo at naglakad palabas ng coffee shop.

"Hyun!"

"Unnie!"

Sinubukan naman syang pigilan ng apat ngunit parang wala itong narinig at tuloy-tuloy lang sa paglalakad.

Tumayo naman si Seungwan para habulin ito ngunit nilingon muna nya ang bestfriend na bakas ang guilt sa mukha. "Wala kang libreng autograph sakin." 

"Pero Wannie---!" Hindi na nya natapos ang sasabihin nang magmadaling tumakbo si Seungwan para habulin ang girlfriend.

 

"Hyun!" Tawag ni Seungwan dito. "My love, my dear, my best!" Dagdag nya pa.

Bigla naman huminto si Joohyun at lumingon sa kanya ng may nakamamatay na tingin.

"Love? Did you just call me love?"

Uh-oh! Yung bunganga mo talaga Seungwan kahit kailan eh! Sermon nya sa sarili.

"I-I m-mean..." Sinubukang mag-isip ni Seungwan ng paliwanag ngunit wala syang maisip kaya naman nang hindi na sya nakapagsalita at nagtuloy na muli sa paglalakad sa Joohyun.

"J-joohyun wait!" Pigil nya ulit dito. Wala syang pakialam kahit na pinagtitinginan na sila ng mga customer ng coffee shop.

"Che! Magsama kayo ng love mo!" 

"Pero ikaw yung mahal ko." Paliwanag ni Seungwan habang humahabol parin dito.

"Mukha mo! Bwisit!" Sigaw ulit ni Joohyun na mas binilisan pa ang lakad.

Wala namang nagawa si Seungwan kundi ang tumakbo para mahabol ito. Agad nya ring hinawakan ang kamay nito at marahang hinarap sa kanya nang maabutan nya.

"Ano ba?!" 

Agad namang hinalikan ni Seungwan ang labi nito.

"Alam mo Bae Joohyun, kahit ilang beses ka pang tumakbo, hahabulin at hahabulin parin kita. Kahit pa bilisan mo ang pagtakbo, mas bibilisan ko pa ang paghabol sayo para maabutan kita. Alam mo kung bakit?"

Umiling naman ito habang kunot parin ang noo kaya napangiti si Seungwan.

"Kasi mahal kita at mas lalo pa kitang minamahal araw-araw. You resurrected me from the dead and that made me yours already. You don't just own my heart but my life and soul too. Creepy man pakinggan pero hindi ko kakayanin pag nawala ka so no, I will never let go of you. Kahit pa magkapaltos paltos yung paa ko kakahabol sayo, hahabulin at hahabulin parin kita."

"Sinasabi mo bang mahal mo lang ako kasi may utang na loob ka sakin?"

Umiling naman si si Seungwan at humalik ulit sa labi nya.

"Nope." Sagot nya sabay hawi ng buhok na tumatabing sa magandang mukha ni Joohyun. "Mahal kita kasi mahal kita. Walang ibang dahilan kundi yun kasi yung nararamdaman ko. You were there nung mga panahon na kahit ako, hindi ko na makilala yung sarili ko and that's one of the memories that I will treasure the most. You fixed me with your love and in you, I found myself. Araw-araw nagpapasalamat ako na ikaw yung kasama ko ngayon at kamay mo yung hawak ko kasi alam kong kahit kailan, hindi mo to bibitawan."

Agad namang umiling-iling si Joohyun na parang bata.

"Never." Sagot nito na nakapagpangiti lalo kay Seungwan.

"I know and I believe you. I love you so so much Bae Joohyun."

"And I love you too my stupid hamster."

Mahinang natawa si Seungwan na inirapan naman ni Joohyun.

"Pano? Let's go back inside? I'm sure pinapatay na ni Sooyoung at Yeri si Seulgi sa loob. Hindi pa ko ready mawalan ng osong bestfriend." Pagyayaya nya at mas pinagsiklop pa ang mga kamay nila at saka ito marahang hinatak pabalik sa loob ng coffee shop.

"Wait." Biglang sabi ni Joohyun kaya naman napahinto at nilingon ito.

Nagulat naman sya nang bigla sya nitong halikan sa labi.

"I love you Son Seungwan and I will never let go of your hand. Never." 

 

Sa mga oras din na yun, habang magkahawak ang mga kamay nila, naramdaman ni Seungwan na nasa tamang tao sya at sa tamang pagkakataon. With Bae Joohyun, everything makes sense. Everything feels right. Natapos man ang istorya nila ng una nyang pag-ibig, naging daan naman ito para sa isang panibagong istorya ng buhay nya. Sa piling ni Joohyun, alam nya sa sariling ito na ang magiging paborito nyang kwento at sa pagkakataong ito, wala na syang ibang mahihiling pa kundi ang makasama ito hanggang sa huling kabanata ng kanyang buhay.

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
juhyuneeeee
84 streak #1
Chapter 1: salamat sa pagpapakaba authornim 🥺😳
hi_mitochondria #2
Chapter 1: I was mf ready to throw some hands hahahahaha
dubustan
#3
Chapter 1: Rarely lang ako mag mura pero puta kinikilig ako
wenrenetr4sh #4
Chapter 1: Kala ko kung ano na eh hahahaha
LockLoyalist
#5
Chapter 1: Hahaha sabi na eh kaya takot si Seungwan nung nadumihan ung damit niya XD
nanasemaru
#6
Chapter 1: Jusko kinabahan ako dun ah.
Wannieblue #7
Chapter 1: You got me otornim haha. I never though it will be sejeong. And all I know ay si Joohyun yung nagcheat hahaha. Magagalit na ako kay hyun eh hahaha char. One of the best angst na one shot. Thank you otornim :)
Paparapakyaw #8
Chapter 1: Shutanes akala ko naman... Ang galing ha HAHAHAHA gulat ako eh
koalawrites
#9
Chapter 1: hahaha kala ko angst nanaman for my otp... Ang ganda and thank you for this, author!

I hope you'll have a great day ahead (everyday) author ^^ and take care always (。・ω・。)ノ♡