Pares

Dahilan (Multo)
Please Subscribe to read the full chapter

Hello! Hopia like this story! I made this story dahil nagc-crave ako sa pares in the middle of the night hehe :3

 <====== Spotify playlist for this story (para intense charot)

Song List:

1. Di Naging (Tayo) by Sleep Alley

2. Multo by Magnus Haven

3. Dahilan by Silent Sanctuary

4. Patawad, Paalam by Moira Dela Torre & I Belong to the Zoo

 

"Oh? Himala at napag-isipan mong bumalik dito sa Amoranto?"

 

Lumawak ang mga ngiti sa labi ni Seulgi nang marinig niya ang isa sa pinakamalapit niyang kaibigan noong kolehiyo pa lamang sila.

"Siyempre miss na miss ko na kayo noh! Lalo na yung bunso namin," nasasabik na niyakap ni Seulgi si Yeri nang pagkahigpit-higpit. Sa una, tinutulak pa ni Yeri palayo ang oso niyang kaibigan pero nang maramdaman niya ang dalisay na yakap ng kaibigan ay sumuko na siya sa mapagmahal na yakap nito.

 

"Bakit ka kasi hindi nagparamdam ng dalawang taon? Alam mo ba kung gaano kami kinabahan? Hinanap ka namin sa dati mong pinagtutuluyan kaso sabi nila umalis ka na daw pero wala silang ideya kung saan ka pupunta. Tapos nagdeactivate ka pa sa lahat ng socmed at unavailable pa 'yung number mo... Hay nako Kang Seulgi ano ang mga dahilan—"

 

Hindi na natuloy ni Yeri ang pangha-hotseat kay Seulgi nang makarinig sila ng matinis na tili mula sa kusina ng Pares house.

 

"KANG SEULGI IKAW NA BA 'YAN?" 

"WENDY MY LOVES NANDITO KA NA RIN?" mabilis na tumakbo si Wendy sa pwesto ni Seulgi at mabilis na yinakap habang pinaulanan niya ng halik sa mukha ang kaibigan. 

 

"Hindi ba kayo papagalitan ng boss niyo?" nag-aalangang tanong ni Seulgi pero tinawanan lang siya ng dalawa na ikinalito naman niya.

"Ayan kase. MIA ka pa ng two years para ma-left out ka sa updates," banat ni Yeri.

"Si Joy na yung may-ari nitong pares house," nakangiting sagot ni Wendy sa naguguluhan niyang kaibigan.

"Prank ba 'yan Wannie? Si Ligaya na puro tres ang grades noong college?"

"HOY ATLEAST PASADO AKO NOH!" lumabas si Joy sa pinagtataguan niyang lugar nang marinig niya ang 'mapanakit' na comment ng kaniyang barkada. Tumawa naman si Seulgi at yinakap nang mahigpit si Joy.

"Oo nga pala Seulgi, engaged na kami ni Wendy kaya tigilan mo na 'yang 'Wendy my loves' mo," nakangising sambit ni Joy at pinalupot ang kaniyang mga kamay sa balikat ng kaniyang fiance. Natawa at pumalakpak naman sa saya si Seulgi.

 

"Congrats sa inyong dalawa pero I still can't believe na pinag-seselosan mo ako hanggang ngayon, Ligaya."

"Oo nga Ligaya alam mo naman inlababo siya kay—hMP!" mabilis na tinakpan ni Wendy ang bibig ni Yeri.

"Ebarg Yeri yung bibig mo walang preno,"  suway ni Joy. Ngumiti na lang si Seulgi sa kaniyang tropa.

 

"Puwede na ba ako um-order ng beef pares?"

 

 

"Ang tagal naman ng service niyo Yerms," biro ni Seulgi sa kaibigang 'naka-break.'

"Edi I'm sorry po," banat ni Yeri na ikinasinghal ng manunulat, "Kumusta na buhay natin pards? Poetist ka pa rin ba?"

"Poetist amporkchop."

"Edi freelancing... skip na natin 'yung minor details. Kumusta na?"

"Oke lang. Napapakain ko naman yung mga anak ko."

 

Nabuhos ni Yeri ang sineserve niyang tubig sa tapat ng isang costumer kaya naman humingi siya kaagad ng sorry sa lalaki. Buti na lang at walang nabuhusan na tao at mabait ang lalaki. Super rare talaga.

 

"Tangina? Kaya ka ba nawala ng dalawang taon kasi nabuntis ka? Tangina?"

Hindi na napigilan ni Seulgi ang pagtaas ng gilid ng kaniyang mga labi at humalakhak sa makulay na imahinasyon ng dalaga.

"Sa tingin mo ba papatol ako sa," tumawa siya ulit, "sa lalaki? Seriously? Final answer na ba 'yan?" 

"Malay mo 'di ba? Eh pumatol ka nga kay Park Jimin noong first year kayo."

"Bata pa lang ako n'un wala pa akong alam sa mundo charot."

 

"Hoy Kim Yerim hindi kita pinapa-sweldo para makipag-chikahan kay Seulgi."

"Opo boss ma'am gagalaw na po opo," mabilis na umalis si Yeri sa tabi ni Seulgi at pumunta kay Wendy para bumulong.

"Wannie hindi pa huli ang lahat may chance ka pang umurong sa kasal. May alam akong lugar para pagtaguan mo."

 

"Tangina mo Yeri sagad to the bones."

"Paano yung sagad to the bones?"
"Pakyu."

 

"Seul?" 

 

Napantig ang pandinig ni Seulgi nang marinig niya ang pamilyar at mala-anghel na boses ng kaniyang pinakamatalik na kaibigan.

Tila bumagal at tumigil ang kaniyang mundo nang lumingon siya sa babaeng minamahal minahal niya ngayon noon.

 

Hyun?

 

"Irene?" tanging sagot ni Seulgi dahil nararamdaman na niya ang paghapit ng kaniyang lalamunan — na para bang may malaking bato na naka-ipit. Nadarama na rin niya ang pagbilis at paghigpit ng kaniyang puso kasama na ang kaniyang mga kamay at paa na hindi mapakali.

 

Ganito pala ang pakiramdam kapag sabik na sabik ka nang yumakap sa taong gusto mong makasama nang pagkatagal-tagal.

 

Tulad ni Seulgi, hindi rin mapigilan ng puso ni Irene ang paglundag dahil sa kasiyahang makita ang matagal na niyang hinahanap magmula noong nawala ito ng dalawang taon.

 

Seulgi, nangungulila ako sa pagmamahal mo.

 

Hindi na napigilan ni Irene ang kaniyang mga nanggigiligid na mga luha at tuluyan nang umiyak sa mga bisig ng kaniyang kalakasan. Hinayaan lang ni Seulgi ang kaniyang kaibigan na umiyak sa kaniyang yakap. Dahan-dahan niyang hinagod ang humihikbing katawan ni Irene at bumulong ng mga salitang nakakapag-pagaan sa loob ng dalaga.

 

Nandito na ako Hyun. Magkasama na tayo ulit.

 

Lumipas ang oras na magkahagkan sila, na para bang silang dalawa ay may sarili nang mundo. Nasira ang sandaling iyon nang makarinig sila ng platong nabasag. Parehas silang lumingon sa narinig at nakita ang gulat sa mga mukha ng tatlo nilang kaibigan.

 

"Gusto mo ba ng pares, Hyun? Libre kita."

 

 

"Grabe kapag July pala nagpaparamdam yung mga multo akalain niyo 'yun? Akala ko kapag October at November lang," bungad ni Yeri habang hawak-hawak ang dalawang pares. Mabilis namang inawat ni Wendy ang mga makatotohanang puna ng bunso.

"Tatanggalan talaga kita ng trabaho Kim Yerim. Nakabasag ka pa ng isang pinggan ah?"

"I'm sorry na mga boss I'm just stupefied, died and was buried. I descended into hell and on the third day I rose again from the dead—"

Narinig nilang lahat ang maliliit na bungisngis ni Irene na hanggang ngayon ay nakatago pa rin sa gilid ni Seulgi.

 

"Ahem. Naalala ko may aayusin pa pala ako sa kusina. Bye," litanya ni Wendy at mabilis na umalis.

"May aayusin pa pala ako sa kahera. Uhm, goodluck?" kabit-ngiting sinabi ni Joy habang nagmu-moon walk papunta

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 1: ang sakit bhieeee!! sa unli-lugaw na lang siguro tayoooo 😭✊ HAHAHA char pero tagos sa puso, sobraaa 😭💔
Im_minari24
#2
Chapter 1: ang sakit pa rin hanggang ngayon T^T fav ko pa naman pares
blindrose
#3
Chapter 1: sakit naman author😭😭😭😭
yujiverse
#4
Chapter 1: Pares pa nga
ikablink29
#5
Chapter 1: Ayaw ko na pala ng Pares shet.
Huangse
#6
Chapter 1: Ayoko na sa paresan. Sa lugawan o mamihan na lang choz.
sunnyshee
#7
Chapter 1: Yun lang! Sa lugawan nlng tayo hahahahaa char!!
lesyeuxbae
#8
Chapter 1: HAHAHAHAHAHAHA 'di naman masakit
NinangJoo
#9
Chapter 1: Nananakit ka? Pwes, maghanda ka rin sa sinulat kong one-shot choz.