I.

Kahangturan (Forever)

Nagising ako sa pamilyar na tunog ng alarm ng cellphone ko. Inis ko itong sinarhan bago daganan ng unan ang mukha ko. Sandali pa ako pumikit, bago tuluyang idinilat ang mga mata ko. Kinuha ko muli ang cellphone ko at tinitigan ang details kung anong araw nga ba ngayon. 

 

Ah. It's D-day. ngayon na pala iyon. Ang bilis nga naman ng araw. Akalain mo? 

 

Nakatingin lang ako sa bintana. Somehow, itong view from my flat gave me a reason to smile this morning. Panibagong araw nanaman. Panibagong araw na pipilitin kong maging masaya, para sa'yo, para sa sarili ko, para satin. 

 

"Mabuti naman sinagot mo na din 'tong tawag ko! Muntik pa akong pumunta dyan para malaman ko kung buhay ka pa ba o hindi na!" hinayaan ko nalang ang maagang litanya ni Joy. Sa mahigit sampung taon naming magka-kilala, sanay na sanay nako sa boses niyang akala mo nakalunok ng megaphone. 

 

"Joy, for pete's sake, it's like 8am!" inis kong sagot sa kaniya habang iniintay umangat ang loaf ko mula sa toaster. 

 

"Ayun na nga, it's 8am! Andito ka na dapat sa venue. Anong balak mo? Pagi-intayin mo si Irene sa mismong araw ng kasal niya?"  mahina akong natawa. Finally, kinuha ko na ang loaf at nilagay sa plato. 

 

"Hindi ba, bawal kami mag-kita bago ang kasal? So bakit mo ako pinipilit? Ilang oras nalang naman, as if I'll ditch the wedding or what."  narinig ko ang mura niya sa kabilang linya. 

 

"Ewan ko ba sa'yo! For once, tigilan mo 'yang hilig mo na always showing up on the last minute. It's Irene's big day, baka nakakalimutan mo.." 

 

"Our. Our big day, Joy." napa-ngiti ako nang makita ang sarili sa malaking salamin sa living room. "Mamaya nalang. I'll be there." 

 

Binaba ko na ang tawag. May sasabihin pa sana si Joy pero tuluyan ko nang pinutol. I'm not in the mood to hear her nagging. At least not today, or not during this time of the day. Muli kong hinawakan ang cellphone ko. Napangiti nalang ako nang makita ang paboritong larawan mo as my lockscreen wallpaper. I'll have to change this, after this day. Tuluyan ko nang binuksan ang phone ko. This time, nakita ko ang pictue nating dalawa noong nagpunta tayo sa Europe few years ago. Mas lalo lang akong napangiti habang inaalala ang mga nangyari noon. 

 

"Ano na plans mo? Now that you have finally graduated.." ngumiti lang ako tapos mong tanungin iyon. Ang tagal na nating magka-kilala, ang tagal na nating ganito. Pero hindi ko pa din maiwasang hindi ma-amaze, lalo tuwing ganito ka kalapit sa akin. To me, you're still the most beautiful. "Huy!" 

 

"Ha?" tinawanan mo ako after I snapped out of reality. Umiling ka na din, probably teasing me on your mind for spacing out, again. 

 

"Iniisip mo nanaman siguro ako, 'no? Andito na nga ako. kasama mo naman na ako. Kaharap mo na ako.. mapapagod lang ako niyan kaka-takbo sa isip mo, eh." mas lalo ka nalang natawa dahil sa expression ng mukha ko. Dahil seriously, ikaw? bumanat? "Idol mo nanaman ako niyan."

 

"Trip mo talaga ako lagi, 'no?" umiling nalang ako. "Ano nga ulit yung tanong mo?" 

 

"Hindi ka kasi nagpe pay attention sa akin. Yung totoo, ayaw mo na ba ako kasama?" marahan kong pinisil ang pisngi mo.

 

"Kasama na nga kita ngayon, tapos iniisip pa din kita. Pero ganyan yung iniisip mo tungkol sa akin? I'm offended, ha." 

 

"You just straight up claimed that you were thinking of me, kahit magkasama na tayo. Iba talaga ang epekto ko sa'yo." tumawa ka, sinabayan ko, pero totoo. Iba talaga ang epekto mo sa akin. Sana aware ka doon. "I was asking about your plans.. graduate kana. What's next?" 

 

Ahh.. 'yon pala ang tanong mo. Napangiti ako dahil sa tanong mo. Nag-tapos ka ng Architecture sa UST noong nakaraang taon, kaya ngayon ay nagha-handa kana para mag take ng exam para maging licensed Architect ka na. Pero kahit ganoon, you already landed a position for yourself sa isang firm. Maayos naman ang trabaho mo doon, pero siyempre, iba pa din ang ibabayad sayo kapag licensed kana. Kaya minamadali mo na din ang pagre-review. Ako, sure ako na kahit di ka mag review, makakapasa ka.

 

Ako naman, I finished Marketing Management just recently sa La Salle. Kaya siguro tinatanong mo  ako ngayon kung ano ang plano ko sa buhay. Ano nga ba? Kahit naman ano ang plano ko, lagi kong sinisigurado na kasama ka ‘don.

 

“Tuloy ko yung offer sa akin ng company kung saan ako nag ojt. At least I won’t have to adjust sa bagong environment since familiar na ako sa kanila.” Tumango-tango ka sa sagot ko.

 

Nag-ojt ako sa Sales and Marketing Department ng isang Hotel.. ‘nong patapos na ako, in-approach ako ng Manager ko at sinabi na gusto daw nila akong i-absorb. Siyempre, hindi na ako nag-pakipot. With this economy, ang hirap makahanap ng trabaho, kahit fresh graduate ka sa isang kilalang university. Maganda naman yung offer, may benefits din. Kaya nag-go na din ako agad.

 

“Ang bilis, ‘no? Dati lang, either ako yung pupunta sa Taft or ikaw yung ba-byahe pa-Espanya para lang magkita tayo.” natawa ka sa pagre-reminisce mo.

 

Oo nga, ang bilis ng panahon. Hindi ko inaasahan na aabot tayo sa ganito. Almost six years na din ‘nang una tayong magka-kilala. Saan ng aba ‘yon? Ah… during the Palarong Pambansa. Representative ako ng Region IV-A, tapos, ikaw, Libero ka ng volleyball team ng NCR. Mula noon ay naging magka-text na tayo. Hindi ko din naman inaasahan na magiging ganito tayo ka-close. Lalo noong nag-aral ako sa Manila. Pareho tayong student-athlete noong high school, pero pareho din nating hindi tinuloy i-pursue noong college dahil mas gusto natin na mag focus sa acads natin. 

 

Hindi ko din naman inaakala na aabot ng ganito katagal yung nararamdaman ko para sa’yo.

 

Napangiti ako habang patuloy na inaalala ang mga nangyari sa atin noon. Grabe, ang tagal na din pala. Hindi ko namalayan na nag-green na pala ang traffic light. Kita mo, grabe pa din talaga ang epekto mo sa akin kahit hanggang ngayon.

 

Natigil ang pinapatugtog kong kanta nang makatanggap ako ng tawag mula sa kaibigan natin na si Wendy. Tiningnan ko ang oras. Hindi pa naman ako late.. bakit ba napaka-paranoid nila?

 

I’m already on my way.. mga ilang beses ko ba sasabihin ‘yon sa inyo?”


“Basta ba siguraduhin mong on the way dito sa venue, hindi sa banyo!” pareho kaming natawa ni Wendy sa litany na iyon ni Joy. Kahit kalian talaga.. hindi pa yata sapat ang pag bulyaw niya sa akin kaninang umaga.

 

“Dala mo ba yung bagong camera mo?” tanong ni Wendy..

 

“Oo naman. Alangan pumunta ako dyan nang wala ‘yon? HAHAHAHA.” Naputol ang pag-tawa ko dahil bigla nanamang sumingit sa linya si Joy.

 

“Tawa-tawa ka pa dyan, nasaan ka na ba?”

 

“Malapit na po, ‘Nay. Gusto mo i-facetime mo pa ako para lang maniwala ka na malapit na talaga ako.”

 

“Uy, love ‘wag na. Malapit na ‘yan. Hindi naman niyan tatakbuhan si Irene on her wedding day. Ibaba mo na ‘yang call at baka pareho pa tayong malagot kay Irene kapag nalaman niyang tinawagan natin si Seulgi habang nagda-drive.”

 

“Hay nako, sige na nga, Seul. Ingat nalang!”

 

“Thank you, Wendy. Malapit na talaga ako, promise. I’ll be there in five. See you!”

 

Binaba ko na ang tawag at nagpatuloy. Hindi ko maiwasan ang hindi kabahan habang papalapit sa Hotel. Naka-full blast naman ang aircon ko sa sasakyan pero bakit parang pinagpapawisan ako?

 

Napatingin ako ulit sa salamin bago bumaba nang sasakyan. Ilang oras nalang, Chum.. Ilang oras nalang..

 

Patingin – tingin ako sa phone ko habang iniintay na dumating ka. Nagtext ka kasi kanina at nagsabi na nagke crave ka ng Bacsilog ni Ate Rica dito sa Agno kaya bigla kang nag-aya na sabay mag lunch. Buti nalang din at wala akong prior engagements. Pero kung meron… alam mo naman na kaya ko ‘yon i-cancel para sa’yo.

 

Nginitian kita nang bigla kang sumulpot sa harapan ko. Hinihingal ka pa din, siguro tinakbo mo nanaman mula sa binabaan ng jeep hanggang dito.

 

“Water?” binuksan ko na ang bottled water bago inabot sa’yo. Hinihingal ka pa din nang maupo sa tapat ko.

 

“Lumampas nanaman kase yung jeep.” Natawa ako.

 

“Figured.”

 

“Anong oras next class mo?”

 

“2pm pa naman.” Tiningnan mo ang wrist watch mo at ngumisi. 11am palang, ibig sabihin, may tatlong oras pa tayong pwedeng magkasama.. unless mas maaga ang resume ng classes mo.

 

“Vacant na ako buong hapon. Antayin nalang kita, tapos dinner tayo sa MOA?”

 

“Woah.. woah.. di pa tayo nagla lunch, dinner na agad iniisip mo dyan?” tumawa ako ng malakas, pero agad din tumigil nang hampasin mo ako sa braso. Napalakas din yata ang tawa ko kasi may mga napalingon at tumitingin sa direction natin.

 

“Advance kasi ako mag-isip!” nag-roll eyes ka pa. “um-order ka na?”

 

Lagi akong nauuna sa’yo tuwing nagyayaya ka na mag lunch sa Agno. Well.. normal lang naman iyon dahil ako itong tiga-La Salle. Pero kahit na lagi akong nauuna, hindi muna ako agad umo-order. You like it when your food is served hot. Lalo kapag itong bacsilog ang kakainin natin. 

 

Tumayo na ako para um-order. Buti nalang din at wala pang masyadong tao. Itong famous Ate Rica's Bacsilog, laging pinipilahan, dinadayo din kahit ng mga hindi tiga-La Salle. Kaya buti nalang at maaga tayo, kung hindi, baka umusok nanaman ang ilong mo kakahintay. 

 

"Chum.." tawag mo sa akin habang tahimik lang ako, inaabala ang sarili ko sa phone ko. 


"Tingin mo.. bakit may space sa mga kamay natin?" gulat akong napatingin sayo. eto nanaman ba tayo?

 

"Seryoso ba yang tanong mo na 'yan?" 

 

"Sagot kase." tumawa ako. 

 

"Hindi ko alam.. bakit?" nagtaas ako ng kilay. 

 

"Siyempre.. para... may paglagyan yung kamay ko in the future." corny, pero sandaling tumigil ang mundo ko nang sabihin mo 'yon. "parang ganito.." 

 

Mas lalo lang akong napako sa pwesto ko nang hawakan mo ang kamay ko at i-lock ito sa kamay mo. Wala pa din akong imik, hindi ako makapag-salita. Halos isang minuto din na ganoon ang mga kamay natin, bago mo ito binitawan at malokong ngimiti. 

 

"Kunin ko na yung order, ayos na ata." 

 

Ganito tayo, lagi. HIndi ito yung first time na babanat ka  ng ganoon, pagkatapos ay aakto na parang walang nangyari. Yung totoo, akala mo yata naglolokohan lang tayo dito? Alam kong alam mo na may gusto ako sa'yo. You said that you have nothing against it. Ikaw pa nga yung nag-initiate na magkaron tayo ng endearment. Noong una, ayaw 'kong pumayag. As much as possible kase, umiiwas ako sa mga bagay na mas lalo lang magpapalunod sa akin. Umiiwas ako na mas lalo akong mahulog sa'yo, kasi alam ko namang walang kasiguraduhan ang mga bagay bagay. At alam ko din naman na impossible na maging tayo..

 

Wala kang sinabi na hindi mo ako gusto, at wala ka din namang iba na gusto.. Pero bakit ganito? Bakit parang biro lang sa'yo na may gusto ako sa'yo? Bakit ganito ka sakin.. kahit alam mo na may nararamdaman ako para sa'yo? 

 

"Tulala ka nanaman dyan, Seul!"  I snapped out of reality nang sabihin iyon ni Wendy.. 

 

Sino ba naman kasi ang hindi matutulala, kung nasa harap mo ang pinaka-mamahal mo, nakangiti sa'yo nang malaki habang iniintay ang magiging reaction mo?

 

"Ganyan talaga 'yan si Seulgi, kapag kaharap ako.." namula nalang ako nang sabihin mo iyon.. Nag-iwas din ako ng tingin at kunyare ay busy sa camera ko.. "Hindi mo pa ako binabati.. magtatampo na talaga ako nyan.." 

 

"'Wag ka nga, Irene! Hayaan mo lang 'yan si Seul.. Alam mo naman yan si Seulgi.. laging sabog." alam ko naman, Joy.. alam ko naman na number one hater kita. 


"Grabe ka talaga kay Seul, Joy. If I know.. naging crush mo lang 'yan kaya ganyan ka sa kaniya." humagalpak ng tawa si Wendy, ako din ay natawanalang dahil sa sinabi ni Irene. "Can you give me a hug, Chum?" 

 

Ito ang unang beses na marinig ko yan mula sayo. Siguro.. mga two years na din simula nang itigil natin 'yang tawagan na 'yan. Two years na din kasi simula nang magkaroon ka ng boyfriendKaya alam itinigil ko na.. Alam ko kung saan ako lulugar. 

 

Ano nga ba talaga ang nangyari sa atin? Siguro.. siguro kasi talagang hindi tayo yung para sa isa't isa. Siguro.. hanggang dito nalang talaga. 

 

"Diba.. sabi ko sa'yo, 'wag mo na akong tawagin na chum?" sabi ko habang papalapit sayo.. Niyakap kita nang mahigpit, Huli na din naman 'to. 

 

"May magagalit na ba sakin kapag tinawag kitang chum?" 

 

Pinahid ko muna ang luha ko bago muli kang hinarap. Ayokong ipakita sa'yo na hanggang ngayon ay nasasaktan pa din ako. Ayokong ipakita sa'yo na affected pa din ako, at na hindi pa din ako nakaka move on. 

 

"Sa'yo, wala.. sakin, may magagalit." tumawa ka nang mahina sa sagot kong iyon. 


"Wala naman siya dito..and besides, kahit naman may asawa na ako, bestfriends pa din naman ta'yo, diba?" 

 

Parang bigla akong nabingi sa katahimikan. Kahit sila Joy at Wendy ay natahimik din sa sinabi mong iyon. Alam naman nila.. Ikaw lang yata ang hindi nakakaalam. na I'm still heads over heels sayo. 

 

Ang totoo, hindi ko alam kung kaya ko na manatili bilang bestfriend mo pagkatapos ng araw na ito. I remember how you were so excited six months ago, when you shared that you are getting married. Na-engage ka sa boyfriend mo of almost two years na Engineer sa firm ninyo.. Right there and then, alam kong wala na talagang pag-asa. Alam kong hindi mo talaga sineryoso yung nararamdaman ko para sa'yo. You even had the guts to ask me to be your maid of honor, which I hardly declined. Nag-isip nalang ako nang idadahilan.. pagkatapos ay tinanong mo naman kung pwede akong maging official photographer ng kasal niyo.. kasi alam mong may sinisimulan akong small business aligned sa photography. Hi-hindi sana ako ulit pero wala na akong ibang magawa, ayoko din na mag-isip ka pa nang ibang posibleng dahilan nang pag-tanggi ko. 

 

So today, kasabay ng big day mo ay ang big day ko din.. Ito yung araw na tuluyan kong tatanggapin na tapos na. Wala na talaga.. 

 

"H-hindi ko alam..kung papayag ang husband to be mo na.. na maging mag-bestfriend pa tayo.." iyon nalang ang sinabi ko at umiwas na nang tingin. "Andito na pala si Yeri.. pwede na tayong mag-picture." 

 

Sakto din na dumating na 'yong isa kong staff. kumuha ako ng staff na tutulong sa akin sa event na ito. Ako sa photography, siya sa videography. Lumayo muna ako saglit sa'yo para lapitan si Yeri. Hindi ko din kasi kinaya.. 

 

Naramdaman ko ang pagsunod ng tingin sa akin nila Joy at Wendy. Palihim ko ulit na pinunasan ang traydor kong mga luha nang makalayo ako sa iyo. Concerned naman na napatingin sa akin si Yeri na nginitian ko lang. I tried to look at happy as I can nang nagpa-picture tayong apat. Big day mo ito, kaya ise set aside ko ang feelings ko dahil kailangan ko na maging masaya para sa'yo. 

 

                                                                                                                              =

 

Nakangiti lang ako habang iniintay ang pag-lapit mo dulo ng aisle. Hindi ko pinapansin ang ibang mga tao sa paligid, kahit yung husband-to-be mo na naiiyak na ngayon habang pinapanuod ka na nag-lalakad palapit sa kaniya. Kita ko din ang pag-sulyap mo sa akin at pag ngiti mo habang may mga luha na umaagos mula sa mga mata mo. 


I tried to focus on my job habang ina-appreciate ang kagandahan mo. Sa totoo, sobrang swerte ng mapapangasawa mo sa'yo. Masaya naman.. ako.. yata? Masaya ako.. although hindi ko maiwasan ang hindi manghinayang. Sayang tayo, eh. 

 

Hindi ko alam kung pinagti-tripan mo lang ako noon. Akala ko kasi talaga, may nararamdaman ka din para sa akin 'non. Akala ko talaga, may pag-asa na maging tayo. Akala lang pala lahat.. straight ka nga pala. Pero.. masisisi mo ba ako kung mas lalo lang akong nahulog at umasa dahil sa mga banat mo sa akin noon? Masisisi mo ba ako kung kahit na anong gawin ko, kahit na pilitin ko ang sarili ko na kalimutan ka.. ikaw pa din yung mahal na mahal ko? 

 

I mouthed "congratulations" sayo nang makarating ka sa harap, at ibigay ka ng parents mo sa kaniya. Nginitian mo ako at saka ka ng thank you.

 

Isang sulyap, huling sulyap.

 

Tinanguan kita bago lumayo. Isinuot ko na din ang earphone ko para mas makapag-focus ako sa trabaho ko. Alam kong any time now, tutulo nanaman ang luha ko, kaya kailangan ko 'tong pigilan. 

 

// The Juans - Pangalawang Bitaw //

 

Oras na para iwanan
Mga alaala ng nakaraan
Oras na para iwasan
Mga nakasanayan

 

Nakatingin sakin nang makahulugan si Wendy at si Joy, parang tinatanong nang mga mata nila kung ayos lang ako..

 

Ayos lang ako.. Ayos lang ako. Kailangan ko yatang ulit ulitin sa sarili ko, bago ako tuluyang maging ayos. Mahal na mahal kita.. alam kong wala na akong ibang mamahalin nang ganito. Kaso.. tama na.. suko na ako, wala na kasi talaga. 

 

Kailangan na kitang bitawan, ulit.. kailangan ko nang tanggapin na 'yong tayo, noon, biro lang. Baseless, walang meaning. At least for you.. 

 

Pero sana.. kahit bitawan kita ngayon.. sana alam mo na mahal kita.. mahal na mahal kita, Hangtod sa Kahangturan.. Until Forever.

 

Nahihirapan nang makagalaw
Oras na para bumitaw
Pangalawang bitaw

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jaangwaang
885 streak #1
Chapter 1: rereading kasi gusto kong masaktan 🤧🤧
its_aaarrriii
30 streak #2
Chapter 1: Tapos ko na pala 'to aemen😭
its_aaarrriii
30 streak #3
omg angst parang may iiyak today
Moksy23
#4
Chapter 1: 🤧
jaangwaang
885 streak #5
Chapter 1: Parang mas malala pa yata to kesa sa ESREVERON 😭😭 ang sakit naman nito otor-nim, pero thank you sa story
ifyouseeA #6
Chapter 1: PUTA?
Pero pwede din ung kahit kunwari manlang by agsunta and moira.
Isang malaking yakap para sa mga umasa
architectyoong
#7
Chapter 1: SHET KA!
qwertasdf18 #8
Chapter 1: Bakit ko to binasa???? 🤧🤧🤧