Tuwing Marso 29 (i)

habang naghihintay ka
Please Subscribe to read the full chapter

Kung saan kaarawan ni Irene pero ayaw niyang tumanda.

 

 

 

Every little smile

That special smile

The twinkle in your eye

In a little while

Give it time

Just a little more time

So we can get closer

You and I ~

 

 

Mula pa lang sa kanto ay mauulinigan na ang kasiyahang nagaganap sa bahay ng mga Bae. Ramdam sa paligid ang dagundong ng speaker na nanggagaling mula sa videoke, sinasabayan ng boses ni Taeyeon na todo birit sa pagkanta ng kanyang all time peyborit na Closer You and I. 'Di na ni Seungwan kailangan pang silipin ang listahan ng pending na kantang naka-set, buong puso niya nang ipupusta ang buhay ng angkan nila—

 

 

Breathless ng The Corrs sunod dyan.

 

 

Ang pagtunog ng malakas na score sound ang naging hudyat sa pagtatapos ng kanta. Umani ito ng masigabong palakpakan at hiyawan mula sa mga bisita, karamihan ay galing sa mga ka-zumba ni Taeyeon.

 

 

"Thank you! Thank you!" Mayabang na sabi ng ina ni Joohyun sa mikropono na ikinatawa ng mga tao. "Paniii! 'Lika na, eto na 'yung kanta natin!" Pahabol pa nito.

 

 

Para namang buhawing dumaan sa harap ni Seungwan ang sarili niyang ina, halos matumba-tumba pa ito dahil sa pagmamadali.

 

 

Go on, go on

Leave me breathless ~

 

 

Napangiti si Seungwan habang naiiling-iling. Ligtas ang buong angkan nila, tama ang kanyang propesiya. Bonus pa't nakisali ang Mommy Fany niya sa pagkanta ng BhreHeatHleHess.

 

 

Walang naging palya sa pagkanta ni Taeyeon at Tiffany. Salitan pa nga silang dalawa sa lines, talagang mag-amiga nga naman.

 

 

Maliban sa mga pa-song number ng ina ni Joohyun—na ngayon ay may collaboration na rin kasama ang sariling ina ni Seungwan—maririnig din ang ingay sa bawat sulok na galing sa mga bisitang naghuhuntahan at tawanan. 'Di maikakaila na ang gabi ay talagang puno ng kasiyahan.

 

 

Eh, ano nga bang meron at parang may piyesta?

 

 

Birthday lang naman ng nag-iisang madam na walang iba kundi si Irene.

 

 

Si Seungwan, bilang jowa ng may birthday, ay malapit nang mautas mula sa pagtanggap at pag-aasikaso sa mga bisita. Halos umikot ang pwet niya mula sa walang tigil na paglilibot upang kausapin ang mga panauhin, maya't-maya rin ang kanyang pagch-check at pagre-refill ng mga pagkain sa handaan.

 

 

Katatapos niya lang sa kanyang rounds at so far, so good naman kung kaya't napili niya na munang magpahinga at umupo sa isa sa mga bangkong nakapwesto sa may garden.

 

 

Itinuon ni Seungwan ang kanyang ulo sa sandalan ng upuan, saka ipinikit ang mga mata at nagpakawala ng malalim na hininga. Matapos ang ilang sandali ay naputol ang kanyang pagmumuni-muni nang may biglang tumawag.

 

 

"Wannie!"

 

 

Iminulat ni Seungwan ang kanyang mga mata. Nang makita kung sino ang may salarin ay mabilis siyang napatayo mula sa kinauupuan.

 

 

"Uy, Sana!" Bati niya rito na tinugunan siya ng matamis na ngiti bago yumakap.

 

 

"Buti nakapunta ka," pahayag niya matapos siyang pakawalan ng dalaga mula sa mahigpit nitong pagkakayakap.

 

 

"Ako pa ba," mayabang na sabi ni Sana. "Tsaka miss na kasi kita~" kumindat pa nga ito.

 

 

Napailing na lamang si Seungwan habang natatawa-tawa. Matagal na siyang sanay sa mga gantong padali ni Sana, simula pa lang kasi nung college sila ay ganito na ito makipag-usap.

 

 

"How's the traffic?" Pag-iiba niya sa usapan.

 

 

Bumuntong-hininga nang napagkalakas ang kaibigan bago ito nagsalita, "Ayon, parang JLS, usad pagong." 

 

 

Natawa na lamang si Seungwan sa sinabi ng dalaga, totoo naman kasing usad pagong ang JLS.

 

 

"Hanap mo ba si Joohyun?"

 

 

"Ah, no! Okay na, we've already talked and naiabot ko na 'yung gift ko sa kanya. She's kinda busy nga, eh. You know, with other visitors kaya 'di ko na masyadong chinika. Kebs na rin so don't worry," mabilis na paliwanag ni Sana.

 

 

"Oh, ganon ba?"

 

 

"Yeah, I was just looking for some seats kasi parating na rin daw sila Nayeon."

 

 

"Sakto, dito na kayo!" Aya niya sa bisita. "This table is totally unoccupied, kanina pa walang nakaupo rito. Well, except for me, I... guess?" Sabi niya habang nakamot sa batok.

 

 

Bumungisngis ang dalaga, "Ang cute mo talaga," sabi nito bago marahang pinisil ang ilong ni Seungwan na kumunot ang mukha. Tumawa si Sana bago ito tuluyang umupo, "I figured."

 

 

"What do you mean?" Takang tanong ni Seungwan nang nakaupo siya sa tabi ng kaibigan.

 

 

Nagkibit-balikat lamang si Sana, "Tired?" 

 

 

"Hmm, kinda." Mahina niyang pag-amin. Sa unang pagkakataon sa araw na 'yon ay hinahayaan ni Seungwan ang kanyang sariling tanggapin ang katotohanan at makaramdam ng pagod. Isinubsob niya ang kanyang katawan sa lamesa at inilapat ang pisngi sa taas nito upang humarap sa kausap.

 

 

"Aww, wawa naman Wannie na 'yan~" Pang-aasar ni Sana habang hinihimas ang ulo niya.

 

 

Pumalatak si Seungwan at inirapan ang kaibigan. Agad niyang itinuwid ang pagkakaupo at inayos ang kanyang buhok na bahagyang nagulo. "Sana naman, eh!"

 

 

Tumawa nang malakas ang kausap, "Hay nako, 'wag mo kasi masyadong galingan!" Maalam na sabi nito, "That's what I meant, by the way."

 

 

"Huh?" 

 

 

"Huhngin. Sabi ko nagtaka ka pa kung bakit walang ibang umupo or nakitabi rito sa'yo,"

 

 

"Bakit nga ba?"

 

 

"Well, you looked like you're taking a breather and siguro nahihiya silang istorbohin ka or something, knowing na kanina ka pa parang trumpo. Ako lang naman ang walang hiyang naglakas ng loob guluhin ka," 

 

 

"But I'm fine with it," tukoy ni Seungwan sa unang sinabi ng kaibigan.

 

 

"I know, kaya nga aaward-an na kita ng 'Huwarang Jowa of the Year'. Sayang lang at bawal ka sa category na 'Pambansang Jowa', baka sunugin ako nang buhay ni Madam Irene." Malokong paglalahad ni Sana na ikinatawa nilang dal

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
wanNonly
kalian ko naman kaya 'to madadagdagan? >;|

Comments

You must be logged in to comment
wintzkie #1
Chapter 7: Nalunod ako sa iyong paggamit ng mga salita sa tagalog . Sana'y hindi na sa ganitong paraan ng paggamit ng salita ang iyong gagamitin sa susunod na kabanata. 😅
WluvsBaetokki #2
Chapter 7: Ang lalim ng Tagalog gosh... pero ang galiiiiing mo po
WluvsBaetokki #3
Chapter 4: Hiy ang ganda Tae naiyak ako bakit ganern
paradoxicalninja
#4
Chapter 6: bakit parang angst hahshshsh sana naman nde 🥲🤧

welcome back otor 💗💙
Ot5langlakasam
#5
Chapter 6: Di ko naman sinasabing para akong tangang single dito na kinikilig at nasigaw internally dahil sa chapter na ito pero parang ganun na nga.... Labyu otornim
juhyuneeeee
84 streak #6
Chapter 6: hi otor labyu po 😭♥️
seventy743 #7
sobrang ganda ;((( parang kasama rin tuloy nila ako sa journey nila dahil sa ganda ng pagkakasulat huhu v v v heartwarming thank you for writing this huhu
hyehye29
#8
Chapter 4: whyket ganern naiiyak ako sa ending sheeeemsss 😭😭😭 pero masaya naman akez para sa kanila <3
WluvsBaetokki #9
Chapter 5: Ang kyot bat ganern
WenRene_77 #10
Chapter 5: ang cutie ng story na to lalo na si seungwan hehe salamat author, kelan po ulit update? dejoke, haha take ur time😊💙💝