interlude 2: pangsiyam

pangakong hindi kita papangakuan
Please Subscribe to read the full chapter

Kailan ba noong huling nagkayayaan ang tropa nila Seulgi na mag-inuman? Sa sobrang busy nila sa kanilang mga sariling buhay at sa pag-aaral, nakalimutan na nilang magpakasaya kahit minsan.


As usual, si Seulgi na naman ang nauna sa restobar na pinagkasunduan nila. 


Inip siyang binuksan ang kaniyang cellphone at in-spam ang kanilang group chat. Kahit kailan talaga ay pa-VIP kaniyang tropa lalo na si Jeongyeon. 


Nakita niya ang chat ni Byulyi na malapit na raw ito. Sa isip-isip niya ay paalis pa lang ‘yun. Napairap siya.


Kanina pa siya nakikinig sa mga bandang tumutugtog at kahit papaano’y nalilibang naman siya. Magaganda ang mga kinakanta nila, pero hindi naman alam ni Seulgi ang mga title nito. Nahihiya siyang magtanong. 


Open stage ang restobar, pero pwede lang kumanta ang mga customer kapag natapos na ang set ng huling performer. 


Pumikit ang kaniyang mga mata noong tumugtog ang medyo pamilyar na kanta. Alam niyang narinig na niya ito noon, hindi niya nga lang alam kung sa jeep o sa school nila. 


Ayun na pala ang huling performer. Maya-maya’y pwede nang kumanta ang mga customer. Pwede silang mag-request ng minus one na galing sa YouTube o pwede rin mag-provide ang customer ng sarili niya kung mayroon ito. 


Inabot nang sampung minuto bago may kumanta sa entablado. Nakita niya ang babaeng tantsa niya ay hanggang balikat niya lang. Nakaitim ito na v-neck long sleeves at pants na hapit na hapit sa katawan nito. 


Patuloy niyang tinitignan ang babae habang nag-re-request ito ng minus one galing sa YouTube. Minsa’y walang minus one na galing mismo sa original na kanta, kaya ‘yung iba ay nag-a-acoustic na lang.


Napaisip si Seulgi kung ano ang kakantahin ng babae. 


Lumakad ito paakyat ng mini stage kung saan ay may nakahandang upuan. Binigyan na siya ng sarili niyang mic bago pa siya makarating sa stage. 


Mabuti ay sa malapit sa unahan pumwesto si Seulgi para kita niya ang kumakanta.


Ang buhok ng babae ay bagsak hanggang sa ilalim ng kaniyang balikat. Medyo may pagka-brown ang mga hibla nito lalo na no’ng natapat

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1122 streak #1
Chapter 16: It's okay otornim. I understand your desicion. And I respect it. Pero will wait for your time to update once you're okay and not busy. 💚
akosizig #2
Chapter 16: thank you for this story author-nim! it was so nice to read AM kahit na hanggang dito na lang (will still hope for future chapters tho pero will wait respectfully!). hope all is good with you author!!
kang_ddeul
#3
Chapter 16: fighting authornim! thank you po sa story na 'tooo! wait po namin ang mga susunod na chapters soon kapag meron na po. hehehe rest ka muna :)
iamriou_
1122 streak #4
Chapter 15: Push mo na yung gusto mo Seulgi. 🥰 Sign na yan. :D
akosizig #5
Chapter 15: AHHAHAHAHA SAMPUNG MAGKAKAPATID PA NGA

pero real talk ang hirap ng mga tanong regarding sa profession at passion kasi ang dalas na hindi sila napapagsabay. as someone na sinunod ang desisyon ng magulang kesa desisyon ng puso, naiimagine ko lang ang frustrations ni seulgi. pero ang maganda is she took a step forward na para sa passion niya and sana sa future chapters maging masaya talaga siya sa desisyon niya (:
lazygirl18 #6
Chapter 15: "sampu ang kapatid" pucha HAHAHAHA
iamriou_
1122 streak #7
Chapter 14: Seulgi sign na yan!!! 🥺
yujiverse
#8
Chapter 13: Omg
svgktrn
#9
Otor anuena