panglabinglima

pangakong hindi kita papangakuan
Please Subscribe to read the full chapter

Nakaupo sa bench sa labas ng venue sina Byulyi at Yongsun. Pareho silang nakatingin sa malayo, takot na magtagpo ang kanilang mga mata. Walang nagtatangkang magsalita dahil walang masabi.


O baka takot na mayroong masabi. 


Nakasuot lang si Yongsun ng manipis na pang-itaas tapos denim skirt. Malamig na ang hangin kaya ramdam niya ang lamig sa loob ng kaniyang damit. 


Hindi natiis ni Byulyi na hindi lumingon sa pwesto ni Yongsun, paglingon niya ay nakita niya ang mabilis nitong paghaplos sa magkabilang braso. 


Napailing si Byulyi.


Kung nasa isang tipikal na palabas sila, huhubarin ni Byulyi ang kaniyang pamatong tapos ipapasuot kay Yongsun para hindi na ito lamigin. Sa kaso nila, walang pamatong si Byulyi. Naka-t-shirt lang ito na kulay puti at naka-jeans. 


Inabot ng nanlalamig na kamay ni Byulyi ang kamay ni Yongsun. Lumingon ang dalaga sa kaniya, nakasalubong ang mga kilay. 


Marahang hinatak ni Byulyi ang pulsuhan ni Yongsun at agad na sumunod ang huli. Natagpuan niya ang sarili na nakakulong sa mga bisig ni Byulyi sa lamig ng tahimik na gabi. 


Wala pa ring nagsasalita. 


Hinanap ng mga kamay ni Byulyi ang mga kamay ni Yongsun at pinag-isa bago ipatong ang kaniyang baba sa balikat nito. Nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang sa naramdaman nila ang init mula sa isa’t-isa. 


Napangiti nang kusa si Yongsun nang maramdaman niya ang kalmadong pagtibok ng puso ni Byulyi mula sa kaniyang likod na nakapatong sa dibdib nito. Sinabayan ito ng malalim na paghinga ng kaniyang girlfriend. 


Wala nang mahihiling pa si Yongsun. 


“You know I’m not mad at you, right?” basag ni Yongsun sa katahimikan.


“Hm,” tipid na tugod ni Byulyi, hindi kumbinsido sa sinabi ni Yongsun. 


“Totoo nga. Before I saw you with Seulgi, I had a little fight with the crew kasi Irene wasted five minutes just because of a missing accessory,” paliwanag nito. “Buti na nga lang may ni-rehearse ‘yung back-up dancers. May napaglagyan ‘yung five minutes.”


Napatango si Byulyi. Totoo naman. Nagkaroon ng kaunting delay kanina sa concert at napansin iyon nila Byulyi at Seulgi, pero hindi nila sinabi dahil mukhang mga walang alam ang fans ni Irene. Sanay na sanay na ang dalawa sa concerts dahil mas gusto nila manuod nang live. Minamani lang nila iyon. 


“How’s your day?” tanong ni Byulyi. 


“Today’s kinda hectic but it’s fine. I got to produce another music, so anyone from the company can use it. I heard that if sa amin mapupunta ‘yung target person ng company, they’ll give them the song that I produced.”


“Really? That’s nice, Yong.”


“I know, right? Tapos after no’n, I went here kasi I promised Irene na I will help her, but I did nothing big.”


“Nah, that’s okay. I’m sure she’s happy because you’re there,” pag-comfort nito.


“You think so?”


“Oo naman.”


Sandaling namayani ang katahimikan.


May naalala si Yongsun.


“Akala ko ba ‘di ka makakapunta sa concert ni Irene?” 


Pakiramdam ni Byulyi ay dumoble ang lamig ng hangin sa labas. Niyakap niya pa si Yongsun nang mas mahigpit.


“A–Ano kasi—”


“I was surprised when I saw you kanina. Did you come for me?” masayang tanong ni Yongsun.


“Kasi—”


“I knew it! You’re gonna surprise me kaso you saw Irene first, right? You were looking for me,” wala nang nagawa si Byulyi kundi ang manahimik at sumang-ayon.


“Of course. Sino pa bang sasadyain ko rito? Ikaw lang naman,” sabi ni Byulyi.


“That’s right. Ako lang naman,” ulit ni Yongsun.


“Byul!” rinig nilang sigaw ni Seulgi mula sa malayo. 


“Balik na tayo, baka magkasakit ka pa,” aya ni Byulyi kay Yongsun at bumalik sa loob ng arena.

 

 

 

 

“Sa’n na si Yongsun?” tanong ni Seulgi habang pinapaikot ang susi ng kotse sa kaniyang daliri.


“Nagpaiwan. Samahan niya raw si Irene pauwi.”


“Ba’t nakasimangot ka? Nag-away kayo, ‘no?”


“Na-gui-guilty na ‘ko, Seul. Gusto ko na sabihin kay Yong ‘yung totoo,” sabi ni Byulyi pagkapasok niya sa kotse.


“Wala naman kasing nagsabi sayong itago mo ‘yun. Past is past, Byul. Sa tingin mo, magagalit si Yong dahil lang naging ex mo si Irene?” umiling si Byulyi. “See? Eh, sa ginagawa mo ngayon, magagalit na siya.”


“I can make this thing right. I know I can,” kumbinsi ni Byulyi sa sarili. “I’ll set a dinner date tomorrow. Pwede naman ‘yun ‘di ba, Seul?”


Lumingon si Byulyi kay Seulgi na nakatingin sa labas ng bintana. Wala itong imik. 


“H–Ha? Ano ulit?”


“There’s something wrong, Seulgi.” 


“Pinagsasabi mo?”


“I said there’s something wrong. I know you wanna say something,” diretsong sabi ni Byulyi. “Come on, spill it.”


Bumuntong-hininga si Seulgi. 


“May gagawin ka pa ba after nito?” tanong niya. 


“Wala, diretso na ‘ko tulog kung uuwi na tayo.”


“Wala tayong assignment?”


“Kung meron man baka pinakopya pa kita.”


Nag-middle finger si Seulgi sa kaniya.


“Inom na lang tayo,” aya niya.

 

 

 

 

Bumalik si Byul sa kinauupuan pagtapos nitong gumamit ng comfort room. Nanatiling tahimik si Seulgi pagkarating nila sa nag-iisang bukas na pub sa McArthur Highway. 


“Kailan mo balak sabihin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1148 streak #1
Chapter 16: It's okay otornim. I understand your desicion. And I respect it. Pero will wait for your time to update once you're okay and not busy. 💚
akosizig #2
Chapter 16: thank you for this story author-nim! it was so nice to read AM kahit na hanggang dito na lang (will still hope for future chapters tho pero will wait respectfully!). hope all is good with you author!!
kang_ddeul
#3
Chapter 16: fighting authornim! thank you po sa story na 'tooo! wait po namin ang mga susunod na chapters soon kapag meron na po. hehehe rest ka muna :)
iamriou_
1148 streak #4
Chapter 15: Push mo na yung gusto mo Seulgi. 🥰 Sign na yan. :D
akosizig #5
Chapter 15: AHHAHAHAHA SAMPUNG MAGKAKAPATID PA NGA

pero real talk ang hirap ng mga tanong regarding sa profession at passion kasi ang dalas na hindi sila napapagsabay. as someone na sinunod ang desisyon ng magulang kesa desisyon ng puso, naiimagine ko lang ang frustrations ni seulgi. pero ang maganda is she took a step forward na para sa passion niya and sana sa future chapters maging masaya talaga siya sa desisyon niya (:
lazygirl18 #6
Chapter 15: "sampu ang kapatid" pucha HAHAHAHA
iamriou_
1148 streak #7
Chapter 14: Seulgi sign na yan!!! 🥺
yujiverse
#8
Chapter 13: Omg
svgktrn
#9
Otor anuena