panglabing-apat

pangakong hindi kita papangakuan
Please Subscribe to read the full chapter

“You heard it right, Miss Kang. We were about to contact you and cast you pero you’re already here. What a nice coincidence, right?”


Parang hangin lang na pumasok at lumabas sa tenga ni Seulgi ang mga salita ni Hyejin. Nakatingin lang ito habang nakaawang kaunti ang kaniyang bibig. 


“Pero why are you here? Fan ka ni Irene?” tanong ni Hyejin.


“Uh—”


“She’s my friend,” mabilis na depensa ni Irene.


Tumaas ang kilay ni Hyejin. “Hm, okay. Sabi mo, eh.”


Umalis na si Hyejin sa harapan ng dalawa at tumuloy sa loob ng dressing room. Naiwan sila Irene at Seulgi sa labas. Walang nagsasalita.


“Ano—”


“Uh—”


Sabay silang nagsalita. 


“You go first,” sabi ni Irene.


“Thank you sa pag-invite. We really enjoyed it,” sabi ni Seulgi. “Sundan ko na ‘yung kaibigan ko, baka napano na ‘yun. Good luck sa iba pang shows!” 


Tumakbo na ito papalayo habang kumakaway kay Irene. Wala nang nagawa ang huli kung hindi ang kumaway pabalik. 


Hindi man lang ako hinayaang magsalita.


Naiiling na pumasok si Irene sa loob ng kaniyang dressing room. Doon ay nadatnan niya ang naghihintay na si Hyejin habang umiinom ng kape.


“Anong oras na, ah. Kape pa rin?” bungad ni Irene.


Hindi pinansin ni Hyejin ang kaniyang sinabi. “Ano mo si Miss Seulgi?” 


“Friend ko nga.”


“Ba’t ngayon ko lang nakita?” 


“Nag-aaral pa kasi,” walang ganang sagot ni Irene. Alam na niya kung saan mapupunta ang usapan nila ng kaniyang manager.


“Bakit ‘di mo siya pinili?” tanong ni Hyejin.


“Sorry?”


“Si Seulgi kako, bakit ‘di mo pinili sa gusto mong i-cast ng entertainment?” 


“Do I really need to spell it out for you? Seulgi’s still young. Nag-aaral pa siya and I’m sure na wala ang music sa path na gusto niyang tahakin,” sagot ni Irene. “Did you see her reaction earlier? She’s dumbfounded, Hyejin. I couldn’t find any excitement on her face and in her voice.” 


“You’re taking it personally, Hyun—”


“I’m not gonna let you all ruin someone’s life for the second time. Tama na ‘yung akin lang, Hyejin. Isipin mo ‘yung future ni Seulgi. Isipin mo ‘yung gusto niyang mangyari sa sarili niya. Hindi tayo ang mag-de-decide para sa kaniya,” hindi na napigilan ni Irene ang sarili.


“And you think you’re different? Hindi mo rin ba naisip ‘yung pinili mo? What about them? Do they even like to pursue music? Pare-pareho lang tayo rito, Hyun. The agency wants someone and that is Seulgi. You wanna protect her future by using other people? Mas masahol ka pa sa kanila,” pagpunto ni Hyejin sa nangyayari. 


“Please stop,” nanghihinang pakiusap ni Irene.


“We all know what’s going on. Seulgi lives in front of your condo unit and you were the one who invited them. Really, Joohyun? You invited Byulyi knowing na Yongsun would be here, supporting you and the team?” hindi na makasagot si Irene. “The management sent another observer when you went to the university. They know Seulgi would perform there and they couldn’t waste another person who has the potential. Your choice didn’t matter because the results were the main basis.” 


Tuluyan nang natahimik si Irene habang nakatulala sa puting pader sa loob pa rin ng kaniyang dressing room. Pati si Hyejin ay nanahimik na rin at naupo sa tabi. 


Hindi na bago sa kanilang dalawa ang magtalo tungkol sa mga bagay pero ngayon lang umabot sa parteng may nadamay. Hindi lang simpleng celebrity ang pinag-uusapan nila. 


8 years old nagsimula si Irene sa pagiging trainee. Simula noon ay hindi na niya naranasan ang maging bata dahil puro hirap na agad ang kaniyang naranasan. Hindi niya naramdaman kung paano maging masaya kapag nakakakuha ng honors sa school, pero naramdaman niya ito noong pumapasa siya sa monthly evaluation ng agency. 


Iba ang kaso kay Seulgi. May isip na ito at kaya nang gawin ang mga gusto sa buhay, pero pareho ang magiging end game nila ni Irene kung pipiliin ni Seulgi ang maging idol at itigil ang pag-aaral na sinisikap niyang tapusin para maging kung ano man ang gusto niya. 


Ayaw ni Irene na maranasan ni Seulgi na hindi nito magagawa ang gusto niya. Nakilala niya itong may paninindigan sa sarili at may mataas na pangarap. Kahit gustuhin man niyang protektahan ito laban sa mapang-abusong industriya, hindi niya kaya.


Wala siyang laban dahil biktima lang din siya.


“Leave me alone, Hyejin,” pakiusap ni Irene. “Please.”


Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Hyejin bago lumakad palayo kay Irene at tuluyan nang umalis sa dressing room. Nakapikit ang mga mata ni Irene. Gusto niyang umiyak pero hindi niya magawa.


Dapat bang hayaan niya na lang o ipilit ang gusto niyang mangyari?

 

 

 

 

“Yeri,” tawag ni Seulgi sa katabi niya. 


“Oh?” 


“Sa tingin mo ba ‘pag naging singer ako, magiging sikat ako?” wala sa sariling tanong ni Seulgi.


Pinatulan naman ito ni Yeri. “Siguro? Magaling ka naman kumanta. ‘Di ba ‘yun naman talaga pangarap mo dati?”


Nasamid si Seulgi sa sinabi ni Yeri. Naalala na naman niya ‘yung pangyayaring hindi niya gustong maalala. 


Mahigpit ang hawak ni Seulgi sa microphone habang nakaupo sa sofa nila at namimili ng kakantahin sa videoke. Mag-isa lang ito sa kanilang bahay dahil nagtatrabaho pareho ang kaniyang mga magulang.


Wala siyang kapatid. Close siya sa mga pinsan niya na once a year lang niya nakikita. Swerte na lang kung pupunta pa ito sa ibang okasyon. 


Patago lang kung mag-videoke si Seulgi dahil hindi ito ang gustong makita ng kaniyang mga magulang. Gusto nila ay ‘yung Seulgi na magaling sa pag-compute at pagsukat ng kung ano. 


Hinanap pa ni Seulgi ang mic ng karaoke at yung CD dahil itinago ito ng kaniyang mga magulang. Kahit ayaw nila na kumakanta si Seulgi, hindi pa rin nila ito itinapon. 


Masyadong malakas ang volume ng speakers para marinig kung ano ang nangyayari sa paligid. Isang oras na lang ay maghahapon na. Gabi kadalasan umuuwi ang mga magulang ni Seulgi.


Pero hindi sa araw na ‘yun.


Hindi narinig ni Seulgi ‘yung pagbukas ng garage nila. Hindi niya narinig ‘yung tunog ng makina ng kotse. 


Patuloy lang siya sa pagkanta na bibihira niya lang magawa. Ano pa nga bang iisipin mo kung nagagawa mo na ang gusto mo?


Pero hindi pangmatagalan.


Galit na binuksan ng tatay ni Seulgi ang pinto. Napabalikwas sa kinauupuan si Seulgi pero nakakapit pa rin ito nang mahigpit sa mikropono. Biglang lumamig ang paligid pero pinagpapawisan si Seulgi. 


Nakita niya ang kaniyang nanay na may malung

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1147 streak #1
Chapter 16: It's okay otornim. I understand your desicion. And I respect it. Pero will wait for your time to update once you're okay and not busy. 💚
akosizig #2
Chapter 16: thank you for this story author-nim! it was so nice to read AM kahit na hanggang dito na lang (will still hope for future chapters tho pero will wait respectfully!). hope all is good with you author!!
kang_ddeul
#3
Chapter 16: fighting authornim! thank you po sa story na 'tooo! wait po namin ang mga susunod na chapters soon kapag meron na po. hehehe rest ka muna :)
iamriou_
1147 streak #4
Chapter 15: Push mo na yung gusto mo Seulgi. 🥰 Sign na yan. :D
akosizig #5
Chapter 15: AHHAHAHAHA SAMPUNG MAGKAKAPATID PA NGA

pero real talk ang hirap ng mga tanong regarding sa profession at passion kasi ang dalas na hindi sila napapagsabay. as someone na sinunod ang desisyon ng magulang kesa desisyon ng puso, naiimagine ko lang ang frustrations ni seulgi. pero ang maganda is she took a step forward na para sa passion niya and sana sa future chapters maging masaya talaga siya sa desisyon niya (:
lazygirl18 #6
Chapter 15: "sampu ang kapatid" pucha HAHAHAHA
iamriou_
1147 streak #7
Chapter 14: Seulgi sign na yan!!! 🥺
yujiverse
#8
Chapter 13: Omg
svgktrn
#9
Otor anuena