panglabingdalawa
pangakong hindi kita papangakuana/n: baka lang may naguguluhan.
Yongsun — Solar
Byulyi — Moonbyul
Hyejin / Hyegi — Hwasa
real names ang gamit ko kapag wala sila sa werks nila since kilala sila ro’n sa stage names nila. :)
update na mas masabaw pa sa sinigang.
“Cut!”
Hinahabol ni Irene ang hininga habang pasalampak na umupo sa stage. Kanina pa silang umaga nag-start sa rehearsal, maggagabi na at hindi pa rin sila tapos.
Bukas na ang concert. Pagtapos nito ay final rehearsal naman bukas bago siya mag-ayos. Wala siyang ideya kung may schedule pa ba siyang dadaluhan pagkatapos ng rehearsal pero alam niyang ipapa-reschedule niya iyon dahil hindi na niya kaya.
Gusto nang umuwi ni Irene at daluhan ang kama niyang kanina niya pa na-mi-miss.
“‘Di ba ang sabi ko sayo, after sa lift, didiretso ka sa main stage and you’ll perform your latest single?” tumango si Irene. “Eh bakit hindi ka dumiretso? Kanina ko pa napapansin ‘yan, Irene. May adjustment na nilagay sa unang part ng music para mabigyan ka ng time magpunta ro’n!”
“Bakit ka ba sumisigaw? Aware ka bang naka-mic ka?” inis na sabi ni Irene.
“I’m just explaining what’s happening to you kanina pa. Your body’s here but your mind is somewhere else! Ni hindi mo nga maalala kung anong song ang next mong i-pe-perform!”
Habol-habol pa rin ni Irene ang hininga. Wala na siyang maisasagot pa sa sinabi ng Stage Director nila.
Lumapit si Hwasa sa pwesto niya at sinenyasan ang director na bigyan muna sila ng break time.
Nagsialisan na ang mga staff pero nasa stage pa rin sila Irene at Hwasa. Nag-indian sit ang manager sa harapan ni Irene.
“What’s your problem this time?”
“Pagod ako.”
“So am I. So are they. Hindi lang ikaw,” hindi umimik si Irene. “Lahat tayo rito nagpapakapagod to give your fans a wonderful experience. I understand na you’re the one who’s gonna perform to the crowd, but you can’t pull a good one without them.”
Huminga nang malalim ni Irene.
“I’m sorry. I didn’t mean to shout at the director,” yumuko ito.
“I know you didn’t, but please, be mindful of your words. Hindi lahat ay kaya kang intindindihin.”
Tumayo si Irene. Nagpagpag ng sweatpants.
“Where’s the director?” tanong ni Irene sa dumaan na cameraman.
“Nasa backstage po sa waiting area.”
“Thanks,” lumingon ito kay Hwasa. “Diyan ka lang. Mag-so-sorry lang ako. I’ll be back.”
Napailing si Hwasa. “Hay nako, Joohyun and her bad temper.”
Natapos na rin sa wakas ang rehearsal. Gumitna si Irene at sunod-sunod na nag-bow sa mga staff at dancers na nasa stage at paligid nito. Walang katapusan ang pagpapasalamat niya hanggang sa unti-unti na silang nawala.
Inunat ni Irene ang katawan niya at nakaramdam ng hilo. Sandali siyang huminto sa paglalakad. May sumitsit sa kaniya sa backstage at sinenyasan siya na bilisan ang paglalakad.
“Nando’n na ‘yung van sa parking area. Hindi kita papayagang mag-drive, alam kong inaantok ka na,” bilin ni Hwasa.
Wala nang nagawa si Irene kung hindi ang sumunod dahil tama naman ito. Baka mapaano pa siya kung magmamaneho siyang pagod at inaantok.
Tahimik lang sa biyahe si Irene. Siya lang at ang driver ang nasa loob ng van. Hindi siya mahilig makihalubilo kaya kahit driver niya ay hindi niya makausap nang walang hiyang nararamdaman.
Para lang siyang nasa music video; nakasandal ang ulo sa bintana haban
Comments