una
pangakong hindi kita papangakuan“Alak na naman?”
Lumingon si Seulgi sa likod niya nang marinig niya ang pamilyar na boses. Napangisi ito nang makita ang inaasahan niyang kaibigan.
“Isa lang naman ‘to.”
“’Yang isa mo, hanggang bukas pa,” umupo si Yeri sa tabi niya, “‘Di ka na naman siguro sinipot ni Wheein, ‘no?”
Malungkot na ngiti lang ang naisukli ni Seulgi sa kaniya. Naramdaman na naman niyang nag-iinit ang kaniyang mga mata kaya inalis niya ang tingin sa kaibigan niya. Tinitigan niya na lang ang boteng hawak niya at tsaka bumuntong hininga.
“May mali ba sa akin, Yerim?”
Umiwas ito ng tingin.
“Wala naman eh,” halos pabulong na banggit nito. Hindi pinansin ni Seulgi ang pag-akto ng kaniyang kaibigan at tinungga ang laman ng bote, “Baka para sa kaniya, meron.”
Nabato si Seulgi sa kinauupuan niya at prinoseso ang sinabi ni Yeri. Nakatulala lang ito sa cellphone na nakapatong sa lamesa habang tahimik na nag-iisip kung anong mali sa kaniya para kay Wheein.
“‘Tang ina mo,” natatawang sabi nito kay Yeri. Umiiling-iling itong umayos ng upo bago magsalita ulit, “Ang sakit no’n.”
“Nagsasabi lang ako ng totoo. Iba’t-iba ang perspective ng tao kaya hindi lahat ng sa tingin mo ay tama, tama,” tumingin ito sa mga mata ni Seulgi, “Pero hindi naman lahat ng mali para sa kaniya, mali.”
“Hindi kita ma-gets.”
“Syempre, tanga ka, eh.”
Umusog ito papalayo kay Yeri.
“Aba, gago ka ah!”
Sabay silang natawa nang mahalata nilang pinagtinginan sila ng mga tao. Napasandal si Yeri sa upuan bago humugot ng buntong-hininga. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero biglang bumilis ang tibok ng puso niya.
“Samahan mo ‘ko, Yerim.”
“Saan na naman tayo?”
“Saan pa ba? Sa Antips tayo, doon sa favorite spot ko.”
“Bakit ba tayo nandito? Wala ka bang pasok bukas?” sabi ni Yeri pagkababa na pagkababa nila ng sasakyan ni Seulgi.
Nakapamulsang naglakad si Seulgi patungo sa malawak na damuhan kung saan makikita ang ilang parte ng Metro Manila.
“May pasok ako mamayang 7,” umupo si Seulgi sa damuhan nang hindi man lang tinignan kung marumi ba ang inupuan. Napailing na lang na sumundo si Yeri. “Pero kaya ko naman. Kahit 2 hours na tulog lang.”
“Palagi mong inaabuso katawan mo.”
Hindi sumagot si Seulgi. Sanay na sanay na siya na sinesermonan ng mga kaibigan niya sa tuwing inaatake siya ng kakulitan.
Napako ang tingin niya sa nagliliwanag na siyudad sa kaniyang harapan. Kahit gabi na, ang ganda pa rin tignan. Sobrang ganda pa rin, hindi mo aakalaing nasa Pilipinas ka.
Nagtaka si Yeri dahil tahimik si Seulgi, kaya tinapunan niya ito ng tingin bago tuluyang napatitig sa mata ni Seulgi kung saan sumasalamin ang mga ilaw na kumikinang.
Bumilis ang tibok ng puso niya.
Bago pa siya tuluyang malunod, itinuon na lang din niya ang mata sa city lights.
“Sana pwedeng i-reset ang feelings, ‘no?”
Hindi pa rin inaalis ni Yeri ang tingin sa mga kumikinang na ilaw. Natatakot siya na baka—
“Para kahit ilang beses kang masaktan, hindi mo na ulit mararamdaman.”
Naputol ang paghinga ni Yeri.
“Talaga? Gusto mo no’n?”
“Oo.”
“Isusugal mo yung milyong masasayang ala-ala natin para lang sa isang masakit na ala-ala niyo?”
Hindi nakasagot si Seulgi.
“Ang selfish naman no’n, Seul,” yumuko si Yeri, “Kung ako papipiliin, mas okay nang mag-stay ‘yung sakit kaysa mawala ‘yung saya. Para kahit papaano, kahit maramdaman ko ulit ‘yung sakit, matatabunan pa rin ‘yun ng saya.”
Natawa si Seulgi. “‘Di ako sanay na seryoso ka, ‘tang ina.”
Umiling na lang si Yeri.
“Anong oras mo balak umuwi?”
“Saglit na lang. Ang peaceful dito, eh.”
Hinayaan na lang ni Yeri ang kaibigan niya at tumayo. Hindi naman nagtanong si Seulgi kung saan ito pupunta, kaya dumiretso na lang ito sa loob ng sasakyan.
Pinakawalan ni Yeri ang hiningang kanina pa niya pinipigilan. Para siyang nasasakal kapag malapit si Seulgi sa kaniya. Parang kahit anong oras, may masasabi siyang makapagb
Comments