1/6

Seulgi at si bunny

 

Maihalintulad sa isang mall ang classroom nila Kang seulgi. 

Hindi dahil sa malaki ito o kaya ay super lamig nito kagaya ng mga mall sa lugar nila...  


...Mall ang classroom nila dahil talamak ang business sa loob.


"Oi! Mga suki! Nagbebenta ako ng mikmik! Buy 1, may libre selfie with me." 

Kakatapos lang ng klase. pagkalabas na oagkalabas ng teacher nila sa room, bigla naman sumigaw si Joy hawak hawak ang box ng mikmik. 


"Ano ka artista? WAG KAYO JAN SA MIKMIK! Mabibilaukan lang kayo. NAGBEBENTA AKO NG CURLY TOPS at Plastic balloon. Masarap at sure na maeenjoy ka na balikan ang childhood mo." Acting ni yerim, sabay labas ng kaniyang paninda.

 

"Plastic ka na nga, plastic pa yun binebenta mo. May pa balik balik pa sa nakaraan, di ka naman crush nung crush mo nung elementary."


"Hoy kapre namumuro ka na hah! mind your own flop na business eew"


"Aba't-"


Nahati na nga into 2 groups ang mga claasmate nila at nagsimula ng magpasaring ang dalawa tindera.


Paminsan mapapaisip ka na lang na Baka mga future entrepreneur ang mga bata especially ang Grade 7 student na si kim yerim at park joy na everyday iba iba ang paninda. Kahit anong variety, walang pinapatos. Sila ang superior tindera sa loob ng classroom. Mga malalaking business, hindi small time lang (katulad sa ibang classmate nila na patago kung magbenta)


Sa classroom nila kang seulgi... Isa lang ang  problema mo kapag recess at lunch, kapag wala kang pera...wala kang mabibili.


Strikto ang mga tindera. Walang makakautang, walang libre...


...except kay Kang seulgi.


Hindi naman sa nangungutang siya. Nahihiya nga siya kapag humihingi siya ng pera sa bestfriend niya na si wendy. Pagkain pwede pa pero money...Its a no-no.

Hindi siya nangungutang kasi kusa lang sa kanya binibigay ng tindera ang mga gamit ng libre.

 

For example:


"Wan, sa long bondpaper ilalagay yun gagawin natin sa English?" tanong ni seul sa busy na hamster.

"Yes seul. Why man?"

Napasinghap naman si seul dahil sa inis... Short bondpaper nadala niya. Napatingin naman siya sa bondpaper ng bestfriend niya.


'hihingi pa ba ako. Parang kulang pa kay wan yun bondpaper niya'


"You didn't bring your bondpaper seul? Seul naman... Wait ill check if may extra ako"


Napansin siguro ni wendy ang pagtitig ng oso sa bondpaper niya.

 

 

 

"No no! Okay lang wands. Bili na lang ako-"

 

Napatigil naman si seul. Dahan dahan niyang chineck ang bulsa ng palda niya


'Pamasahe ko lang ang nadala ko...Ambobo'


"Bibigyan na lang talaga kita-"


"HOY KANG!" Bigla naman lumapit si joy sa kanila.

"Long bondpaper need mo? Oh eto may nagpapabigay. Tanggapin mo daw or malulungkot siya." malditang sabi ni joy, at marahas na inabot ang 5 malinis at walang gusot na long bondpaper na nakalagay sa transparent plastic. Meron pa itong cute na bear sticky note.


"Eh? Sino?" Nahihiyang kinuha ni seul ang package na para sa kanya.

 

"Edi sino pa? Yun secret admirer moeh"

 

Bigla naman nag "ayiee" at "sana oil" ang mga nakikinig sa kanila. Namula naman ang oso.


"Speaking of secret admirer, Hoy kang! May package ka rin dito." Pumasok rin si yerim sa eksena.

 

Inabot niya ang limang curly tops na nakabalot plastic na may bear sticky notes rin.

Nahihiyang tinaggap ni seul binigay sa kanya.


" Shuta eh, malulugi tayo " mahinang sambit ni yerim. Binatukan naman siya joy at binulungan. 


Namutla bigla si yerim, takot na lumingon lingon at umalis kasama si joy.


___________________________


May secret admirer si seulgi. Kapag may kailangan siya o gusto siya, para bang alam ng secret admirer niya at binibili sa kanya ito.  Palagi rin siyang binibigyan ng frutos, choc-o, mikmik,stick o at kung ano man ang bentang snacks for the day everyday at may kasamng sticky notes with message na nagpapamula sa cute na pisngi ng oso.

 

Oo na, kinikilig na siya.

 

"Ano ang nakasulat today?" Curious na tanong wendy, sabay silip sa dalawang bear sticky notes ni seul. Mabilis naman itong tinago ni seul.

 

"Ihh patingin"

 

"Secret lang to wan eh." Nahihiyang saad ni seul

 

"Parang hindi bestfriend" napa cross arms na lang si wendy... Galit na ang hamster.

 

"Hinge ka na lang kay joy!JOY OH!"

 

"Shh! Sige na sige na... Hindi na ako titingin basta wag ka lang maingay "bigla naman tinakpan ni wendy ang bunganga ng nanunuksong oso.

 

Hindi halata pero crush ng vice president ng section nila ang palaban na entrepreneur slash future beauty queen na si joy.

The feeling is mutual. Hindi lang nila na rerealize.

 

Dahan dahan inilabas ulit ng oso ang sticky notes.

 

' I heard na wala kang bondpaper today. Forgetful bear :b but you're still cute *heart* -bunny'

 


'Why are you so cute today?! 5 curly tops = I like you so much >< -bunny'

 

 

Napansin ni wendy na biglang ngumiti yun bestfriend, yun ngiti na abot tenga at yun mata ay nagiging crescent na.

 

"Kilig na naman ang oso. Sana ol talaga may bunny"


Bunny kasi yun codename na nakalagay sa lahat ng sticky notes.


Unfortunately, hindi  pa niya ito kilala at gustong gusto ni seulgi na makilala niya ang secret admirer niya.


Hindi nila alam...quiet na nakikinig ang pinaguusapan nila. One thing is for sure, a bunny is now smiling contentedly.

 

Tbc

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sailorcee
Pag naka half na ako sa ending, ipopost ko na yun partsz 2 ksskskkssk HAPPY BEINTE TRES AGAIN AND THANK YOU MWAPS!

Comments

You must be logged in to comment
Pristinemoon
27 streak #1
Chapter 7: Miss na kita beybe d q na kaya 😭 Balik ka na otor 😭😭😭😭
moksy12 #2
Chapter 7: bitin po otorrrrrr 😭😭😭
chenenow #3
Chapter 7: otor 😭?
future_mrs_liu #4
Chapter 7: Cute!!!!
renemate
#5
Chapter 7: aaa super cute omg pls update :((
kang_ddeul
#6
Chapter 7: new reader here otor-nim! :D HAHAHAHA ang cutie po ng storyyy! 😍😍😍
SEULRENEHAHAHA #7
Chapter 7: OTHORRRR UPDATE PLESSSSSSS GUSTO MO DEN BA FRUITOS OTHORRRR??? ANYTHING POR YOUUU,,, BASTA UPDATE MO LANG TO EHHE
iSPARKLE #8
Chapter 7: Thaaaaank you so much po sa pag update author!! Coooongrats din po pala. Sana po laging masarap ulam niyo
Varcenciel21
#9
Chapter 7: Yieeee may update. hindi naman corny, cute lang kasi pang-grade school life, kakamiss din maging bata at usapang crush muna hehe
Ivie12
#10
Chapter 7: Thanks sa story author, author di naman sYa korni ang ganda nga at ang cute Sana po UPDATE ulit waiting with respect po ako author love ya na talaga 😭😭😭😭😭