Walang Kuskos Balungos

Palawan Express
Please Subscribe to read the full chapter

"Good morning, Ma'am. Welcome to Palawan Express." Bati ng isang babae mula sa likod ng window nang marinig niyang tumunog ang bell sa may pintuan. Sunod niyang narinig ang mga yapak na papalapit sa kanyang pwesto.

"Ano pong sadya nila? Kukuha po ba ng pera o magpapadala?" Tanong muli nang empleyado habang sinusiri ang mga resibo na kanyang hawak.

"Magpapadala po sana." Mahinhing sagot ng babae na nasa harap niya ngayon pero hindi napansin ng empleyado ang pagkahinhin ng boses dahil mas interesado siya sa mga resibo na hawak niya.

Ang empleyado ay may kinalkal saglit sa kanyang may gilid, at dumampot ng isang piraso ng papel na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa perang ipapadala. Inilabas niya ang kanyang kamay sa may maliit na siwang at iniabot sa babae ang form.

"Pakisagot na lang po ito, Miss. May ballpen po diyan sa gilid." Magalang na sambit ng empleyado at inayos ang mga resibo bago tumayo sa kanyang kinauupuan para pumunta sa may likod na parte ng kanilang opisina.

"Miss, tapos na po ako mag-fill up." Anunsyo ng babae. Sakto naman na siya ay pabalik na sa kanyang pwesto at 'dun na nagtama ang kanilang mga paningin.

Napatigil naman sa paglalakad ang empleyado, at tinitigan na lang ang babaeng nakatayo sa may likod ng malaking bintana na naghihiwalay sa kanilang dalawa.

"Miss?" Tawag muli ng babae na ikinagising naman ng empleyado. Dali-daling umupo ang empleyado sa swivel chair at hinila ito gamit ang kanyang katawan papalapit sa may bintana.

"Akin na po 'yung form niyo, Miss." Nakangiting sabi ng empleyado at maingat na kinuha ang papel mula sa kamay ng babae.

"Miss Irene Bae." Pagbasa ng empleyado sa pangalang nakalagay sa papel at tinignan muli ang babae na may ngiti sa labi.

"Ang ganda ng pangalan niyo, Miss. Bagay po sa inyo, pero mas bagay kayo sa akin." Kinilig naman ang empleyado sa kanyang sariling banat, habang ang babae naman na nagngangalang Irene ay tila nagulat sa sinabi ng empleyado.

"P-po?" Tanong ni Irene, pagtataka at halata sa kanyang mukha.

"Ang sabi ko po, I'm Seulgi po, at your service. Kung masyado pong mahaba ang Seulgi sa inyo, you can call me yours." Namula naman si Irene sa tila banat na sagot ng empleyado pero hindi na niya lang pinahalata na narinig niya ang sinabi ni Seulgi.

"Ignored. Awts gege." Bulong ni Seulgi sa kanyang sarili habang sinusuri ang mga nilagay na impormasyon ng babae.

"Ten thousand po papadala niyo, Miss?" Agad namang tumango si Irene at kinuha ang kanyang wallet para ilabas ang pera na kanyang ipapadala.

"Ito po 'yung pera." Inilapag ni Irene ang pera malapit sa pwesto ni Seulgi at pinanood ang empleyado na bilangin ang pera na kanyang iniabot.

"Para po ba 'to sa pamilya niyo, Miss? Kung ganun, ang jowable niyo naman po." Biro ng empleyado pero dinedma lang siya ulit ni Irene.

"Biro lang po hehe." Agad na pagbawi ni Seulgi sa kanyang sinabi nang hindi siya makatanggap ng reaksyon mula sa babae at pinagpatuloy na lang ang kanyang trabaho.

"Miss, ito po 'yung papel na kailangan niyo." Tumayo si Seulgi mula sa kanyang kinauupuan at ibinigay kay Irene ang papel na naglalaman ng imasyon.

"Ito po 'yung reference number." Inilapit ni Seulgi ang kanyang mukha sa may bintana at itinuro ang mga numero na nakaprint sa papel. Nang kanyang iangat ang mga paningin mula sa papel ay tumambad sa kanya ang close-up na side view ng mukha ni Irene.

"Ma'am, ang ganda niyo po lalo sa malapitan." Naramdaman ni Irene ang pag-akyat ng kanyang dugo papunta sa kanyang mukha. Siya'y napaubo, kasunod nito ang paglayo ng kanyang mukha sa empleyado.

"May jowa na po kayo-aray!" Hindi na natuloy ni Seulgi ang kanyang tanong nang makaramdam siya ng palo sa likod ng kanyang ulo na nagresulta sa kanyang bahagyang pagsigaw.

"Na-process na po 'yung padala niyo, Miss. Pagpasensyahan niyo na po itong si Seulgi, kulang po siya sa pagkain." Pagpapaumanhin ng babae na kulay blonde ang buhok, at nginitian si Irene bago hinarap ang kanyang kaibigan.

"Salamat po, at okay lang po." Awkward na tumawa si Irene bago nagpaalam at lumabas na sa loob ng Palawan Express.

"Kanina mo pa binabatan 'yung babae. Kapag 'yan natakot at hindi na bumalik, hindi na kita bibilhan ng pringles." Banta ng katrabaho ni Seulgi.

Sumimangot si Seulgi at nag-pout para magpa-cute sa kanyang kasamahan para sinungitan lang siya.

"Wendy naman ih. Ang ganda niya kasi." Kumunot naman ang mukha ni Wendy nang parang may nakita siyang mga heart sa mga mata ni Seulgi habang iniisip ang mukha ng babae kanina.

Kaya sa isip ngayon ni Wendy. Mukhang emoji si Seulgi.

"Ayusin mo trabaho mo, Seulgi. Ipapatanggal kita." Banta ulit ni Wendy at umupo sa kanyang upuan at binuklat ang folder na kanyang ipinanghampas sa ulo ng kasama.

"Abuse of power 'yan. Porket kayo may-ari ng branch na 'to, tch." Padabog na upo ni Seulgi sa upuan at sinungitan ang kanyang kaibigan.

Napailing na lang si Wendy sa inakto ng kasama, at ibinaling ang kanyang atensyon sa papeles na nasa lamesa niya ngayon.

"Pero seryoso, pre. Ang ganda ni Miss Irene. Ang hinhin pa ng boses. Nahulog na ata ako, pre." Nagpakawala naman ng isang dreamy sigh si Seulgi habang nakatingin sa kisame. Malamang iniisip ulit ang babaeng nagpadala ng pera kanina.

"Baka gusto mong ihulog kita sa posisyon mo, pre kapag hindi mo pa sinimulan trabaho mo."

"Ito naman si boss, hindi mabiro. Ito na nga oh." Agad namang umayos ng postura si Seulgi at sinimulan talagang gawin ang kanyang trabaho.

"Sipag ko, diba? Baka naman pwedeng dagdagan sweldo ko, ssob." Nag-pretty eyes naman si Seulgi kay Wendy at umakto na parang busy sa kanyang ginagawa.

"Baka dagdag na hampas gusto mo?" Iniambang ni Wendy ang folder na kanyang hawak na para bang handa siyang hampasin muli ang kasamahan ng kahit anong oras.

Awtomatiko namang isinangga ni Seulgi ang kanyang kamay para protektahan ang kanyang ulo sa paparating na atake, kasabay ng pagpikit ng kanyang mata.

"Issa prank, bhie." Tanging tawa lang ni Wendy ang maririnig sa loob ng Palawan Express at napasimangot naman si Seulgi sa pangloloko ng kanyang kaibigan.

"Friendship is cancelled." Nagtatampong sambit ni Seulgi at tinapos ang kanyang gagawin dahil malapit na silang magsara.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
trashofmaxe
Ayun na nga mga, sizmars. As usual, hindi ko naproofread 'to dahil tamad ako. Pero kung interested kayo na makipag-usap sa akin sa Twitter account ko, sabihin niyo lang. Charot. Enjoy reading!

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2140 streak #1
Chapter 1: rereading uli hahahahahahaha
gomtokkim
2140 streak #2
Chapter 1: rereading this again<3 ang corny pero cute pa rin ni Seulgi XD
gomtokkim
2140 streak #3
Chapter 1: Di ko inaasahan yun hahahahahahaha ang corny ni Seul pero nakakatawa pa rin hahahahahaha
kang_ddeul
#4
Chapter 1: more more moreeee! hahaha
kang_ddeul
#5
Chapter 1: HUY ANG CUTE!! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA tawang tawa ako ee!
trashofmaxe
#6
Chapter 1: Pakshet, kakagulat nga sudden turn of events sa story na 'to. Shet, my brain.
BpRvTw03saromines
#7
Chapter 1: Amputek HAHAHAHAHAHAH korni ni seulgi sa english mas korni sa tagalog HAHAHAHAH TAWANTAWA AKO awts gege amp HAHAHAHHAHAHA
Slrnsnyn
#8
Chapter 1: totoo kayang may ibang binanatan? hahahhaha hindi ko po inaasahan ang mga kaganapan.

p.s. gusto ko po sanang makita si wan na tuluyan nang madiligan. tnx sa nakakaaliw na story author ;)))
PineappleSeulgi
#9
Chapter 1: nagulat ako sa sudden turn of events hehe