fin

makasama ka’y suntok sa buwan
Please Subscribe to read the full chapter

Minsan kailangan mo lang ng konting tapang

 

Paulit ulit na bulong ni Wendy habang siya ay nakatitig sa dilag na katabi niya sa ilalim ng maliwanag na kalangitan.

 

Naalala ni Wendy ang kakaibang tahimik at payapa na dala ng gabing ito sakanilang dalawa. Kung sakali mang bukas ay mapagbibigyan pa siya ng pagkakataong maranasan muli ito kasama siya, kukunin na agad ni Wendy ang opportunity.

 

“Sino nga ba?” tanong ng kasama niya.

 

Sino pa ba?

 

————————

 

“Kung yelo lang si Irene, baka tunaw na yan.” Sambit ng matalik niyang kaibigan na si Seulgi. “Bakit di mo pa kasi lapitan? Last day of school na rin. Maghihiwa-hiwalay na rin tayo diba? Kung mapapahiya ka man, ayos lang yun.”

 

“Baliw, dito lang naman ako sa Baguio.” sabi ni Wendy.

 

“May future ka ba dito pre? Sa Manila tayo, mas maraming maghahire sayo dun.” Excited na sagot ni Seulgi. Matagal na rin kasi niyang pinapangarap na sumunod sa Ate niya na nakatira sa Manila pero takot siyang magsabi ng deretsahan kay Wendy na di siya comfortable bumyahe mag isa.

 

“Para sayo yung Manila, para sakin ang Baguio.”

 

“Labo mo tol, inom nalang tayo mamayang gabi. Ayain ko buong tropa.” 

 

Isa nanamang kademonyohang invite ang sinabi ni Seulgi. Plano pa naman ni Wendy na tapusin ang ineedit niyang mga videos noong nag punta siya sa La Union.

 

“Yan ka nanaman sa alak mo, Seul.” Seryosong sabi ni Wendy.

 

“Basta pre kita tayo sa dati ah!” Patakbong sigaw ni Seulgi.

 

Pagkalingon ni Wendy ay nakita niya si Irene na kausap ang boyfriend niyang si Sehun. 

 

Napa-iling nalang siya sa nakita niyang pag-aaway ng dalawa at naglakad na papunta sa classroom niya. Last day na rin naman, magpapa-late pa ba siya?

 

————————

 

Wala pa kong nagiging girlfriend, kahit nga first kiss wala pa eh. Ang hina ko no?

 

Dalawang beses pa lamang sa buong pagkakaibigan nila ni Seulgi siya nalalate sa lakad nila. Una ay ang party ni Seulgi nung 7 years old siya dahil matagal siyang inayusan sa parlor at ang Pangalawa ay dahil sa traffic sa may Kennon Road. Ngayon na ang Pangatlo dahil nalate siya ng gising.

 

“Tangina late na ko.”

 

Tumakbo siya papunta sa Mitsubishi FX na pamana sakaniya ng tatay niya, minsan pa ay pinapasada niya to para makakuha ng pera pang gastos. 

 

“Putangina ngayon pa talaga.” Sigaw niya habang jinujump start ang kaniyang kotse for the 2nd time. Sinabayan pa ng pagri-ring ng cellphone niya na malamang sa malamang si Seulgi at hinahanap na siya.

 

Sa pangatlong subok, nag start na rin sa wakas ang Fx. Binilisan niya ang pagddrive niya, kahit traffic sumisingit pa rin siya. Mas maayos na yung maaksidente kesa magbayad sa napakamahal na bill sa inuman.

 

Pag-park ng kotse niya, biglang may sumakay. 

 

“Ate sa may Camp John Hay po.” Sabi ng dalaga, halatang kagagaling lang sa iyak.

 

“Miss hindi po k—“

 

Si Irene.

 

Si Irene yung sumakay sa kotse niya.

 

“Camp John Hay? Sige po.” 

 

Magrereklamo pa ba siya sa babayaran niyang bill mamaya? Si Irene na to, crush niya since 1st year college.

 

Eto na ata yung sign ng Universe para kausapin niya na yung matagal niya nang inaasam na babae.

 

“Sis,” sa unang akala ni Wendy, siya yung tinatawag ni Irene kaya tumingin siya sa rear-view mirror at nakitang may kausap pala sa phone. “Ayoko na sis, di ko na kaya. Matagal na pala siyang may iba.”

 

May iba?

 

“Nahuli ko sila ng kabit niya sa bar ngayon. Pagod na pagod na ko sakaniya. Ayoko na talaga, uuwi nalang ako ngayon.” 

 

Dun na nag decide si Wendy na tumigil sa pag e-eavesdrop.

 

————————

 

“Ate saglit tayo sa tindahan, may bibilhin lang ako.”

 

Pinarada ni Wendy sa gilid ng daan ang kotse at inantay si Irene na makabalik.

 

Nagulat naman si Wendy sa nakita niyang binili ni Irene. Cutter, lubid, at masking tape. Napuno siya ng kaba at pag-aalala.

 

“Miss,” Bungad ni Wendy na may halong kaba sa boses, “kung gaano man kabigat yung pinagdadaanan mo, alam mong hindi yan yung solusyon.”

 

Nalilito si Irene sa mga sinasabi ng driver niya.

 

“Napakagago ng mundo pero sana di mo ituloy yan. Marami pang pwedeng mangyari sa buhay mo na ikasasaya mo promise.”

 

“Uh ate, ayos ka lang ba?”

 

“Irene kasi—“

 

“Kilala mo ko?”

 

Muntik ng sampalin ni Wendy yung bibig niya for being super careless. Malamang di alam ni Irene na kilala siya ni Wendy, never niya naman inapproach sa school si Irene.

 

“Schoolmates kasi tayo.”

 

Napatingin si Irene sa mukha ni Wendy gamit ang rear view mirror pero di niya pa rin namumukhaan.

 

“Saan na pala tayo?” Pagbasag ni Wendy sa katahimikang bumabalot sakanilang dalawa.

 

“Nagugutom ako”

 

Napangiti si Wendy sa kaniyang narinig. “Sakto, may alam akong tapsihan kung ayos lang sayo.” 

 

“Game!”

 

————————

 

[Seul Buraot]

Pre baka naman may balak ka pang sumipot dito?

Bayaran mo bill namin pakyu

 

“Ma’am order niyo po.”

 

Natawa si Wendy sa takam na takam na tingin ni Irene tapsilog. Hindi niya rin naman masisisi ang huli kasi isa ito sa pinakasakit na tapsihan sa Baguio, binabalik balikan ng mga turista. Nasaktuhan lang nila na onti lang ang customers, paniguradong nasa bars lahat.

 

“Ang sarap!” sigaw ni Irene. 

 

Hindi namalayan ni Irene na nahulog pala ang isang itsurang wallet sa sahig kaya pinulot ito ni Wendy.

 

“Ano to?” Tinignan ni Wendy ang strawberry-designed wallet.

 

“Buksan mo tas kuha ka isa.”

 

Ginawa ni Wendy ang sinabi ni Irene.

 

Kumain ng isang kutsarang hot sauce

 

“Hot sauce?! Papatayin mo ba ko?”

 

Natawa naman si Irene. “Puro dares kasi yan, may 10 pa atang natitira dyan. Balak ko kasi bago ko umalis ng Baguio, nagawa ko na lahat yan kaso napa-aga alis ko.”

 

“Kelan ka aalis?” Tanong ni Wendy.

 

“Maya maya”

 

Nabigla si Wendy sa sagot ni Irene. Hindi niya inaakalang ngayon nalang ang meron siya para makasama ang babaeng matagal niya nang hinahangaan.

 

“Edi,” panimula ni Wendy, “Gawin natin to laha

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
mydearwenrene
#1
Chapter 1: would love to see a continuation sa storya nila. thank you for this :) wondering who the author was tapos nung nakita kung it makes sense na bakit maganda to hehe.
revelnc #2
Chapter 1: Ah, ramdam ko sila. Ramdam ko 'tong kwento nila. Kahit sa konting sandali na nagsama sila, ramdam mo namang mayroon talaga. Kaya ang saya lang na hinarap na ni Wendy 'yung takot niyang umamin, kahit hindi direkta, kay Irene. Sa sandaling nagsama sila, parang nakagawa na sila agad ng sarili nilang mundo. Nakalimutan na ni Wendy ung party ni Seul ee HAHA Kahit na wala ng kasunod 'to, sana ituloy nila ang kwento nila. Salamat para dito! :)
zythum24
#3
Chapter 1: Grabe sobrang ganda nito. Gusto ko yung parang chill lang na no apprehension or fear sa kanilang dalawa tas parang sa kanila lang yung mundo buong gabi. Yung mga binili ni irene sa tindahan, para ba sa boxes niya yun? Haha. Yung softness nila dito sobrang bagay sa wenrene na nakikita natin. Tsaka ito yung type ng story na bittersweet na kahit gusto mo pa ng susunod na part, alam mo namang ito yung tamang panahon para tapusin yung story. Well at least yun naramdaman ko. Salamat sa pagshare ng kwento! :)
94JeTi
#4
Chapter 1: Si Seulgi kinalimutan niya na skskashsks inuna landi. Sana may part 2
LockLoyalist
#5
Chapter 1: San na po ung part two.. charot hahaha ang cute nito author ssi.
baejoonism #6
Chapter 1: Awww
Love03 #7
Chapter 1: Na sad ako dito. Happy wr day!
nicella #8
Chapter 1: Shet gusto ko tuloy magbaguio at mag tapsi pero wala naman akong kras, penge pong irene or wendy huhu. Ganda nito, salamat sa fluff :)
Paparapakyaw #9
Chapter 1: Shuta kelangan ko ng part two huhubels bitin