Love

Love Story

"Just hear me out, okay?" Pakiusap ni Seulgi kay Irene habang nakatambay sila sa cafeteria.

Lunch break at masayang kumakain ang magkakaibigan habang kinukulit naman ni Seulgi ang bestfriend nitong si Irene na makipag-textmate sa pinsan nito.

"Still, the anwer is no." May pinalidad na sabi ni Irene.

"I'm just trying to help, okay? Hindi ka pa ba nadadala sa mga nagiging jowa mo? Lahat ng yun walang matino!" Pagdadahilan ni Seulgi. "Bakit ba kasi ayaw mo? Maayos naman yung pinsan ko ah!" Dagdag pa nito.

Tinigil naman ni Irene ang pagkain at hinarap ang makulit nitong bestfriend habang busy naman ang dalawa nilang kasama na si Joy at Yeri sa paglalaro ng Harvest Town. 

"That's exactly the point kung bakit ayaw ko, Seul. Pinsan mo yun and I don't do that kind of dating." Sagot ni Irene at ipinagpatuloy na ang pagkain.

Naiinis namang dinampot ni Seulgi ang sandwich nya at bumulong-bulong pa muna bago ito kinain. Napabuntong-hininga naman si Irene dahil alam nyang kukulitin na naman sya ng kaibigan pagkatapos ng ilang oras.

 

***************

 

Matapos makapagpalit ng damit ay pasalampak na nahiga si Irene sa kama. Pagod na pagod sya sa araw na ito dahil bukod sa dami ng pinagawa sa kanila ay hindi rin sya tinantanan ni Seulgi sa pangungulit tungkol sa pinsan nito. May mga pagkakataon din kung saan nakikigatong pa ang dalawa nyang kaibigan na si Joy at Yeri kaya naman mas lalong naubos hindi lang ang pasensya nya kundi pati narin ang enerhiya nya sa pananaway sa mga ito. 

"Hayy...." Buntong-hininga nya bago damputin ang cellphone mula sa lamesang nasa gilid ng higaan nya. Chineck naman nya isa-isa ang mga messages na natanggap at napatigil dahil sa isa sa mga ito.

 

From: +63917xxxxxxx

Hi! :)

 

Hindi ugali ni Irene ang magreply sa mga messages from unknown numbers kaya naman binura nya rin ito agad matapos basahin. Habang abala sa sa pagbabasa ng mga notes na kinunan nya kanina sa klase ay biglang tumunog ang cellphone nya at nagpop-up sa itaas ng screen ang isang message from unknow number.

 

From: +63917xxxxxxx

Hi, again! :)

Uhm, my name's Wendy. I'm Seulgi's cousin. I hope you didn't find me creepy the first time I texted you.

 

From: +63917xxxxxxx

She said you need help on your Noli Me Tángere report and that I should help you? 

 

Napakunot naman ang noo ni Irene nang mabasa ang huling text. Report? Noli Me Tángere? Naguguluhan nyang tanong sa isip. Ititext na sana nya si Seulgi para itanong ang ibig sabihin ng huling mensahe ng pinsan nito nang bigla syang may mapagtanto.

"You slick bear." Sabi nito bago buksan ang mensahe ng pinsan ng bestfriend nya at magreply dito.

 

To: +63917xxxxxxx

Hi! I'm Irene and I'm your cousin's bestfriend.

Sorry but I think there's some kind of misunderstanding here. I don't need any help on Noli Me Tángere and I think she just made it up for you to text me. I'm really sorry about that.

 

Matapos nyang magtype ay pinindot na nya ang send button at naghintay ng reply. Hindi pa nakakalipas ang dalawang minuto ay nakatanggap na sya ng message mula rito.

 

From: +63917xxxxxxx

Oh, okay. May I know why would Seulgi do that?

 

Pagkabasa nito ay agad naman nagtipa si Irene sa cellphone para magreply.

 

To: +63917xxxxxxx

She wants to set us up. 

 

Diretsahang sagot nya sabay pindot ng send.

 

From: +63917xxxxxxx

Hahaha! That's very Seulgi.

Wait, is she trying to be a cupid? I thought cupids are little angels and not big bears.

 

To: +63917xxxxxxx

They are indeed cute little angels in a diaper so if Seulgi is trying to be one, she definitely ! :D

 

 

Nagpalitan pa ng ilang mga mensahe sila Irene at Wendy bago magpaalam ang huli at magsabi na may gagawin pa itong school works. Si Irene naman ay nagpasyang maligo na muna bago pasadahan ng basa ang mga notes na nasa gallery ng cellphone nya.

 

***************

 

"Well, well, well... How's my cousin?" Masayang bungad ni Seulgi kay Irene nang makaupo ito sa tabi nito.

"Paki ko sa pinsan mo. Nanay nya ba ako para itanong mo sakin kung kamusta na sya?" Aniya sa kaibigan.

Napairap naman sa ere si Seulgi dahil sa sagot ng kaibigan. "Hindi yan yung ibig kong sabihin. Napaka-pilosopo mo talaga."

Bigla namang dumating sila Yeri at Joy at umupo sa upuan na nasa harap nila.

"Oy, ano yan? Aga-aga nagtatalo na naman kayo." Paninita ni Joy sa kanila.

"Ito kasing si Irene napaka-pilosopo. Tinatanong ko kung kamusta yung pagtitext nila ng pinsan ko kagabi tapos sasagutin ako na di naman daw sya nanay ni Irene para kamustahin ko sa kanya." Panunumbong ni Seulgi na ikinalaki naman ng mga mata nila Yeri at Joy.

"Aba, malay ko bang yun pala ibig mong sabihin. Ang gulo mo kasi magtanong." Pagtatanggol naman ni Irene sa sarili.

"Teka, teka nga." Pag-aawat ni Joy sa dalawa. "You mean to say na naka-text mo yung pinsan ni Seulgi kagabi?" Tanong nito.

"Oo, bakit?" Takang tanong ni Irene.

"Gaga, anong bakit? Ang sabi mo kahapon ayaw mong gawing textmate yung pinsan ni oso tapos ngayon naman malalaman naming nakatext mo pala kagabi. Edi meow meow meow!" 

"Tama si Yeri. Ano na nangyari sa I don't do that kind of dating na litanya mo kahapon kay Seulgi?"

"Kaya nga. Ano na kwento? Jowa mo na ba pinsan ko?" Sunud-sunod na tanong ng tatlo sa kanya.

Inis namang isinara ni Irene ang librong binabasa at hinarap ang tatlo. Heto na nga ba ang sinasabi nya kaya ayaw nyang patulan ang pangungulit ni Seulgi tungkol sa pinsan nito.

"Nagkatext lang kami dahil itong oso na to..." Panimula nya sabay turo kay Seulgi, "sinabi ba namang kailangan ko ng tulong sa Noli Me Tángere kaya naman nagreply ako at sinabing nagsinungaling lang si Seulgi sa kanya." Paliwanag niya.

"Oh~" Sabay na sabi ng dalawa bukod kay Seulgi.

"So, wala na kayong ibang napag-usapan? Sinabi mo lang na nagsinungaling si Seulgi tapos yun na? Tapos na?" Usisa ni Joy.

"Hmm... Nagkakwentuhan pa kami tungkol kay Seulgi tapos about naman sa school then nagsabi na sya na may gagawin pa syang school works kaya ayun na." Maikling kwento nito.

"Oh~" Sabay na sabi ulit ng dalawa.

Napatingin naman silang tatlo sa cellphone ni Irene na nasa ibabaw ng desk nito nang bigla itong tumunog.  

 

From: +63917xxxxxxx

Good morning! 

I hope you have a great day ahead. :)

 

Napangiti naman si Irene nang mabasa ang text kaya agad na napatayo sila Seulgi para silipin ang screen ng cellphone nito.

"Sino yan?" Pag-uusisa ni Seulgi habang nakatingin sa cellphone nya.

Napaangat naman ang ulo ni Irene para tignan ang kaibigan. "Pinsan mo." Simpleng sagot nito at ibinalik ang atensyon sa cellphone na hawak.

Nagkatinginan naman ang tatlo at nakakalokong ngumiti.

"May pa-good morning text na pala kayo ngayon, couz?" Pang-aasar ni Seulgi kaya naman napalingon ulit sa kanya si Wendy habang nakakunot ang noo.

"Pinagsasabi mo dyan?" 

"Wala naman, couz. Curious lang ako na may pa-good morning na pala kayo sa isa't-isa. Akala ko ba ayun na yun kagabi?" Tanong nito habang nagtataas-baba pa ang kilay. Inirapan naman sya ni Irene bilang sagot at nagtipa sa cellphone nito ng reply.

 

To: +63917xxxxxxx

Good morning din.

 

**********

 

Lumipas ang ilang linggo at walang araw na hindi nagkakatext sila Irene at Wendy. May mga pagkakataon din na tumatawag ang huli para lang magkwento dahil tinatamad itong magtext. Sa araw-araw na magkausap sila ay marami ng nalaman si Irene tungkol kay Wendy. Bukod sa pagiging left fielder nito sa softball ay kasali rin pala ito sa music club ng school nila. Sa kabilang banda naman ay nalaman ni Wendy na nasa editorial si Irene at member din ng dance club tulad ng pinsan nito. 

 

Makalipas ang dalawang buwang pagtitext ay niyaya na ni Wendy sa wakas na maging girlfriend nya si Irene at pumayag din naman ito. Masayang ibinalita agad ito ni Irene sa mga kaibigan kaya naman hindi sya tinantanan ng mga ito sa pagpapalibre. Isang linggo rin syang hindi tinigilan ng mga ito sa pang-aasar lalo na ng dalawang kampon ni Satanas na sila Joy at Yeri.

 

"Nakakainis na talaga sila Joy, love. Wala na silang ibang ginawa kundi asarin ako." Pagsusumbong ni Irene nang tumawag ang girlfriend nito.

"Hahaha! Bakit? Ano na namang ginawa nila sa girlfriend ko ngayon?" Natatawang tanong ni Wendy mula sa kabilang linya. 

"Tuwing may kailangan kasi sila sakin tatawagin nila kong love tapos tatawa ng sabay-sabay. Yung ibang mga classmate naman namin love narin tuloy tawag sakin. Parang mga ewan talaga." 

"Aww... wawa naman pala love ko. Hayaan mo, ilang araw lang yan at magsasawa din sa pang-aasar sayo. Oo nga pala, alam mo bang tinawagan ako ni Seulgi nung nakaraan para lang pagbantaan? Hahaha! Sabi nya kapag sinaktan daw kita papasalinan nya ko ng dugo para raw hindi na kami magkadugo. Itatakwil na raw nya ko." Pagkukwento ni Wendy habang tumatawa.

"Aba, kulang yun. Dapat ilagay ka nya sa sako at ipakain sa mga pating. O kaya naman itali ka nya sa puno ng mangga tapos hayaang kagat-kagatin ng mga malalaking langgam. Kung di naman nya kayang gawin yun, aabangan nalang kita pagkalabas mo ng gate ng school nyo tapos sasagasaan kita 10-wheeler truck." Pananakot ni Irene sa kanya.

"Oohhh~ nakakatakot ka naman pala maging girlfriend, love. Parang gusto ko ng magback out ah." Biro ni Wendy.

"At parang sinasabi mong may balak kang lokohin ako ah! Naku, Son Wendy ah. Sinasabi ko talaga sayo makakatikim ka sakin." Inis nitong sabi kaya naman natawa ng malakas si Wendy.

"Joke lang, love. Alam mo ba kung gaano ako ka-swerte na mapasagot ang isang Bae Irene? Daig ko pang nakakumpleto ng 7 dragon balls! Tanga nalang talaga ako kung papakawalan pa kita at saka sabi nga ni Maris Racal: ikaw lang, sapat na~" Paliwanag ni Wendy at kinanta pa ang huli nitong sinabi.

"Ewan ko sayo. Para kang ewan dyan." Kunwari ay naiinis na sabi ni Irene.

"I love you, Irene Bae." Nakangiting sabi ni Wendy mula sa kabilang linya.

"I love you too, Wendy Son. You're such a greasy hamster, you know?"

"Oh, yeah? Is that the reason why you're head over heels for me?" 

"Huh, you wish!"

 

***************

 

"Seul, wala bang nakukwento sayo si Wendy?" Tanong ni Irene habang nakatambay silang magkakaibigan.

Kakatapos lang ng klase at napagakasunduan nilang apat na magpunta sa paborito nilang café na di kalayuan sa school.

"Wala naman. Bakit mo natanong?" Tanong ni Seulgi pabalik habang nilalantakan ang order nitong red velvet cake.

"Ano kasi... napapansin ko lang na parang ayaw na nya kong kausap?" Nag-aalangan nyang sagot.

Napakunot naman ang noo ni Seulgi at tumingin sa kanya. "Panong ayaw ka ng kausap?"

"Simula kasi last week parang laging syang nagmamadali kapag tumatawag ako sa kanya. Hindi narin sya gaano nagtitext. Magtu-two weeks narin kaming puro good morning saka good night lang yung usapan. Kung pagpapalain naman ako, magtitext sya para itanong kung kamusta araw ko tapos kapag nagreply ako di naman na sya magrereply. Ganun at ganun lang kami since last week. Wala naman din akong matandaan na pinag-awayan namin or what." Pagkukwento ni Irene.

"Baka naman busy lang. Diba pasok yung school nila sa regional ng softball? Baka dahil dun kaya madalang na sayo makapagtext." Pagpapalubag ni Seulgi ng loob nya. 

Napabuntong-hininga naman si Irene dahil dito. "Naisip ko narin yun kaya lang dati naman kahit sobrang busy nya lagi parin kaming nag-uusap sa gabi para magkwentuhan hanggang sa antukin na yung isa saming dalawa. Nagtitext din yun tuwing break time nya pero ngayon wala man lang syang ibang text bukod sa good morning at good night." Paliwanag nya sabay buntong-hininga ulit.

"Baka naman may ibang tao ng pinagkakaabalahan kaya wala ng oras sayo." Biglang singit ni Yeri habang umiinom ng frappe kaya naman sabay syang binatukan ni Seulgi at Joy. "Aray! May possibility naman talagang ganun yun ah. Di porket pinsan ni oso eh matino na." Pagdadahilan nito habang hinihimas ang ulo.

"Alam mo Yeri, wala talagang nalabas na mabuti dyan sa bibig mo. Hindi porket pinagpalit ka ni Saeron eh ganun na lahat ng tao. Ang bitter mo masyado, alam mo yun?"

"Luh?! Pasmado bibig mo Joy? Si ate Irene topic dito diba tapos isasali mo ex ko?" 

"Oh, tama na. Hindi kayo nakakatulong kay Irene eh." Pag-aawat ni Seulgi sa dalawa. "Sinubukan mo na bang tanungin si Wendy tungkol dyan?" Tanong nito matapos humarap sa kaibigan.

Malungkot namang umiling si Irene bilang sagot sa tanong nito.

"Bakit hindi? Two weeks na syang nagpapaka- tapos iniintindi mo lang?" Inis na tanong sa kanya ni Joy.

"Grabe naman sa . Pinsan ko parin yun baka nakakalimutan mo." Sita ni Seulgi sa kanya.

"Oo nga, pinsan mo. Kaya nga parehas kayong eh. Ang pinagkaiba nyo lang, yung pinsan mo nagbibigay ng label, ikaw manlalandi lang tapos pag pinatulan biglang friends lang muna." Seryosong sagot ni Joy.

Sasagot pa sana si Seulgi nang biglang tumayo si Irene at dinampot ang mga gamit.

"Alam nyo, masyado ng okupado ni Wendy yung utak ko para dagdagan nyo pa." Aniya at naglakad na palabas ng café. 

Sinubukan pang tawagin nila Seulgi si Irene ngunit parang wala itong naririnig at nagpatuloy lang sa pag-alis. Naiwan naman ang tatlo sa lamesa at nagsisisihan kung sinong may kasalanan. 

 

***************

 

Pagdating ni Irene sa kanila ay naligo ito agad at nahiga sa kama pagkatapos. Kinuha nya ang cellphone na nasa bag para tignan kung may text ba si Wendy ngunit ganun nalang ang pagkadismaya nya nang makitang wala itong bagong message simula kaninang umaga. Sa sobrang inis ay binuksan nya ang inbox at nagtipa ng mensahe para dito.

 

To: My Hamster

I don't care if you're busy or not. We need to talk. 

 

Wala pang dalawang minuto ang nakakalipas nang maka-receive si Irene ng replt mula sa girlfriend nya.

 

From: My Hamster

Love? Is something wrong?

 

Nag-init naman lalo ang ulo ni Joohyun nang mabasa ang reply ni Wendy. Sa hindi malamang kadahilanan ay parang gusto ring tumulo ng mga luha nya kaya minabuti nyang tumingin sa itaas habang pinakakalma ang sarili.

 

To: My Hamster

It's funny that I have the same question as you, Wendy. Is something wrong? 

 

From: My Hamster

Naguguluhan ako, love. Galit ka ba sakin? May nagawa ba kong mali? :(

 

To: My Hamster

I'm so done playing games with you, Wendy. Let's end this.

 

It took everything from Irene to send that message. Hindi nya inaakalang magiging ganun kahirap para sa kanya na tapusin ang lahat sa kanila samantalang tatlong buwan palang naman sila magkakilala. Masakit man pero hindi nya hahayaang patuloy lang syang pagmukhaing tanga nito. Tama si Yeri. Hindi naman magkakaganun si Wendy kung wala na itong ibang pinagtutuunan ng pansin. She should've known better since that was what happened to her previous relationship.

Habang abala ang utak nya sa pag-iisip ay biglang tumunog ang cellphone nya kaya nabitawan nya ito at nahulog sa sahig. Agad din nya itong pinulot at tinignan kung sino ang tumatawag.

 

My Hamster is calling...

 

Nagtatalo ang puso at utak ni Irene kung sasagutin nya ba ang tawag o hindi kaya naman pinakatitigan nya lang ang screen hanggang sa mapalitan ang nakasulat dito ng "1 Missed Call". Wala pang limang segundo ay tumunog na naman ulit ito at gaya kanina at pinakatitigan muna nya ito bago nakapagpasyang pindutin ang answer button.

 

"Hello?" Aniya pagkasagot ng tawag.

Ilang segundo ang lumipas na puro background noise lang ang naririnig nya mula sa kabilang linya. Tahimik lang na naghintay si Irene hanggang sa makarinig sya ng pagbuntong-hininga.

"Love?" Sagot ng nasa kabilang linya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Irene pagkarinig sa boses nito. She wouldn't deny the fact that it's been a week since she last heard that voice and that she badly missed it.

Tumingin naman si Irene sa orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto nya. It's already 6:30pm. Don't tell me nasa practice parin sya ng softball? Bulong nito sa sarili. 

"Where are you?" Hindi nya napigilang itanong.

"Practice...softball..." Malungkot nitong sagot.

Para namang piniga ang puso ni Irene nang marinig ang lungkot sa boses nito. Bigla ay gusto nyang tumakbo papunta rito at yakapin ito ng mahigpit ngunit pinigilan nya ang sarili.

"Okay." Malamig nyang sagot.

Narinig ni Irene na bumuntong-hininga ito ulit bago nagsalita.

"Did...I do something...wrong?"  Tanong ni Wendy mula sa kabilang linya.

"What do you think?" Malamig paring sagot ni Irene.

"I don't know, love. I'm lost. I'm sorry."

"What are you exactly sorry for, Wendy?"

"I-I... I don't really know. I just had the urge to apologize."

"You don't know? You don't know that you've been neglecting me these past weeks? Hindi mo ba talaga alam oh sadyang wala ka lang pakialam?" Hinugot ni Irene ang lahat ng lakas nya para pigilan ang mga luhang nagbabadya na namang tumulo. "Sa isang araw masuwerte na ko kung maaalala mo kong itext na kumain na ko. Sa gabi naman kapag sinusubukan kitang tawagan lagi mong hindi sinasagot tapos magsasabi kang tatawagan mo nalang ako pagkatapos mo sa ginagawa mo pero hindi nangyari yun Wendy. Magtitext ka lang kapag magsasabi ka ng good night then after that wala na. Maghihintay na naman ako ulit ng umaga para lang sa text mo. Nakakapagod maghintay kung kailan ka ulit magkakapaki sakin, alam mo ba yun? Nakakapagod umintindi sa pwede mong maging dahilan kasi hindi mo naman ako binigyan nun eh. Basta ka nalang nagbago. Paggising ko isang araw wala ka ng pake sakin." Tuloy-tuloy na sabi ni Irene.

"Love, that's not true."

"Then what's the truth, Wendy? Na may iba ka ng nahanap na pagkakaabalahan mo? Na hindi na ako interesting para sayo? Nagsawa ka na, ganun ba?"

"Love, please? Let me explain."

"Stop calling me that. We're already over, remember?"

"No, love. Please? Pakinggan mo naman muna ako oh."

"I said stop callig me that!" Hindi na napigilan pa ni Irene ang mapasigaw kaya naman pareho silang napatahimik ni Wendy. Unti-unti naring nagbabagsakan ang mga luha na kanina nya pa pinipigilan. "J-just please, stop calling me that." Pakiusap nya habang sinusubukang hindi mabasag ang boses nya dahil sa pag-iyak.

"Pwede bang pakinggan mo ko kahit sandali lang? 'Wag naman ganito Irene oh. Please wag ganito." Halos magmakaawa ng pakiusap ni Wendy.

"You know what I've realized, Wendy? Kaya siguro ang dali lang sayong balewalain ako kasi para sayo, whatever we had was not real. It's been 3 months since naging tayo pero hanggang ngayon hindi parin tayo nagkikita. The reason? Kasi busy ka sa lintek na softball na yan! For 3 months, I was just your ing virtual girlfriend but guess what? I'm done." Matapos nya itong sabihin ay pinatay na nya ang tawag at dinial agad ang number ni Seulgi.

 

"Hello, Rene?" Sagot nito pagkatapos lang ng ilang ring.

"I've broken up with her." Pagkasabi nya nito ay hinayaan na nyang mag-unahan ang mga luha nya sa pagpatak. Lahat ng frustration at sakit na inipon nya sa loob ng dalawang linggo ay binuhos nya sa pamamagitan ng pag-iyak.

"I'm coming over. Wait for me." Pagkasabi nun ni Seulgi at namatay na agad ang tawag at wala ng ibang nagawa si Irene kundi ibaon ang mukha sa unan at doon umiyak.

 

***************

 

"Girl, you look like a mess." Bati ni Joy sa bagong dating na si Irene na namamaga ang mga mata.

"Good morning to you too, Joy." Walang gana nitog bati pabalik.

"What happened to you?" Agad nitong tanong nang makaupo sya.

"Wendy and I have broken up. I did it." 

Nanalaki naman ang mga mata ni Joy dahil sa narinig. "You what?!" Gulat na tanong nito. "You gotta be kidding me. You didn't, did you?"

Malungkot namang ngumiti si Irene sa kanya bago sumagot. "I did. My eyes are enough proof, right?" 

"But why, Rene?" 

Hinawakan naman ni Irene ang kamay ni Joy at mahinang umiling. "I-I don't wanna talk about it now."

Naintindihan naman ito ni Joy kaya hindi na nya kinulit pa ang kaibigan. 

 

***************

 

"Rene." Tawag ni Seulgi sa kaibigan matapos ang huling klase nila.

"Hmm?" Tipid na sagot nito.

"Diretso uwi ka na ba?" Tanong nito sa kanya.

"Why? Gusto nyo bang mamasyal muna?" Tanong nito pabalik habang nagliligpit ng mga gamit. 

Tumingin naman si Seulgi kila Joy at Yeri kaya tinanguan sya ng dalawa saka nya ibinalik ang tingin kay Irene at nagsalita. "Uhmm... Gusto ka sana muna naming yayain lumabas bago umuwi. Weekend naman bukas kaya naisip namin na pwede tayong magpuyat kung sakali. Okay lang ba sayo?" Nag-aalangang tanong nito.

Tumingin naman si Irene sa kanya at ngumiti. "Oo naman. San nyo ba balak?" 

Napangiti naman si Seulgi sa sagot ng kaibigan at nagfist bump naman sila Joy at Yeri na nasa likod ni Irene. 

"Malalaman mo rin." Makahulugang sagot nito.

 

***************

 

"Antipolo?!" Gulat na tanong ni Irene nang makasakay sila sa kotse ni Seulgi. "Hoy, teka nga. Wala akong dalang damit at saka hindi pa ko nagpapaalam kay Mama."

"Kumalma ka nga, Rene. Naipaalam ka na ni Seulgi kay Tita." Pagpapakalma sa kanya ni Joy.

"At saka dumaan na si kuya Bart kanina sa bahay nyo para kunin yung hinandang damit ni Tita para sayo. Diba kuya Bart?" Tanong ni Seulgi sa family driver nila.

"Yes, ma'am. Nasa compartment po yung mga gamit mo at ng mga kaibigan nyo po na dinaanan ko kanina." Sagot ng kuya Bart nya.

"Ayos!" Sabi ni Yeri sabay apir kay Joy. 

Napailing-iling naman habang nakahawak sa noo nya si Irene dahil sa pinaggagawa ng mga kaibigan nya. Noong sabihin ng mga ito na mamamasyal sila ay hindi naman nya inexpect na makakarating sila sa Antipolo at doon pa magpapalipas ng gabi. 

 

 

 

Matapos ang humigi't kumulang tatlong oras ay nakarating na sila sa Luljettas Hanging Gardens and Spa. Hindi naman naging hadlang ang dilim ng gabi para makita nila ang ganda ng lugar. 

"Wow~" Sabay-sabay na sabi nilang apat nang makapasok sila sa loob ng resort. Dumiretso naman sila agad sa front desk para magcheck-in at kunin ang susi ng pinareserve nilang kwarto. Nagtataka man dahil sa dalawang kwarto na pinareserve ng mga kaibigan ay hinayaan nalang ito ni Irene. Wala namang din kasing problema sa kanya kahit sino pa sa tatlo ang makasama nya sa iisang kwarto. 

 

Habang naglalakad ay hindi maiwasan ni Irene ang mapahinto maya't maya dahil sa ganda ng mga nakikita nya kaya naman kinapitan na sya ni Joy sa braso para mas mabilis silang makarating sa kwarto. Pagdating nila sa tapat ng kwarto ay mas lalo pang nagtaka si Irene dahil isang kwarto lang ang binuksan ni Seulgi at doon na sila pumasok na apat.

 "Seulgi." Tawag pansin nito sa kaibigan.

"Yes, Rene?" Masaya namang bati sa kanya ni Seulgi.

"Sinong gagamit nung kabilang kwarto na pinareserve mo?" Naguguluhang tanong ni Irene sa kanya.

"Ah, yun ba? Para kay kuya Bart yun. Ayoko kasing magpabalik-balik pa sya dito para lang sunduin tayo bukas eh at saka para narin makapagrelax sya. Pa-advance birthday gift ko na sa kanya. Hahaha!" Tumatawa nitong sagot. 

"Ah, okay." Maikling sabi ni Irene at dumiretso na sa bag nya na nasa ibabaw ng kama para kumuha ng pamalit na damit.

 

 

Matapos nilang makapagpalit ay napagpasyahan nilang pumunta sa cafeteria ng resort para maghapunan. Balita nila ay nagseserve daw ito ng mga healthy meals na talaga namang gustong-gusto ni Irene kaya makikita sa mukha nito ang excitement habang naglalakad sila. 

"Sayang-saya ka ate girl ah? First time kumain ng healthy?" Pang-aasar ni Joy sa kanya.

"Che! Natutuwa lang ako kasi hindi naman lahat ng resort dito sa Pilipinas eh nagseserve ng healthy meals." Paliwanag ni Irene na ipinagkibit-balikat lang ni Joy. 

 

Nang makarating sila cafeteria ay nagsabi si Seulgi na pupunta lang sya sa cr at sila na ang bahalang maghanap ng mauupuan. Hindi naman nahirapan sila Irene na maghanap ng mauupuan dahil hindi naman gaano karamihan ang mga tao doon. Nang makaupo sila ay agad silang dinaluhan ng waiter at binigyan ng dalawang menu book. Inabot naman ni Irene ang isa kay Joy para makapamili sila ng katabi nyang si Yeri ng pagkain. Habang abala silang tatlo sa pamimili ng makakain ay may biglang tumawag sa pangalan ni Irene kaya napalingon sya dito.

"Irene." Tawag nito sa kanya.

Napakunot naman ang noo ni Irene bago unti-unting lumaki ang mga mata at napatayo pa sya sa kinauupuan nang makilala kung sino ang may-ari ng boses na tumawag sa kanya.

"W-wendy?!" Gulat nyang tanong.

Tipid namang ngumiti ito sa kanya bago nagsalita. "Hi." Bati nito.

"What are you doing here?!" Medyo napalakas nitong tanong sa kaharap kaya napatingin ang ibang mga kumakain sa kanya.

"Can we talk?" Tanong nito at humakbang palapit sa kanya.

"Dyan ka lang. Don't you dare come near me." Banta nito kaya naman napahinto sa paglalakad si Wendy.

"Irene, please? Just hear me out and then kung ganun parin yung desisyon mo, tatanggapin ko. Just let me explain, please?" Pagmamakaawa nito sa kanya.

"How did you know that we're here?" Tanong nya sa kausap.

"I-I asked asked Seulgi for a favor and that's why we're here. Please do get mad at her." Pakiusap nito.

"Don't you ing tell me what to feel!" Sigaw nito kay Wendy kaya naman napatayo na sila Joy at Yeri at hinawakan sya braso habang masuyong hinahagod ang likod nya para kumalma sya. 

"Rene, please calm down." Pagpapakalma sa kanya ni Joy.

"No, Joy. I won't calm down hanggang hindi sya umaalis." Aniya habang matalim ang tingin kay Wendy.

Naaawa man ay walang ibang pagpipilian si Joy kundi pakiusapan si Wendy na umalis. "Wendy, sorry pero pwede bang umalis ka na muna?" 

Napayuko naman ito at dahan-dahang umiling bilang pagtanggi sa kausap ni Joy.

"Hindi ka talaga aalis?" May diin nitong tanong.

"Irene, please..." May pagsusumamo nitong pakiusap.

"Fine! Kung ayaw mong umalis, ako ang aalis." Marahas namang kumawala si Irene sa pagkakahawak nila Joy at nagmamadaling naglakad palabas ng cafeteria. Hahabulin pa sana ito nila Yeri nang bigla silang harangin ni Wendy.

"Pwede bang ipaubaya nyo na sakin to?" Pakiusap nya sa dalawa.

"I don't think tonight's the right time ate Wendy. Can you do it tomorrow instead?" Pakiusap ni Yeri sa kanya.

Napayuko naman si Wendy dahil sa pakiusap nito. "I-I can't. I'll be flying to Canada tomorrow and will be staying there for a week. Hindi ko alam kung magagawa ko pang ayusin to pagbalik ko. I might lose my chance if not tonight." Paliwanag nito.

Naintindihan naman sya ng mga ito kaya hinawakan sya ni Joy sa balikat at nginitian. "Go get your chance then." Sabi ni Joy kaya naman napangiti narin si Wendy at nagpasalamat sa mga ito saka tumakbo para habulin si Irene.

 

 

 

Matapos makalayo sa cafeteria ay napagpasyahan ni Irene na magpalipas ng galit sa isang bench na nasa madilim na bahagi ng garden. Tamang-tama ang pwesto nito dahil medyo may kalayuan ito sa kumpol ng mga tao na nagsasaya sa may pool area. Kailangan nyang mapag-isa nang makapg-isip sya ng tama dahil nawawala sya sa wisyo kapag nakakausap si Wendy. 

"ing Wendy Son." Pagalit nitong sabi habang sinisipa ang mga malilit na damo sa paanan nga. "You stupid little hamster. I hate you. I hate you. I hate you!" 

"I know..."

Napataas naman ng tingin si Irene para tignan ang taong nagsalita and there she is, that stupid little hamster. 

"How did you find me?" 

"I ran...around the...resort...so here I...am." Hinihingal nitong sagot.

"Hindi mo talaga ako lulubayan no?"

Huminga muna si Wendy ng malalim pa habulin at panghinga nya at saka sya nagsalita. "Not a chance." Sagot nito at sinubukan pang ngumiti ngunit hindi naman umabot sa mga maga nito. 

Napabuntong-hininga naman si Irene dahil sa kakulitan nito. "Fine... I'm giving you 5 minutes to explain yourself and after that, hindi na ka na magpapakita pa sakin. Do we have a deal?"

"If you wish me to but I don't think 5 minutes is enough. Pwede mo ba ko bigyan ng sapat na oras para magpaliwanag? Pagkatapos naman nun wala narin naman akong iba pang sasabihin." Pakiusap ni Wendy sa hindi na mabilang na beses.

"Okay. Make it quick." Pagpayag ni Irene.

Halos mapasuntok naman sa ere si Wendy dahil sa sobrang kasiyahan. This is it, Son Wendy! It's now or never. Sabi nito sa sarili at lumuhod sa harap ni Irene para maging magkapantay sila. Nagulat naman si huli dahil sa ginawa nya.

"Anong ginagawa mo?" Gulat na tanong nito.

"Err... Hindi kasi ako komportable na na nakatingala ka sakin. Sigurado rin naman ako na ayaw mo kong makatabi kaya luluhod nalang ako para halos magkapantay lang tayo." Paliwanag nito.

Kinuha naman ni Irene ang isa nyang kamay at hinatak sya paupo sa tabi nito. "And you think I'll be comfortable talking to someone who's kneeling down in front of me?"

"I'm sorry..." Nakayuko nitong hingi ng tawad.

"Can you stop apologizing and star explaining?" Mataray nitong sagot kaya naman napatuwid agad ng upo si Wendy.

"S-sorry--- I mean no. Err... Ito na mag-eexplain na ko." Huminga muna ulit sya para pakalmahin ang sarili bago magsalita ulit. "I'm sorry... I mean it." Napairap naman si Irene dahil sa una nitong sinabi.

"Wait! Kasama talaga yun." Pigil ni Wendy sa balak na pagsasalita ni Irene.

"I really want to say sorry, Irene. Sorry kung naparamdam ko sayong hindi ka na importante sakin. Believe it or not, mas mahalaga ka pa kaysa sa pagpapahalaga ko sa sarili ko." Tumigil naman sya saglit para itago sa bulsa ng jacket na suot ang nanginginig nyang mga kamay.

"It's true that I was so busy because of the preparation for the regional but that's not just the reason. I was also preparing something for you. I met with your parents with Seulgi's help last week. I formally introduced myself to them and personally asked them if you can come with me to Canada." 

Napansin naman ni Wendy ang pagkagulat sa mukha ni Irene dahil sa sinabi nya ngunit hindi naman ito nagsalita kaya ipinagpatuloy nya ang sinasabi.

"They gave me their approval with the condition of bringing Seulgi with us and I said yes. Well, kasama naman talaga si Seulgi since it's a family gathering so yeah, it's just a piece of cake. I was so excited that I don't I'll be able to hide it from you if ever na magkakausap tayo. You know how bad of a liar I am, right?" Mahina naman tumango si Irene bilang pagsang-ayon. "I had to keep it a secret since I want to surprise you so I came up with the stupidest idea ever. And that's to keep myself from talking to you."

"Eh tarantad---" Hindi na natuloy ni Irene ang sasabihin nang iharang ni Wendy ang kamay nya sa bibig nito.

"I know. I know." Sabi nito at saka bumuntong-hininga na naman. "It's dumb dumb and it's the hardest thing I've ever done in my life and kung babalikan ko yung panahon na yun, I won't do it again." Pagtutuloy nito at saka malungkot na ngumiti. "Mahal kita, Irene." Sabi nya habang nakatingin sa mga mata ng kaharap. "Mahal na mahal na mahal. Sa totoo lang, hindi ko ineexpect na mahuhulog ako sayo ng sobra. Matagal na kitang crush simula palang nung first tayo nila Seulgi. Ewan ko kung natatandaan mo pa pero may time na pumunta ka sa bahay nila Seulgi para hiramin yung notes nya sa Filipino. Nagkataon naman din na pinapunta ako ni Seulgi sa kanila nun para magpaturo tugtugin sa gitara yung Ligaya ng Eraserheads."

Napaisip naman si Irene dahil dito at napangiti nalang nang maalala kung panong halos hindi na matulog si Seulgi kakapractice tugtugin sa gitara yung Ligaya dahil lang sinabi ni Joy na paborito nya ito.

"I remember that time." Masayang sabi ni Joohyun habang inaalala yung panahon na yun.

Napangiti naman si Seungwan nang makita ang saya sa mukha nito. "Yeah, probably but I don't think you remember me." Aniya kaya naman napatingin sa kanya si Irene.

"It was a just crush at first sight from the start hanggang sa di ko na namamalayang kaya pala hindi ako pumapasok sa kahit na anong relationship eh dahil sayo." Kwento nang hindi nawawala ang ngiti sa labi. Inabot naman nya ang isang kamay ni Irene kaya nagulat ang huli sa ginawa ngunit hinayaan din naman sya nito. Dinala nya ang kamay nito sa pisngi nya at pumikit. 

"You were the best thing that ever happened to me, Irene. I'll always treasure our memories in my mind and will always blame myself for losing you." Pagkasabi nya nito ay biglang tumulo ang luha mula sa mata nya. 

"I'm sorry, love." Napayuko naman sya habang binibigkas ito at unti-unti ring napabitaw sa kamay ni Irene. "I'm really sorry." Muli ay hingi nito ng tawad habang patuloy lang sa pagtulo ang luha sa mga mata nito. 

Nanatili naman ang kamay ni Irene sa pisngi ni Wendy habang masuyong humihimas ang hintuturo nito.

"Didn't I tell you to stop saying sorry?" Mahinahong tanong nito. 

"You...did...Sorry..." Humihikbing sagot ni Wendy.

"You're really stubborn, aren't you?" Pagkasabi nya nito ay mahina nyang hinatak ang kausap at niyakap. "Sshhh... Stop crying my stubborn hamster." Aniya habang mahinang tinatapik-tapik ang likod nito.

 

 

 

 

Nang kumalma na si Wendy ay humiwalay na ito sa pagkakayap ni Irene ngunit mas hinigpitan lang ng huli ang yakap sa kanya.

"I'm cold and I don't wanna lose your warmth so let's just stay like this, please?" Pakiusap nito at ipinatong ang baba sa balikat ni Wendy. 

"Irene."

"Hmm?" 

"I'm sorry."

"I know."

"Irene."

"Hmm?"

"I'm really sorry."

Napabuntong hininga naman si Irene bago sumagot. "I know."

"Irene."

"Hmm?"

"I love you."

"I know... and I love you too."

Pagkarinig nito ay agad na humilay sa yakap si Wendy at tumingin sa mga mata ni Irene.

"What?" Medyo naiinis na tanong ni Irene dahil sa pagkakahiwalay ni Wendy sa yakap nya.

"You just said I love you too." Naguguluhanh sabi nito sa kanya.

"Alam ko. Ako nagsabi diba?" Pagtataray nito.

"Y-you really s-said it?" Hindi makapaniwalang tanong ni Wendy.

Napairap naman si Irene dahil sa kakulitan ng kausap sabay halik ng mabilis sa labi nito. Lumaki naman ang mga mata ni Wendy dahil dito.

"Y-you k-kissed me." Aniya na hindi parin makapaniwala.

"Obviously." Mataray na sagot nito at humalik ulit sa labi ng kausap ngunit sa pagkakataong ito, nanatili lang ang mga labi nya na nakalapat sa mga labi nito. Agad din namang nakabawi mula sa pagkakagulat si Wendy at agad na tumugon sa halik ni Irene. Iginalaw pa nya ang mga labi at mas pinalalim pa ang halikan nila kaya naman napahawak si Irene sa balikat nito at napakapit sa jacket na suot nya.

"I love you, Irene." Wendy declared her love in between their kisses which made Irene smile.

"I love you too, my stupid little hamster." Irene replied.

 

They both then shared the night with kisses and cuddles. 

 

 

 

- END -

 

 

***************

 

A/N: Hurting Wendy hits different and I cried while writing her part. It can also be because I just miss Wendy sooo much.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
womanunulat
Sorry kung may mga errors and typo. Hindi na ko nagkaroon pa ng time para i-proofread to. :[

Comments

You must be logged in to comment
juhyuneeeee
88 streak #1
Chapter 1: shet medyo kinabahan ako don buti nalang talaga 🥺
mellifluouswan
1691 streak #2
Chapter 1: thank you for the happy ending huhu
dubustan
#3
Chapter 1: Same. a hurting hamster really hits different kahit sa maliliit na bagay lang. Thanks sa happy ending huhuhu
Love03 #4
Chapter 1: Happy ending!
LockLoyalist
#5
Chapter 1: Kaya hirap ako magbasa ng angst kasi masakit lagi pag si Wendy nasasaktan eh T____T kaya thank you sa happy ending author ssi.
WannieMySonshine #6
Cute love story ❤️ napaiyak mo ko dun ah