Last Request
Wag Mo Akong Ma-Terry Terry: A Seulrene FanficGusto mo yung in 20 minutes nakapag-empake si Tyang ng mga dadalhin nya sa Calaguas?
Partida may kasama pang punas ng uhog, sigaw sa Undin (kasi nag-eempake din at the same time si bakla) at laga ng itlog yun.
Para que yung mga eggs?
Baon ni Tita Cute Cute sa biyahe. Kailangan ni Tyang ng energy kasi may ipinaglalaban si ateng ninyo. Si Fany-My-Love-So-Sweet nakikipag-break. Aba eh... magkakamatayan na muna bago pumayag ang Tyang!
Leche ang dami na nilang victories and defeats, trials and tribulations na pinagdaanan, ngayon pa ba sila maghihiwalay?
Ngayon pa kung kailan halos nag-mamaterialize na lahat ng mga hopes, aspirations and dreams nila sa buhay. Maka-graduate lang yung Undin, mission impossible - accomplished na sila.
So no! Walang mag-bebreak!
Over Tita Cute Cute's dead gorgeous body!
⛱️ ⛱️ ⛱️
"Ate Fany penge pa."
That's Yerimi.
"Teka nakakadaming hipon ka na ah!"
That's your Lola Baechu.
"Paki mo ba!"
Syempre di papatalo ang Tyanak.
"Ate Fany ako po alimango."
That's Bebiber making singit-singit in the conversation.
"Alimango ka? Hindi ba oso ka?"
And that's Tita Cute Cute being korni.
"Tyang, last nyo na yan today."
Lola nyo kontrapelo na naman.
"Che! Paniya wag mo ngang ipaghimay tong kuneho na to."
"Ate Fannnyyy!"
That's Yerimi again.
"Oo na, oo na eto na o binibilisan ko na nga ang paghihimay."
So binilisan nga ni Ate Fany ang panghihimay. Sa buong duration ng lunch ay sinigurado ni ateng na busog yung kanyang mga alaga.
Hipon para sa Undin.
Alimango para kay Baechu at sa jowa nyang oso.
Eh ang Tita Cute Cute pano?
Ay naku don't worry about her kasi sa eye smile pa lang ni Fany-My-Love-So-Sweet solve na ang Tyang.
"Ikaw Taeyonnie ano pang gusto mo?"
"Kanin." Lutang na sagot ni Tita Cute Cute.
"Okay, anong ulam mo?"
"Ikaw este... ihaw. I mean inihaw!"
"Ewww..."
Magka-duet na react nung kuneho at Tyanak. Basag trip lang ang peg nung dalawa.
"Taeyona! Ano ba nakaharap ang mga bata!"
Wow lang ha! With matching hampas hampas pa on the side yung pagsaway ni Panyang sa kanyang Taeyonnie.
And pa-wow nga ulit! Parang 15hours ago eh heavy drama ang eksenahan nilang dalawa tapos ngayon parang teenager lang ang
Comments