Pagbabalik

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry: A Seulrene Fanfic
Please Subscribe to read the full chapter
“May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap eh yung na sayo na pinakawalan mo pa.” John Lloyd Cruz in 'My Amnesia Girl (2010)'     Depress depressan mode ang lola nyo today, kasi in a few days ay magfla-fly-i-ai-i-ai-i-ai na ang kanyang Bebiber papunta sa New York.

Pero hindi pa rin nag-gigive up ang lola nyo, she is still looking for ways to get her Bebiber to stay.

She have one idea in mind, and she will need to ask Heechul, yung bading nila na officemate for help.   📎 📎 📎   "Naku Irene tigil tigilan mo nga ako!"

Malakas na sigaw ni Heechul mula sa pantry.

"Sige na Heechul, pahalik naman oh..."

"Gagang to! Anong tingin mo sa akin pupumapatol sa kauri ko!"

"Sige na," at muli na naman ngumuso si Irene.

"Eww... kadiri ka Irene. Help! Tulong! Guard!"

Kahit na nagcra-cry for help na si bakla ay tuloy pa rin sa pag-atake si Baechu. Determined talaga ang lola nyo na maka-lock lips si Heechul.

Buti na lang at nag-come to the rescue sina Solar at Amber bago pa tuluyang makasuhan ng ual harrassment ang granny ninyo.

"Oh, oh... anong kaguluhan ito?" pumagitna si Solar between Baechu and Heechul.

"Tanong mo dyan sa Bes mo Sol? Akalain mo ba namang bigla na lang akong gustong halikan!"

"Irene what's up with you?" tanong ni Solar.

"Gusto ko lang naman na halikan niya ako."

"At buket?" tumaas yung kilay nung beshy ni Baechu.

"Kasi sabi nya parang tra-trangkasuhin daw sya. So kung hahalikan nya ako, baka sakaling mahawahan nya ako nang sakit, then I can transfer the virus to Seulgi."

"Seulgi?" tanong ni Heechul.

"Jowa nya." sagot ni Amber sa tanong nung bakla, sabay turo kay Irene.

"What!? Are you out of your mind!?" react ni Sol sa statement ng kanyang Bes.

"Kung may sakit si Seulgi then ibig sabihin she will not be allowed to leave the country. So that means dito na lang sya sa Pinas magpa-pasko."

"Gaga ka! Ganyan ka na ba talaga ka desperada?"

"Oo desperada na kung desperada!" sigaw ng lola nyo, kung makadrama si Baechu akala mo may camera sa paligid.

At nag-attempt na naman ang lola nyo na i-lip to lip with slight tongue yung bakla, "Sige na naman na Heechul."

Buti na lang at madaling nakapagtago sa likod nina Solar at Amber si Heechul.

"Wala akong pukealam sa lovelife mo no! So please leave me alone!" sigaw nung badingerZ.

Hindi na nagpumilit pa si Irene.

Para itong naluging rabbit na napaupo na lang.

Nilapitan ni Solar ang kanyang friendship to console her.

"Bes..." panimula nito, "alam ko gusto mo lang naman makasama si Seulgi sa darating na pasko, but you will also need to understand na syempre family comes first pa rin. Sabi mo nga di ba na only child lang yung jowa mo, so syempre gusto ng mga magulang ni Seulgi na buo silang pamilya sa darating na pasko. Ikaw ba kung papipiliin ka between spending Christmas sa New York kasama si Seulgi o pasko with your family sa Tondo anong pipiliin mo?"

"Yung pasko sa New York syempre," gandang sagot ni Baechu.

"Pero pano na lang ang mga kuya mo, si Yeri at si Tita Taeyeon, paniguradong ma-miss ka nila."

"Hindi rin..." sagot na naman ng lola nyo.

Nagsimula nang atakihin ng migraine si Solar dahil sa kanyang bes.

Nauubusan na nang sasabihin si Sol, pero not all hope is gone...

"Pero I'm sure hindi papayag si Seulgi na malayo ka sa pamilya mo."

Tahimik lang si Baechu.

Tama yung hinala ni Sol na medyo titinong kausap ang kanyang bes kung babangitin niya yung pangalan ni Seulgi.

"Alam mo kahit na hindi ko pa namemeet in person yung jowa mo, base sa mga kuwento mo parang nase-sense ko na Seulgi is a very kind and considerate person, and sureness ako na mas gugustuhin pa rin niya na magpasko ka dito sa pinas sa piling ng family and friends mo."

Iniisip ni Solar na mukhang naiintindihan na naman ni Irene yung mga sinasabi niya.

Nanatili lang tahimik si Baechu, she had her face slightly facing down. Parang ang amo amo nung kuneho sa biglang tingin.

Nakaramdam nang kaunti awa si Sol dahil sa itsura nang kanyang bes, kaya niyakap niya ito habang nanatili namang nakamasid sina Heechul at Amber sa eksenahan sa harap nila.

"Wag ka nang malungkot bes, isipin mo na lang na sandali lang mawawala si Seulgi. After two weeks uuwi na rin yung jowa mo dito sa Pinas, at sigurado ako ko-quota ka sa pasalubong mula sa kanya. Basta bes wag mo lang kalilimutan yung size ng mga paa namin, 6 kamo ako, si Amber naman 7 1/2."

Natawa naman ng slight si Irene sa sinabi ng kanyang bes. She's feeling a little better now.

Tinapos na ni Solar ang kanilang hugging session, "Okay ka na bes?" tanong nito.

Tumango tango naman ang lola nyo so feeling ni Solar okay na nga ang lahat.

Nagsimula nang tumayo sa pagkakaupo yung bes ni Irene, ng may pahabol na statement ang lola nyo.

"Eh, kung laglagan ko kaya ng bala yung luggage ni Seulgi. Sa tingin mo bes effective kaya iyon?"

"Bae Irene!!!"

Wala na... suko na si Solar sa tigas nung skull ng bes nya. It's a weekend everyone!

Ngayon yung scheduled second meeting ni Baechu with her future-mother-in-law.

Today yung party party sa female ward sa National Center for Mental Health na yearly ino-organize nung mommy ni Seulgi.

At gaya nga nung sinabi ni future-MIL, it was Wendy who will pick Joohyun up.

Alas otso ng umaga ay nakapark na sa tapat ng boarding house nina Irene si Wendy. And guess what kung ano ang gamit nitong sasakyan... he he he... yung makasalanang Montero.

Biglang nag-flashback sa utak ni Joohyun yung live show na na-witness nya nung nakaraang gabi. Forever na nga atang naka-etch sa memory ni bakla yung ohh-ahh session nina Kuya Jim at Kuya Dan.

Buti na nga lang talaga at si Wendy yung sumundo sa kanya, kasi kung si Jimin yung assigned driver for the day... ay naku your lola will surely lost it.

Pagkasakay ni Joohyun sa passenger seat sa tabi nung driver, hindi nito agad napansin na may mga iba pa palang pasahero yung kotse maliban kay Baechu.

"Good morning ate!" masiglang bati nung other passenger from the back.

Medyo natigilan pa si Joohyun na kasalukuyang nagaayos ng seatbelt nung marinig nya ang yung super familiar na boses, na kilalang kilala niya kahit saan man sya makarating.

Without further ado ay nilingon ni Irene yung back part nung sasakyan. At tama nga sya, boses nung tyanak yung narinig nya kanina.

Katabi ni Yeri sa likod si Chicken Joy.

Nagsisimula nang manalangin si Joohyun para sa kahihinatnan nang araw na ito. Pakiramdam ni Baechu may something kinda crazy na mangyayari sa kanya today. Pano na lang yung ideal future daughter-in-law image na balak i-project ng lola nyo later sa harap ng mommy ni Seulgi?   ☕ ☕ ☕   Dumaan na muna sandali yung grupo nina Baechu sa cafe para pick-upin yung mga cakes at ilang pang pagkain na pagsasalu-saluhan sa party.

At habang busy sina Joy at Wendy sa pre-prepare sa mga food, ay mabilis na hinatak ni Joohyun ang kanyang magaling na kapatid sa tabi for a short briefing.

"Care to explain kung ano ang ginagawa mo dito little sister?"

"Well well well ate, baka nakakalimutan mo na mag-pinsan sina Joyie at Ate Seulgi, so hindi lang ikaw ang may karapatan
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
stillintoyu
173 streak #1
I missed this fic omg. re-read ko ‘to
Soshi1590
#2
Grats on the promo
Etoile__
310 streak #3
im soo glad i found this fic
its_aaarrriii
#4
bookmarked ka sakin!
Ghad20
12 streak #5
Congratulations on the bid
RVSone0105
851 streak #6
Chapter 82: YASSS UD 😍😍
Napasaya ni Bani at Bear ang gabi ko!! Thank you tor sa UD 😊
_m3owrene
1023 streak #7
Chapter 82: Yehey! May update 🤭
Kylie_123 #8
Miss u author, thank u sa update 😘😘😘
bigboy123
114 streak #9
Chapter 81: uy update! 🥹 mishu otor~ 🥹
_m3owrene
1023 streak #10
Chapter 81: Waaaaah, mayyy update 🤩🤩🤩 thanks author!