Ganda Ka 'Te?

Ganda Ka ‘Te?

 

Recommended Pre-Reading Listen:

(1) Kapag Tumibok ang Puso (Toni G)

(2) Panalangin (Moonstar 88 Version)

 

 

 

 

Ganda Ka ‘Te?

 

 

 

 

Sabi nila, “ang buhay parang MRT.”

 

 

Hinahabol;

 

 

Nakakainis;

 

 

Madalas mabagal ‘pag kailangan mo siyang bumilis; mabilis ‘pag kailangan na kailangan mo siyang bumagal;

 

 

Puno ng taong darating, sasabayan ka, lalayasan ka, sasamahan ka ng ilang pulgada tapos iiwan ka rin;

 

 

And on very rare occasions, as in sobrang rare, tipong ang chance ay one in 108,116,615, na—by the way—ang huling bilang ng populasyon sa bansa sa taong 2019, kakaladkarin ka.

 

 

Hesusmaryahosep.

 

 

Nawa’y wala namang makaladkad pa ng MRT, pero ang punto dito ‘yong rarity ng chances of getting ‘kaladkaded.’

 

 

Oo. Nasa metaphor na lang din tayo na ‘yan, sulit-sulitin na natin ang pag-gamit.

 

 

So, kung may nakakaladkad na sobrang ‘rare’ nga, aba, sabi ng buhay, mayroon ding mas mailap pa diyan—

 

 

—ang mabangga ng tren.

 

 

Statistically speaking, mas maliit ang tsansa na mabangga ka ng tren kaysa makaladkad ka, pero mayroon maliit na detalyeng ‘di natin nasama sa analogy; isang malupet na factor na madalas ayaw nating aminin sa sarili natin—

 

 

and that is called ‘katangahan’.

 

 

Ganito kasi ‘yan, mababangga ka lang ng tren ‘pag tumalon ka sa riles, ‘di ba? At ano bang tawag sa tatalon sa riles ng buhay?

 

 

Oo, tama ka. Tanga tawag doon.

 

 

In my case, may ibang term para sa tanga—

 

 

—at ‘yon ay Kang Seulgi.

 

 

Mula pagkabata, bilang panganay ng isang middle class na pamilyang walang tatay, mga bansag sa akin ng nanay ko ay ‘ang maingat kong anak’, ‘ginto kong literal’, ‘pisong pumupuno ng kaban ng pamilya’, ‘neneng kong sipag-kalabaw’, among others.

 

 

Pero, siempre, minsan gusto lang talaga pumakyu ng buhay, kaya binigyan niya ako ng dahilan para tuluyang tumalon sa riles ng katangahan—dahilang hinubog ng universe sa anyo ng isang dalagang ang ka-malditahan sa katawan ay ka-level lang ng ganda niya.

 

 

Kung nakita mo na mukha niya—siguro sa mga sampung billboard along Guadalupe o kaya Santolan, poster sa mall, sa karton ng Chuckie na iniinom mo, o kaya sa silver screen itself—naku—mapapaisip ka.

 

 

‘Teka, si Bae Irene ba tinutukoy mo?’

 

 

‘Diyosa ‘yon ah!’

 

 

‘Ang ganda niya po, panginoon. Bakit ang igaganda ng sangka-madlaan sa kanya mo binuhos lahat?’

 

 

Oo. Ang babaeng bilyones ang ibinigay sa Star Cinema; ang babaeng nagpaluhod ng ilanlibong leading man; ang babaeng na-endorse na lahat pwera shaving cream para sa balbas; si Bae Irene—Aphrodite incarnate.

 

 

Kaya naman sa ilandaang analogy na naibigay ko, gets niyo na rin ang level ng kagandahan niya, and therefore, ang angking ka-malditahan niya.

 

 

Punyeta.

 

 

Punyeta!

 

 

PUNYETA!

 

 

Kung nagka-anak si Hades at Aphrodite, oo, siya na ‘yon.

 

 

Nung binuksan ng shungang pakialamera na si Pandora ang kaban ng kasamaan, si Irene din siguro ang sumalo ng lahat.

 

 

Pero.

 

 

Ngunit.

 

 

Subalit.

 

 

Datapwat.

 

 

Sa ‘di maipaliwanag na usad ng buhay naming dalawa, binaliktad niya ang mundo ko, ni-spike ng mala Haikyuu, nilagyan ng asin, at pinakain kay Apocalypse.

 

 

Kaya naman siya na ngayon si Bae Irene. Ang riles ng buhay ko. Ang katangahan na sumabog man sa mukha ko, nagawa kong hayaan sarili kong magpabasag sa daang marupok, kahit na trahedyang sadya ang pag-uugali niya.

 

 

Kaya naman bakit?

 

 

But why?

 

 

Bakit ako nasa isang dulo ngayon ng mahabang pulang carpet na pula at siya naman sa kabila kasama ang isang lalaking alam kong hindi niya iniibig.

 

 

At bakit pinipilit kong pigilan ang ganap?

 

 

“Itigil ang kasal!”

 

 

Kailangan dramatic entrance ako. Ito mga trip niya eh.

 

 

Napatingin na rin at napalingon ang sangka-media-han sa akin at itinutok ang kanilang mga camera sa akin.

 

 

Pakshet.

 

 

The things this woman make me do.

 

 

Ano? Wala kayong maintindihan ‘no? Sige, rewind tayo mga six months before.

 

 

Ako si Kang Seulgi, nakilala ko ang riles ng buhay ko na si Bae Irene sa isang pagkakataong kahit siya napa-pakshet na lang sa gulantang.

 

 

 

//

 

 

 

“O ano? Kamusta interview, bakla?” pasok ng boses ni Jisoo sa cellphone ko. Inipit ko ito panandalian sa may balikat at pisngi ko habang binuksan ang bag ko para sa tusok-tusok operation ng guard sa entrance ng station.

 

 

Siguro naman, sa dami ng metaphor na nagamit ko, sa ilang libong nod at references na lumabas sa utak kong binabasa niyo ngayon, hindi na siguro kayo magugulat na sa may MRT nga nag-krus ang aming landas ni Irene.

 

 

Sa punong analogy ng munting kwento ko, siya ang riles, ako ang pasaherong sa mga normal na araw, maingat, nasa tamang pag-iisip at ang unang ibabaon sa utak ay ang 'wag i-cross ang yellow line.

 

 

Pero walang normal sa isang Bae Irene. Itutulak niya kung sinong gusto niya itulak beyond the yellow line.

 

 

“Feeling ko naman okay lang,” sagot ko naman kay Jisoo habang paakyat akong hagdan.

 

 

“Ha? Paanong 'okay'? Details naman.”

 

 

Napatawa akong bahagya. “Ano na namang details gusto mo?”

 

 

“On a scale of one to ten, ten being the highest.”

 

 

“Seven siguro.”

 

 

“Ha?” narinig ko ang inis sa boses ng bestfriend ko. “Bakla, ilang araw mo inabangan tawag nila tapos seven lang ang performance mo? Sabi ko sa 'yo 'di ba dapat may pa-fireworks level, lifting a la Mystica, tapos background music mo 'It's Raining Men'?”

 

 

Bago kayo maguluhan, hindi po ako nag-apply para maging backup dancer o nag-audition sa Pilipinas Got Talent. Sadyang kakaiba lang ang direksyon ng utak ni Jisoo.

 

 

“Ewan ko ba, 'di lang ako confident, besh,” napasambit ako.

 

 

“Hay, naku, Seulgi. Matalino ka naman, masipag. Ikaw nga tumatangke sa pamilya mo eh. Ito na big break mo para mabawasan naman 'yong mga trabaho mong isang milyon. Ako na naaawa sa mga paa mo—ugat na tinubuan ng paa.”

 

 

Pigil na lang ako sa tawa ko. “Kaya siguro ako single.”

 

 

“Anong 'kaya siguro'? 'Kaya talaga' single ka,” tawa ni Jisoo. “Biruin mo manliligaw pa lang boylet sa 'yo supalpal na agad kasi ayaw mo sa hakdog, tapos 'pag may natipuhan ka namang potential bebegurl ayaw mo i-pursue kasi iniisip mo pamilya mo.”

 

 

“Naku, 'te,” agad kong kabig, “kung may mapapangasawa ako, kailangan niya tanggapin na asawa niya rin pamilya ko.”

 

 

“Girl-” ayan na ulit ang inis sa boses ni Jisoo, “pagbigyan mo naman sarili mo. Mauuna pang mag-asawa future apo ko kesa sa 'yo.”

 

 

“Oo na, kalma,” nilipat ko na sa kabilang tenga ang phone ko, naipasok ko na rin ang ticket ko sa turnstile. “Malay mo doble swerte pala ako ngayon. Makukuha ko 'yong trabaho tapos makikilala ko na keso ng cupcake ko.”

 

 

Malakas tawa ni Jisoo sa kabilang linya. “O siya, push mo 'yan ha? 'Pag 'yan di nagka-totoo, mga tatlong Jollispaghetti ililibre mo sa akin at kila Rosie.”

 

 

“Ikaw, Jennie at Lisa na lang ililibre ko. Magugutom pamilya ko 'pag sinama mo si takaw.”

 

 

Nagtawanan pa kami ni Jisoo at biruan bago ko ibaba ang tawag. Kahit paano naman sa buhay kong 'to. May mga bagay na nakakapagpa-ngiti sa akin.

 

 

Pagka-tuntong ko sa platform ng Guadalupe, nagmuni-muni muna ako. Kung ang ibang tao mahilig mag-stargazing habang nalulungkot, tumingin sa kaguluhan sa EDSA at mga billboard naman ang trip ko.

 

 

Hindi rush hour ngayon kaya may oras akong mag-emote. Ito na 'yong isa sa mga rare occasions na pwede lang ako magsampa ng siko at tumingin lang sa napakaraming billboard ng mga sikat na artistang siguro wala nang gaanong struggle sa buhay. Huminga akong malalim at may papikit pang kaunti habang dinadama ang polusyon ng EDSA.

 

 

“Ma'am, bawal po beverages sa platform,” 'ika ni kuya guard na nag-ninja lang sa may gawing kanan ko.

 

 

“Ay, sorry, kuya!”

 

 

Agad kong inubos ang iced tea kong dapat kanina ko pang ni-one-time-big-time sa Jollibee at itinapon ito sa pinakamalapit na basurahan. Brain freeze makukuha ko sa 'yo kuya. Pero dahil friends tayo, no issues tayo.

 

 

At sa puntong ito ng aking kwento, dito na papasok ang isang matinding sampal na magkabilaan ng mga salitang binitiwan ko kanina. Review tayo ng kaunti:

 

 

(1) Baka makuha ko 'yong trabaho

 

(2) Baka ngayon ko makilala ang keso sa ibabaw ng cupcake ko.

 

 

At dahil nga may brainfreeze pa ako, kulang pa processing speed ang utak ko, 'di ko na naproseso ng maayos ang mga susunod na nangyari. Napalingon ako dahil sa isang babaeng tumatakbo sa platform.

 

 

Dapat una pa lang alam kong bad news siya. Akala mo hindi sa sangkalibutang init ng Pilipinas gumagalaw. Naka-trench coat ito, sunglasses, at isang bonggang bonggang purple na sunday hat na mas malaki pa siguro sa payong ko pag tag-ulan. Tawagin na lang natin siyang si 'y Barney'.

 

 

Akala mo rocket si ate mo Barney sa bilis niya tumakbo. 'Di ko man makita ang kanyang mga mata dahil sa pa-Randy Santiago niya, kita ko naman ang bahagyang lingon niyang magkabilaan na para siyang may hinahanap, pero sa dulo ng very slight effort niyang maghanap, bumalik ang tutok ng kanyang tingin sa kung saan ako nakatayo.

 

 

Alam niyo 'yong mga sandali sa buhay natin na sa sobrang saklap, alam na alam lang natin 'yong exact moment kung kailan natin dapat balikan at baguhin kung pwede lang. Sa case ko, ito 'yon. May dalawang bagay na sabay na nangyari; the defining moments:

 

 

(1) nag-ring ang phone ko, number ng interviewer ko kanina

 

(2) para akong nabangga ng tren sa biglang bangga ni ate mo Barney sa akin

 

 

At siempre, hold up, wait a minute, it's not a chopper, it's a tragedy.

 

 

Naalala niyo 'yong sinabi ko na basically unstoppable force ang babaeng 'to?

 

 

Slow-mo na tumalsik ang telepono ko, hindi ko na nasagot, dumiretso pa sa riles, at sa hindi ko malamang dahilan, hinablot ako ni ate y Barney, hinawakan sa parehong pisngi at pwersahang nilapit ang mukha ko sa kanya.

 

 

“'Wag kang papalag. Act natural,” mabilis na sinabi nito. Hindi ako agad nakaresponde dahil nga sa utak kong kasalukuyang nasa Alaska.

 

 

Ha? Be Natural? Red Velvet lang alam ko.

 

 

Sasagot na sana ako nang bigla niya akong halikan.

 

 

Panginoon, 'yong totoo, anong trip mo minsan?

 

 

Nanlaki mga mata ko, at sinasabi ko sa inyo, kahit na sinasabi ni Jisoo na 'di naman gaano lumalaki mga mata ko, na parang gumigising lang ako 'pag nagugulat, basta, NANLAKI mga mata ko.

 

 

Pakiramdam ko isang buong araw ang dumaan bago niya ako binitawan. Napalunok na lang ako habang nakatingin sa kanya. Sa dami ng pwedeng niyang hablutin, bakit ako? Unang-una, babae ako. Pangalawa, nasa public space kami. Pangatlo, Pilipinas ‘to; mas maraming judgmental kesa solution ng gubyerno sa problema.

 

 

Ganda ng kutis, parang hindi man lang nadadapuan ng alikabok, napakabango, at kahit na hindi ko nakikita mga mata niya sa likod ng suot niyang sunglasses, pakiramdam ko nakita ko na siya minsan sa buhay ko. 'Di ko lang lubos maisip kung saan.

 

 

 

“K—Kilala ba kita?” nauutal kong tanong sa kanya. Agad kong nakita ang pagtaas ng kilay niya. Pati kilay niya hulmang-hulma. “H-harassment po ginagawa niyo.”

 

 

“Excuse me?” pabulong man, ramdam ko ang pangil niya sa tanong na ‘yon. “Sure I’m trying to hide and all, but excuse me?”

 

 

Wow, sa suot mong ‘yan sure akong mas marami pang lumingon sa ‘yo kesa pinili kang ‘di pansinin. Nice tago. Trying to hide ka diyan.

 

 

“Um—“ ‘wag niyo ako sisihin kung ‘di ako makasagot ng maayos.

 

 

Lumapit pa siya sa mukha ko. Mga limang sentimetro na lang siguro pagitan na naman ng mga mukha naming. Lord, turuan mo ulit ako huminga. Binaba niyang bahagya ang shades niya at diniretso ang tingin ng nanlilisik niyang mga mata sa akin.

 

 

Binabawi ko na. Hindi ‘to keso sa cupcake. ‘Quezo’ ‘to. Sa French naman kung saan susyal ang cuisine, isa siyang ‘Fromage’.

 

 

Tama ba ‘tong nakikita ko? Pamilyar.

 

 

Napapikit akong mga tatlong beses. Unti-unti nang bumabalik utak ko mula sa Alaska. Sa may likuran ni y Barney, nagkaroon ako ng ‘light bulb moment’ nang matanaw ko ang mga billboard na eighty percent ay puro lang mukha ni Bae Irene.

 

 

Napapikit ulit ako.

 

 

Isa pang pikit.

 

 

Isa pa.

 

 

Pakshet.

 

 

Nanlaki uli mga mata ko at bumalik sa mga matang nasa harap ko, mga mata ng the one and only It Girl, mga matang ramdam kong iisa lang ang mensaheng gusto iparating: surprise motherfvcker.

 

 

“Bae Irene?”

 

 

Umikot mga mata nito at pinitik labi ko. 

 

 

“Aray! Ano ba!”

 

 

Masakit ha?

 

 

Pinitik niya ulit labi ko. Mas malakas. “Aray! Hoy—“

 

 

“—tanga ka ba? O kailangan kong ulit-ulitin that I’m trying to hide?” mariing sabi nito habang lumingon ito sa lahat ng direksyong pwede niyang lingonin. “Mukhang wala na sila.”

 

 

Wow. Mga tanga siguro naghahanap dito kung sa ganitong suot niya e hindi nila ito napansin.

 

 

Ay wait. I feel used. Teka. Ginamit lang pala ako para hindi siya mapansin. Hindi pala to Queso/Fromage. Isa siyang hamak na cheese melt. 

 

 

“Listen,” simula nito nang nakasiguro na itong wala na ang mga naghahanap sa kanya, “I need you to do something for me.”

 

 

Do something for you agad? Excuse me, cheese melt?

 

 

“I-uwi mo ako.”

 

 

Ha?

 

 

Ano daw?

 

 

 

//

 

 

 

So basically, kung nakaranas na kayo na makaladkad ng kalabaw nang parang araro, ‘yon ang picture at experience na pinaka-magandang gamitin para maintindihan niyo kung bakit heto na ako ngayo’t may bitbit na high maintenance individual sa may gate ng bahay naming sinlaki na siguro ng walk-in closet niya.

 

 

Noong sinabi niyang i-uwi ko siya, mga tatlong segundo lang siguro pagitan, tapos boom sakay agad kami sa pumaradang tren. Ni hindi ko naipaglaban ang phone ko na nalaglag sa riles.

 

 

“Panginoon! I-aalay ko ang anak kong demonyo! Ibalik mo lang ‘yong anghel ko!” naririnig ko na si Mama.

 

 

“Grabe ka sa akin Mama! Ginawa ko lahat ng dapat gawin ni Ate Seulgi ngayong gabi! Ako pa rin ba!” kailan ba hindi magbabangayan ‘tong si Mama at Yeri.

 

 

“LIGAYA HANAPIN MO ATE MO!”

 

 

“Mama, kanina pa ako naghahanap! Kauuwi lang nga namin ni Ate Wendy o!”

 

 

“We looked real hard, Mom!” kapatid kong inglisera, si Wendy. Ginto ko ‘yan. Hindi sayang perang ibinabayad ko sa Ateneo.

 

 

“LOOK REALER!” naku, Mama, pwede namang hindi ini-Ingles kung hindi kaya. “BAKA NAPAANO NA ANG ATE NIYO, DIYOS KO! ‘YONG GINTO KO! PANGINOON, HINDI KO KAKAYANIN!”

 

 

“Literal na ginto, ‘ka mo!”

 

 

“MAY SINASABI KA, KIM YERIM!”

 

 

“WALA MAMA! SABI KO LALABAS AKO AT MAGHAHANAP PA AKO!”

 

 

Kung ‘di ko pa nababanggit sa inyo, apat kaming magkakapatid, iba-iba ang tatay. Grabe kasi ang paniniwala ni Mama sa tunay na pag-ibig. Kada boypren niya noong dalaga pa siya, pakiramdam niya forever niya na. Isa lang naman nagmana ng ganyan pananaw niya—si Yeri lang, habang si Wendy at Ligaya neutral sa pag-ibig, ako na panganay na sa murang edad ay nakita ang ilang ‘Wasak Episodes’ ni Mama, Season 1 hanggang Season 86, medyo traumatized at todo ingat.

 

 

Busangot ko lang habang sinulyapan ang katabi kong nakapamaywang pa. Ako na nga nakaladkad, siya pa galit? Edi wow.

 

 

Sigurado na ba ‘to talaga? Pwede naman sigurong kila Jisoo na lang ‘to? Mas maayos naman apartment ng apat na ‘yon.

 

 

Shet. Wala na nga pala akong phone. Hassle. Pwede bang umiyak?

 

 

“How long are you going to make me wait?” ‘ika nito na hindi man lang natingin sa akin. Ako ba talaga kausap nito?

 

 

“Ikaw na nga nagpauwi, ikaw pa nagrereklamo,” mahina kong sabi habang may pagkamot sa may gawing kilay ko. Napasambit na rin ako. Pagod ako. Hindi na ako nakapagpahinga, nawalan ng phone, at patuloy na binabagabag ng tawag na hindi ko nasagot.

 

 

“May sinasabi ka?”

 

 

Iling ako agad na may naka-plaster na ngiting mas fake pa sa sapatos ko. “Ah, e wala. Pasok na tayo?”

 

 

Umikot na naman mga mata niya. Mahipan sana ‘yan nang ma-stuck.

 

 

“Finally,” sagot nito sabay taas ng kamay, akmang bubuksan ang gate ng ‘bahay ko’ (bahay ko by the way).

 

 

Bago pa man niya lubusang maitulak ang gate naming kinakalawang na, bigla itong bumukas at bumungad sa amin ang bunso kong kapatid na si Yeri na mukhang handa na makipag-suntukan sa sama ng aura.

 

 

Kita ko ang takbo ng emosyon sa mukha niya sa loob ng limang segundo: gulat, inis, bwisit, luwag sa dibdib, at nang maibaling ang tingin niya kay Irene na naka-shades pa din sa ilalim ng very slight na liwanag ni Inang Buwan, gulat ang nanaig.

 

 

Nakilala niya kaya?

 

 

“MAMA! ANDITO NA SI ATE! MAY INUWING BABAE!”

 

 

Putangina?

 

 

Sa dami ng pwedeng pansinin, ‘yon pa inuna?

 

 

Nakarinig ako ng mga yapak na obvious na nagmamadaling makababa ng hagdan. Unang lumitaw ang ulo ni Wendy (na bakas sa mukha ang pag-aalala) sa may gawing likuran ni Yeri. Agad namang sumunod si Ligaya na mukhang mas interesado sa chismis kesa malaman kung okay talaga ako base sa ngisi nitong match na match sa ngiti ng aso niyang si Haetnim.

 

 

“MA! LUMANDI NA SA WAKAS SI ATE!” sigaw ni tangkad.

 

 

Bakit ba puro landi iniisip ng mga kapatid ko? Ni hindi ko naman sinabi sa kanila nang lantaran na bakla ako?

 

 

 

//

 

 

 

Sa dami ng nangyari sa may gate namin, at gaya na rin ng series of unfortunate events na nangyari sa akin ngayong araw, hindi ko alam kung paano nangyaring nakaupo kaming pareho ni Irene sa love couch sa salas habang apat na tao ang nakatayo sa harap namin.

 

 

Ano ‘to? Interrogation?

 

 

Habang ako pagod at dalawang pikit na lang bagsak na, hindi ko mawari kung paano nagagawa ng bruhildang katabi ko ang ngumiti at enjoyin ang attention na nakukuha niya sa mga kapatid ko.

 

 

Si Yeri walang tigil ang pagpipicture kay Irene. Nangako naman itong hindi ipopost. Magyayabang lang daw sa mga kaklase niya. Si Wendy na kahit problemado, bakas ang pagka-starstruck sa mga mata. May hawak pa itong picture ni Irene. Papa-autograph pa siguro si bruha. Si Ligaya naman ngiting aso pa din habang pinapaypayan si Mama na magaling din magdrama, akala mo hihimatayin na.

 

 

“Seulgi, anak, tomboy ka?” halos mangiyak-ngiyak nitong tanong.

 

 

Waw, Ma. Napaka-uninformed ng kamadlaan ng lipunang Pilipino.

 

 

“Ma, hindi ako tomboy,” sambit ko, sabay mariing masahe sa noo ko. Diniinan ko pa. Gusto ko abot bungo. “Lesbian ako, Ma. Sorry sa late info, at bakit ba 'yan ang focus ng usapang 'to? Ni hindi ko nga girlf—ARAY!”

 

 

Nakaramdam ako ng solid na siko sa tagiliran ko. Magrereklamo sana ako nang titigan ako ni Irene nang may ngiting hawig na hawig nung anonymous na mask. Tangina.

 

 

Ngumawa ang nanay ko sa salitang ‘lesbian’. Akala mo naman may balak siyang pag-jowain anytime soon kung sinabi kong interes ko nasa hatdog. Lakas naman sa pagpaypay ang Ligaya at ang Wendy na ginamit na ang picture ni Irene na pamaypay.

 

 

“Ang ganda mo po sa personal,” commercial nitong si Yeri at patuloy ang pag-pi-picture nito sa katabi kong naka-de cuatro pa at nag-iiba iba pa ng pose kada kuha ni Yeri. Pwede na siya bumuo ng GIF. Ang Wendy naman at Ligaya ay tuloy pa rin sa pagkakagulo nilang buhayin si Mama.

 

 

“Ma—“ hindi ako tatayo. Alam ko nagdadrama lang siya. “Can I explain muna?”

 

 

“—anak, ni minsan hindi ka nagpakita ng sign na Tomboy ka! Na m—may—n—nob—“

 

 

“—girlfriend, Mom. You can say it,” entrada ni Wendy, “and please don't say Tomboy, that's—like—outdated and ignorant.”

 

 

Ngawa ulit ang punong bakla, gaya nung pag-ngawa niya noong iniwan kami ni Papa I.

 

 

“Hayaan mo naman magpaliwanag si ate. Tanong ka ng tanong, napakadrama mong demanding, hindi mo naman pinapasagot,” pabalang na sabi ni Yeri. Siniko naman ito ni Wendy at tinawanan lang ni Ligaya.

 

 

Bakit kasi hindi ako tulungan ni Miss Irene magpaliwanag, ‘di ba? Siya naman dahilan kung bakit nangyayari lahat ng kaguluhang 'to. Humarap ako sa kanya. Tumingin naman ito sa akin pero mukhang ‘di naman siya natitinag ng tingin kong I assume ay nagpaparamdam ng pagka-bwisit.

 

 

“Baka gusto mo i-explain lahat ‘to?” tanong kong may full-gear na inis.

 

 

Kinilabutan ako sa ngiting binigay niya sa akin. Bakit ako lang ang nakakaramdam sa pagka-fake ng lahat? Itinaas nito ang kamay niya’t hinaplos ang pisngi ko. Natigilan ako. Kahit isang malaking fake ‘tong bruhang ‘to, bakla ako at maganda siya. Hindi magandang combo. Ito na 'yon eh. Ito na 'yong dahil kung bakit nababansagan ang sangkabaklaang kababaihan ng 'Useless Lesbians' sa may kanlurang bahagi ng daigdig. 

 

 

“Ang totoo niyan, Mommy—“ simula nito at unti-unti niyang ibinaling ang tingin sa pamilya ko. Inalis na nito ang kamay sa mukha ko at ipinulupot ang mga kamay namin.

 

 

Pero teka ha? Mommy? Anong pinagsasabi nito? Lalong aatakihin sa puso nanay ko nito.

 

 

“Matagal na akong gusto ipakilala ni S—Seulgi—“ naku Ate Ayren, wala kang makukumbinse diyan dahil kahit pangalan ko mukhang ngayon mo lang na-realize. Kudos naman sa listening at comprehension skills mo, anyway, “—kaso natakot siya baka hindi mo kami matanggap. Mahal ko po anak niyo. Handa po ako saluhin lahat ng responsibilidad niya—“

 

 

Kung meron mang bagay na masasabi ko nang walang kahit onseng duda na kahinaan ni Mama, isang bagay na sure ako na huhuli sa kiliti niya—

 

 

“—kahit na magkano pa araw-araw.”

 

 

Ayan na nga po ano.

 

 

Sa isang iglap, parang napo-possess si Mama na nasabuyan ng pari ng holy water sa bilis ng pag-galing niya. Buti pa si Emily Rose, consistent.

 

 

At sa gabing iyon, agad niyang ipinaayos ang kwarto ko sa tatlo kong kapatid para sa ‘nobya’ kong ‘Prinsesa’ ang bigla niyang tawag.

 

 

Anyway. At least hindi na humaba ang usapang na-out ako bigla sa nanay ko. Mukhang tanggap niya na. Piso lang katapat. Ayos.

 

 

 

//

 

 

 

Sa tanang buhay ko, ni minsan hindi naging hands-on si Mama sa akin. Lumaki akong buhat ko sarili ko at mga kapatid ko, pati na rin si Mudra. Kaya naman laking paninibago ko sa pag-aasikaso niya sa amin ni Irene. Hinatid pa kami sa kwarto ko. Pula pa ang bedsheet na napili nilang ipalit sa kobre-kama kong never naman nila hinawakan before.

 

 

At kailan pa nagkaroon ng orange tint ang ilaw ng kwarto ko? Sakit sa mata.

 

 

Jusko. Wala na akong ibang ginawa ngayong gabi kundi mapahinga ng malalim.

 

 

“Goodnight mga anak! Galingan mo Seulgi!” excited na sabi ni Mama habang palabas ng pintuan at pagsara nito.

 

 

Galingan? Ulol.

 

 

Pinagsasabi niya? Ni hindi ko nga kilala ‘tong ‘prinsesa’ niya bukod sa libong endorsement nitong nasisilayan ko paminsan sa TV na halos 'di ko naman makaharap gaano.

 

 

In fact, pagka-sarang pagka-sara ng pintuan, nakakakilabot ang biglang paglaho ng ngiti niyang fake news. Ibinaling nito ang tingin sa akin at pakiramdam ko roommate ko si Kamatayan.

 

 

“Hindi mo talaga ako kilala?”

 

 

Ha? Requirement ba ‘yon?

 

 

“Alam ko pangalan mo, Bae Irene.”

 

 

“Hindi iyon ang ibig kong sabihin.”

 

 

Kung nakakatunaw ang tingin, iyong kanya sinlakas siguro ng araw sa gitna ng kainitan ng Hunyo.

 

 

“Nakita na kita sa commercial ng Modess at ng McDo,” sagot kong pang-gago. Pero totoo. Kahit pintura at cotton buds na-endorse na niya. Sure ako.

 

 

Nanlisik ang mga mata niya.

 

 

“Anong klaseng tao ang hindi nakakakilala sa akin? At maraming magmamakaawa ma-‘harass’ ko lang,” ah, so naaalala niya pa ang pang-haharass niya sa akin kanina sa MRT.

 

 

Aba, wow. “Klaseng ako. We exist.”

 

 

“You mean, ‘you’ exist,” sagot nito sabay bato ng unan sa mukha ko. “Sa sahig ka, Kang Seulgi.”

 

 

ABA PUT—okay.

 

 

Wala na akong lakas para sa lahat nang ito. Kama ko na lang iyong bukod tanging bagay na sobrang naglo-look forward ako sa loob ng isang araw tapos ganito pa.

 

 

“Kama ko ‘yan. Paborito ko masolo ‘yan.”

 

 

Hindi nagbago ang kanyang postura. “Most people would die just to literally have me on their bed.”

 

 

“Well, hindi ako 'yon. I am not ‘most people’, Bae Irene,” sagot ko sa kanya na may sarkastikong diin sa pangalan niya.

 

 

Kita ko ang isang segundong daan ng gulat sa mga mata niya, pero agad din itong napalitan ng mode niyang mukhang default setting niya.

 

 

“Hmp!” humiga ito at tinalikuran ako.

 

 

Hinga ulit ako ng malalim for the nth time habang inilalapag ang unan ko sa sahig. Ni walang kutson o kumot.

 

 

Kung pwede lang umiyak. Nakigulo pa dito 'to.

 

 

 

//

 

 

 

 

Hindi naman mahirap makatulog sa ganitong pagod ko ngayong araw. 

 

 

Hindi rin mahirap mabwisit.

 

 

Dahil di pa nakaka-limang minutong papalayag na ako sa Kaharian ng Panaginip ni Morpheus, bigla ako nakaramdam ng tumutusok sa tagiliran ko.

 

 

Bumungad sa akin si Irene na sinusundot ako gamit ang hintuturo niya. 

 

 

“Ano na naman?” halos paiyak ko nang tanong.

 

 

“’Di ako makatulog. Mainit.”

 

 

“Wala kaming pambayad ng kuryente para sa aircon,” pabalang kong sagot.

 

 

“Paypayan mo ako.”

 

 

ABA TANGINA NAMAN TALAGA.

 

 

‘Magtiis ka,’ gusto ko sabihin, pero nang masilayan ko ang itsura niyang parang hirap na hirap, naka-pout pa, agad kong isinumpa ang kabaklaan ko.

 

 

“Sandali hiramin ko pamaypay ni Ligaya.”

 

 

Hesus, Marya, HOSEP!

 

 

 

//

 

 

 

Kalagitnaan ng gabi. Mga munting ingay ang humila sa akin sa realidad. Ang tuloy-tuloy na pag-vibrate ng phone ni Irene sa nightstand ko, at mga hikbi.

 

 

Hindi.

 

 

Hindi horror ‘tong kwentong ‘to. 

 

 

(Medyo lang, kasi may bruhang evil.)

 

 

 

Napabangon akong bahagya at napasilip sa phone na ayaw tumigil.

 

 

Suho calling.

 

 

Sino si Suho?

 

 

Sigurado akong hindi artista si Suho. Then again, bobo ako sa artista. Wala akong gaanong kilala dahil sa tipo ng buhay na meron ako: mas mahaba oras sa (mga) trabaho kesa kahit ano.

 

 

Sinilip ko siya at kahit na patay ang ilaw, naaaninag ko ang pag-galaw ng mga balikat niya dahil sa pag-iyak na pinipigilan niya.

 

 

Naawa naman ako. Kaya maya-maya ay pumunta ako sa cabinet ko para pahiramin siya ng pantulog at pamalit bukas. Nilapag ko ito sa may paanan niya.

 

 

 

//

 

 

 

Nagising ako ng kalampag ni Yeri sa pintuan ng kwarto ko. Napaka-wirdo ng panaginip ko. Hinalikan daw ako ni Bae Irene tapos inuwi ko daw siya sa bahay.

 

 

“ATE SEULGI, GISING NA RAW SABI NI ATE WENDY!”

 

 

“Gising na ako!” sigaw ko kay Yeri.

 

 

Natatawa na akong bumangon. Parang tanga talaga mga panaginip minsan. Hindi ko na rin inisip kung bakit sa sahig ako nakatulog. Masigla akong lumabas sa kwarto ko. Ano kaya handa ni Wendy ngayon para sa agahan? May nalalaman pa akong pakanta-kanta habang papunta sa kusina.

 

 

Amoy waffles. ‘Di pa ako nakakarating sa kusina ang laki na ng ngiti ko. Ngunit nang makarating na nga ako doon, parang gusto ko agad gumising ulit. Baka lang kasi panaginip din ulit ‘to. Inception ba? Tipong paulit ulit kang gigising kasi patong-patong na panaginip lang pala lahat.

 

 

Bakit nga ba?

 

 

Bumungad kasi sa akin sa kusina ang nanay kong sinusubuan pa si Bae Irene na suot ang pantulog ko, basa pa ang buhok, walang make-up at armadong-armado ng kanyang fake smile habang kausap si Mudra. Baka nga horror ‘tong kwentong ‘to. Tipong ‘yong plot umiikot lang sa isang masamang panaginip.

 

 

“Alam mo ba na sa lahat ng naging nobyo ko, tatay niyang si Seulgi ang pinakamagaling sa kama kaya dapat siya rin magal—“

 

 

“—MOM, OH MY GOD!” agad namang pasok ni Wendy sa usapan. Nagmadali na tuloy kapatid kong ilagay ang bagong lutong waffles sa pinggang naka-pwesto sa gitna ng mesa at akmang lalabas na. “Kanina pa yan, ate, si Mom. It’s starting to scare me.”

 

 

Mabilis itong nag-iwan ng malambing na kiss sa pisngi ko bago magmadaling lumabas at magpaalam na papasok na. Napansin kong sinundan ni Irene ng tingin ang interaction namin ni Wendy. 'Yan lang naman malambing sa akin ng ganyan; si Yeri busy lagi sa phone, at si Ligaya naman mauuna pa pang-aasar kesa concern.

 

 

“Ma, alam mo namang pandinig ni Wendy,” bahagya kong sermon kay Mama habang pumupwesto na sa hapag-kainan kung saan nakaupo pa ang Yeri at Ligaya (at Haetnim), “’wag mo naman takutin.”

 

 

Tawa lang si Mama na patuloy pa rin ang pag-subo ng waffle kay Irene na siya pa nag-slice. “Naku, e matanda na yan, nene. Kaya hayaan mong marinig niya.”

 

 

“Oo nga pala. Bumili ka ng tsaa mamaya Seulgi at hindi nagkakape itong asawa mo.”

 

 

Hanep. Asawa na?

 

 

Tumango na lang ako para wala nang away.

 

 

“Kamusta ba trabaho mo, Seulgi?” tanong ni Mama.

 

 

Parang pandayan na nalaglag sa ulo ko ang ala-ala na hinding-hindi ko malalaman kung makukuha ko ang pangarap kong trabaho—na baka stuck on you pa rin ang peg ko sa tatlong trabaho ko. Naalala ko din ang namumukod tanging kadahilanan ng lahat—ang babaeng kasalukuyang sinusubuan ng nanay ko.

 

 

Ibinaling ko ang paningin ko sa kanya na nakaka-gago ang ngiti habang ninanamnam ang pag-aalaga ni Mama. Hutaena.

 

 

“Hindi ko alam, Mama. Nasira phone ko. Follow-up ko na lang siguro mamaya. Tawagan ko ang opisina nila.”

 

 

“Anong nangyari sa phone mo, babe?” babe mo mukha mo. Nagtanong ka pa. Ikaw naman dahilan.

 

 

“Ah, hindi ko sure?” sagot ko habang sinisigurong kasing fake niya ang tono ko, “nalaglag ata sa riles kahapon?”

 

 

“Hindi naman 'yon ang tinatanong kong trabaho,” simula ni mama. Lahat naman kami napatingin sa kanya, naghahanap ng paglilinaw. Si Ligaya na sharp sa kabalahuraan, balik ngiting-aso habang nakatingin sa akin at hindi kay Mama. “Tinatanong ko kung tinrabaho mo ng maayos 'tong si Irene kagabi.”

 

 

Sa mga susunod na minuto, nire-revive namin si Yeri na muntik nang tuluyang mamaalam dahil nag-choke sa waffle slice na lulunukin niya sana ng maayos. Buti na lang nursing student 'tong si Ligaya.

 

 

Siguro tuod ako sa past life ko, o 'di naman kaya ay tangkay, tuyong dahon, buntot ng ulap. Walang ambag sa lipunan. Kaya sa buhay ko ngayon ako binabawian at pinaparusahan.

 

 

 

//

 

 

 

Lakas ng tawa ni Jisoo, na siya namang sinundan ni Jennie na may pahampas pa sa balikat ko habang tumatawa.

 

 

Nakakatawa ‘yon?

 

 

Hindi pa rin makahinga 'yong dalawa. Napakasaya ko. Masaya ako para sa inyo dahil maligaya kayong mga hayop kayo.

 

 

“Wow, I feel very comforted,” sabi ko nang hindi na itinatago ang pagod ko. Nanlalata akong nakasandal sa cash machine. Buti walang customer ngayon.

 

 

“Kasi naman, bakla—“ ayan medyo naka-recover na siya't nakakahinga na ng kaunti, “—i-review lang namin ni Jennie ha? Hinalikan ka ni Bae Irene?”

 

 

Bigla uli silang humalakhak ng sabay na para bang hinulugan ng piso tapos umandar.

 

 

“Ako naman nakipag-momol kay Nadine Lustre!” sarkastikong dagdag ni Jennie.

 

 

“Tapos sabi niya sa 'yo i-uwi mo siya?” pagtuloy ni Jisoo.

 

 

Tawa ulit sila ng sabay.

 

 

“Ako naman gusto itanan ni Liza Soberano!” dagdag naman ulit ni Jennie.

 

 

Humalakhak na naman ang dalawa ng automatic. Aba, sarap niyong pag-untugin.

 

 

Last shift kami ngayon. Sana nakasabay ko na lang si Lisa Manghuhula at si Rosie Malandi. Mas maayos pang kausap 'yong dalawang wirdong 'yon minsan kesa dalawang animal na 'to. Tama, papahula ko na lang future ko kay Lisa, tapos hihingi ng tips sa social life kay Rosie, baka sakaling ma-figure out ko kung bakit bigla akong nasalanta ng Bagyong Irene.

 

 

“Tapos natulog kayo sa kwarto mo? WOW—“ apir naman sila ngayo't halakhak ulit ng tawa nilang tila automated.

 

 

“Anong sunod? Papaltan niya phone mo? Pupuntahan ka niya dito?” dagdag ni Jennie na nakahawak na sa tiyan niya kakatawa. Bulset kayo.

 

 

At sa moment na 'yon, wala man lang isang minuto ang lumipas, wala man lang limang segundo, biglang kumalantsing ang wind chimes sa may itaas ng pintuan ng resto. At habang nagtatawanan ang dalawang mamaw, lumitaw si Irene, naglakad patungo sa amin na tila bitbit niya ang araw, buwan at mga bituin sa liwanag ng aura niya. Suot man nito ang pamilyar na hoodie, shorts at cap na na-realize kong akin, alam kong siya 'yon. 'Di mapagkakaila.

 

 

Unang nakapansin si Jennie biglang siniko si Jisoo.

 

 

Agad namang bumati ang dalawa gamit ang welcome spiel namin, mukhang hindi nila ito nakilala. Ako naman hindi na nagsalita.

 

 

Pati ba naman dito guguluhin ako nito?

 

 

Magsasalita pa lang sana akok nang may ilapag ito sa counter.

 

 

“Naka-speed dial 1 number ko. 'Wag mo ipapamigay,” simpleng sabi nito.

 

 

'Di na ako nakasagot, napatingin na lang ako sa box ng iPhone 11 sa harap ko. 

 

 

“Kaya ko bumili ng sarili kong phone,” sagot ko, nilagay ko mga kamay ko sa bewang ko at itinaas ang noo ko.

 

 

“Sinira ko phone mo. Kaya ayan. Kunin mo na 'yan,” tapat naman niya.

 

 

“Kaya ko nga bumili ng—“

 

 

“Hindi ko ni-request na kunin mo 'yan. Gusto ko kunin mo.”

 

 

Excuse me?

 

 

“Ikaw na binibigyan, ikaw pa nag-iinarte,” gumalaw na itong akmang lalabas na ng resto, pero tumigil ito sa may pintuan mismo at biglaang nagdesisyon na umupo na lang sa may table sa sulok, “antayin na lang pala kita. Sabay na tayo umuwi.”

 

 

So, sa bahay pa din siya naka-lagi?

 

 

Napahinga na lang akong malalim at napasambit. Sahig na naman tutulugan ko mamaya. Walang isang sandali ang dumaan, tumingin ako sa dalawang kasama kong ilang minuto na ring tahimik.

 

 

“O ano? Kukunin niyo order niya o tutunganga kayo diyan?”

 

 

Mga isang minuto pa siguro bago naka-recover ang dalawa.

 

 

“A—Ako na,” nauutal na sabi ni Jisoo.

 

 

“Teka, ako sa waiting ngayon ah!” reklamo ni Jennie.

 

 

Ayos. Parang kanina lang lakas niyong mang-asar.

 

 

Teka nga.

 

 

Okay na rin pala. Kahit para lang matahimik itong mga animal na 'to.

 

 

Nag-pigil na lang ako ng tawa habang pinapanood 'yong dalawa na nagbabangayan kung sino kukuha ng order ni Irene.

 

 

Napailing ako dahil halos hilahin na ni Jisoo si Jennie sa apron nito. Nakangiti pa naman ako pero naalala ko bigla ang phone na binili ni bruhilda. Nabura man ang tawa sa mukha ko, pag-kabukas ko naman ng kahong wala nang seal, at pagka-angat ko sa kulay purple na phone, agad itong umilaw at bumungad sa aking ang lockscreen na selfie ni Irene, nagbago ang pinta ng mukha ko.

 

 

Wow. 'Di na rin ako nagulat nang buksan ko ito at mukha niya rin uli ang bumungad sa home screen.

 

 

GGSS lang talaga.

 

 

Lakas ng tawa ko bigla.

 

 

Topak ka man, funny ka, at least.

 

 

 

//

 

 

 

Sa daan pauwi, taxi ulet, napansin ko ulit ang phone niyang walang tigil sa pag-vibrate.

 

 

Suho calling.

 

 

Hindi niya ito pinapansin, pero kita ko ang paglalim ng simangot niya. Pinara ko agad si kuya sa may kanto malapit sa Savemore. 'Yong tsaa niya kasi. Pagod ako. Ayaw kong mabungangaan ni Mama.

 

 

Siguro gusto ko rin siya ma-distract. Ewan.

 

 

 

//

 

 

 

Habang nagkukwenta ako sa isip ko ng expenses ko ngayong araw at ang matitira sa akin base sa mga bagay na nasa munting basket ko, dumaan naman sa paningin ko si Irene na may umaapaw na trolley. Mas matangkad na ang items niya kesa sa kanya. Namutla ako.

 

 

Agad ko siyang nilapitan at binulungan. “Ang dami niyan! Bawasan mo naman kaunti o.”

 

 

“Ako magbabayad.”

 

 

Ha?

 

 

“Ano ka ba. Hindi. Kaya ko magbayad.”

 

 

Tumigil ito maglakad at tumingin sa akin, nakataas ang kilay.

 

 

“Ako magbabayad,” simpleng ulit niya, pero bakit ako kinilabutan? Bakit grabe ‘yong diin sa kaluluwa ko? Horror nga 'to. ‘Patayin sa Sindak si Seulgi: The Return of Satanas’ ang title.

 

 

Hindi ako mapakaling kinikilatis ang pinamili niya. Napakarami. May cereals, may chichirya, may karne, maraming manok, may toiletries, may mga drinks, de lata. May toyo, suka, kung anu-anong gulay.

 

 

Ayuda 'te?

 

 

“Sinong may bertday?” kaswal kong tanong.

 

 

Ikot na naman mata niya. Malapit ko na hipan iyan.

 

 

Sinubukan ko siyang pigilan. Pero sa puntong naman na 'to ng kwento, gets niyo na rin na wala sa bokabolaryo nito ang mga katagang 'okay sige'. Pero naman hinayaan niya na akong bumili nung tsaa niya. Alam kong hindi siya iinom noong mumurahin kaya kinuha ko na tatlong klaseng mamahalin. Nakita ko kung paano niya ito tinignan sa basket ko at siya namang pa-simpleng alis niya noong mga tsaang nasa trolley niya na.

 

 

Nagbayad siya ng grocery para sa isang barangay, ako naman para sa kanya.

 

 

Hmm. 

 

 

Napapaisip ako: mabait naman siguro siya sa sarili niyang paraan. Hindi naman kanya yang pinamili niya. Sigurado ako. May dog food e. Naambunan pa ang Haetnim.

 

 

Oo nga. Mabait din naman kahit paano.

 

 

 

//

 

 

 

Binabawi ko. Alagad talaga siya ng bawat kampon ng kadiliman sa buong Shake, Rattle and Roll movie franchise.

 

 

Habang casual itong pumapasok sa gate namin, ako naman ang may bitbit ng Ayuda de Barangay na pinamili niya.

 

 

Pagkapasok naman namin ng bahay, napakatamis at napakasaya ng pa-welcome ng mga kapatid ko sa kanya, hinayaan naman ako ng sangkamadlaang magbuhat ng pinamili. Hindi madali magbitbit lalo kung paper bag.

 

 

Sus. Ang nanay ko may bimpo pang naka-abang. Punas naman agad sa mukha ni Irene. Ano ‘yan ma? Payb years old?

 

 

“Thank you, Mama,” sarkastiko kong sabi kay Mama na likod naman ni Irene ang pinupunasan. Hirap pa akong makadaan papuntang kusina para ilapag ang pinamili dahil pinagkakaguluhan nila si Kamahalan. “Thank you, Ligaya. Thank you, Wendy. Lalo ka na, Yeri. Sweet niyo.”

 

 

Nang mailapag ko ito sa hapag kainan para ayusin, dinumog naman ako ng mga oportunista. Ni isang item wala na akong nahawakan. Sige, bahala na kayo diyan. Magpapahinga ako. Buti na lang weekend bukas.

 

 

 

//

 

 

 

Mukhang may pa-pansit si Mayora. Kaya naman pala ang daming binili.

 

 

Kumakain sila at nanonood ng TV sa salas nang mapadaan ako mula sa shower. Inalok naman ako ni Wendy na kumain, pero tumanggi ako dahil maraming bagay ang nasa agenda ko ngayong gabi: matulog, matulog at matulog. Nag-good night naman ang kapatid kong sweet, habang sinabihan akong KJ nung dalawa pa. Napansin ko din ang pagsunod ni Irene ng tingin sa akin.

 

 

Dahil abala sila sa salas, kinuha ko ang pagkakataon na mahiga sandali sa kama ko. Busy naman si Ate Irene sa pakikisalamuha sa pamilya kong cute (sarcasm), samantalahin ko na ang ilang minuto man lang na maihiga ang likod kong parang binasagan ng hollow-blocks.

 

 

Kinalikot ko sandal ang bago kong phone habang nakahiga sa kama kong ka-cool off ko. Muntik ko mabagsak ‘to sa bibig ko nang buksan ko’t bumungad na naman mukha ni Irene. Dahan naman ang tawa ko sa gallery kong puro rin pala mukha niya. 

 

Scroll-scroll lang nang may makita akong picture niyang naiiba ‘yong ngiti. Napaisip ako. Bahagya atang naibaba niya ang maskara. Sa selfi na ito, halso hindi mo pansin ang ngiti niya, na para bang mata niya lang ang nagsasalita. Kaya siguro siya sumikat. Mangungusap ang mga mata niya.

 

 

Agad kong ipinalit ‘yong litratong ‘yon sa lockscreen ko. ‘Di naman siguro siya magrereklamo dahil mukha niya pa rin naman.

 

 

Maya-maya, ang ‘saglit’ ko sa kama ay napatagal na.

 

 

Guni-guni ko siguro pero naramdaman ko ang marahang balot ng kumot sa akin sa paglalim ng tulog ko.

 

 

 

//

 

 

 

Hm?

 

 

Umiiyak na naman?

 

 

Mas malakas?

 

 

O mas malapit lang talaga?

 

 

Bumuka agad ang mga mata ko nang maalala kong hindi ako nakalipat sa lapag ko sa sahig. Pero gagalaw pa lang sana ako para bumaba, naramdaman ko ang galaw ni Irene kasabay ng bawat hikbi. Nakatalikod ito sa akin at patay na rin ang ilaw pero kita ko, ramdam ko.

 

 

‘Di na ako nagkaroon pa ng lakas bumaba. Napatingin ako sa kumot na nakabalot sa akin. Siya naglagay?

 

 

Dahan-dahan kong nilipat ang kumot sa kanya. Napansin ko ang sandaling bahagyang gulat niya dahil tumigil siya sa pag-hikbi, pero hindi ito humarap sa akin.

 

 

Ano ba ‘tong ginagawa ko?

 

 

 

//

 

 

 

“Hoy.”

 

 

Ang aga pa. Gusto ko pa ng tulog. Saturday ngayon.

 

 

“Hoy.”

 

 

May pangalan ako pucha naman.

 

 

“Hoy, Oso.”

 

 

Ay wow.

 

 

Dahan dahan kong idinilat mata ko. Siguro kung hindi ko lang alam ugali nitong taong ito, iisipin kong nasa langit ako. Ang ganda po, Mama. Parang anghel.

 

 

Itinaas niya kilay niya. “Nagugutom ako. Gusto ko ng adobo.”

 

 

“Buntis ka ba?” sarkastiko kong tanong.

 

 

Kinurot ako nito at agad akong nawalan ng antok sa katawan. “Magluto ka.”

 

 

“Sabado ngayon, gusto ko matulog pa eh.”

 

 

“Matulog ka ulit pagkatapos mo magluto.”

 

 

Tinitigan ko siya. Napapikit na lang ako sa sobrang awa sa sarili ko.

 

 

“Thirty minutes pa please?”

 

 

“Tanghali na.”

 

 

Tinakpan ko mukha ko ng unan.

 

 

Kinurot niya ulit ako.

 

 

“Adobo.”

 

 

Hindi ako bumigay. Tago pa rin ako sa ilalim ng unan.

 

 

Isa pang kurot.

 

 

“Adobo.”

 

 

Tanginang cravings ‘yan.

 

 

Kinurot niya ulit ako at mas malakas na.

 

 

“Aray! Ano ba!”

 

 

“Adobo sabi!”

 

 

Naalala ko lang bigla. Anghel nga din pala si Lucifer bago siya binigyan ni Papa G ng ‘Drop’ na grade.

 

 

 

//

 

 

 

“Ate, anong niluluto mo?” tanong ni Wendy na bigla na lang sumulpot ang ulo sa may gawing kanan ko, sinisilip ang hinahanda kong kaldero.

 

 

“Adobo.”

 

 

“Um, Ate, is that for Ate Irene?”

 

 

Tumango na lang ako. Walang gana. Kama ko lang nasa isip ko.

 

 

“She doesn’t eat chicken, Ate.”

 

 

Pakialam ko.

 

 

“Magtiis siya sa chicken. Chicken gusto ko iluto.”

 

 

Umiling si Wendy.

 

 

“Allergic siya sa chicken, Ate. She didn’t even touch the food we had last night kahit gutom siya.”

 

 

Natigilan ako’t napatingin kay Wendy.

 

 

“Nag-request lang si Mama ng pansit kaya nagpaluto siya ng pansit sa akin.”

 

 

Napapikit ako.

 

 

Tangina.

 

 

Sa lahat ng pagkaing binili niya kagabi. Ni isa doon walang kanya?

 

 

Napaisip na naman ako. Binalikan ko sa utak ko ‘yong puntong kinikilatis ko kanina. Si Lucifer na anghel dati, may pagkakataon kaya sa buhay niya sa ibaba na gusto niya rin bumalik sa pagiging mabuti? 

 

 

Napasambit ako.

 

 

Misteryo ka man at ang dahilan mo kung bakit nandito ka, pakiramdam ko kailangan kita pangitiin kahit ngayon lang.

 

 

Gaya ng walang alinlangan mong pagpapangiti sa pamilya ko. Kahit na siguro barya lang sa ‘yo lahat ‘yon, puntong litaw ‘yong fact na wala pang gumagawa nito para sa pamilya ko.

 

 

“Ihiwa mo ako ng rekados, Wendy. Punta lang akong palengke sandali.”

 

 

 

//

 

 

 

Hindi naman ako masarap magluto. Sakto lang. Hindi gaya ni Wendy na bigyan mo ng sako ng buhangin at bato, kaya mag-magic ng sinigang.

 

 

Pero tinitignan ko siyang kumain, hindi ko mapigilang isipin na parang ang sarap naman ng pagkakaluto ko.

 

 

Kagabi pa siguro ‘to nagugutom talaga. Tiniis niya lang.

 

 

Tumayo na sa hapag si Yeri at tinusok ako sa tagiliran bago ilapag ang pinggan niya sa lababo. “Matutunaw, Ate.”

 

 

Ha? Ganoon ba ako katagal nakatitig?

 

 

Sumunod namang tumayo si Ligaya. Inilapag din nito ang pinggan niya sa sink. Siempre, tila checkpoint, dumaan din muna sa akin at sinara bibig ko. “Bahay langaw lang, Ate?”

 

 

Ha? Nakanganga na ako?

 

 

Sumunod naman si Mama na wirdo. Tinapik nito ulo ko. Aso lang, Ma? “That’s my tomboy.”

 

 

Tangina, Mama?

 

 

Nagpigil ng tawa si Irene, pero tuloy pa rin ito sa pag-kain. Tumingin ito sandal sa akin. Nahiya ako bigla. Ganyan ba talaga siya tumingin? Ngumiti ito—hindi ‘yong ngiting satanas—at tuloy ulit siya sa pag-kain.

 

 

Laging huli sa hapag si Wendy, pero sa pagkakataong ‘to napatingin siya mula sa akin tapos kay Irene; muli sa akin, tapos kay Irene. Nilunok niya na huling subo niya at tumayo na rin ito.

 

 

“I should probably go,” sabi nito na para bang nakaka-istorbo siya sa amin.

 

 

Naramdaman ko mga daliri kong ‘di mapakali. Sus. Parang teenager lang ang peg. Tinuloy ko na lang pagkain ko. Tahimik lang kaming dalawa nang bigla itong ngumiti—balik sa ngiting nakaka-gaglo.

 

 

Tinulak niya ang pinggan niya sa gitna ng mesa at tumayo na rin.

 

 

“Good luck sa hugasin.”

 

 

ABA PUT—

 

 

 

//

 

 

 

Dumaan ang mga araw na ganito buhay ko: 

 

(1) Kakain siya ng gusto niya kainin at requirement na ako ang magluluto, kahit na ano pang lagay ko sa buhay-gutom, pagod, mabaho, atbp.

 

(2) Sa umaga ‘di ko dapat makalimutan ang tsaa niya, dahil tuktok sa ulo inaabo ko sa nanah kong parang kalian lang ako ang paborito.

 

(3) Improvement, hindi na ako sa sahig natutulog, pero tila horror movie, nagigising talaga ako ‘pag tapat ng mga kamay ng orasan sa hatinggabi dahil sa pag-iyak niya.

 

(4) Paminsan, siya mismo gigising sa akin dahil ayaw maki-cooperate ng Klima de Pilipinas at kailangan ko siyang paypayan.

 

(5) ‘Pag araw ng grocery, pamilya ko pinamimili niya, ako bibili ng pangangailangan niya, at siempre, part-time porter pa rin ang role ko sa pa-roleplay ni Mayora.

 

 

Siempre, sa hinaba naman ng listahan na ‘yan, hindi ko inaasahan na madadagdagan pa ito isang araw.

 

 

Bukod sa demanding si Ate Irene, isa rin siyang clingy na ‘fake girlfriend’.

 

 

Nasa shift na ako sa resto, nagkataon na kinailangan ko mag-double shift dahil masama pakiramdam ni Jennie. Pera din naman kaya kinuha ko na. Ang pamilya ko sanay na ‘pag late ako umuuwi. Isang text lang kay Wendy na responsable, okay na.

 

 

Ang ‘di ko naisip… may isa pa palang nilalang sa bahay namin—‘yong malditang nuno sa kwarto ko. Hindi ko naman inasahang hahanapin ako nito.

 

 

Napatingin ako sa orasan. 11:45 PM na. Tulog na siguro pamilya ko at ang bruhildang namahay sa kwarto ko, at siempre, dahil paborito ako ng universe, mali ako doon sa huli kong sinabi.

 

 

Habang si Lisa Manghuhula ay naghahanap ng imaginary mushrooms sa sulok ng resto dahil matumal na ang customer, ako naman na tahimik na nag-aantay ng closing time, naisipan kong silipin ang phone ko.

 

 

99 missed calls.

 

 

Holy shet. Sino kaya ‘to? Si Mama? Si Wendy? Emergency ba ‘to?

 

 

Binasa ko ulit at nakita ko na ang pangalan na nakalagay sa dulo ng notifications na na-ipon. 

 

 

99 missed calls from Diyosa.

 

 

Ha?

 

 

Wala akong kilalang—

 

 

Tumunog ang windchimes sa may pinto. Frustration na sana mararamdaman ko dahil may pahabol na customer, nang mapalitan ito agad ng takot, dahil doon, sa may entrance ng resto, ‘tila aswang na nanlilisik ang mga mata, pawis, magulo ang buhok, pero char hindi one-half ang katawan, biglang pumasok si Irene. Teka—scratch that—hindi siya aswang, sa haggard ng buhok niya, at infair maganda pa din, glowing pa din kutis, para siyang White Lady na tapos na sa shift niya sa Balete Drive kaya dito naman nanggulo.

 

 

“Bakit hindi mo sinasagot tawag ko?”

 

 

“Sorry, hindi ko napansin kasi bawal kami humawak ng phone ‘pag—“

 

 

“Bakit hindi ka nag-text?”

 

 

“Nag-text ako kay Wendy—“

 

 

“Bakit hindi ka ‘sa akin’ nagtext?”

 

 

Jowa kita ‘te?

 

 

“Sorry, hindi ako informed. Next time, tawagan pa kita,” pabalang kong sagot na siya namang lalong pinanlisik ng mga mata ng White Lady sa harapan ko.

 

 

“Hindi ka pa tapos?”

 

 

“Hindi pa, Ma’am,” mata ko naman umikot.

 

 

“Hmp!” padabog itong umupo sa pinakamalapit na upuan. “Aantayin na kita.”

 

 

 

Sige, agawan mo ng trabaho security guard namin.

 

 

 

//

 

 

 

Paglipas ng ilang minuto, nag-time off na rin kami ni Lisa na naka-sungkit pa ng autograph sa White Lady ko. 

 

 

Dabog pa rin si White Lady habang nag-aabang kami ng taxi. Naku, ‘te, kahit butasin mo pa ‘yang kalsada kaka-padyak mo, wala akong lakas manuyo. In the first place, bakit nga ba kita susuyuin?

 

 

Mga naka-99 na siyang padyak wala pa ring taxi kaya naawa na ako sa kanya. Napasambit na lang ako, at maya-maya dahan-dahan kong itinaas kamay ko at tinusok ko siya sa may tagiliran. Tinapik niya kamay ko at sabay tingin sa akin ng masama.

 

 

Siempre, sa itsura niyang haggard na naka-pout, hindi ko magawa nang matakot. Na-cute-an lang, ganyan.

 

 

“Pst,” pusit ko.

 

 

Tinusok ko ulit siya. Tapik ulit nakuha ko.

 

 

“Pst,” pusit ko ulit.

 

 

Tutusukin ko na ulit sana siya nang humarap na ito bago ko pa siya mahawakan at hinampas ako nito sa may balikat. Natawa na lang ako.

 

 

“Sorry na po,” sabi ko nang nakatawa pa rin. Siempre, matatanggap ko lang sa kanya pananaksak gamit mata dahil mukhang gago pa ring ngiti ang nasa mukha ko.

 

 

“Ang i-scary mo naman,” gago rin ako eh. ‘Di ko rin natago ang pinigil kong tawa. “Sorry na o.”

 

 

“Hmp.”

 

 

Mga sampung minuto pa siguro itinagal naming kaka-antay ng taxi. Napansin ko na ring giniginaw na siyang bahagya dahil shorts ko at t-shirt ko lang suot niya. Agad ko namang nilagay sa balikat niya jacket ko.

 

 

Hindi niya naman inalis.

 

 

At nang dumating ang taxi, nakit ko kung paano niya hinawakang maigi ang jacket ko at tinignan ito nang may bahagyang ngiti.

 

 

Magkabilang banda man kami ng upuan sa taxi, pareho naman kaming nakangiti habang nakatingin sa mga ilaw ng gabi na tila-ulap at bulaklak sa mata.

 

 

Ganito ba pakiramdam nang may nagpapangiti sa ‘yo?

 

 

 

//

 

 

 

At siempre, ganito din ang pakiramdam ng may perwisyo sa buhay mo kahit oras na dapat ng pahinga mo.

 

 

Pagpasok ko ng kwarto, nakahanda na ang pamaypay na nilagay niya sa kamay ko.

 

 

“Paypayan mo ako.”

 

 

Oo na, Madam.

 

 

 

//

 

 

 

“Seulgi.”

 

 

Ano na naman?

 

 

Gusto ko nang umiyak.

 

 

Maaga pa ako bukas.

 

 

“Seulgi.”

 

 

Infair, ito ang unang pagkakataon na narinig ko ang pangalan ko mula sa kanya, kaya kahit hirap na ako’t baon na sa dagat ng tulog, umahon pa din ako para sa kanya.

 

 

Pagkadilat ng mga mata ko, bumungad sa akin ang mga mata niyang mugto.

 

 

Ako naman si marupok na bakla, napabangon ako agad.

 

 

“Bakit?” tanong ko habang itinaas ang kamay ko’t pinunasan mga luha niyang tumutulo pa.

 

 

“Hindi ako makatulog.”

 

 

“Paypayan ba ulit kita?”

 

 

Umiling ito.

 

 

“Anong gusto mo?” marahan kong tanong.

 

 

Nakita ko ang pag-aalangan sa mga mata niya, pero sa mga susunod na sandali, tinanggal niya ang espasyo sa pagitan namin at yumakap ito sa akin.

 

 

Hinayaan ko lang siyang kumalma sa mga bisig ko, at maya-maya, hiningi na nitong mahiga. Ako naman si baklang clueless at hindi sanay sa ganitong arrangement, parang akong tangkay na may nakakapit na koala sa akin.

 

 

Nakatulog na siya’t lahat, ako naman ay buong gabing nilabanan ang lahat ng uri ng kabaklaang pilit sumasaksak sa utak ko.

 

 

Tangina, hirap maging bakla sa piling ng maganda.

 

 

Pero… kalagitnaan ng gabi, napatanong na ako sa sarili ko.

 

 

Ganda na nga lang ba talaga nagpapahirap ng lahat ng ‘to?

 

 

 

//

 

 

 

Dumaan pa ang ilang gabi, ganitong-ganito lang din ang arrangement sa tuwing gigisingin niya ako’t hindi siya makatulog at puno ng luha mga mata niya.

 

 

Minsan gusto ko na siyang tanungin, pero sadyang mailap ang seryosong usapan sa aming dalawa. Kung hindi kami nagkakapikunan, nag-aasaran lang kami.

 

 

 

//

 

 

 

Isang umaga, tahimik kaming nag-aagahan ng pamilya ko. Hindi na rin sila gaano nang-aasar dahil nasasanay na rin sila sa presensya ni Irene. Halos apat na buwan na rin ito sa amin. Si Wendy nakahanap ng kasundo niya sa kwentuhan sa gabi. Si Ligaya nakahanap ng pagtitripan niyang tatakutin nila ni Haetnim na saktong-saktong lakas ng tili at taranta ang bigay sa kanila. Si Yeri nakahanap ng azucarera niya. Siempre, si Mama pa magpapahuli? Nakahanap ng kalma sa taong source naman ng highblood ko.

 

 

Normal na nga. 

 

 

Pero alam niyo, meron talagang punto sa buhay natin na sadyang matatalisod ka lang—sanay ka na maglakad, pero natatalisod ka talaga.

 

 

Sa puntong ‘to ng buhay kong unti-unting isiningit ni Irene ang sarili niya, hindi tuhod ko ang sumakit, kung hindi ang ulo ko.

 

 

Tahimik man ang umaga, agad itong nabasag ng boses na pagka-lakas lakas sa may gate namin.

 

 

“ILABAS NIYO ANG TALENT KO KUNG AYAW NIYONG IPAPULIS KO KAYO!”

 

 

Ganoon, ganoon lang, nabasag ang bago kong normal.

 

 

 

//

 

 

 

Kung paano kami napunta sa sitwasyon na ‘to, isipin niyo na lang na medyo napagod na ako kaka-narrate. Basta, heto kami ngayon, nagsisiksikan kaming mag-anak sa may kwarto ni Wendy at Yeri, nakadikit ang mga tenga sa pintong nakasara, habang si Irene at ang unlocked character ng kwento na to ay nasa venue ng halos lahat ng interrogation na nangyari sa pamilya namin, ang pinagkaiba lang, isang mestizong baklang nagmamaganda ang nakaupo sa interrogation couch.

 

 

Ngunit, imbes na si Irene na kasama niya sa salas ang agresibong nagtatanong, siya na naka-krus ang mga braso sa may dibdib niya, naka-dekwatro, at nakataas ang kilay na mukhang ayos na ayos.

 

 

At siya nga pala si Suho.

 

 

Manager ni Irene na halos apat na buwan na siyang hinahanap, at dahil napapadalas kami ni Irene sa grocery store, meron na ring fans niyang nakapansin sa kanya doon at nakuhanan siya ng litrato.

 

 

“I cannot believe na pinaghanap mo ako sa buong ka-Maynila-an! Alam mo bang ilang gabing nalalagas ang kilay ko, Joohyun! HINDI MURA ANG EYEBROW TRANSPLANT!”

 

 

Joohyun?

 

 

‘Yon ba totoo niyang pangalan?

 

 

Hindi pa sumasagot si Irene sa dami ng binabato nito mula kanina.

 

 

“Mag-impake ka na. Hindi mag-aantay ang kumpanya ng matagal. May ipinipresenta ang baklang Sehun na bagong talent. Ayaw kong naaagawan ng limelight—“

 

 

“—ibigay mo na sa kanya.”

 

 

Katahimikan.

 

 

Ilang segundong nakakatakot na katahimikan.

 

 

“Anong sinabi mo?” kung sa ingles ‘venomous’ ang tamang description sa tanong ni Suho. “Ulitin mo nga?”

 

 

“Ayaw ko na, Suho,” simpleng sagot ni Irene.

 

 

“Tingin mo ganoon na lang kadali ‘yon?” lumalakas na ang boses ni Suho. “So, ano? Magiging charitable institution ka na lang habang buhay mo? Irene, pini-perahan ka lang ng—”

 

 

“Hindi ganyan si Seulgi!” tumaas na rin boses ni Irene, at aaminin ko, nabigla ako sa banggit niya ng pangalan ko. “’Wag mo siyang idamay dito.”

 

 

Napasambit si Suho. “Irene. Nakasisiguro ka ba?”

 

 

“Ibahin mo siya, Suho,” simula ni Irene, “nakita ko kung ano siya sa pamilya niya, at hindi mo rin naman alam kung paano siya sa akin.”

 

 

Narinig ko ang mahinang tawa ni Suho. Hindi naman ito mapang-asar, parang pagod lang ba? May sense be ‘yon? “Irene, napag-usapan na natin ‘to. Hindi pwede.”

 

 

“Pagod na ako,” mabilis na sagot ni Irene. “Pagod na ako sa hindi pwede. Pagod na ako sa dapat gawin. Pagod na ako mag-isa.”

 

 

Isang malalim na hinga. Si Suho siguro ulit.

 

 

“Beh, sige, magpahinga ka. Isang buwan pa ha? Babalikan kita. Mahirap na. Agaw pansin ang istariray ni Sehun. Hindi pa oras para maungusan ka niya.”

 

 

Si Yeri na nakasilip sa butas ng susian na ang nagsabi sa amin na niyakap ni Suho si Irene bago ito umalis.

 

 

Sa ‘pag labas ni Suho, at pagkasira ng pintuang sinasandalan naming lahat, agad tumakbo naman si Irene papunta sa kwarto ko—sa kwarto namin.

 

 

Tumingin pamilya ko sa akin.

 

 

Siempre, ako ang tribute.

 

 

 

//

 

 

 

May pag-aalangan akong sumunod sa kwarto. Nakahiga siya’t nakatalikod sa pintuan.

 

 

Umupo akong marahan sa kama at tinapik siya sa may balikat.

 

 

“Uy,” panimula ko, “okay ka lang ba?”

 

 

Malamang hindi, Shunga.

 

 

Napaismid ako sa sarili kong katangahan.

 

 

“Gusto mo pag-usapan?”

 

 

‘Yan. Medyo okay ‘yan.

 

 

Pero hindi siya sumagot.

 

 

Para akong kinukurot sa taranta ko. Hindi ko alam gagawin ko.

 

 

“Gusto mo maiwan muna kita?” tanong ko na agad namang nakapagpaharap sa kanya.

 

 

“Dito ka lang.”

 

 

Pinigilan kong hindi mapangiti sa saya kong makita siyang nagmamaldita na naman.

 

 

Ayan. Tarayan mo na ako’t lahat.

 

 

‘Wag ka lang magmukmok ng ganyan, kasi hindi ko alam gagawin ko.

 

 

Hindi ko alam mararamdaman ko.

 

 

 

//

 

 

 

Sa araw na ‘yon, kahit na nasa trabaho ako, ang utak ko na kay Irene lang. Kailan ba ako nagsimulang maging ganito?

 

 

“Huy!” tawag ni Jisoo sa akin kasabay ng palakpak ng dalawang kamay niya ilang sentimetro lang layo sa mukha ko. “Ano ba nangyayari sa ‘yo, ha? Naikwento na ni Rosie 57th lovestory niya pero utak mo nasa alapaap.”

 

 

“Ah, puyat lang,” simpleng sagot ko habang kaswal kong itinuon atensyon ko sa pagbibilang ng pera sa kaha.

 

 

“Sus,” panimula ni Jisoo. “Ano? May feelings involved na ‘no?”

 

 

Napaismid ako, matching labas ng dila na kunwaring nasusuka. “’Yon? Naku, inyo na.”

 

 

“May sinabi ba ako? At, hello, ikaw lang naman taong kilala ko na nasa kama mo si Bae Irene ng apat na buwan pero wala kang ginagawa.”

 

 

Ano ba dapat kong gawin?

 

 

Siempre, mabilis na napansin ni Jisoo ang pagkabigla ko sa sinabi niya.

 

 

“Sabi ko na nga ba eh,” apir naman sila ni Rosie na interesado na rin sa usap namin ni Jisoo. “Ano? May dug-dug na ba sa puso?”

 

 

“Kilabutan ka sa terms mo,” sagot ko.

 

 

“Ano nga? Todo iwas ka eh.”

 

 

Napahinga ako ng malalim.

 

 

Kibit balikat, “siguro?”

 

 

“Naku! Alam mo na ang sabi nila ‘te, kapag tumibok ang puso,” simula ni Jisoo na agad kong sinundan.

 

 

“Kanta lang? Toni G?”

 

 

Agad naman akong hinampas ni Jisoo, “Donna Cruz, beh! Ayaw natin sa mga walang political stance in life.”

 

 

Napailing na lang ako. Dami talagang alam nitong si Jisoo.

 

 

“Alam mo, sa pag-amin mong ‘yan, mararamdaman mo na at mapapansin mo na ang kabog ng dibdib mo. At sabi nga nila, ‘pag nagsimula ka nang pansinin ‘yan, mahirap na, because the landi starts.”

 

 

Dapat kay Jisoo sinusumpa.

 

 

 

//

 

 

 

Dahil heto ako ngayon, bigla na lang nakaramdam ng nerbyos katabi ang taong ilang buwan ko rin namang katabi na. Halos gabi-gabi, madalas akap-akap ko pa.

 

 

Sana lang tahimik tulog niya ngayon, dahil hindi ko ata kakayanin ‘pag yumakap siya.

 

 

“Seulgi?”

 

 

Ayan na nga ba sinasabi ko.

 

 

Marahan itong humarap sa akin at umusod. Tumingin ito sa akin, tila nagtataka bakit ‘di ko pa siya inaakap.

 

 

Tangina ka, Jisoo. May araw ka din.

 

 

Wala na sigurong mas-aawkward pa sa yakap na binigay ko sa kanya. Dati-rati (as in until yesterday), ilang minuto after ko siyang akapin, nakakatulog naman ito agad.

 

 

Pero hindi ngayon, nakatitig lang magaganda niyang mga mata sa akin. Sana hindi niya ramdam yung gorilla na gusto lumabas sa dibdib ko.

 

 

Tangina ka talaga, Jisoo.

 

 

MAG-ISIP KA SEULGI! MAGSALITA KA! KAHIT ANO NA!

 

 

“Ano iniisip mo?” tanong ko.

 

 

Ayan pwede ‘yan. Nice one, Seulgi.

 

 

Umiling ito, “hindi ako makahinga.”

 

 

Agad ko siyang binitawan. Hindi naman masikip pagkakayakap ko ah?

 

 

Agad niya naman akong pinitik sa labi.

 

 

“Aray!”

 

 

“Sinabi ko bang bitiwan mo ako?”

 

 

“Sabi mo hindi ka makahinga!”

 

 

“Hindi dahil sa ‘yo, tanga!”

 

 

“Linawin mo kasi!”

 

 

“Bawasan mo muna katangahan mo!”

 

 

Imposible ‘yon, Ate Irene. Lalo kung marupok kang bakla. Relate ka kaya? ‘Di ko pa nga alam kung hanggang saan sa ginagawa mo ang acting. Ano nga ba tayo?

 

 

“Gusto ko lumayo.”

 

 

Ha?

 

 

Napatungo ito, nakatingin na lang sa mga daliri niyang nasa pagitan lang namin.

 

 

“Ayaw ko pa bumalik.”

 

 

Layo? Saan ko naman ‘to pwede dalhin?

 

 

 

//

 

 

 

At siempre, dapat hindi ko na tinanong nanay ko. Bukod sa conniving si punong bakla, makaluma pa din ang kanyang romantic ways.

 

 

Kaya naman ang naisip nitong getaway ay walang iba kundi… Drum roll. 

 

 

Probinsya.

 

 

Nice.

 

 

Habang kami ni Irene naghahanap lang ng kanyang great escape bago siya bumalik sa reyalidad ng buhay niya, meet and greet the grandparents naman ang agenda ni Mudra.

 

 

Siempre, alam ko na una niyong tanong, dahil medyo realistic naman ang level of acceptance ng mga tao sa kwentong ito sa sangkabaklaan: tanggap naman ba ng aking granmama at granpapa ang daang aking tinahak?

 

 

Isa lang sagot diyan.

 

 

Saan ba nagmana nanay ko?

 

 

Edi sa kapwa niyang mukhang piso.

 

 

“Ay napakaganda naman ng nobya mo, Apo!” ika ni Nay Maling. “Ganda ng kutis! Kutis mayaman!”

 

 

“Kutis mapera!” second naman ni Tay Rico.

 

 

Mga taong ‘to, oo.

 

 

 

//

 

 

 

Bago kayo mag-imagine ng kung anu-ano, hindi! No! Hindi ako nagsibak ng kahoy habang sinisilip ni Irene. 

 

 

Pero, yes, nag-igib ako ng tubig.

 

 

Leche.

 

 

Hindi ba dapat siya nasa lugar ko? Siya kaya ‘tong ‘hypothetically’ pumapasok sa pamilya ko?

 

 

Habang sa poso ako pabalik-balik at nag-iigib ng tubig sa banyo, nadadaanan ko naman ang pamilya kong halos ilagay sa pedestal si Irene. Tawa galore sila habang nag-iihaw. Buti na lang binalot pagkain ngayon. Kung hindi ngumawa na ako.

 

 

Gusto ko magreklamo, pero nang makita ko ang tawa niyang abot-mata, halos ‘di ko na mapansin ang bigat na umaakyat sa mga braso ko.

 

 

Okay na ‘yan.

 

 

Naisip ko rin, buti hindi siya nag-iinarte sa simpleng buhay namin dito. Hilig ko mag-isip ‘no? Basta, okay na akong ganyang masaya siya, at sa pang-pitumpu ko sigurong daan, nahuli niya tingin ko.

 

 

Iwas naman siya agad.

 

 

At siempre dahil may kapatid akong kampon din naman ni satanas, napansin ito ni Yeri.

 

 

“Kaya ‘di ka natatapos kung saan-saan ka suma-sideline, Ate, eh!”

 

 

Naghiyawan naman pamilya ko.

 

 

Edi wow.

 

 

Napailing na lang ako habang binuhos ang tubig mula timba hanggang drum. Pero ‘di naman lingid sa conscious ko ang ngiting nasa labi ko.

 

 

Ano ba ‘tong ginagawa ko?

 

 

 

//

 

 

 

“May kamukha kang artista, ineng,” simula ni Nay Maling habang nasa hapag kainan kami. “Ano nga uli pangalan mo?”

 

 

“Joohyun po,” magalang na sagot ni Irene.

 

 

Ang hinhin, infairness. Sana hanggang pagtulog natin mamaya ganyan ka.

 

 

Pero siempre, dahil modang 1942 ang lola’t lolo ko, hindi kami tabi natulog ni Irene, at lalong hindi kami natulog sa iisang kwarto.

 

 

And for the first time in my life, hinanap ko siya.

 

 

Paano na lang ‘pag umalis na siya at bumalik sa totoo niyang buhay?

 

 

Madalas sakit sa ulo binibigay sa akin nitong si Irene, pero sa gabing ‘to, nakaramdam ako ng kakaibang sakit. Hindi sa ulo. Baba ng konti.

 

 

Hindi sa ilong. Baba pa ng konti.

 

 

Hindi rin sa labi (kahit madalas niya ‘tong pitikin). Baba pa ng konti.

 

 

Hindi sa leeg. (Shoutout sa batang maniniwala sa sakripisyo ni Heso Kristo hanggang leeg)

 

 

Baba pa ng konti.

 

 

Diyan. 

 

 

Sa puso.

 

 

Tangina ka, Jisoo. Makagat mo sana dila mo.

 

 

 

//

 

 

 

“Aray!”

 

 

“O, ano ba ‘yan, Jisoo! Dahan-dahanin mo kasi pag-nguya!” sermon ni Jennie sa housemate niya.

 

 

 

//

 

 

 

Ang ibang babae, kinikilig sa rosas, sa chocolates, sa text. Pero ako, ibahin niyo ako dahil kinikilig ako sa eyebags.

 

 

Nagkasalubong kami sa may pintuan ng banyo ni Irene, at nasilayan ko naman agad ang eyebags niyang hindi naman na naitago pa dahil hindi siya gumagamit ng make-up dito sa probinsya.

 

 

Hm. Hindi rin siya nakatulog.

 

 

Hehe.

 

 

“Ang saya mo ha?” tanong niyang may pag-ikot ng mata.

 

 

At ikaw, mukha kang panda, pero siempre hindi ko na sasabihin ‘yon. Awa ko na lang sa sarili ko’t baka kung ano pang gawin mo sa akin.

 

 

Kaso nga, ‘di pa rin ako nawawala sa agenda kong isa siya sa iskeri characters sa Shake, Rattle and Roll Movie Franchise, kaya ‘di na ako nagulat nang apakan niya bigla mga paa ko.

 

 

“Pinagtatawanan mo ako!”

 

 

‘Di ko na siya sinagot ng pabalang. Tumawa na lang ako.

 

 

Sabi ko nga. Napapadalas tawa ko lately.

 

 

 

//

 

 

 

“Ate Irene, alam mo bang magaling kumanta ‘yan si Ate Seulgi?” umpisa ni Wendy.

 

 

Sus, kung may anghel boses sa pamilya namin, si Wendy ‘yon. Lahat marunong kumanta, pero iba ang talent ni Wendy. Pero dahil nga isang cheesy chapter ito ng kwento, also known as the probinsya landian montage, requirement na bubuhatin nila bangko ko.

 

 

‘Di na ako nag-inarte.

 

 

“Dali, Nene! Kantahan mo ang iyong nobya,” dagdag ni Tay Rico. “Kukuhanin ko ang gitara ko.”

 

 

Ano naman kakantahin ko?

 

 

“Panalangin, Ate!” excited na push ni Yeri na posturang postura sa tabi ni Irene na pulang pula na ang mukha sa dami ng nainom ng lambanog.

 

 

And, ladies and gentlegays, what is a tagalog romcom without the actual probinsya landian montage?

 

 

Sinimulan ni Tay Rico ang pagtugtog sa gitara, na siya namang sinundan ko ng pag-awit ng iniakyat-tuning version ng Moonstar 88 sa Panalangin.

 

 

At sa dalawang linggo na nilagi namin sa probinsya, nadagdagan ang mga bagay sa listahan ng wirdo naming relasyon:

 

(1) Hindi siya marunong maghimay ng alimasag at hipon, kaya ako nang gumagawa noon para sa kanya.

 

(2) Hilig niya maglaba dahil natutuwa siya sa amoy ng sabon at fabcon, pero dahil probinsya montage nga ‘to, sinasamahan ko siya sa ilog with matching cringey wisik-talsik ng tubig sa isa’t isa.

 

(3) Tsaa pa din iniinom niya pang-agahan. Ako nagtitimpla.

 

(4) Hinahanap niya pa din adobong baboy ko, kaya pinagluluto ko siya paminsan.

 

(5) Natutuwa man kami maki-bonding sa pamilya kong sabaw sa gabi, pareho pa din kaming hindi makatulog ng maayos sa gabi, kaya siguro one fateful night (hindi ‘yong iniisip niyo, magsama kayo ng nanay ko), lumabas ako sa may tambayan ni Tay Rico na underneath the stars ang peg.

 

 

Swerte ko na lang—

 

 

Kasi maya lang, umupo siya sa tabi ko.

 

 

Okay. Lagay natin ‘to sa number 6. Hehe.

 

 

 

//

 

 

 

“Sabi mo may trabaho ka sanang dapat na nakuha. Ano ‘yon?” tanong niya isang gabi.

 

 

“Ah, e, baka matawa ka.”

 

 

Hinampas niya ako sa balikat.

 

 

“Lahat naman ata tayo may pangarap na ayaw i-entertain ng mga tao sa paligid natin.”

 

 

“Meron ka din?” tanong ko (iwas na rin).

 

 

“Meron,” sagot niya na may malaking ngiti. Minsan namimiss ko ngiti niyang pang-gago. ‘Di na niya gaano binibigay sa sakin. “Pero ikaw muna.”

 

 

Tumawa ako, at maya-maya’y natahimik. Wala naman siguro mawawala kung sabihin ko sa kanya?

 

 

“Busto ko maging writer,” sagot ko sabay kamot sa batok.

 

 

Nakatingin lang siya sa akin, sinliwanag pa din ng buwan ang ngiti. “Ako rin, pero para sa kanta, kaso ayaw ng kumpanya. Mas bagay raw mukha ko sa harap ng camera.”

 

 

“Song writer?” hingi ko ng paglilinaw. Tumango siya. “Ako naman, gusto ko magsulat para sa screenplay. Pangarap ko ‘yon. Kaso ayon. Hindi ko alam kung natanggap ako.”

 

 

Napatungo siya. 

 

 

“Pero okay na ‘yon,” agad kong bawi, bumalik tingin niya sa akin, at hindi ko alam ano sumanib sa akin, kung si Reyna Buwan, ang mga alipores niyang bitwin, o ‘yong lambanog ni Tay Rico na gabi-gabi na lang nasa Sistema ko, pero nasabi ko ang mga katagang ito habang nakatingin sa kanya, “masaya naman ako ngayon.”

 

 

Kita ko ang bahagyang takbo ng gulat sa mga mata niya, pero agad naman niyang kinagat ang mga labi niya’t pinigilan ang ngiti niya.

 

 

“Bagay nga sayo magsulat.”

 

 

Tumawa ako.

 

 

“Kumakanta ka ba?” tanong ko, iwas na din ulit. 

 

 

“Medyo,” sagot niya. “Nahihiya ako eh.”

 

 

“Bakit ‘di mo subukan?”

 

 

“No. Ayaw ko,” tawa niya sabay hampas sa akin. Mukha ba akong komedyante Ate Irene? Tigilan mo na rin balikat ko at madi-dislocate na.

 

 

“Sige na!”

 

 

“Ayaw nga! Makulit!” 

 

 

“Anong pwede ko gawin para mapakanta ka?”

 

 

“Wala,” simpleng sagot niya, “wait ka lang. Wait with respect.”

 

 

“Ang sad naman.”

 

 

“Arte mo.”

 

 

“Mas maarte ka.”

 

 

“Ah, ganoon?” hamon niya na akmang itataas ang kamay at ilalapat sa tagiliran ko para tusukin ako doon, agad naman itong naudlot dahil sa sigaw sa may loob ng bahay na bumasag sa katahimikan ng gabi.

 

 

“PUTANGINA! LANDI NIYO!”

 

 

Mapapatay ko ‘tong Yerim na ‘tong walang respeto.

 

 

“May audience pala tayo,” mungkahi ni Irene, at ewan ko ba. Parang nasaktan ako doon at napaisip. Totoo ba lahat ng pinakita niya sa akin ngayon? O ginawa niya lang dahil alam niyang may nanonood.

 

 

Napansin niya ang bigla kong pagtahimik.

 

 

“May problema ba?” tanong niya na sinagot ko lang ng iling.

 

 

 

//

 

 

 

Lalong hindi ako makatulog kakaisip.

 

 

Hindi ako matahimik.

 

 

Sa buong dalawang linggong ‘to, hindi naman siguro guni-guni lang ‘yong pinapakita niya sa akin? O sadyang magaling siya sa ganito? Makipaglaro, magkunwari?

 

 

Parang tinataga dibdib ko.

 

 

At hindi ko alam kung lambanog pa rin ni Tay Rico ang dahilan, pero ‘di na ako nakatiis. Bumangon na ako. Tumayo.

 

 

At pinuntahan ang kwartong tinutulugan niya.

 

 

Kumatok ako at nagbilang hanggang tatlo sa isip ko.

 

 

Gising pa kaya siya?

 

 

O ako lang talaga napupuyat kakaisip sa kanya? Kakahanap sa kanya?

 

 

Wala. Katahimikan lang sagot sa panawagan ko.

 

 

Kumatok ulit ako, at bago pa lumapat ang pangatlong katok ko sa kahoy ng pintuang parang napakakapal na sa paningin ko, bumukas ito at bumungad sa akin ang gulat sa mukha ni Irene.

 

 

“Seulgi?” napa-kunot siya ng noo. “Anong ginagawa mo—“

 

 

Lambanog nga ata.

 

 

‘Di ko na siya pinatapos. Hinablot ko siya sa may batok at hinalikan. Akala ko sasampalin niya ako, pipitikin, itutulak, tatapakan, pero hindi.

 

 

Hinila niya ako papasok ng kwarto niya at sinara ang pinto.

 

 

Hm. Nasagot ata tanong ko.

 

 

 

//

 

 

 

Kung sa buhay, kahit sanay ka na maglakad, natatalisod ka pa, may mga panahon naman na hindi maiwasang madapa ka. 

 

 

Masakit sa tuhod.

 

 

Masakit sa kaluluwa.

 

 

Lalo kung hindi ka naman sanay tumakbo at nagawa mong tumakbo para sa isang tao.

 

 

Isang umaga, ni hindi pa nabubuo ang panlimang buwan niya kasama ako, tumawag si Suho at dala nito ang balitang ikinadapa ko—diretso pa mukha sa putik. Mukhang nagiging matunog na ang istariray ni Sehun. Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Irene. 

 

 

“Babalik ka?” tanong ko sa kanya habang pinapanood siyang ayusin gamit niya.

 

 

Sa buong buhay ko, ni minsan hindi ako humingi ng kahit ano. Noong dumating si Irene, may parte ko na iniisip na baka kaya siya sinaksak sa baga ko kasi kahit minsan, wala akong hiningi para sa sarili ko.

 

 

Kaya hindi rin ako marunong pumigil. Sino ako para pigilan siya? Sino ako para hadlangan kung anong ikinabubuhay niya? Ano lang ba kaya ko ibigay.

 

 

Napalunok ako. Sumisikip na ang lalamunan ko.

 

 

“Oo, kailangan, Seulgi,” mahina niyang sagot. Ni hindi niya ako magawang tignan.

 

 

Gusto ko itanong: bakit?

 

 

Akala ko ba ayaw mo na sa ganyang buhay?

 

 

Pero pinigilan ko.

 

 

Ano lang ba kasi buhay ang meron ako, at bakit ko ipipilit sa kanya ‘yon?

 

 

“Irene—“ gusto ko siya pigilan, pero pakiramdam ko magiging makasarili ako ‘pag ginawa ko ‘yon. 

 

 

Humarap na rin siya saw akas sa akin. Tumingin siya diretso sa mga mata ko. Hindi ako makahinga.

 

 

Bumalik ka ha?

 

 

Aantayin kita.

 

 

‘Wag ka na lang umalis.

 

 

Dito ka lang sa akin.

 

 

Ang dami kong gusto sabihin, pero walang kahit isa doon ang lumabas. Nanaig ang ‘dapat at nararapat’ sa ‘gusto’.

 

 

“Hatid na kita.”

 

 

At nakita ko kung paano dumaan ang pagka-dismaya sa mukha niya bago bumalik sa dating maskarang mapagpanggap. Tumango siya at wala na siyang ibang sinabi sa akin sa mga susunod na oras sa bus;

 

 

Sa mga sumunod na araw;

 

 

Sa mga sumunod na linggo;

 

 

 

//

 

 

 

Sabi nila 'Time Heals'.

 

 

Gaano ba kasi kahaba ang time na ‘yan? Pwede bang mas specific?

 

 

Kasi hindi ako pinapatulog ng sandaling dapat kinuha ko para pigilan siya. 

 

 

Ang tahimik ng bahay namin. Ultimo si Haetnim matamlay.

 

 

Si Jisoo sinermonan ako.

 

 

Bakit ba parang kayo pa nawalan? Paano naman ako?

 

 

Paano ako?

 

 

Bawat tingin ko sa salamin, nakikita ko kung gaano kalaki ang sakop niya sa kaluluwa ko.

 

 

 

//

 

 

 

“Ate, kain na,” pagtawag ni Wendy sa akin.

 

 

“Ano ulam?”

 

 

“Adobo.”

 

 

 

Ah.

 

 

 

//

 

 

 

Mag-aanim na buwan na mula noong una kaming magkita, halos isang buwan na rin na wala siya sa tabi ko.

 

 

Napatingin ako sa bakanteng parte ng kama ko. Kinuha ko ang pamaypay ni Ligayang hindi ko na naibalik, at mukhang tanga lang din akong pinapaypayan sarili ko.

 

 

 

//

 

 

 

Agahan.

 

 

Binuksan ko ang cabinet sa ibabaw ng kalan, akmang kukuhanin ko ang garapon ng kape. Natigilan ako nang masilayan ko ang mga lima pang kahon ng tsaa.

 

 

 

//

 

 

 

Kalagitnaan ng gabi, tumunog ang phone ko. 

 

 

Hindi ring.

 

 

Hindi vibrate.

 

 

Notification lang mula sa 24-hour delivery ng McDo.

 

 

Pero mabilis pa rin ang pag-responde ko.

 

 

Agad kong itinaas ang phone ko at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Irene.

 

 

 

//

 

 

 

Sabihin niyo nga sa akin, ganito pala ‘to, bakit ko ba hinayaan na malaglag ako sa riles at mabangga ako ng tren?

 

 

“Huy,” tapik ni Jisoo ang naramdaman ko sa balikat ko. Ibinaling ko ang tingin ko sa bestfriend ko na napansin na sigurong napapadalas ang pagtulala ko.

 

 

Bwisit ‘tong natural, pero nang makita kong alukin niya ako ng yakap—

 

 

Kinuha ko na,

 

 

Iniyak ko na rin.

 

 

Sa sobrang sakit, sa sobrang bakante, sa sobrang lawak ng wala sa bawat araw, pagkauwi ko, napapulot ako ng lapis, napakuha ng bakanteng papel. Mahilig naman sa hugot ang mga tao ngayon, isulat ko na kaya? Baka may maka-relate?

 

 

 

//

 

 

 

Bakit ba mahilig sa mapanakit ang mga tao ngayon?

 

 

Mga tatlong araw lang ang dumaan, nakatanggap agad ako ng tawag. Mabenta nga siguro talaga ang sakit.

 

 

May director daw na nag-interes sa sample script ko. Siempre, may kaunting pagbabago raw. Ano naman kayang pagbabago ‘yon? Inimbitahan nila ako, agad ko namang pinuntahan;

 

 

At sadyang hilig lang din ako sampalin ni universe, dahil ito ako ngayon, kakarating lang sa munting estasyon sa may Guadalupe kung saan natatanaw ang libong endorsement ni Irene. Ganito ba talaga ‘to?

 

 

Lahat ng dati mong hilig gawin, ngayon sakop niya na—bawat pulgada.

 

 

Déjà vu ba tawag doon? ‘Yong pakiramdam mo nandito ka na dati? Na nangyari na ‘to sa isang punto ng buhay mo? Tumingin ako sa relo ko, meron pa akong mga dalawang oras. Wala namang mawawala kung tatambay ako sandali.

 

 

Sinampa ko ang mga braso ko sa railing habang tinigitnan ang mga billboard niya. Walang kahit isa sa mga ngiting pinakita niya diyan ang tutulad sa nasilayan ko. Napahinga akong malalim, para pigilan na rin at labanan ‘yong kirot sa puso ko.

 

 

Isang hakbang.

 

 

‘Yon lang pinagkaiba.

 

 

Isang hakbang pasulong lang sana tapos matatanong ko siya kung gusto niyang sa akin na lang siya—masasabi ko sa kanyang gusto ko sa tabi ko lang siya.

 

 

Ngayon, gaya ng mga billboard sa may gawing malayo, milya-milya na naman layo namin sa isa’t isa. Wala nang silbi ‘pag humakbang ako ngayon.

 

 

Napatungo ako. Umatras na ako mula sa railing at akmang bababa na ng estasyon para puntahan ang kumpanya kung saan ako iniimbitahan.

 

 

 

//

 

 

 

“Kamusta trabaho, Anak?” mahinahon na tanong ni Mama. Come to think of it, napaka-hinahon niya sa akin nitong huli mga linggo.

 

 

Teka—joke pala. Lahat sila sa bahay mahinahon.

 

 

Kahit si Ligaya walang pang-aalaska ngayong araw.

 

 

Okay lang, Mama. 'Yan ang gusto ko sabihin. Pero sa sobrang wala kong gana, kibit balikat na lang. Napasambit ang aking ina at tinawag niya muli ako.

 

 

“Seulgi, Anak, halika,” simula niya, nakita ko siyang tinatapik ang bakanteng pwesto sa couch. Kinuha ko naman ito. Marahan niya akong inudyok na ihiga ang ulo sa balikat niya. Matangkad si Mama, balingkinitan, kaya hindi masyado comforting ang gesture. Pero hayaan na. Bihira na lang mangyari 'to e. 

 

 

“Anong iniisip ng ginto ko?” ginto na ulit ako by the way, baka hindi ko kayo nainform.

 

 

“Pagod lang, Mama,” hindi 'yan kasinungalingan. Pagod na pagod na akong maghanap sa bakanteng espasyo, parang fishing sa kalawakan. Pointless.

 

 

“Natutuwa ako na sinubukan mo ulit magpasa ng sinulat mo. Kita mo napansin agad.”

 

 

Simbigat man ng pag-buhat ni Atlas sa mundo, sinubukan ko pa rin ngumiti. Slight lang. “Salamat, Ma.”

 

 

“Anak,” simula muli ni Mama nang katahimikan lang ang bumalot sa amin. “Naalala mo nung unang beses mo akong makita na sawi. Halos araw-araw din akong lasing no'n. Kamamatay lang ng Papa ni Wendy.”

 

 

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. 'Di ko na kasi gaano maalala ang memory ng Papa ko. War flashbacks lang ng nanay kong ngumangawa naaalala ko sa kanya mula ng iwan niya kami. Pero, oo, naaalala ko tatay ni Wendy. Mabait, sweet, parang si Wendy lang, kaya sobra rin ang sakit na naramdaman ni Mama. Sa murang edad ko, pinaintindi na ng mundo sa akin ang takot sa pagbukas ng puso't isip sa iba.

 

 

Sa ilang taong iningatan ko pinto ng puso ko, bakit ganoon ko na lang binuksan? Sa bagay pang alam kong walang kasiguraduhan.

 

 

“Pero ikaw nag-alaga sa akin,” tuloy ni Mama. “Ang bata bata mo, pero nagawa mo akong alagaan. Ikaw lakas ko noon, anak ko. Sa oras ng kahinaan ko, inalagaan mo ako.”

 

 

Correction, Mama: 'MGA' oras ng kahinaan mo. Review: (1) sumalangit ang tatay ni Wendy dahil sa bangungot, (2) nalaglag sa bangin ang jeep ng tatay ni Ligaya, at (3) namatay sa rabies ang tatay ni Yerim.

 

 

“Alam ko iniisip mo,” napatingin ako kay Mama nang sabihin niya 'yon, “na 'di naman doon ka lang naging balikat para sa akin.”

 

 

Bingo, galing mo, Choi Sooyoung.

 

 

“Anak,” napahaba sabi niya niyan, na para bang pinaghalong lambing at entrada sa homily, “special sa akin 'yang unang beses, kasi sa murang edad mo, pinakita mo sa akin na kaya mo ako buhatin. Ibang-iba ka sa tatay mo.”

 

 

Teka, Mudra, bakit ganito ang usapan natin?

 

 

Napalunok ako. Nakakaramdam na rin ako ng pait sa ngala-ngala ko. Ayaw ko pumikit; ayaw ko huminga ng malalim; at lalong ayaw ko tumingin sa mga mata ni Mama.

 

 

Kailan ba huling beses na umiyak ako sa harap niya?

 

 

Umiyak na ba ako sa harap niya?

 

 

Siya na sumagot para sa akin.

 

 

“Hindi ako perpekto, anak. Alam ko rin na lubos akong nagkulang sa pagiging ina ko sa 'yo. Kaya, anak ko, hayaan mo na sa mga oras na 'tong makaramdam ka ng panghihina. Mahal kita, Anak. Ako naman ang paakayin mo sa 'yo.”

 

 

Okay.

 

 

Okay.

 

 

Hindi.

 

 

Hindi ako okay.

 

 

Ako naman ang ngumawa with feelings as high as a mountain, as wide as a valley, as curious as a a dalawang taong batang lahat kakagatin, lahat kakainin.

 

 

Naging cue na rin 'ata 'yon ng mga kapatid ko para lumabas sa mga kwarto nila at ikulong ako sa isang family group hug.

 

 

 

//

 

 

 

“Ano, dai, okay ka lang ba?”

 

 

Hindi sumagot si Irene; nasa couch ito at nakatalikod pa ring kinakalikot phone niyang wallpaper ang tulog na si Seulgi, at lockscreen ang magugulong kapatid at nanay ng chinitang laman ng isip niya ilang linggo na rin lumipas.

 

 

Sa may pader sa may likuran ng salas niya, may shelf na walang laman. Wala man lang frame o litrato ng kahit sino, kahit mukha niya. Ano nga bang ilalagay niya diyan? Nahanap lang naman siya sa bahay ampunan, lumaking artista. Manager niya lang kilala niyang pamilya.

 

 

Ilang araw niya na ring hindi kinakausap ng maayos si Suho.

 

 

“You can't ignore me forever, dai.”

 

 

Kaswal nitong itinaas ang kabilang kamay para senyasang lumabas ang manager niya.

 

 

Napahinga ng malalim si Suho.

 

 

“Ginawa ko 'yong pinapagawa mo. Nagustuhan ni Direk Baek 'yong script niya. Medyo emote lang ha? Napaka-bitter. Alam mo kung anong title? Pagsuko sa Mundong Kasal-Kasalan.”

 

 

At sa sandaling iyon, humarap na rin si Irene sa kanya.

 

 

Ngumiti si Suho, “bakla ka.”

 

 

Bahagya man, tumawa na rin sa wakas si Irene.

 

 

 

//

 

 

 

Nabulabog ang katahimikan ng night shift sa resto nang biglang tumalon-talon sa invisible skipping rope niya si Lisa. Nagulantang si Seulgi sa tunog, pero sanay na siya sa kawirduhan ng kasama.

 

 

May hula na naman siguro.

 

 

Tumigil ito sa katatalon at biglang pumalakpak na para bang may hinuling imaginary fly.

 

 

“Bukas, may mapipigilang kasal,” wika nito nang magkrus ang mga mata nila ni Seulgi. Poker face si Lisa Manghuhula as usual. Kaya madalas walang customer sa gabi, dahil si Lisa pa mapanindak sa diyes oras ng gabi ang nilalagay sa night shift. Akala tuloy ng mga customer, minumulto ang resto.

 

 

Napapikit lang si Seulgi.

 

 

Okay.

 

 

 

//

 

 

 

Sa pag-imbita sa akin muli ng kumpanyang tumanggap sa script ko, nag-offer na si Jisoo na ihatid na ako. May sasakyan naman si bakla at off niya ngayon. Bukod doon, naniniwala siyang laging sagabal sa mga meetings ko ang madalas kong pagpapakitang haggard at mukhang nag-marathon sa magkabilaang circle ng Quezon City at Maynila. 

 

 

Fresh and all naman akong naibaba sa kumpanya, pero ang freshness ko tila nabuhusan ng dark aura nang sabihin nila sa akin kung ano ang 'slight changes' na tinutukoy nila noong unang beses nila akong imbitahin.

 

 

Don't worry, they said. They're really just very slight changes. Buti 'di nagkatali-tali dila niyo sa dami ng ginamit niyong adverbs.

 

 

Ito nga pala ang kanilang 'really just very slight changes' na sinasabi nila:

(1) Papalitan ng hakdog ang isang lead role. Understandable. Alam ko namang hindi handa ang sangkamadlaang Pilipino sa pagmamahalang Girl x Girl. Sa Kpop lang malakas 'yan. Pinabayaan niyo nga si Glaiza at Rhian e. So, bitter man ako sa number one nila sa list of 'really just very' slight changes nila, at least handa akong tanggapin.

 

(2) Babawasan ang hugot. Sige, kung ipa-publish niyo naman, kaya ko pa tumanggap.

 

(3) Gagawing happy ending and katapusan. Excuse me? Ako nga walang happy ending, tapos sarili kong hulma, papalitan nila ng if-you're-happy-and-you-know-it-clap-your-hands? Teka nga, ano pang natira sa original script?

 

(4) Si Bae Irene ang lead role.

 

 

Gusto ko sumabog. Gusto ko magsabi ng masasamang mga words.

 

 

“Ay meron pa pala,” pahabol ni ateng intern na kamukha ni Chungha ng IOI. Ngumiti naman ito sa akin, medyo huminahon ang paghinga ko dahil nakaka-kalma ang datingan ng ngiti ni ate mo intern.

 

 

“Ano 'yon?”

 

 

The anxiety is real.

 

 

“Papalitan din 'yong title.”

 

 

Ha?

 

 

“Bakit papalitan? Ano ipapalit?” 'di ko na maitago ang pagkadismaya ko. Paborito ko 'yong title na napili ko e.

 

 

“Ganda ka 'Te?”

 

 

Ha? Iniinsulto ba ako nito o 'yon ang title?

 

 

“Ano?” paghingi ko ng paglilinaw.

 

 

“Ganda ka 'Te?” ulit ni ate intern.

 

 

Nakakunot na noo ko, kaya agad naman itinaas ni ate ang kanyang mga kamay at akmang sumenyas na kumalma lang ako.

 

 

“Ah, e ibig ko sabihin, 'yon ang title.”

 

 

Tawa ka pa ate.

 

 

“Pang-1950s daw po kasi na rated X 'yong original na title. Hindi catchy.”

 

 

ABA PUT—

 

 

Hindi catchy mo mukha mo. Walang catchy sa katotohanan ng buhay.

 

 

“Actually, sa unang pirma niyo po ng kontrata, nag-agree na po kayo sa lahat ng pwedeng pagbabago na gagawin sa script.”

 

 

Alam ko. 'Wag mo nang budburan ng asin ang sugat.

 

 

“Makukuha niyo po ang full-payment niyo sa susunod na linggo.”

 

 

Okay, at least may kaunting asukal.

 

 

“Naka-emphasize din po sa contract na original manuscript lang po ang limit niyo. Binigay niyo na po ang rights sa company. Therefore, wala na po kayong right sa manuscript post-signing.”

 

 

Ang sakit. Masamang pangitain ito. Iisa lang naman ang posibleng dahil kung bakit nakikibuhol sa baging ng mga balete sa Balete Drive and kapalaran ko. Matinding sakit ng ulo = nasa may gawing malapit si Bae Irene.

 

 

“Katunayan, may press conference na po sa ballroom ng company hotel sa kabila kasama ang dalawang lead.”

 

 

Ayan na nga ba ang sinasabi ko.

 

 

“Cute nga nila no'ng male lead. Feeling ko magugustuhan mo. Si Park Bogum pares niya.”

 

 

Excuse me? Kahit pa dahon ipares niyo kay Bae Irene hindi ko magugustuhan. Nakakaramdam ako ng matinding kirot sa may gawing dibdib ko.

 

 

“'Di ba?” sabat naman noong isa pang intern na kanina nama'y nananahimik sa likuran. “Dapat sila na lang! Ini-imagine ko silang ikakasal sa white twinning nilang get-up ngayon.”

 

 

Kasal? Twinning? White?

 

 

Teka.

 

 

Teka lang. Konting preno naman o.

 

 

At sa susunod na segundo, hindi ko alam kung anong nangyari, basta ang alam ko, slow-mo sa paningin at pandinig ko lahat. Nag-apir ang dalawang intern at para kong nakita ang paglakbay ng sound waves sa personal hearing space ko.

 

 

Sa sandaling iyon, nag-flashback sa akin ang palakpak ni Lisa at ang mga katagang: 

 

 

'Bukas, may mapipigilang kasal.'

 

 

PUTANGINA TEKA.

 

 

'Buuukaaas, maaay maapiipiigiilaang kaasaal.'

 

 

Napahawak ako sa strap ng bag ko ng mahigpit. Sa isip ko mabilisang tumakbo ang slideshow ng mga ngiti niya, ng tsaa niyang mamahalin, ng simangot niya, ng adobong baboy, ng kurot niya, ng pitik niya sa labi ko, ng tapak niya sa mga paa ko, ng unang halik niya, ang pag-focus niya sa alimasag at hipong hinihimay ko para sa kanya, ng mga damit na nilalabhan niya sa batis, ng huling sandali namin sa probinsya, at siempre, ang pinaka-nagmarka sa lahat, ang mukha niyang dismayado.

 

 

'Pagbigyan mo naman sarili mo.'

 

 

Teka, bakit nasa utak ko na rin si Jisoo? Sa ibang fic na tayo mag-Jiseul.

 

 

'Kung sinumang mapapangasawa ko, dapat tanggap niyang papakasalan niya rin pamilya ko.'

 

 

Napailing ako. Walang alinlangan niyang ni-spoil pamilya ko. Tanggap niya sila. Binibigyan niya sila ng oras. Tanggap niya buhay ko, init ng kwarto ko, munting pamaypay ni Ligaya.

 

 

Pagkakataon ko na ba 'to?

 

 

Anong ginagawa ko?

 

 

No, teka: anong gagawin ko?

 

 

Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko.

 

 

Agad namang napatingin at natigilan ang dalawang intern.

 

 

“Excuse me, saan 'yon conference?”

 

 

 

//

 

 

 

Kaya naman, heto tayo ngayon. 

 

 

“Itigil ang kasal!” sigaw ko pagkatapos kong sipain pabukas ang malalaking pintuan ng ballroom ng hotel kung saan ginaganap ang press conference.

 

 

“Sabi ko, 'dramatic entrance', wala akong sinabing ipahiya mo sarili mo,” mariing bulong ni Jisoo. Napahawak siya sa noo niya at agad itong nagtago sa likuran ng isa sa mga smalltime tabloid representative sa gawing likuran.

 

 

Napatingin na rin at napalingon ang sangka-media-han sa akin at itinutok ang kanilang mga camera sa akin.

 

 

Pakshet.

 

 

Sa harap, nakikita ko si Irene at isang lalaking out of focus na sa portrait view ko sa babaeng nagparamdam sa akin ng samu't saring emosyon.

 

 

Gulat ang nakikita ko sa mukha niya.

 

 

Natahimik ang buong ballroom.

 

 

Nakakahiya 'to.

 

 

Pero tangina. Whatever.

 

 

“I—Irene,” simula ko. Nakikita ko ang pag-aalangan sa tingin niya, pero higit doon, alam ko, ramdam ko, kita ko ang pagluwag ng paghinga niya.

 

 

Napatungo ako at tingin sa mga kamay kong nangangatog. Ano bang pwede ko sabihin? 'Yong mala-fireworks. 

 

 

Ano bang pwede ko gawin? 'Yong dapat na ginawa ko nung nakaraang buwan.

 

 

“'Di mo kailangan gawin 'to,” sabay iling ko, “umuwi ka na o.”

 

 

Himalang tahimik pa rin ang floor. Dapat hinihila na ako ng security ngayon eh. At para bang cue ni universe, ayan na ang security, akmang dadamputin na ako't ibabanish sa ilalim ng init ng araw ng Klima de Pilipinas.

 

 

“Sandali!” mariing sabi ni Irene, na siya namang sinunod agad ng security. Gets ko si Kuya Guard. Iskeri talaga si Ate Irene. “Patapusin niyo siya.”

 

 

'Yon lang kailangan ko marinig.

 

 

Napahinga ako ng malalim. Parang biglang nabutas dibdib kong ilang linggo nang pinupuno ng buhangin. Gumagaan.

 

 

“'Di ako makatulog e,” bigla kong pag-amin, “para ka kasing MRT. Bwisit ka rin eh.”

 

 

Tumaas ng bahagya kilay ni Irene.

 

 

“'Di pwedeng ganoon na lang e,” napa-punas na rin ako sa mga mata ko. Bakit ba ang iyakin ko lately? “'Di pwedeng ganoon na lang; tutulak mo ako sa riles tapos hahayaan mo ako masagasaan mag-isa. 'Wag naman ganoon o.”

 

 

Halos nagmamakaawa na siguro tingin ng madla sa akin.

 

 

“Buong buhay ko wala akong hiningi, wala akong ginusto, wala akong kinailangan na inangkin ko, pero ikaw—“ napalunok ako at ibinalik tingin ko kay Irene, “-dapat bago ka pa umalis—dapat hindi ka nakalayo ng higit sa hakbang palayo sa akin eh.”

 

 

Humakbang ako. Isa lang.

 

 

“Makasarili, katangahan, tawagin mo nang kahit anong gusto mo. Pero, please, umuwi ka na. Bumalik ka na sa tabi ko kasi gusto ko—“

 

 

Dahan dahan na rin siyang tumayo.

 

 

“Kung may gusto man ako angkinin, ikaw 'yon kasi mahal kita.”

 

 

Alam niyo 'yong sa mga magic show? Iyon bang isang sabi lang ng magician ng 'abracadabra' o 'di naman kaya ay 'zimzalabim' tapos may biglang mawawala, o 'di naman kaya may biglang gagalaw.

 

 

Sa puntong ito ng buhay ko, tila na-zimzalabim ang sangka-media-han nang nagtaasan muli ang mga camera nila. Nagsipag-picture. Nagsipag-kuha ng video.

 

 

Teka nga. Pwede namang hindi kumplikado lahat nang 'to e. Pwede namang tinawagan ko na lang siya tapos sa voicemail ako nag-monologue.

 

 

Mana nga rin siguro talaga ako sa nanay ko.

 

 

Mahilig sa drama.

 

 

Nang maka-recover ang mga mata ko sa dami ng ilaw na bumungad sa akin, natanaw ko si Irene na namumula ang mga mata't kausap si Suho na tumatango.

 

 

At 'di nagtagal, kitang-kita ko kung paano lumaki ang ngiti niya at tila kumislap ang mga mata niya. Niyakap niya ng mahigpit si Suho bago ito tumakbo pababa ng pedestal ng mga artista at buhay na tinalikuran niya;

 

 

Tumakbo sa kahabaan ng carpet, lagpas ng media, lagpas ng mata ng madla;

 

 

At tumalon sa nag-aantay kong yakap.

 

 

Universe, andiyan ka pa?

 

 

Talo ka sa akin ngayong pakyu ka.

 

 

Thank you ha?

 

 

Pero pakyu ulit.

 

 

Tangina, napakasaya ko.

 

 

 

//

 

 

 

Medyo amazing lang, na sa loob ng isang buwan lang, mabilis na nawala ang halos lahat ng endorsement ni Irene, napunta sa istariray ni Sehun na mabilis na nakilala ng mundo sa pangalang Krystal.

 

 

Pero masaya siya, dahil wala nang choice ang kumpanya niya ngayon kundi ilagay na siya sa likuran ng camera. Ganoon talaga. Gaya nga ng sabi ko, mas maraming judgemental sa Pilipinas kesa solusyon ng gobyerno sa problema.

 

 

Madaldal din pala siya kung minsan. Ikukwento niya ang buong araw niya sa studio, mga bagong kantang naiisip niya, mga taong bwisit sa buhay niya—paminsan ako 'yon.

 

 

Sarap ng ngiti niya araw-araw.

 

 

Sarap pa din asarin.

 

 

 

//

 

 

 

“Seulgi.”

 

 

At heto na naman po tayo ano?

 

 

“Seulgi!”

 

 

Yes, Madam?

 

 

“Seulgi, gising.”

 

 

Pag-dilat ko ng mga mata ko, parang tupang tumalon sa bakod ang bilis ng pagka-wala ng antok ko sa bumungad sa akin.

 

 

“Init?” tanong ko habang nakangisi.

 

 

Ngiti lang isinagot niya sa akin.

 

 

“Paypayan kita?” pag-asar ko, at siempre siya naman si pikon, binato niya sa mukha ko shirt niya.

 

 

Sabi nila, “ang buhay parang MRT.”

 

 

Hinahabol;

 

 

Nakakainis;

 

 

Madalas mabagal ‘pag kailangan mo siyang bumilis; mabilis ‘pag kailangan na kailangan mo siyang bumagal;

 

 

Puno ng taong darating, sasabayan ka, lalayasan ka, sasamahan ka ng ilang pulgada tapos iiwan ka rin;

 

 

Minsan makakaladkad ka;

 

 

On the rarest occasions, mababangga ka.

 

 

'Yong tren ko? Kinaladkad man ako, binangga man ako't iniwan, hinabol ko.

 

 

Awa na lang ng Diyos na tumigil rin siya't hinayaan akong makahabol.

 

 

Ganoon talaga eh. 

 

 

Magagawa natin? Mahal ko.

 

 

At, siempre, mahal ako, mahal pamilya ko.

 

 

“PUTANGINA! SINIMULAN NIYO NA, TAPUSIN NIYO NA KASI!”

 

 

Diyos ko naman, 'wag mo naman sabihing hanggang sa ganito makiki-usyoso pa animal kong pamilya?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
0101ae_cj 0 points #1
Chapter 1: grabe, hands down, sobrang thankful ako na nabasa ko 'to, minsan lang ako makakita ng ganito kaganda🫠
stillintoyu
172 streak #2
Chapter 1: re-reading this gem 💎
IceQueenChogiwa
1052 streak #3
Congrats on the feature!
milley #4
congrats po on being featured here sa aff. we miss you na po, author.
nouseridkarina #5
CONGRATS POOO
ilikeyouchi #6
OMGG CONGRATS PO
Milkitta_Platuna
#7
Chapter 1: Ang Ganda po , rollercoaster ride ang story
stillintoyu
172 streak #8
sheesh congrats on the feature!!
kwinterrr_
#9
💟
wolyoooo88
#10
Omg congrats sa feature otor! The best ka!