First kiss

Bullet
Please Subscribe to read the full chapter

Mas naunang magising si seulgi kay irene tinignan nya ito habang natutulog ng mahimbing sa kanyang kama, Naisipan naman agad ni suelgi na mag hilamos na muna at mag luto na ng almusal para sa kanila, sinilip nya ulit si irene na mahimbing na natutulog nakita naman nya na nilalamig ito inayos nya ang kumot para hindi na ito lamigin

 

Lumabas na si seulgi at agad dumiretso na sya sa kusina kinuha nya ang mga lulutoin nito dahil may kasama din silang dalawang bata at dadalhan na din sila saeron sa hospital, Nag simula na magluto si seulgi ng tapa, hotdog, itlog, bacon, at tteokbboki na paborito ni irene gumawa din sya ng fried rice. 

 

Maya maya ay lumabas na si wendy sa kaniyang kwarto agad nilapitan si seulgi. 

 

"aga mo slug ah?" 

 

"maaga kasi ako nagising eh, upo kana gisingin ko na sila yeri sa taas at si irene" 

 

"okay labas lang ako gatas para sa mga bata" 

 

Ginising naman kaagad ni seulgi si irene sa kwarto nya na masarap parin ang tulog

 

"Irene gising na kakain na tayo" pag gising nito sa dalaga

 

"Irene bangon na anong oras nadin pupuntahan pa natin sila saeron" hindi padin nagising ang dalaga

 

"Ahh ayaw mo gumising ah dadaganan kita sige"sabi nito ng mahina 

 

Tinalunan ni seulgi si irene para magising ito naging success naman ang plano nito

 

" seulgi alis ka dyan mabigat ka"

 

"ayoko ayaw mo bumangon ah" 

 

"yahh! Seulgi alis nasasaktan na ako" nilabas ni irene ang kanya kanang paa at hinampas nito sa pwet si seulgi

 

"aray hahaha oo na aalis na bangon kana gigisingin ko na sila yeri nakapag luto nadin ako" 

 

"teka bat ikaw nag luto diba dapat ako?" 

 

"eh ang sarap naman kasi ng tulog mo kaya di na kita ginising sige na hilamos kana" 

 

Lumabas na kaagad si seulgi sa kanyang kwarto nakita naman nya na papasok na si yeri sa bahay nya na kasama ang dalawang bata

 

"gisingin ko sana kayo, tara dito upo na mga bata" alok ni seulgi

 

"bat ang tagal mo naman gisingin si irene" pang aasar ni wendy kay seulgi

 

"yan ah agang mang gago ah?" 

 

Lumabas naman si irene sa kwarto ni seulgi at pinagalitan ito"yahh language may mga kasamang bata ohh"

 

"oops lagot ka kay misis" tawang sabi ni wendy

 

"anong misis ka dyan?" binato nanamn ni seulgi si wendy ng Tinapay at nasalo naman ito ni wendy 

 

"unnie wag mo sayangin yung grasya" sagot naman ni yeri

 

"upo na kain na mga bata damihan nyo kain ah pupunta tayo ospital para makita mama nyo okay?" sabi naman ni seulgi

 

Agad naman sumunod ang mga bata at kumain nadin ng almusal, pagtapos naman ay nag handa na si irene ng dadalhin na pagkain sa hospital pag tapos nilang maghanda ay dinala na nila ang mga pagkain at mga bata sa hospital, nakarating din naman sila sa hospital

 

"goodmorning po" bati naman nila pag dating sa room ng nanay ni saeron 

 

"tita may dala po kaming makakain nyo kain po muna kayo nakausap ko na po yung doctor nyo na pwede naman na kyo lumabas at iinomin lang ang mga gamot ninyo" sabi naman ni seulgi

 

"salamat sa inyo ahh sa susunod ako naman ang babawi sa inyo" 

 

 "wag na ho okay lang ho kami wag nyo ho kami alalahanin" sagot ni yeri

 

"nakakahiya naman kasi talaga yeri, libre na kami sa school ng mga kapatid ko tapos binayadan nyo lahat dito sa hospital" giit naman ni saeron

 

"okay lang saeron mas okay ng tumulong ng walang kapalit no" tugon ni yeri

 

"hmm may isip po ako kung nag iinsist po kayo, pwede ko po kayung kunin duon sa restobar namin para kasama nyo din naman si saeron sa trabahao at di na ho kayo mahihirapan" opinyon naman no wendy

 

"Oo nga po pwede naman po yun" pag sang ayon naman ni seulgi

 

"talaga? Salamat mga iha ah ambabait nyo talaga" 

 

"ahm tita pwede na daw po kayung umuwi ihahatid na din po namin kayo eto din po pala mga gamot nyo" inabot naman ni irene ang mga gamot sa ina ni saeron

 

Inihatid naman na nila ang mag iina sa bahay nila, at umuwi nadin para makapag pahinga saglit at tuturuan pa ni irene si yeri mag maneho

 

"yeri mga 1 pm na kita tuturuan ah kasi darating nadin yung mga gamit ko" sabi ni irene

 

"okay sige iidlip muna ako maaga ako nagising kasi aga magising ng mga kapatid ni sae" 

 

Maya maya ay dumating na nga mga gamit nya at tinulungan naman sya ni wendy at seulgi ayusin ang apartment nito para ma pabilis ang gawain

 

"Irene okay na ang ganda ng bahay mo ah" amaze na sabi ni wendy dahil natapos nila ang pag aayos

 

"yung ref mga 2hrs mo sya buksan dahil galing sa byahe naalog yang makina" sabat naman ni seulgi

 

"sige sige salamat, maliligo na muna ako tuturuan ko pa si yeri mag maneho ngayun" 

 

"goodluck hahaha mahirap turuan yun, pagong yun eh" sabi ni wendy habang natatawa

 

"wag mo hahayaang hindi kayo naka seatbelt na dalawa" pag papaalala naman ni seulgi 

 

"alam ko naman yun nu kaba, ligo muna ako dito lang ba muna kayo? Manuod kayu tv" 

 

"sige lang ligo na" binuksan din ni wendy ang t.v

 

Naligo na si irene mahigit isang oras din tong naligo, syempre babae daming gawain sa loob ng banyo beauty routine, pag labas nya ng kwarto nya ay nakita nya naman na nakatulog ang dalawang kasama siguro dahil nadin sa pagod, hindi na ginising pa ni irene ang dalawa at lumabas itong dahan dahan sa apartment 

 

Kinatok naman ni irene si yeri na bagong ligo lang din, 

 

"ready kana tara?" aya ni irene

 

"tara sakto yung pagtapos ko maligo, asan sila unnie?" 

 

"sa apartment ko tulog napagod sila sa pagtulong mag ayos eh" 

 

"ahh okay sige tara na excited na ako eh" 

 

"tara" naka ngiting sagot ni irene

 

Pumasok sila sa sasakyan ni irene tinuro nya kaagad mga kaylangan malaman mula sa side mirror ng kotse at rear mirror nadin at kaylangan yung mga gulong sure na hindi ito flat

 

"so ayan mga dapat malaman kapag una wag mo didiinan yung gas para di bumilis andar natin since matic naman to aandar to kahit di mo sya tapakan, ilagay mo sa d3 ang kambyo" 

 

Sinunod naman ni yeri ang utos ni irene at nagulat ito ng umandar nga ang sasakyan

 

"wag ka matakot ganyan talaga, dapat tiwala ka sa sarili mo kapag mag drive ka" 

 

Natuto naman si yeri kaagad kay irene, at di maiwasan ni irene na tanungin ang bata kung bakit sya lang mag isa

 

"Yeri curios lang ako bat ka umalis sainyo?" 

 

"ayoko kasi dun sa asawa ni tito kasi masyadong impokrita" 

 

"hmm wag ka magagalit yeri ah kasi nag search kasi ako sa background mo bago ko lumipat sa apartment mo, and sorry sa nangyare sa parents mo, alam ko makakamit mo din yung hustisya na yun tutulungan din kita" 

 

"hindi ko man alam yung totoong nang yari pero salamat nadin kung tutulungan mo ako" 

 

"Unresolved ang case na yun cold case na sya pero susubukan ko humanap ng clue bakit sila naaksidente" 

 

Hindi na sumagot si yeri at umuwi nadin sila dahil palubog na ang araw, pag dating nila sa bahay nila ay nasalubong nila si seulgi na Kararating lang din 

 

"san ka galing unnie?" 

 

"lumabas may kinausap lang ako classmate ko nuon" 

 

"Hmm Okay sige unnie marunong nako mag drive" 

 

"talaga? Hindi kayo nabungo?" 

 

"pinapanalangin mo bang mab

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Arjhiepots
Sa mga nakaka basa po need kopo feedback nyo dm po kayo sa twitter ko @GomdoriPanda, thanks po sana ma appreciate nyo.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet