Let me know you

Bullet
Please Subscribe to read the full chapter

Kinausap ni byul si joy nakipag kita ito sa kapatid para balitaan ito sa nangyayari sa ama,

 

"Joy, si papa palaging lasing di ko na alam gagawin ko sabi ng doctor makakasama sakanya yung ginagawa nya. Diagnose din sakanya na may alzheimer sya dahil nakakalimutan nya minsan ang mga bagay bagay di maganda kung palagi nalang syang ganun. Baka pwede mo naman kausapin si seulgi para kay papa."

 

"Byul kilala mo si seulgi kapag sinabi nya sinabi nya, miske sakin di nakikinig na umuwi na siya di sya nakikinig sakin byul nagalit talaga sya kay papa. Inamin daw kasi sakanya ni papa na hindi sya tunay na anak nito"nagulat naman si byul sa sinabi ni joy dahil dun lang din nya nalaman na di pala talaga sya anak ni papa nila.

 

"Totoo ba yan joy? Baka naman joke lang yang sinasabi mo! Kasi halos lahat ng pics ni seul simula baby meron si papa sure ba kayo?" tangkang tanong ni byul halos kasi simula pag dating nila sa bahay nila seulgi eh makikita nila ang mga naka paskil na litrato ni seulgi simula pagka bata. 

 

" oo byul sinabi ni seul sakin miske din ako nagulat dun ko lang din nakita si seul na umiyak sa harap ko dahil sa pag kakalasing at nalaman nyang di sya anak ni papa. Siguro sa ngayon hayaan muna natin si seul kasi di makakabuti na pilitin natin syang umuwi, kilala mo din sya byul kapag lalo natin pipilitin si seul lalo tong titigas. " napatango nalang si byul sa sinabi ni joy dahil tama nga naman ito halos buong buhay nila sila na din mag kakasama di nag hihiwalay. 

 

" byul una na ako may pupuntahan lang ako okay? Ikaw na bahala kay papa pero wag ka mag alala kakausapin ko din si seul about kay papa" umalis na si joy iniwan na si bul sa pinag kakitaan nila. 

 

 

Nakipag kita naman si joy kay seul sa isang bar para kausapin ito sa nalaman sa kanilang ama. 

 

"Bigla ka atang nag yaya libre moto ah wala ka naman ginagastos" umupo na si seul sa stool kung nasan si joy

 

"Ano ka? Libre moko mas madami ka pera sakin, pero sige dahil ako nag yaya ako na magbabayad" pinaorder nya na si seul bago mag usap

 

"Seul, galit kaba kay papa?" 

 

"Sinong hindi magagalit joy? Buong buhay ko puro pala kasinungalingan lahat kaya galit ako, galit na galit" 

 

"Hindi mo ba kakausapin si papa?"

 

Nakatingin si seul sa baso nyang may laman na alak habang iniikot ikot nya to "Joy di kopa kaya, sobrang sakit pa kasi sabi nya sakin hindi sya mag sisinungaling sakin pero ano to?" 

 

"seul ayaw mo ba malaman ang side ni papa bakit nya nagawa yun?" nakatingin lang si joy kay seulgi na parang nag mamakaawa kay seul na umuwi na at ayusin ito. 

 

"Sorry pero joy, hindi pa ako handa makausap si papa, baka mag wala lang ako sa galit hahayaan ko muna mawala yung sakit at galit ko pero pramis kakausapin ko si papa, alam kong may sakit sya kahit di nyo sabihin sakin kasi narinig ko family doctor naten na kausap si papa na need nya palagi inumin maintenance nya. Kundi lalala yung kumplikasyon sa sakit nya."nagulat naman si joy sa sinabi ni seul dahil akala nito ay wala itong alam

 

" alam mo?! "gulat na tanong ni joy sa kapatid. 

 

" hindi hindi ko alam joy, kakasabi ko lang eh. Bingi ka ghorl? Yun lang alam ko na may sakit sya diabetis tapos high blood kaya text mo si byul na bilhin lagi maintenence nya"

 

" namo! Wala ka kwenta kausap, oo sasabihin ko alam naman din ni byul yung gagawin nya" nag inom nalang sila hangang sa mag yaya ng umuwi si seulgi dahil may gagawin daw ito bukas. 

 

Kinabukasan pag uwi ni seul lubos pa din niya iniisip kung paano sya uuwi sa inasta nya at kung anong mukhang ipapakita nya sa ama nya, humarap ito sa salamin" bahala na kapag ready nako uuwi naman ako sa ngayun tutuloy ko paren a ng pag babantay kay yeri tulad ng sabi ni papa"

 

Present

 

"pina hanap ko din yung pamilya nung nadamay sa pagkamatay ng mga kaibigan ko, nalaman ko na bagong panganak lang yung babae at buti nalang hindi nila sinama yung anak nila nung umalis sila, pinaimbistigahan ko kung nasan na yung bata nalaman kong si yeri ay napunta sa kapatid ng nanay nya. Kaya inutusan ko si seulgi na bantayan yung bata dahil naawa ako pati sya nadamay pati pamilya nyang walang kamalay-malay"

 

Hinihintay ni seulgi mag salita ulit ang ama nito para sa mga impormasyon na kailangan nya. 

 

"si byul, si joy nadamay dahil sa palpak na operasyon ni yeong min, dinala ko si seul dun sa bahay ampunan kung san napunta yung dalawang bata para kunin ko, namatay ang ina ni joy dahil may liver cancer ito pero namatay siya sa kamay ni yeong min, ang lola naman ni byul ay ganun din pero wala dahil sa kapalpakan ni yeong min nawalan ng magulang yung mga batang yun"

 

Kaya pala agad pumayag si papa sa desisyon na gusto ko planado pala talaga lahat, nagkamali akong pagbintangan si papa sa maling akala inuna ko galit ko. kaya pala ayaw ni papa na iwan ko si yeri simula bata palang pinalipat nya kami sa school kung nasan si yeri. elem si yeri high school naman ako nun kaya kapag inaaway sya ako na mismo lumalapit at inaaway ko ang mga batang umaaway sa-kanya connectado pala lahat ng nang yayari. 

 

 

Simula ng tumungtong si yeri ng highschool pina alis sya ng asawa ng tito nya dahil sakim ito sa kayamanan ng tito nya no choice naman si yeri. dahil ayaw nya makasama sa bahay ang impaktitang tita nya, buti nalang pinangalan sakanya yung bahay na paupahan ng mga magulang nya kaya duon nalang siya tumira. Lumipat naman si seulgi sa apartment ni yeri dahil nasanay itong palaging sinusundan at pinoprotektahan. 

 

"alam mo ba, lahat ng misyon na pinapagawa ko kayla seul, ay konektado sa hospital na pinatayo ng magulang nya dahil gusto kong bumagsak si yeong min at si seulgi mismo ang makapatay sakanya. para mabawi nya ang talagang kanya" habang nag kwekwento ang kanyang papa hindi mapigilan ni seulgi na mapaiyak sa mga nalaman nya kung bakit namatay ang totoong magulang nya pano sya napunta sa puder nito at bakit kaylangan nyang mag sinungaling sakanya. 

 

"pinaimbistigahan ko si Yeong min at nalaman ko din na nag karoon din sya ng anak, inampon nya yung anak ng napangasawa nya tinuring nyang parang kanya na mismo" 

 

Tahimik lang si seulgi at nakikinig sa kwento ng ama. 

 

"pero yung anak nya naging isang detective, pinapasundan ko yung anak nya pero hindi ko to pinapagalaw dahil wala naman syang kasalanan sa magulang ni seul pero gusto ko lang malaman kung alam ni Irene kung ano ba talagang ginagawa ng ama nya sa mga taong namamatay sa loob ng ospital na yun" na pa tigil si seul naging istatwa ng malaman nyang si Detective Irene pala ang anak nito. 

 

"irene? BAE IRENE!" tumango lang ang papa nya at tinanong sya"kilala mo ba sya? Baka pwede mokong tulungan na malaman kung alam ni irene yung ginagawa ni yeong min"

 

"sige tutulungan ko ho kayo para malaman yun" gustong malaman din ni seulgi kung pinag tatakpan ni irene ang ama nito sa ginagawang kagaguhan. 

 

 

Dumating naman ang isang doctor na magandang babae at si byul nadin. 

 

"ah solar kapatid ko nga pala si seulgi, seul si solar new doc ni papa at girlfriend ko nga pala" nanlaki mata ni seulgi sa sinabing girlfriend daw ni byul si solar. 

 

"ate bulag kaba? Or malabo yung mata mo? Kasi sobrang ganda nito hindi papatol ang mga ganyang mukha sa mukhang basurero" sabi ni seul kay byul habang sinasampal sampal ng mahina ang pisnge nito, 

 

"ano ba seul parang gagu ka naman eh siya nga nanligaw sakin eh, diba bebe" pinaalon alon ni byul ang kilay nya habang nakatingin kay solar. 

 

"wag kang sinungaling dyan byul, seulgi diba? Ako mismo kinukulit nyan ni byul di ako tinitigilan hangat hindi ako napapa oo nyan" naka ngising sagot naman ni solar kay seul

 

"back to you byul, wahhahah gagu ka ah may inaangking landi ka din pala akala ko pakgirl ka lang tumino ka din pala" sobrang dami din kasing nakikilalang babae ni byul kapag nag iinom sila sa bar nakikipag make out naman ito sa mga babaeng yun. 

 

"tamo hindi pala babaero ah sa kapatid mo na nangaling" sabi ni solar kay byul, binatukan naman ni byul si seul ng ikinatawa ng nito. 

 

"Mr, lee this is me solar ur doctor naalala mo paba ako?" tinanong naman kaagad ni solar ang papa nila seul habang chinecheck ni solar si Ki Wo ay lumabas na ang dalawa

 

"Seul, okay kana? Sorry ah ayaw ipasabi ni papa" 

"ayos lang atleast napatawad ko na din naman si papa at nalaman ko naman na lahat ngayun kaylangan ko gumanti sa pumatay sa magulang ko, magulang natin" 

 

"soo sinabi na pala ni papa sayo lahat" 

 

"hindi ako maalala ni papa diba, akala nya kung sino ako kaya nag kwento sya pero okay lang atleast nalaman ko na din naman kung anoang totoo" 

 

Hinawakan ni byul ang balikat ni seul para confrontahin ang kapatid. 

 

"ikaw na bahalang umaksyon pre susunod nalang kami sayo, kung ano man ang iutos mo" 

 

"wag ka mag alala gagawin ko lahat para sa hustisya ng pamilya natin. At hindi kayo madadamay ako nalang mismo ang kikilos" 

 

"seul kasama mo kami sa laban na to hindi lang ikaw, hindi ka nag iisa" 

 

Lumabas na si solar sa kwarto ng papa nila

 

"ahm byul, seul kaylangan nyong malaman to" 

 

Tumango naman ang dalawa para hudyat na mag salita na to. 

 

"masyado ng malala yung sitwasyon ng papa nyo, and masyado nadin malala ung blood clot sa utak nga any time, anytime pwede nang bumigay ang utak nya at mawalan ng function ang puso nya"

 

"wala na bang ibang way?" tanong ni seul na nagngingilid ang mga mata

 

"sorry seul pero sya na mismo ayaw nya nadin itake mga gamot nya at lumala lalo yun nung na stress sya" 

 

"kasalanan ko to eh, kasalanan ko kung bakit nag kakaganto si papa" 

 

"Seul di mo kasalanan, choice ni papa yun" sabat naman ni byul

 

"hindi kasalanan ko kung pinakingan ko lang kasi si papa, kung nakinig ako kay joy nung pinauuwi nya ako edi sana hindi magging kumplikado ang lahat diba!" nakasigaw na si seul di nya matangap sa sarili nya na any time she can lost her papa

 

Sinapak naman ni byul si seul, napahiga si seul sa impak ng suntok nito hinawakan ni byul sa kwelyo si seul," kung sisisihin mo sarili mo sa nangyayari wala kang matatapos tanadaan mo yan di mo kasalanan lahat ng to seul, di mo kaylangan sisihin yung pag alis mo dito" 

 

Inilayo naman ni solar si byul kay seulgi at itinayo ni solar si seul

 

"byul ano ba? Mali yung ginawa mo! Hindi mo dapat sya suntukin sa mukha para matauhan!" 

 

"okay lang solar okay lang tama lang ginawa ni byul sakin ng magising ako," 

 

Napatingin naman si solar sa damit ni seul na may stain ng dugo sa tagiliran nito. 

 

"seul bat may dugo ka sa damit?" napatingin si seul sa damit nya hindi nya kasi naramdaman yung sakit ng sugat nya parang namanhid na katawan nya. 

 

"nasugatan kasi ako kanina okay lang ako" 

 

"let me see, gamutin natin yan pati nadin yang bibig mo" 

 

Ginamot ni solar si seul at binigyan ng mga kaylangan na gamot, umalis na din si solar pagkatapos nun, ilang saglit lang nag paalam nadin si seul kay byul

 

"byul alis na ako puntahan kopa sila yeri"

 

"bro sorry, sorry nainis lang kasi ako sinisisi mo kasi sarili mo eh"

 

"hahaha byul okay lang alagaan mo si papa ahh, uuwi din ako para icheck din sya okay" 

 

Umalis na si seul agad naman itong dumoretso sa bar para sunduin ang mga kaibigan

 

 

Naka tangap naman ng text si irene kung saan sila mag kikita

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Arjhiepots
Sa mga nakaka basa po need kopo feedback nyo dm po kayo sa twitter ko @GomdoriPanda, thanks po sana ma appreciate nyo.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet