Namimiss ko na pares...kayo ba?

Pares
Please Subscribe to read the full chapter

Sandamakmak na mga kwento ng mga nagmamahalan sa mundo, may mga nagkakatuluyan, mayroon naman yung kapareha namamatay sa dulo, mayroon din naman tinatawag na "open-ended" na mga istorya na hindi ko talaga maintindihan bakit kailangan magpaligoy-ligoy pa tulad ng ginagawa ko ngayon habang nagbabasa ka. Kadalasan pa nga ng tema ng mga romance na storya ay "love triangle", sa dulo ay pipiliin ng babae o lalaki ang gusto talaga nila at maiitsapwera na yung isa. Asan ang hustisya para sa mga hindi pinili o kaya naman ay nagparaya? 

~

dina-rosé

gino-suho

 

 

Sige Wendy, inom pa, tutal wala naman na siyang pake 'di ba? "Apat...lima...anim. Tangina nakakailan ka na ba?" Tanong ni Seulgi sa kaibigang masuka-suka na sa upuan ng bar. Dalawang oras kasi bago siya yayain ni Wendy uminom, nakipag-break ang girlfriend--EX girlfriend na pala niyang si Dina. Ilang beses din silang nag-break ni Dina, pero nung mga nakaraan nagkakabalikan pa kaya naman ngayong desidido na talagang 'di na siya makikipagbalikan, sobrang nasaktan si Wendy.

Tumawa ang lasing at hinatak ang damit ni Seulgi, "Isang bucket pa tangina ang aga pa." Kumamot na lang sa ulo ang isa at pinagbigyan ang hiling ng tropa.

 

Samantala, sa kabilang bar naman ay tahimik na umiinom si Irene kasama ang mga pinsan niyang sina Joy at Yeri. Naka tig-isang bote pa lang yung dalawa at nakatulala lang sa kawalan habang kumakain ng sisig at chicharong bulaklak, samantalang siya naka-anim na bote na ng beer at wala man lang kalaman-laman na pulutan ang tiyan.

"Ate Irene, antok na kami." Sabi ni Yeri habang pinaglalaruan yung kandila sa mesa.

"Oo nga." Sabi ni Joy habang humihikab. "Dapat sa kabilang bar na lang tayo, mas maraming tao doon. Malay mo makakita ka na ng kapalit ni Kuya Gino."

"Ayoko nga, puro bata don. Hindi ako naghahanap ng sugar baby." Lumagok ulit siya sa bote, "Sorry, kinailangan ko lang kasama ngayon pero sige, umuwi na kayong dalawa. 'Wag niyo muna 'to sasabihin kala Mama tsaka 'wag niyo na paalam na sinama ko pa kayo uminom." Inabutan niya ng tig-isang libo yung dalawa at extra na limang daan. "Pang-taxi niyo. Ingat kayo pauwi."

"Saan ka pupunta? Sumabay ka na sa'min." 

"Dito na muna, uuwi rin ako 'wag kayo mag-alala." 

 

Pasado alas-dose na nung lumabas ng bar sila Wendy at Seulgi. May amats amats pa, pero kaya naman maglakad kahit pagewang-gewang. "Putangina hindi na 'ko magmamahal ulit! Matapilok sana mga manloloko na yan!" Sigaw ni Wendy at bigla siyang natapilok at nadapa habang naglalakad sa madilim na parking. 

"O ayan karma mo. Hayaan mo na kasi 'yon." Tinayo siya ni Seulgi at naglakad silang muli. 

"Gusto ko ng pares." Nakasimangot niyang sabi.

"Hay sige na sige na. Patanggal muna tayo amats, masama drunk driving. Pagkatapos kumain uuwi na tayo ha? Inaantok na 'ko." Tumango si Wendy at naglakad na sila papunta sa pinakamalapit na pares mami house. Habang hinihintay ang tig-isang set ng pares meal, tumunog ang cellphone ni Seulgi. "Hello Ma?" Sumalampak si Wendy sa mesa habang iniisip kung paano at bakit siya iniwan nang basta-basta ni Dina. "Ano?! Pucha naman! Manganganak na talaga ngayon?!"

Muntik na nabali ang leeg ni Wendy nung lumingon siya kay Seulgi, "Sino manganganak?!"

Nagmadaling sinukbit ni Seulgi ang bag sa balikat at ininom ang tubig sa baso. "Yung asawa ng kuya ko pumutok na daw yung panubigan eh, nasa probinsya pa si kuya. Wen oks lang iwan na kita? Wala kasi--"

"Bilisan mo na umuwi! Okay lang ako kaya ko naman umuwi mag-isa. Ingat ka, text mo na lang ako."

"Sige salamat! Text mo na lang din ako! Ingat!" Tumakbo na siya palayo at naiwan mag-isa si Wendy kasama ang dalawang mainit na set ng pares.

"Tangina talagang buhay ‘to, magiging masaya pa ba ulit?”

 

Habang hinihigop ang mainit na sabaw, nagulat siya nang may biglang umupong padabog sa tabi niya. Mukhang lasing din at kulang na lang ay sumalampak sa mga upuan. Tumikhim siya at napatingin ang babae.

"Ay sorry, may katabi ka pala. Lilipat na lang ako." Tumayo ito pero umiling si Wendy.

"Hinde miss, iniwan na ko nung kasama ko. Umupo ka na diyan." 

"Iniwan ka din?" Bulong niya sa sarili. "Salamat. Asan na ba si manong para maka-order na ‘ko?"

Inusog ni Wendy yung isang tray na dapat kay Seulgi, "Sa'yo na 'to. Hindi ko ginalaw yan tsaka mainit pa."

"Hindi na, okay lang."

"Sayang 'to miss, tatapon ko lang to." Giit niya.

"Sure ka? Baka bumalik yung kasama mo."

Napangiti siya, "Hindi na. Hindi na babalik 'yon kasi may pinuntahan siyang importante."

"Sige na nga, kakapalan ko na mukha ko tutal ikaw naman nag-alok." Dahan-dahan kinuha ni Irene ang pagkain at nilapag sa harap niya, "Salamat ha, ano pala name mo?"

"Wendy. Ikaw?"

"Irene." Ngiti niya, "So...bakit ka nandito kahit dis-oras na ng gabi? Daming siraulo diyan sa tabi-tabi dapat umuwi ka na."

"Mama ba kita? Ikaw din naman nasa labas." Natawa niyang sabi habang iniinom ang sago't gulaman, "Ibabalik ko tanong mo, bakit nandito ka kahit gabi na at maraming siraulo sa tabi-tabi?"

Natawa si Irene at muntik mabuga ang sabaw, "Nagpapawala amats, uminom ako kanina kasama mga pinsan ko."

"Oh wow, meant to be ata tayo." Pabirong sabi niya, "Uminom din ako kasama best friend ko pero may emergency kaya ayun sumibat na."

"Sa kanya pala to, pasabi salamat sa libreng pares."

"Sige ba." Sabi niya at sinubo na ang huling kutsara ng kanin. "Oh pano, una na 'ko." Hinawakan siya bigla ni Irene sa pulso.

"Samahan mo muna ko, tutal mabait ka naman sasamantalahin ko na. Gusto mong turon?" 

Napakamot ng ulo si Wendy at umupo ulit sa upuan. "Sige kahit masakit na ulo ko papayag ako, pero kapalit kwentuhan mo 'ko."

"Ano naman gusto mo ikwento ko sa'yo? May turon ka na may kwento pa? Ayos ka ah."

Natawa siya at sabay nangalumbaba habang nakaharap kay Irene. "Dali na, magkwento ka na sa'kin. Sabi nila mas komportable daw magkwento sa stranger kaysa sa kaibigan kasi wala daw judgments."

Bumuntong hininga siya at umorder ng turon, "Saan mo naman napulot 'yon? At saka ayoko na mag-drama, buong gabi na 'ko umiiyak. Dinaig ko pa mga bida sa teleserye sa dami ng niluha ko. Wala naman patutunguhan."

"Ganito na lang, bawat share ko mag-sshare ka rin. Ano? Deal?" 

"Bahala ka sa buhay mo." Ngumisi ito habang sinisipsip ang inumin.

"Nagwalwal ako sa bar ngayon kasi nakipag-break ang jowa ko, well ex ko na pala siya. Her name's Dina and pinagpalit niya 'ko with a guy she works with na kakakilala niya lang a month ago." Natawa siya, "Tangina sobrang sakit pala iwanan. Feel ko karma ko 'to kasi nung teenage days ko-hindi naman sa pagmamayabang, pero ako lagi yung nang-iiwan. Your turn naman."

"Hindi naman ako nag-agree sa deal mo." 

"Pangit ng ugali mo."

"Kulit mo." Tumawa siya at humarap kay Wendy, "Fine. Uminom ako tonight kasi yung lalaking gusto ko, may gusto na siyang iba. Ganito kasi 'yon, noong una wala naman akong pakialam sa kanya, nanliligaw siya at hinahayaan ko lang kasi pakiramdam ko 'di pa 'ko ready sa relasyon, tumagal 'yon ng two years."

"Two years? Putangina Bash ang tigas mo ah. O tapos?"

"Siraulo ka. Nung ready na ko, sinagot ko na siya, pero biglang nagbago lahat. Biglang sabi niya hahanapin daw muna niya sarili niya, pinagbigyan ko malamang kasi ‘di naman ako selfish. Yun pala sa sobrang tagal niya nag-iintay may kinuhang side-chick tapos ang putanginang pakshet na buhay ‘to na-fall na pala siya don. Pinaglaban ko siyempre, pero wala na talaga eh, wala na daw siyang gusto sa'kin mas mahal niya na daw yung isa. I tried pa rin na i-convince siya pero ang sabi niya...tigilan ko na daw kasi magiging tatay na siya. So tonight, nagkita kami for closure na lang din and ayon napadpad ako dito at uminom.”

"Pang-teleserye yan ah. So pareho pala tayong sawi ngayong gabi...magkaibang dahilan pero parehong iniwan." 

"Ilang taon naman kayo nung Dina mo. Ay, 'di na pala kayo." Pang-asar niya at tinapik siya sa braso ni Wendy.

"Sama mo. Almost two years din kami pero kahit maikli, binigay ko naman lahat sa kanya. Lahat ng gusto niya binibili ko kahit hindi pa nga siya humiling binibigay ko agad. Hindi ko lubos maisip kung bakit at saan ako nagkulang sa totoo lang, wala naman akong ginawang masama sa kanya, never ko siya pinagbuhatan ng kamay tsaka hindi ako perfect na hindi nakakagawa ng mali pero hindi rin naman ako masamang tao. Never pa ko nag-cheat, ‘yon pinakahiling niya sa’kin kasi yung ex niya bago ako paulit-ulit siyang niloko. Puta sa huli ako pala babaliktarin, ako lolokohin. Tangina alam mo kung ano pa pinakamasakit? Ang dami kong sinakripisyo—oras sa pamilya, oras sa mga kaibigan...pati nga buong pagkatao ko ata nakalimutan ko na rin dahil mas naging matimbang sa’kin kaligayahan niya.”

Kumagat si Irene sa turon, "Alam mo, sa tingin ko matagal na 'yon talaga nagbabalak makipag-break sa'yo at yung ka-work niya yung naging last push para iwan ka niya na talaga. Tayong mga babae kasi mapag-ipon tayo, magtitiis hanggang kaya hanggang sa ayon, boom, sasabog na lang. Siguro hindi mo lang napapansin yung mga maliliit na bagay na naipon. Pero hindi mo naman kasalanan 'yon lahat, siyempre may kasalanan din siya kasi nagpadala siya sa kahinaan niya imbis na makipag-ayos sa’yo."

"May point ka, pero still, masakit pa rin. Gustong-gusto ko magalit at sigawan siya pero hindi ko magawa. Sobrang gigil na gigil ako malaman ang pinaka rason. Hindi ko tuloy maiwasan itanong sa sarili ko kung pangit ba 'ko. Kulang pa ba yung binibigay kong groceries every week? Puta hindi ba 'ko magaling sa kama kaya mas gugustuhin niya ang hotdog sa mani?"

Natawa si Irene at hinampas siya sa braso, "Siraulo ka talaga! Ang bastos mo. Kaya ka iniwan non kasi ang dumi ng bibig mo."

"Oo madumi kasi sarap na sarap--" Binatukan na siya nung isa. "Biro lang naman! Anyway, ikaw ano na balak mo? I'm sure galit na galit ka sa kanilang dalawa. Ano nga name niya?"

"Gino. Siyempre galit pa hanggang ngayon. Pero wala, magmomove on na lang." Kibit balikat niyang sabi. "Tanga eh. Hindi ko na isasawsaw sarili ko kasi I had my chance and...sinayang ko lang two years. Sana pala sinagot ko na lang siya mas maaga. Hindi ako magiging madamot kung gusto niyang sumaya kahit sa iba na. Masakit pero ganon siguro talaga, kung hindi para sa'yo, hindi para sa'yo."

"May jinowang iba si Gino.” Natawang sabi, “Pero tama ka diyan miss beautiful." 

"Miss beautiful ka diyan, ano crush mo na ko no? Type mo ko ha? Type mo ko?"

"Kapal mo din, maganda ka nga puro tulo naman ng sabaw damit mo." Humagikgik siya sabay hampas nung isa sa balikat niya. "Nakakarami ka na ah, hampasin kaya kita nitong tray?"

"Baliw." Irap niya, "Mas lalo sumakit ulo ko dahil sa'yo. Daldal mo kasi."

"Ikaw kaya 'tong nagsabi samahan kita. Alangan naman titigan kita habang kumakain? Ano ka si Dina para bigyan ko ng atensyon?"

"'Di na babalik 'yon kaya 'wag mo na siya isipin. Ako na lang isipin mo." Kumindat siyang pabiro.

"Tingnan mo 'tong babaeng 'to, ako pa sinabihan mong may type sa'yo eh ikaw 'tong nanghaharot at may crush sa’kin.”

"Charot lang, feeling mo naman talaga. Pangit mo kaya." Kunwari ay nasuka-suka pa siya at sinimangutan ni Wendy.

May bagong dating na babae at lalaking naglalandian na umupo sa tabi ni Irene. Sumulyap saglit si Wendy at saka bumulong ng, "Maghihiwalay din kayong mga peste kayo." Natawa si Irene at hinampas ang braso niya.

"Marinig ka hoy. So saan na punta mo pagtapos nito?”

“Uuwi na sanang Bulacan kaso nahihilo pa ‘ko. Ayoko naman i-risk buhay ko para lang makauwi at ayokong iwan kotse ko dito.” Tumingin siya sa relo, “Alas dos mahigit na pala. Ikaw saan ka pa nauwi?”

“Ermita lang pero ayoko naman mag-taxi ng ganitong oras, dito na lang muna ‘ko. Namatay rin cellphone ko kaya ‘di ako makapagbook ng Grab.”

Napaisip si Wendy. Hindi naman siguro magnanakaw or carnapper ‘to, alukin ko na nga mag-charge sa kotse ko. “Gusto mo makicharge sa kotse ko? Lapit lang naman nasa kabilang kanto parking.”

Nag-isip muna si Irene habang tinititigan mga mata nung isa, “Okay lang naman pero mukha kang sindikato, baka kidnapin mo ‘ko sabay kuha ng organs ko o kaya naman ibenta mo ‘ko ganda ko pa naman.”

“Gaga ka ba? Nagmamagandang loob na nga yung tao. Bahala ka nga diyan mag-amoy pares.” Tumayo na si Wendy at naglakad na papunta sa kalye. Ilang hakbang ay naramdaman niyang may sumukbit sa braso niya.

“So asan na yung mahiwaga mong kotse?”

“Ibang klase ka rin talaga no? Pagtapos mo kong sabihan na kidnaper na nagbebenta ng babae bigla kang sasama. Nandon lang.” Tumuro siya habang tumatawa si Irene. 

 

 

Binuksan ni Wendy ang kotse niya at sumakay sila ni Irene. Pagbukas niya ng makina, tumugtog naman sa radyo ang “Let me be the one”. Tumingin siya kay Irene na humihinga-hingang malalim. 

“May tissue diyan sa glove compartment.” 

“Gago.” Sabay pahid sa luha nang patago. “Hindi ako umiiyak.”

“Talaga lang ha. Oh eto na yung charger ko, saksak mo na phone mo.” 

“Ay tangina, android phone ko.”

Napabuntong hininga na lang si Wendy, “Huhulaan ko, wala kang dala na cord.”

“Nadale mo.” Natawa si Irene at napakamot na lang sa ulo. “Ayos pala ‘tong kotse mo, burgis ka no? For sure hatid sundo mo siya tapos nagbibigay ka pa groceries dati. Swerte naman ng ex mo, ako na lang kaya jowain mo?” Pabiro niyang sabi at tumingin sa labas. 

Tumawa si Wendy sabay binaba ang upuan para makahiga siya nang maayos. Pinikit niya ang mga mata niya habang nakikinig sa kanta sa radyo. Hindi siya yung tipong madaling magtiwala lalo na yung mga nakikilala lang sa kalye, pero malungkot siya ngayong gabi at mukha naman hindi masamang tao si Irene. Siguro pinagtagpo sila ng tadhana ngayong gabi para lang may makausap ang isa’t isa dahil pareho naman silang sawi. 

"Hindi ba galante sa'yo si Gino?"

"Sakto lang, hindi naman kasi siya yung sobrang financially stable. Nagpapaaral pa siya ng kapatid, breadwinner kumbaga, okay lang sa'kin at hindi ako naghahanap kasi 'di naman ako materialistic na tao."

"Tangina hindi din naman ako mayaman, pero--putangina talaga--ganoon kasi love language ko eh, yung mang-spoil. Shuta naiisip ko tuloy mga nagastos ko putangina!"

"'Wag mo panghinayangan dahil sa mga oras naman na 'yon, 'yon ang nagpasaya sa'yo at sa kanya." Natahimik naman si Wendy nung marinig 'yon, may punto nanaman si miss beautiful pero siyempre, bitter pa rin siya.

“Aksayado sa gas ‘to. Buksan na lang natin yung bintana.” Bumangon siya at binuksan ang mga bintana bago pinatay ang makina. 

“Hoy bakit mo pinatay yung aircon?!”

“Kotse ko ‘to. Nakikipahinga ka na nga gusto mo pa may aircon? Bayad ka muna pang-gas. Kahit miss beautiful ka, mas praktikal ako.” Naiirita na si Irene kasi napakainit kahit gabi pa.

"Praktikal pero ginastusan ng malaki ang ex. Clown amputa." Bulong niya sa sarili

Napakainit sa Pilipinas, maalikabok at mausok pa. Makalipas ang ilang minuto, nakaisip siya ng brilliant idea. Tinapik niya ng madaming beses ang natutulog na Wendy. “Ipapapulis na kita!” 

“May pupuntahan tayo, sagot ko na. Malapit lang dito.” 

Kumunot ang noo ng isa, “Ayoko, baka i-budol mo pa ko.”

“Mukhang to mambubudol? Baka nga ikaw pa mambudol sa’kin. Bilisan mo na lumabas, ang sakit sa likod nitong upuan at ang init sa kotse mo.” 

“Ang daming reklamo parang ikaw bumili nito ah.”

 

Habang naglalakad, may napansin si Irene na convenience store. Hinatak niya si Wendy papunta sa loob at saka bumili ng anim na beer. Habang nagbabayad siya, naglapag si Wendy ng chichirya saka ngumiti sa kanya na pa-inosente.

"Tangina nagpatanggal amats ka tapos iinom ka nanaman? Tomador amputa." Nagbuntong hininga sabay kinuha ni Irene ang mga pinamili pero hinablot ni Wendy ang plastic, "Ako na hahawak, nilibre mo naman ako."

"Buti naman, nakakarami ka na sa'kin ngayong gabi. Ako pa ulit sasagot sa pupuntahan natin." 

"Saan mo ba kasi ako dadalhin?"

 

Hindi sumagot ang isa at patuloy na naglakad palabas. Noong malapit na sila, nanalaki ang mga mata ni Wendy at napahinto sa kinatatayuan. Hindi na siya bata para hindi malaman ang gusali na ‘yon at kung ano ang reputasyon noon sa mata ng madla. Lumunok siya at pinigil maglakad si Irene.

“Anak ng--Tangina mukha ba akong kaladkarin?! Hoy Irene! Ikaw ‘tong mas mukhang inosente pero ikaw pala ang mas manyakol sa’ting dalawa. Alam kong crush mo 'ko pero hindi mo ako mapapapasok diyan! Dalhin ba naman ako sa motel?! Nasisiraan ka ba?!”

“Parang tanga, matutulog lang tayo hindi tayo gagawa ng milagro! Gusto mo pa ata five star hotel. Ikaw na nga ‘tong nilibre para makatulog ng maayos. Kung ayaw mo 'di naman kita pipilitin, dun ka na sa kotse mong mainit. Papasok na 'ko.” Tumingin tingin sa paligid at saka padabog na naglakad si Wendy, hiyang hiya siya pumasok sa gusali habang nakayuko. 

“My god this is embarrassing, bahala ka kumausap sa front desk.”

“Sasama din pala...arte mo bwisit.”

 

Nang makapasok na sa nirentahang silid, dumiretso na si Irene sa kama at umupo habang si Wendy ay hiyang hiya pa rin sa mga nangyayari. Kahit pilya siya, ni minsan hindi pa siya nagtangkang pumasok sa motel. 

“This is really weird. Uwi na lang kaya ako?” Kumamot siya sa ulo habang nakatayo sa tabi ng kama. “Hindi nga kita kilalang lubos tapos tatabi ako sa’yo, baka pagsamantalahan mo pa 'ko. At baka may kuto ka pa.”

“Patweetums ka pa, minsan ka na nga lang makakatabi sa magandang babae. Bahala ka sa buhay mo, first time ko lang din nag-motmot.” 

“Excuse me, maganda si Dina no. Hindi ako pumapatol sa pangit. At saka parang scam naman yan, at home na at home ka nga oh.” 

Binato ni Irene ng unan si Wendy, “Dami mong satsat, pahiram keychain pambukas ng beer.”

Binigay niya ang mga susi bago umupo at tumingin sa sariling repleksyon sa salamin sa gilid. Wala na siya halos amats, wala na nga rin talaga dahilan para magtagal pa sa motel. Kaya niya naman tiisin ang init sa loob ng kotse pero hindi niya alam bakit para siyang aso sunod ng sunod sa mga utos ng babaeng kasama niya. “Palagay mo, ilang tao na nakita nitong salamin na ‘to na nag-? Pakiramdam ko pinapanood niya tayo.” 

Napatigil si Irene at natawa sa repleksyon nila, “Ang bastos talaga ng bibig mo. Pag motel agad? Alam mo, sa ibang bansa nga hindi sila naiilang mag-motel kasi pahingahan ‘to. Mga nagmomotor—“

“Alam ko ‘yon, dito lang naman ata may taboo." Inabutan siya ng beer ni Irene at tinanggap niya naman ito. "Mamamatay na atay natin kakainom. Nahimasmasan na nga ako pinapainom mo pa 'ko ulit."

"Tinanggap mo rin, 'di kita pinilit." Sumandal siya sa balikat ni Wendy at natulala. Kahit antok na sila pareho, hindi nila magawang matulog dahil may tumatakbo sa mga kanya-kanyang isipan. Nakakatawa minsan, masyadong mapaglaro ang buhay. Narinig niyo na to, may mga taong saglit mo pa lang nakikilala pero ang gaan na agad ng loob mo sa kanila, mayroon din naman na ang tagal niyo nga magkakilala pero hindi pa rin kayo makapagpalagayan ng loob. "Pagtapos ng gabing to...pagkagising ko mamaya, wala na sa'kin yung sakit na 'to."

Ngumisi si Wendy sabay lagok ng beer, "Ano 'yon? Magic? Sana nga ganon lang kabilis makalimot sa isang tao na pinaglaanan mo ng maraming oras, binigyan ng importansya at siyempre minahal mo ng lubusan."

"Sige may challenge ako sa'yo, five months." 

"Ano nanamang kalokohan 'yan?"

"Pagdating ng December at moved on ka na, may reward ka sa'kin. Kapag ako moved on na rin, ako din may reward galing sa'yo." Nagbukas siya ulit ng tig-isang beer at iniabot sa isa. "Para mas ganahan ka, ang reward ay all-in trip to Batanes."

"Yung makatotohanan naman."

"Tangina talaga ang arte. Sige, trip to Baguio or Tagaytay na lang, three days two nights."

"Deal. Kayang-kaya 'yan." Tinaas niya ang bote, "Para sa pagmomove on ni Wendy at Irene at sa pinakamasarap naming bakasyon."

"Ikakasa ko yan." Itinama niya ang bote niya at saka nilagok ang natitirang laman. 

 

Habang nanonood siya ng TV, si Wendy naman ay nakatutok sa phone. Nagulat siya nang biglang nagmura ito.

"Ano nanaman problema mo?" Tanong niya habang yung isa nangingilid na ang luha. 

"Badtrip talaga! Pwede favor?”

"Wala na 'kong extra na pera kung mangungutang ka."

“Hindi pera problema ko. Pwede picture tayo habang naka-kiss ka sa pisngi ko?” Lumingon sa kanya si Irene at nagsalubong ang kilay nito. Sinabayan pa ng palo nito sa noo niya, “Aray!”

“Alam mo ikaw, pasimple ka rin. Hoy Wendy alam kong crush mo ko pero hindi ako basta basta kumikiss lalo pa sa kakakilala ko lang.”

“Tangina dinala mo nga ako sa motel. Anyway, i-popost ko kasi sa story ko sa ig para makita ni Dina.” Nilabas niya ang phone sabay pindot sa app. “Tingnan mo ang kapal ng mukha mag-story na nasa party habang kaakbay yung bago niya. Sayang saya sila oh, samantalang ako dito lugmok na lugmok.”

Kinuha ni Irene ang phone niya at nag-stalk sa profile. “Kilala ko ‘to. Batchmate ko ‘to nung college.” Natawa siya, "Hindi na 'ko surprised na niloko ka niya."

“Sus, sa dinami-dami ng tao s

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sunnyirene
comments niyo na lang talaga nagpapakilig sakin HAHAHA salamat po madami <333333333

Comments

You must be logged in to comment
mydearwenrene
#1
Chapter 1: ang ganda talaga ng pagsulat niyo dito author! nakamove on na talaga sila at nahanap ang isa’t-isa. hehe pakyu dina sinayang mo si wendy pero okay lang nakay irene na siya. hays sobrang kilig ko sa kanila!! thank you :)
RVCrack #2
Chapter 1: Ilang beses ko na'tong inulit, pero iba pa rin yung kilig huhu
pajamagirl
#3
Chapter 1: nakailang ulit na ko dito simula nung mapublish hanggang ngayon taga sana all pa rin jusko thank you po sobrang enjoy sa fic na to
WenRene_77 #4
Chapter 1: salamat author sa magandang istorya, ikaw ang nagsulat oo kung tutuusin pwede mo kaming saktan pero mas pinili mo na matapos ang storya na may ngiti saaming mga labi, naks!! more of this po, salamat😊💙💝
M_jeeh08
#5
Chapter 1: Wow ang ganda nito
EzraSeige
#6
Chapter 1: 💙💙💙💙💙
77seconds #7
Chapter 1: Ayieeeee thank you!
Vicheca
#8
Chapter 1: Huhu ang ganda😭 and cute ng wenrene shuta. Salamat❤️
Ligaya17
#9
Chapter 1: Kakambal naman na talaga ng pag ibig ang sakit. Kahit ilang beses kapang iwan at saktan. Maraming kang magiging tanong kung bakit nangyari lahat ng yun. Time will heal you. Pero kapag talaga mas naiintindihan mo ang mga bagay na bagay na nangyari o nangyayari mas masakit. Thank you sa story otornim, napasaya moko sa story nato, tawang tawa ako:))), kinilig din syempre wahahaha. Goodluck po sa mga susunod mo pang story.
wouldve #10
Chapter 1: Napaka cute nito. Miss ko na Baguio ㅠㅠ