Part l

My Secret Reaper
Please Subscribe to read the full chapter

Sojung POV

 

"aisshhh inuutusan mo akong iligtas yung tao na mas ikatutuwa ko pa na patayin kung bibigyan lang ako ng pagkakataon.  seryoso ka ba ?" reklamo ni yerin habang pasalampak na naupo sa isa sa single couch sa aking sala bago ipinatong ang kanyang mga paa sa lamesa na nakapwesto sa gitna.

i sigh "pwede bang ibaba mo yang mga paa mo. bahay ko to baka nakakalimutan mo" mariing utos ko ngunit ibinalewala lamang nya iyon at nagpatuloy lamang sya sa pagpapahayag ng pagkadisgusto nya sa misyon na ibinigay ko sa kanya. 

"alam mo ba kung gaanong pagtitimpi ang ginagawa ko upang wag lamang syang paulanan ng bala?. hindi ko nga alam kung ano ang dahilan kung bakit kailangan kong pangalagaan ang babaeng yon." tuloy tuloy na reklamo nya at may kasama pang pag kumpas kumpas ng kanyang mga kamay na ani mong nasa harapan nya ang babae at sinusuntok .

"pwede bang iba na lamang ang ipagawa mo sakin?. Hindi ko na talaga matagalan ang talas ng dila ng babaeng iyon " 

"ngunit hindi ko naman kasi sinabi na makipagkilala ka sa kanya.  Ang ipinag-uutos ko lang ay ang subaybayan sya at ilayo sa kapahamakan -wala akong sinabi na pormahan mo" naka ngisi kong pang aasar habang sinisimsim ang wine sa baso ko. 

"what the. -?! excuse me hindi ko sya pinopormahan noh! " pasigaw nyang pagtanggi at pinigilan ko lamang ang sariling matawa sa sobrang defensive ng tono ng boses nya. 

"oo na.  hindi mo kailangan sumigaw" ibinaba ko ang baso sa counter at naglakad papuntang sala bago pabagsak na iniupo ko ang sarili sa mahabang sa sofa. 

"hindi ako sumisigaw"

"talaga?  eh halos magpatid na nga yang litid sa leeg mo kanina " patuloy na pangaasar ko sa kanya. 

itatanggi pa sana nyang muli ngunit sabay kaming napalingon ng marinig namin ang pagbukas at pagsara ng front door at ilang sandali lang ay bumungad samin ang nakangiting mukha ni choi yuna. 

"hey whats up? " masiglang bati nya sa amin. Tinanguan ko lamang sya at si yerin naman ay itinanong agad kung naghapunan na ba sya-na sinagot naman nya ng simpleng oo bago naupo sa tabi ko. 

"kamusta? " hindi ko na kailangan pang pahabain ang tanong ko dahil nakakasigurado akong alam naman nyang hindi sya ang kinakamusta ko kundi ang lagay ng taong ibinilin kong bantayan nya. 

tumango tango sya habang inaabot ang pringles na nasa lamesa. isa iyon sa mga pagkaen na dala ni yerin ng dumating sya rito kanina.  "sinigurado kong safe ang paligid ng apartment nila bago ko iyon iniwan at ilang oras din muna ang inintay ko simula ng patayin nila ang ilaw bago ko lisanin ang lugar para makasigurado " pahayag nya at kagaya ni yerin ay ipinatong din nya ang mga paa sa lamesa at inihilig ang ulo sa back rest ng sofa. 

napabuntong hininga nalang ako sa mga asal nila dahil alam kong  hindi din nila ako susundin kahit pagsabihan ko sila. Bagay na ginagawa ko araw-araw ngunit araw-araw din nilang binabalewala. 

hayyy  . .

"mabuti kung ganon. pwede ka ng magpahinga.  bukas ng gabi ay ako naman ang magbabantay " nasabi ko nalang. 

salitan ang pagbabantay namin tuwing gabi sa kadahilanang iisang apartment lamang din naman ang mga iyon nakatira. 

"teka teka pwede bang magpalit na lamang kami ng babantayan?" muling hirit ni yerin habang ang hintuturo ay nakaturo kay yuna na busy sa pagnguya "satingin ko ay mas matatagalan kong bantayan ang subject nya kaysa sa babaeng kasalukuyan kong sinusubaybayan" nakangusong pakiusap nya .

ngunit bago pa ako makapagsalita ay inunahan na agad ako ni yuna "nope.  hindi pwede " walang lingong sagot nya. 

"wae? wae? bakit naman? " hindi makapaniwalang tanong ni yerin habang magkasalubong ang kilay. 

"dahil masyado syang inosente.  kailangan syang pangalagaan hindi lamang sa mga gustong manakit sa kanya kundi maging sa mga kagaya mo " naka ngisi nyang bigkas at napailing na lamang ako. 

"yah!  yah!kagaya ko?!  yah anong ibig mong sabih- teka wag mo sabihing may gusto ka sa kanya? ha!  sabi ko na nga ba babae ang gusto mo tsk! "

"kahit kailan ay hindi ko sinabing babae ang gusto ko"

"pero hindi mo din nabanggit na lalake ang gusto mo " nais kong matawa dahil halata naman na nag eenjoy si yuna sa pang aasar sa kanya ,ngunit nasisiguro ko din na wala din sa plano nya ang makipagpalit. 

tama sya. masyadong delikado sa babaeng iyon kung mapupunta ang inosenteng katulad nya sa pangangalaga ni yerin- hindi maganda ang kahihinatnat nya kung nagkataon. 

"magpalit na tayo " pagpupumilit padin ni yerin 

"ayoko nga sabi.  wag kang makulet " sagot ni yuna bago tumayo sa sofa at nagsimulang maglakad paalis. 

"yah san ka pupunta? hindi ka pa pumapayag.. hintayin mo ko " 

"at kahit kailan ay hindi ako papayag" 

pinanuod ko lang ang dalawa na maglakad papasok ng kwarto.. 

lagi silang nandito nakikitulog at nanggugulo kahit na may sari-sarili nadin naman silang bahay -.- mga buraot. 

isinandal ko ang likod ko sa sofa at inihilig ko ang ulo ko sa back rest nito bago ipinako ang paningin ko sa puting kisame ng bahay sa sandaling mangibabaw na ang katahimikan sa buong sala. 

isa kami sa pinakamagagaling at pinagkakatiwalaang reaper ng samahan na kinabibilangan namin . Ang Source Mafia na aming kinabibilangan o mas kinilala bilang SM ang syang nangungunang mafia sa undeground simula noon hanggang ngayon . Itinagurian na pinakamalakas na mafia hindi lang dahil sa yaman , kapangyarihan ,at koneksyon nito kindi dahil nandito din ang pinakamahuhusay at nangungunang reaper sa buong mundo at isa kami sa mga yon. 

Isa akong reaper at ganun din sina yerin at yuna. Pinalaki at hinasa kami upang maging pinaka mahusay na reaper ng mag asawang Jung Eunji at Jung hyejun na siyang namumuno nuon sa buong mafia. Hindi malinis ang lahat ng negosyo ng pamilyang jung ngunit masasabi kong isa sila sa pinaka reasonableng tao na nakilala ko.  Tanging ang mga kagaya lang nila na may ilegal na hanap buhay ang pinapabagsak at sinasakop nila at hindi kailan man sila nakielam sa taong may legal na negosyo lalo na yung mga nabubuhay sa tuwid na pamamaraan. 

Ang pagpatay ay simple sa kanila ngunit kahit kailan ay hindi sila nag-utos na kumitil ng inosenteng buhay. Sila ang dahilan kung bakit ang SM ang isa sa pinaka-tanyag at matagumpay na mafia ngayon. Sila din ang dahilan kung bakit nagawa naming tatlo na mabuhay at maging pinaka mahusay na reaper. 

Ngunit nagbago ang lahat ng iyon ng pumalit na si Gwangju bilang pinuno.  Masyado itong marahas at ganid dahil ultimo walang laban ay kanyang pinaparusahan basta ito ay nakakasagabal sa kanyang negosyo. Nagiba na ang Pamamalakad simula ng sya ang mamuno dahil kahit kailan hindi sya naging makatwiran. 

sa kasamaang palad ang mag-asawang jung ay hindi na  nabubuhay sa panahong ito.Kinitil ang kanilang buhay ng isang t

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
SaTzu06
#1
Chapter 1: GANDAAAAAAAA NG STORYYYY
SaTzu06
#2
Chapter 1: ITULOYYY POOO