Holiday Love-ada

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

Filler chap! The last update for February kaya chill muna tayo sa pakaba. Worry-free update tayo ngayon dahil ang gagawin lang natin dapat ay ngumiti at kiligin. Hahahaha.

Brace yourselves because we goin' March na! 

Keep the comments and theories coming, huhu I lavet!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Chapter 14

 

 

 

 

 

 

 

 

HOLIDAY LOVE-ADA

[FEBRUARY 25, 2020 - Tuesday]

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Seulgi

 

 

 

Anniversary ng EDSA Revolution. Holiday. Wala dapat pasok. Pero sino nga bang niloloko nila? 

 

Nasa University kayo ngayon ni Lisa. May pa-commemorative program pa kasing nalalaman ang school niyo. Nagvolunteer ito na maging venue ng Exhibit kaya nadale kayo ni Lisa ng mga SHS teachers na naka-assign sa pagooversee ng event nato.

 

Langya talaga. Si Krystal talaga ang may sala kung bakit nasama kayo dito. Kung hindi niya lang nabanggit na magaling kayo ni Lisa sa ganito, edi sana nasa bahay kalang ngayon, doing couple things with your jowa. Huhu. Andun pa naman sana si Joohyun sa bahay dahil wala itong pasok ngayon.

 

Pero di bale, may allowance naman daw silang ibibigay today. Mwahahahaha.

 

"Lover girl." Pambibwisit na naman ng katabi mong si Lisa na kanina pa dikit ng dikit sayo. Nasa teachers' lounge kayo ngayon ng Senior High, kayong dalawa lang, nagpapalamig habang hihintay si Krystal at Kai na bumili ng maiinom niyo.

 

"Lover girl pansinin mo naman ako."

 

"Hm?" Sagot mo habang hindi inaalis ang tingin sa phone na hawak.

 

"Ano ba kasi yang ginagawa mo?" Sumilip ito sa ginagawa mo. "Luh ano yan?"

 

Hindi ka sumagot at pinagpatuloy lang ang pagtatype.

 

"Ano yang winawire mo?"

 

"Ha?" Absent-minded mong tanong habang pinipindot ang transfer button. 

 

"Huy bakit-"

 

"Yown." Triumphant na ngisi nang naging successful ito. Binulsa mo na ang phone na hawak habang nakatitig lang si Lisa sayo, naguguluhan, habang tinuturo ang phone sa bulsa mo.

 

"A-Ano yon?" 

 

"Anong ano yon?" Tawa mo.

 

"Bakit nagtratransfer ka ng pera?" Mas natawa kalang at umiling kaya hinawakan niya ang balikat mo. "Sino yon ha, sino?!"

 

"Secret."

 

"Gago may iba kanang pamilya noh?!"

 

Binatukan mo ang kaibigan kaya napabitaw ito sayo. "Aray!"

 

"Wag ka ngang magmumura diyan!" Pagalit mo. "At anong ibang pamilya? Wala akong ganon."

 

"Eh sino yon?! Isusumbong kita sa tangi mo!"

 

"Pinagsasabi mo diyan?" Irap mo. "Sa ospital nila yun."

 

"Ospital?"

 

"Oo ospital nila Joohyun."

 

"Ospital nila Jennie?"

 

"Ay hindi hindi." Sarkastiko mo ring sabi. Natauhan naman ito at takang tumingin sayo.

 

"Ospital? Para ano?" Hm, pano mo nga ba i-eexplain? Ngumisi ka lang at kinindatan ito kaya mukhang nagets na niya ang pinapahiwatig mo.

 

"Nakng, totoo ka?!" Ngiting tanong niya sayo kaya tumango ka lang. "Paano? Kelan pa?"

 

"Last year."

 

Binunggo ka niya at nang-aasar na tinignan. "Hanep ka, Ms. Kang! Pwede kanang ma Best in Conduct ulit sa hayskul!" 

 

Natawa ka nalang sa kalokohan niya.

 

"Nice nyan uy! May kabutihan naman palang tinatago 'yang buto mo!" Kurot niya sayo. "Alam bato ng tangi mo?"

 

"Hindi." Tawa mo. "Wag mo sabihan."

 

"Ba't naman?"

 

"Wala lang." Mas natawa ka. "Palagi kasi yang nagkwekwento sakin tungkol sa mga pasyente niya. Like merong ibang hindi daw muna nagpapasurgery dahil hindi kaya... ganon.. Ah basta, naaawa kasi ako pag naririnig ko ang mga kinukwento niya."

 

"Kaya ka-" Tinuro niya ang phone mo. "-namimigay ng pera?"

 

"Tulong ang tawag dun ulol." Napakagat ka ng labi dahil ikaw naman ang nagmumura. Demonyo talaga neto. Pero sige nalang, kayo lang naman ang andito at nakalock naman ang pinto.

 

"Kaya nga." Irap niya rin. "Ba't di mo sabihan si Joohyun?"

 

Natawa ka muna. "Wag na. Baka hindi na siya ulit magkwento eh. Hahaha."

 

"Ah." Tango niya. "Kanino mo naman binibigay?"

 

"Ano, may foundation yung hospital nila. Sobrang dami nga eh. Nag-inquire ako kaya ginawa nila akong member. Tas yun, pag may nakukwento si Joohyun tinatawagan ko sila agad." Natawa ka bago napailing. "Bestfriends na nga kami ng admin nila."

 

"Woah." Manghang sabi niya. "Edi lahat ng mga pasyente ng St. Paul's tinutulungan mo?"

 

"Gago." Tawa mo. "Ano ako, milyonaryo?"

 

"Ay hindi ba?"

 

"Ulol. Mga pasyente lang ni Joohyun... ay oo on special cases, may iba din."

 

"Ah." Ngumiti ito sayo. "Bait mo naman, lover girl."

 

"Being God's instrument lang chong."

 

"Edi ano ako? God's burden?"

 

Natawa ka at binunggo ito ng malakas. "Gago!" 

 

"Ay hindi ba?"

 

"Sira ka talaga. Pa member ka nalang." Suggest mo habang nagpipigil ng tawa. "Samahan kita kung gusto mo."

 

Saglit naman itong napaisip. "Oo nga no?" Tapos mabilis na tumango-tango at ngumiti sayo. "Sige chong. Text kita."

 

"Nice." Panunulak mo sakanya. "Yan gusto ko sayo eh. May silbi na tayo."

 

Sabay kayong natawa. Biglang tumunog ang phone mo kaya binasa mo muna ang text. Napangiti ka naman sa bumungad sayo. Yung admin pala nila, nagpapasalamat. 

 

May nakwento kasi ang tangi mo sayo kagabi. May lolo daw na may tumor sa ulo. Kelangan daw sana yun ng surgery asap kaso nagmakaawa yung apo na wag muna dahil maghahanap pa sila ng pera pambayad. Sabi ni Joohyun itutuloy parin naman niya at gagawan niya ng paraan. Sobrang bait at considerate din naman kasi ng tangi mo. 

 

Kaya ka din siguro na-inspire na gawin to last year. Kahit di kalakihan, basta may maitulong lang.

 

Hehe.

 

"Lover girl.." Tawag na naman ng katabi mo.

 

"Ano na naman?"

 

"Naranasan mo nabang ma-high?" Wala sa wisyo niyang tanong habang nilalaro ang kamay niya. Nanlaki ang mata mo at agad tinulak palayo ang ulo niyang nasa balikat mo.

 

"Tangina neto. Manahimik ka nga." Wala namang ibang tao pero pucha anong high?!  "Ayoko pang mawalan ng trabaho tangina mo."

 

Hinimas lang niya ang ulo niya at hindi na sumabat pa.

 

"Ano bang trip mo ha?" Inis na sabi mo. 

 

Napasimangot ito bago sumandal ulit sayo. 

 

"Chong." Mahinang tawag niya sayo kaya nagtaka ka. "Sabog ata ako. Di ako makapag-isip nang maayos. Di ako makapaniwala."

 

"Ha? Saan?" 

 

"Feeling ko nananaginip lang ako."

 

"Bakit? Anong meron?"

 

"Kurutin mo nga ako."

 

"Ano nga kasi?" Naiinip mo nang sabi.

 

"Si Jennie." Umupo ito nang maayos at nagtagpo ang mga kilay mo sa itsura niya. Parang tanga. Problemadong nakayuko, parang kabado, pero may malawak na ngiti naman. Taena. Sabog nga ba talaga 'to?

 

"Anong meron sa jowa mo?"

 

"Sa condo siya natulog kagabi."

 

"Tapos? Hindi na makalakad?" Agad itong napatingala sayo at binatukan ka. "Aray!"

 

"Panira ka. Maganda na sana eh!"

 

"Ano nga kasi?!"

 

 

"TINANONG NIYA AKO."

 

 

Natahimik kayo pareho sa biglang pagsigaw niya. Nakatitig kalang sa hitsura niyang namumula na ngayon at hindi makatingin sayo. Ano daw? Tinanong siya? Ni mareng Jennie? Ng ano?

 

 

"Tinanong niya ako kung gusto ko nabang magsama kami."

 

 

Nanlaki ang mata mo at napatakip sa bibig.

 

Sila? Magsasama na?!

 

NAKNG.

 

"WATDA- Totoo?!" Gulat na tanong mo at nahihiya itong tumango sayo. "Sa iisang bahay?!"

 

"Ay hindi, dalawa dalawa." Binatukan ka ulit neto pero ikaw ngiting-ngiti parin sa narinig mo. "Magsasama nga diba? Edi syempre sa iisang bahay."

 

"Hala shet!" Sigaw mo din at inaalog-alog ang kaibigan. "Lakas mo naman! Congrats manok!"

 

"Ulol." Hinawi niya ang ulo mo.

 

"Anong sinagot mo?" Excited na tanong mo rin. Taena legit you're very happy for them! Kahit kakatwo-years lang nila nung December, MTB na talaga tong dalawang to kaya sobrang saya mo na seryoso na pala talaga sila sa relasyon nila.

 

Mga manok mo yan!

 

"Huy ano nga?" Tusok ma sa gilid niya dahil hindi ito sumasagot sayo. "Kelan? Saan? Anong plano niyo? Anong sinabi mo?"

 

"Wala." Singhap niya. "Wala akong sinabi."

 

 

Agad na bumagsak ang mukha mo.

 

 

"A-Ano?" Pagkaklaro mo. 

 

Napakamot ito sa batok. "Kaya ito nga ang problema ko eh."

 

"Nakng?" Niyakag mo ang kwelyo niya. "Humindi kaba?!"

 

"Pambihira ka naman." Inalis niya ang kamay mo. "Wala naman akong sinabi, gago."

 

"Eh ano nga? Anong wala?"

 

"Ano kasi..." Huminga muna siya nang malalim. "Uminom kami kagabi tapos yun, nalasing siya, at nung dinala ko siya sa kwarto tinanong na niya ako."

 

Ay pota. Napasandal ka ulit sa upuan at hinimas ang sentido.

 

"Bwisit. Sayang ang kilig ko kanina." Iling mo bago binalingan ulit ang problemadong kaibigan. "Oh anong pinagmumukmok mo diyan?"

 

"Di ko alam kung totohanan yung kanya."

 

"So totohanan na yung sayo?"

 

Napatingin ito sayo. Dahan-dahan itong tumango kaya napangisi ka. 

 

"Sure naman ako. Ready narin naman ako. Gago, matanda na kaya tayo."

 

"Edi anong problema ngayon?"

 

"Pangawalang beses nang nangyari to eh. Natanong nadin niya ako nung Birthday mo. At lasing na lasing din siya nun."

 

Nagulat ka naman. "Luh tagal na nun ah. Ba't di moko sinabihan?"

 

"Nah." Malungkot itong ngumiti. "Hindi naman niya binring-up ulit yun kaya naisip ko baka nang-aasar lang siya. Kagaya ngayon, kaninang umaga wala narin siyang sinabi sa tinanong niya kagabi. Baka nga-"

 

"Bobo kaba?" Sakmal mo sakanya. "Hindi naman niya mababanggit yun kung hindi niya rin naisip."

 

"Huh?"

 

Napairap ka. "Ikaw, tinanong mo ba ulit siya?"

 

"Hindi."

 

"Ah tangina." Napasandal ka nalang ulit sa upuan. 

 

"Baka nga kasi trip niya lang ako nun!" Pagdedepensa niya. "Eh pano pag tinanong ko tapos ayaw pa pala niya? Edi magmumukha akong tanga!"

 

"Mukha ka naman talagang tanga ngayon."

 

"Aba-"

 

"Tanungin mo." Seryosong sabi mo. "Ikaw na ang magtanong. Gusto mo naman diba?"

 

"Oo pero kailangan ko din ng thoughts niya."

 

"Kaya ka nga matatanong." Diin mo at napakamot sa kilay sa inis.

 

"Natatakot ako-"

 

Binatukan mo siya. "Ako'y naiinis sayo."

 

"Bakit kaba namamatok?!"

 

"Buong year kabang umabsent sa Philo? Hindi mo ba alam yung 'your thoughts determine what you say'?" Irap mo. "Edi ibig sabihin naisip nadin ni mareng Jennie yun. Baka natatakot lang rin dahil baka ayaw mo pa."

 

Hindi na ito nakapagsalita at napaisip nalang sa sinabi mo.

 

"Ah basta basta." Lumayo kana at binuksan ulit ang phone. "Tanungin mo ulit kung desidido ka talaga."

 

Napakamot nalang ito sa batok at hindi na sumagot. Sinilip mo siya at nakatungaga lang ito sa kisame. Muntik ka tuloyng matawa.

 

"Okay lang yan." Pag-aasure mo nang seryoso. "Wala namang naghahabol. Take your time."

 

Napatingin ito sayo at unti-unting napangiti.

 

"Gusto ko naman. Gustong gusto."

 

Nagpipigil kana ng ngiti.

 

"Hinihintay ko nalang naman siya."

 

Sus.

 

"Tama ka nga, I'll ask her." 

 

Napangiti ka narin at thinumbs-up siya. 

 

"So..." Napakamot ulit siya sa batok at humarap sa'yo. "Since ikaw naman ang experienced dito, wala kabang i-aadvice?"

 

 

═══

 

 

 

Dumiretso kaagad kayo ng uwi pagkatapos niyong maglunch-out kasama si Lisa at Krystal. Syempre, doon sa di matao, takot mo lang kay Joohyun. 

 

Nakisakay lang kayo ni Lisa kay Krystal dahil nga Tuesday ngayon, ban niyo, at nabobo ka kanina dahil may sasakyan naman sana pala ni Joohyun.


"Grizzle." Tawag sa'yo ng driver nang pinaandar na niya ulit ang sasakyan pagkababa ni Lisa. "Fan kaba ng Green Day?"

 

Nagtaka ka naman sa random na tanong niya. Tapos narealize mong nakatugtog pala kasi ang Wake Me Up When September Ends sa radyo niya ngayon. 

 

Green Day?

 

"Hm, siguro, pero di hardcore. Bakit?"

 

"Pero gusto mo yung songs nila?"

 

"Oo naman!" Tawa mo dahil may naalala ka. "Napakanta nga ako ng 21 Guns sa Feb Fair nung college eh. Bwisit na Lisa yun."

 

"21 Guns? Sa Feb Fair?!" Tawa niya rin. 

 

"Bakit pala?" 

 

"May concert sila dito sa March 14." Nilingon ka naman niya at ngumisi. "Punta tayo? Libre ko."

 

Nagulat ka naman kaya dinugtungan niya kaagad ito. "Kung okay lang rin sa jowa mo syempre."

 

Napalunok ka naman. If this was some other friend, umoo kana siguro. Libre nayan oh!

 

But it's Krystal. Monster si Joohyun pagdating sakanya.

 

Pero napangiti ka naman sa pahabol niya. Simula talaga nung nag-Baguio kayo, hindi na siya tumawid sa linya. Wala ng good morning texts na kinaiinisan ni Hyun, at though minsan nagiging touchy siya, napansin mong ganyan naman siya sa ilang teachers din, pati nga kay Lisa minsan.

 

Tapos pag nag-aaya nga 'to, laging nagtatanong kung hindi ba magagalit si Joohyun, and some other things like that.

 

At hindi niyo na binring-up ulit yung pinag-usapan niyo sa Mine's View.

 

 

"Ayaw mo?" Nabalik ka naman sa katinuan kaya nagulat ka.

 

"Luh wala pa nga akong sinasabi ah." Natawa naman siya sa pagdedepensa mo. "At bakit libre? Anong meron?"

 

"First bonus ko kaya to sa Wesley."

 

Ikaw naman ang natawa ngayon.

 

"Ay char, should I feel honored naba na malibrehan ng bonus mo, Ms. Jung?" 

 

"Sira." Tawa niya. "So ano na?"

 

"I'll try."

 

Napangiti naman siya. "Nice. Basta huwag kang magsisinungaling sa jowa mo ah. Sabihan mo ako yung kasama mo."

 

"Bakit?" Natatawang sabi mo.

 

"Tangina Seulgi, for sure inis na inis sakin yan nung nagkausap kami sa Uni noon." Napailing pa siya. "Bwisit... bakit ba kasi di niya sinabi na siya yung jowa."

 

Mas lalo kalang natawa at binunggo siya. Hindi narin kayo nagsalita pa at nakikisabay nalang sa kantang tumutugtog.

 

"Pero maiba." Lumingon muna siya saglit sayo. "I like your shirt."

 

Napatingin ka naman sa damit mo. Yung Balenciaga sweater kasi 'yung suot mo ngayon. 

 

"Ah. Thank you. Hindi ko nga alam kanino galing eh."

 

"Regalo?"

 

"Yup. Nung birthday ko." Natawa ka. "Ewan ko ba, di manlang naglagay ng pangalan."

 

"Talaga? Kahit sa bag?"

 

"Wala talaga. Pero uy, ambango ng paper bag in fairness." Tawa mo. "Tapos random lang, sabi pa ni Joohyun kaamoy ng katrabaho niya."

 

Wala lang, share mo lang diba?

 

Hahaha. Pero totoo, hindi lang niya nabanggit kung sino pero sabi niya, kaamoy daw nito yung isang Doktor sa ospital nila. Langya talaga, ibang klase talaga ang senses ng tangi mo.

 

Napansin mong hindi na siya nagsalita pa kaya nilingon mo. Nakakunot ang noo niya nang matagal bago bumaling ulit sa'yo at ngumiti na parang pilit.

 

"Sakin galing yan."

 

Nagulat ka naman.

 

"Black paper bag, right?" Dadag pa niya na mas lalong ikinagulat mo.

 

"A-Anong-"

 

"Sa'kin galing yan." Pag-uulit niya bago binalik ang tingin sa daan. "Hehe nasurpise kaba?"

 

Gulat ka paring nakatitig sakanya. Napaawang ang bibig mo habang tinatansya kung seryoso nga ba siya o hindi. Nakng, pangalawang beses mo na 'tong nasuot tapos ngayon kalang niya sinabihan na sakanya galing?!

 

"Scam kaba?!" Di makapaniwalang tanong mo. "Hoy Krystal Jung, iba kaya yung binigay mo!"

 

"Bakit?" Ngisi niya. "Pwede namang dalawa ah."

 

"Hoy seryoso kaba talaga?!"

 

Natawa lang siya bago binuksan ang compartment niya. May inabot siyang pabangong malapit nang maubos at binigay sayo.

 

"Ano 'to?"

 

"Amuyin mo."

 

Inamoy mo nga at pota, ito nga! Parehong pareho nga!

 

"Nakng, kaamoy nga!"

 

"Sabi ko sa'yo eh." Ngisi niya bago ito binalik. "I was just playing dumb kanina."

 

"Tangina ilang linggo ko nang pinag-isipan kung kanino galing to tapos sayo lang pala!"

 

Napailing nalang siya.

 

"Pabango mo 'to?"

 

Hindi naman kasi niya kaamoy.

 

"Hindi." Sabi mo na nga ba. "Pero andito pala 'yan kaya spinray ko sa bag bago binigay sa'yo."

 

"Tapos di mo talaga ako sinabihan noh?"

 

Natawa lang ito. "Kaya nga surprise ang tawag dun, Grizzle."

 

"Edi thank you kahit overdue na." Iling mong sabi at binunggo siya nang mahina. "Kota na'ko sa'yo ah."

 

"No problem." Ngumiti lang siya sayo at hindi na muling nagsalita pa.

 

 

Kung sana'y tinitigan mo lang siya nang matagal, makikita mo sana ang pagkunot ng kanyang noo buong byahe.

 

 

═══

 

 

Pagpasok mo ng bahay, tahimik ito. Napailing ka nalang bago umakyat sa kwarto niyo. At tama ka nga. Tulog na tulog pa ang tangi mo. Hahaha. Nag-breakfast kaya 'to? Madaling araw na'to nakauwi eh. For sure, hindi parin to kumakain ng lunch. Tsk tsk. 12 na kaya.

 

Nagpalit ka nalang muna bago siya guluhin. Baka maamoy niya na naman kasi yung sasakyan ni Krystal sa damit mo. May lahi pa naman aso yang ilong ng tangi mo.

 

Agad kang tumalon sa kama pagkatapos mong mag-ayos, ready na ready na para guluhin ang tulog na si Joohyun. Grabe, umalis kang tulog siya tapos pagdating mo tulog na tulog parin? Natawa ka nalang.

 

"Tangi!" Natatawa mong binababa ang kumot niya. "Gising!"

 

Nabigla ito at umugong bago ka tinulak palayo. Mas natawa ka at akmang hahawakan ulit siya pero mabilis niyang hinawi ang kamay mo.

 

"Isa Seulgi, sisipain kita diyan..."

 

Pero hinila mo parin ito pababa. "Emergency! Code blue, Doc Bae! Code Blue!"

 

"Isa..."

 

"Si Waffles nahulog sa pool!"

 

"Dalawa..."

 

"Nasusunog ang kitchen!"

 

"Argh!" Naiinis siyang umugong. "M

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
happy new year! /proof of life/

see u sa valentines for QT32!

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
#1
Chapter 3: Rereading :( Miss you Team Tangi 🥺 comfort characters ko talaga kayo
alexis_keithh
#2
Chapter 12: miss ko na team tangi 😭💔
DivisionOne_Seven
#3
Maghihintay.
wafflegi #4
I MISS YOU.
hi_sseulgae
#5
final na po di ko today??🤧
hi_sseulgae
#6
this year po ba na valentines??😔
xantheaverielle
#7
Chapter 44: I miss my magtangi 🥺
sevrf_ #8
Chapter 44: i miss you both🥹
kwinter
#9
happy new yearrr
xantheaverielle
#10
Chapter 44: Team Tangi pa rin sa 2024 🥺