South Korea

Quarantigang
Please Subscribe to read the full chapter

Hi everythings, namiss ko kayo. I'm back.  Kaya medyo long update para sa inyo. 

Balik narin tayo sa frequent updates hehe.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Chapter 13

 

 

 

 

 

SOUTH KOREA

+POOL PARTY WITH JOYRI

[FEBRUARY 21, 2020 - Friday]

 

 

 

 

 

 

 

 

Joohyun

 

 

 

“Alagaan mo ang sarili mo, please…” malungkot na sabi mo. “Malala ‘to, my, huwag ka munang lumabas-labas.”

 

Narinig mo ang mahinang tawa ng kabilang linya. Kausap mo kasi ngayon ang mommy. You’ve been checking her up since yesterday dahil sa biglaang pagdami ng cases sa South Korea kung saan siya nagtratrabaho. From 51, naging 104 kahapon, that much in a day, dahil lang sa isang carrier.

 

“Oo na, oo na. Kaya ko naman ang sarili ko. Kayo diyan, mag-iingat din kayo.”

 

You sighed for the umpteenth time. Sasagot ka na sana nang biglang bumukas ang pinto kaya napalingon ka muna doon. Si Jennie pala. “Akala ko nasa office ka?” agad na tanong niya bago napansin ang hawak mong telepono. “Si tita ba ‘yan?”

 

Tumango ka kaya agad siyang lumapit sa ‘yo. “Hi, tita!” kaway niya sa mommy mo. Nilandscape mo na ang phone mo para magkasya kayong dalawa.

 

“Ay, andito na ang pinakamaganda kong inaanak!” palakpak pa ng mommy mo kaya agad nagpabebe ang katabi mo.

 

“Nekebe tita, matagal ko nang alam ‘yan.” Napairap ka sa kahanginan ng bruha. Siya lang naman ang inaanak ng mommy mo. “Pero kumusta po kayo diyan? Kayo laman ng balita, ah. Saan ‘yun? Daegu?”

 

“Oo, sa Daegu. Pero malayo naman yun sa bahay ko kaya-”

 

“Kahit na!” maktol mo. Ayan na naman siya eh! “Dapat pa rin kayong mag-ingat!”

 

“Hay nako, batukan mo nga ‘yang anak ko, Jennie. Praning na praning eh.” Natawa lang si Jennie kaya mas lalo kang napabusangot.

 

“Eh kasi-”

 

“Huwag kang mag-alala, okay?” she reassuringly smiled. “Sa bahay lang naman ako ngayon..”

 

Kahit papano ay napahinga ka na nang maluwag. Kanina kasi panay pa-superhero pa, kesyo magiging okay lang daw, kaya naman niyang alagaan ang sarili niya, na hindi raw ito big deal, at kung anu-ano pa. Nakakainis dahil alam mong pinapagaan niya lang ang loob mo.

 

“Nasan si Seulgi? Miss ko na ang batang ‘yun.”

 

“Ba’t naman mapapadpad dito ‘yun?”

 

“Alam ko… hinahanap ko lang eh.”

 

Pabiro ka tuloy na pairap. “Oo, miss ka na rin ng BFF mo.”

 

“Talaga? Kilig naman ako.” Mabilis kang napatingin ulit sa mommy mo. “O, ano? Bawal ba akong kiligin? Crush ko din ‘yun, kala mo ikaw lang...”

 

Natawa si Jennie nang malakas habang ikaw, nakatitig pa rin sa kanya. “HAHAHAHA TITA!”

 

“Ano… ‘yun?”

 

“HAHAHAHAHAHA!”

 

“Nagseselos ka sa mama mo, nak?”

 

“HAHAHAHA! TITA, SELOSA ‘YAN! ‘WAG KA!”

 

“Alam ko… Nagtampo nga ‘yan nung nag-shopping kami ni Seulgi last Christmas tapos ‘di namin siya sinama-”

 

“Mommy naman!”

 

“HAHAHAHAHHAHA!”

 

“Ay hehehehe, biro lang. Love you nak, miss ko na kayo diyan.”

 

“Miss daw tapos…” bulong mo sa sarili na mas lalong ikinatawa ni Jennie. Sinamaan mo rin siya ng tingin. Gustong-gusto niya talagang pinagkakaisahan ka, ‘no?

 

Sakto namang tumunog na ang toaster kaya inirapan mo ang gaga bago iniwan muna silang dalawa.You could still hear them talking about COVID. Ang lala at ang bilis kasi talaga ng transmission. Naaaning ka talaga tuwing naiisip mo.

 

Agad na bumaling si Jennie sa ‘yo nang bumalik ka na. “Diba pupunta kayong SoKor this summer?”

 

“Hala, oo nga. ‘Yan dapat ang sasabihin ko.” Napailing ang mommy mo. “Mukhang kailangan niyo munang i-postpone ‘yang plano niyo, nak. Ewan ko sa inyo basta ako, ayoko munang pumunta kayo dito lalo’t mukhang lalala pa ‘to.”

 

Napasimangot ka. “Kung aabot ‘to hanggang April, mukhang magiging ganyan nga.”

 

“Nako… excited pa naman yung isa…”

 

“Oo nga…” tawa mo habang inaalala kung gaano talaga ka-excited si Seul na pumunta doon. “Pero hindi talaga ako papayag kung alam kong unsafe pa.”

 

“Nako, tita, kahit ‘di mo pa sabihin, alam kong ayaw nang pumunta ni Joohyun diyan. Eh hindi nga niya pinayagan si Seul-mmph”

 

“Okay na, okay na. Alam na ni Mommy ‘yan.”

 

Natawa si Jennie kaya tinanggal mo na ang kamay mo sa bibig niya at pinandilatan siya.

 

“‘Yung sa Baguio? Hahaha selosa kasi ‘yan, ewan ko ba kung saan nagmana.”

 

Umalingawngaw na naman ang tawa ng katabi mo, pati na rin ang mommy mong nasa kabilang linya. “Kaya paborito kita tita eh!” Nagkakasundo talaga sila pagdating sa ganito eh. Tch. Kinurot mo na kaya napadaing siya. “Aray, aray! Tita, bye na po!”

 

Umalis na siya at humiga sa couch habang tawang-tawa pa rin. Saglit mo pang sinamaan ng tingin si Jennie bago lumipat sa swivel chair.

 

“O sya sya, may gagawin pa ako. Basta nak ha, update mo ‘ko sa plano niyo.”

 

Tumango ka. “Mamaya po, kakausapin ko si Seul.”

 

Natawa ang mommy mo. “Panigurado malulungkot ‘yun. Panay chat sa ‘kin ang batang ‘yun simula nung binook niyo flight niyo. Nagsesend pa ng mga locations tapos sabi, puntahan daw natin lahat ‘yon.”


Ikaw naman ang natawa ngayon, pati si Jennie na nakikinig pa pala. “Talaga?”

 

“Cute talaga ng batang ‘yan,” tawa niya. “Sige na, nak. I have to go na.”

 

After another fit of reminders and goodbyes, she finally had to end the call. You heaved out a deep sigh bago sinamahan ang nagphophone na si Jennie sa couch.

 

“Nag-aalala ako kay mommy. Tapos mag-isa lang siya.”

 

“Huy, ano ka ba,” bunggo niya sa ‘yo. “Andun naman mga relatives mo tsaka sabi nga ni tita, kaya niyang alagaan ang sarili niya, okay? Hello? Nurse kaya ang mommy mo.”

 

“Oo nga naman pero-” Napailing ka na lang at napasinghap muli. “Buti na lang talaga ‘di pa siya fit to work after nung aksidente nila last month.”

 

“Hindi pa pala nakakabalik sa trabaho si tita?” Tumango ka. “So…nasa bahay siya ngayon?”

 

“Buti nga eh. Atleast mababawasan ang pag-aalala ko sa kanya.”

 

“Ayun naman pala. Pero… fully recovered na ba si tita?”

 

Tumango ka ulit. “Yeah, she is, but inadvise sa kanya na mga one month pa to rest. Baka sa March daw pwede na siyang makabalik. Sana lang ‘di na lumalala.”

 

“Ah… mabuti naman.”

 

“Tsaka bilib din naman ako sa gobyerno nila,” puna mo, “Aaksyunan nila agad ‘yun, panigurado. Eh ‘yung atin kaya?”

 

That’s South Korea we’re talking about. There was almost an immediate response from their government. Though halos magkasabay lang nagkaroon ng first cases and PH at South Korea, you’ve read somewhere na they already set up a testing regime, drive-through.

 

Wow. Kailan pa kaya ‘yan dito?

 

“True. Sana relate tayo,” kutya rin ni Jennie.

 

Mapapailing ka na lang talaga.

 

Bigla siyang natawa na parang may naalala kaya napatingin ka sa kanya.

 

“Pero nago-goodvibes talaga ako kay Tita!”

 

Inikutan mo siya ng mata. “Tumigil ka nga.”

 

“Seryoso, lakas makapa-teenager ng mommy mo. ‘Pag nagtatabi nga kayo, feeling ko magkapatid lang kayo! O di kaya twins dahil magkmamukha talaga kayo!”

 

Pinalo mo siya. “Sinasabi mo bang mukha na ‘kong gurang?”

 

“Uy, wala akong sinabi!” depensa niya pero tawang-tawa naman, “Si Tita Taeyeon kamo ang mukhang bata.”

 

“Ugh…” irap mo nang may maalala ka rin. “Naalala ko tuloy na sinabi ni Seul na pag iniwan ko siya, dun nalang daw siya kay mommy. Bwisit talaga.”

 

“Hahahaha!” Pinapalo-palo pa niya ang armrest sa kakatawa. “‘Yan din ang sinabi ni tita sa ‘kin!”

 

Pati ikaw ay natawa na lang din. Ewan mo ba sa dalawang ‘yun. Minsan nga talaga, feeling mo, kulang na lang iuwi ng mama mo si Seulgi pabalik sa Korea. Kung panggigiglan ang tangi mo, parang siya ‘yung totoong anak eh.

 

But you love it naman knowing na super magkasundo si Seul at ang mommy mo. Gaya nga nang sabi niya, the key to your heart daw is through your mommy.

 

Hahahaha.

 

Hindi ba stomach ‘yun?

 

Pero sige, gusto mo naman ang perspective in life niya.

 

Ideal.

 

 

 

 

“Pero huy, maiba, anong ganap dun kay ateng?” Nagtaka kang tumingala sa kanya. Ateng? Anong pinagsasabi neto?

 

“Sino?”

 

“Duh, si Ms. Jung.”

 

“Ah…” Ngumiti ka. “Wala naman ah.”

 

“Hala, hala, ba’t nakangiti ka na?” Nang-aasar niyang tinusok ang pisngi mo. “Wala nang good morning sa attendance mo?” you giggled kaya mas nagulat siya. “Teka, kelan pa?!”

 

Ngumisi ka. “After Baguio.”

 

“Landi! Kaya pala di mo na nababanggit.”

 

Ngumiti ka lang at hindi na nagsalita pa. Ayaw mo rin namang pag-usapan pa ang babaeng ‘yon. Baka mamaya magparamdam ulit ang espiritu niya kakabanggit niyo.

 

But it’s true.

 

Buti naman at nakaramdam na rin ang Krystal na ‘yon.

 

Natahimik na rin kayo pareho at ibinaling na lang ang atensyon sa sariling phone. Kanina mo pa tinetext ang tangi mo pero hindi siya nagrereply. Eh diba sabi niya half-day sila ngayon?

 

“Half-day ba si Lisa?” tanong mo.

 

“Oo, katext ko ngayon, pauwi na raw siya. Sabay naman daw silang lumabas ng Uni, sila ni Seulgi.”

 

Huh? Eh bakit hindi nagrereply ang mokong na ‘to? Napataas ang kilay mo at nilubayan na lang ang message niyo.

 

‘Di nagtagal, habang nagscroscroll ka sa IG, biglang iniluwa ng screen mo ang mukha ni Seulgi. Napairap ka muna bago nagsuot ng earphones tsaka sinagot ito.

 

“Tangi!” masayang bungad niya. “May itatanong ako sa ‘yo!”

 

Kahit nagtataka ka sa pabungad niya ay pinutol mo pa rin siya.

 

“Ako rin.” Kunwari mataray na sagot mo. “Ba’t di mo ‘ko nirereplyan eh kanina ka pa nakauwi?”

 

“Secret,” rinig mong agik-ik niya.

 

“Aba-”

 

“Joke lang, tangi. Wala ako sa bahay.” Narinig mo ang pagpalatak niya. “Hinoldap ako ng magaling mong pinsan.”

 

“Huh?”

 

“Ah basta!” inis na sabi niya at rinig mo na ang bangayan ng dalawa sa kabilang linya. Napaupo ka at bahagyang natawa. Magkasama ba sila ni Yeri? Tumingin pa si Jennie sa ‘yo at tinuro ang phone mo, kung si Seulgi ba ito, kaya tumango ka.

 

“Bakit mo kasi pinansin ‘yan? At ano bang itatanong mo?”

 

“Ah, oo nga. Ano nga ulit ‘yung brand ng fabcon mo?”

 

Nagkasalubong ang kilay mo. “Ano?”

 

“Yung fabcon mo kako, bibili ako.”

 

At dito ka na natawa nang tuluyan. “Anong- teka, nasa grocery ka ba?”

 

“Oo. Para di ka na mapagod bukas. Tsaka may papakainin din kasi akong baboy dito- aray!”

 

Biglang lumikot ang linya. “Ate Joohyun! Kausap niya ‘yung teacher sa Senior-” At mas lalong naging maingay kaya tinanggal mo na ang isang earphone. Ang gulo nang dalawang ‘to.

 

“Tangi,” hinihingal na tawag niya. “Nasa mga sabon na ‘ko, video call kita tapos ituro mo.”

 

“Ano ‘yung sinabi ni Yeri?” curious mong tanong at binaliwala ang sinabi niya.

 

“Luh, huwag mong pansinin ‘yun,” at may ibinulong pa itong, “Timang ‘yang pinsan mo.”

 

At narinig mo na naman ang walang humpay na bangayan nila. Napailing ka na, iniimagine kung anong kaguluhan ang nangyayari sa kabilang linya ngayon.

 

Hindi nagtagal ay nag-request nga siya ng video call.

 

You instantly smiled when her face popped out on your screen. Kumaway siya sa ‘yo at biglang sumulpot si Yeri mula sa likod niya na kinawayan ka rin.

 

“Yeri… ba’t mo naman hinoldap ‘yang Prof mo?” natatawang tanong mo, pati si Jennie nakitawa na rin dahil naka-loud speaker ka na ngayon sa sobrang ingay ng dalawa. “‘Pag kayo nakita diyan, mapagkakamalan kayong mag-jowa.”

 

“Yuck!” sabay na sagot ng dalawa kaya mas natawa ka.

 

“Bakit ba kasi kayo andiyan?” Pinanood mo lang maglalakad-lakad si Seulgi. “Sana hinintay mo na lang ako para masamahan kita.”

 

“Wag na… Para sa bahay lang tayo bukas.” Tinignan ka niya at sinamaan ng tingin. “Tsaka ayoko, ‘di mo ‘ko pinapayagang bumili ng Pringles.”

 

You giggled. “Anong hindi? Bumibili naman tayo ah.”

 

“Isa lang!” maktol niya. “Anuyon? Isa lang sa isang linggo?”

 

“Oo,” tawa mo. “Junk food ‘yan. Masama sa ‘yo.”

 

Inirapan ka lang niya. “Oh, alin dito?”

 

Tinapat niya ang camera sa mga nakahilerang fabcon sa rack. Alam niya naman kung anong itsura kaso marami lang talagang kamukha ‘tong favorite mong fabcon kaya alam mo kung bakit hindi talaga niya ito naaalala.

 

“That one!” Hininto niya ang phone. “‘Yang purple. ‘Pag may nabasa kang Eternity sa tabi ng brand name, ‘yan na.”

 

“Meron nga,” tango niya at nilagay na ito sa push cart. “Ilang bote gusto mo? Bente?”

 

Natawa si Jennie na tahimik na nakikinig sa inyo. “Letse ka Seulgi!” sigaw niya na narinig din ng nasa kabilang linya.

 

“Hi, mareng Jennie,” natatawang bati niya rin bago bumaling ulit sa ‘yo. “Oy tangi, ano na?”

 

“Ewan ko sa ‘yo,” irap mo.

 

“Joke lang, baby...” pagpapacute niya. Lumikot ulit ang camera habang inaabot niya sa rack ang mga ito at nilagay sa pushcart niya. At kung ilan kaya ‘yon? Hindi mo alam. Nakangiti ka lang habang pinapanood siya.

 

“Masusurprise ka ‘pag nakita mo ilang bote binili ko.”

 

“Hoy-”

 

“Next stop!” pagpuputol niya sa ‘yo habang tumatawa. “Teka, yung pinsan mo nawawala.”

 

Naglakad ulit siya para hanapin si Yeri. Natatawa ka pa dahil feeling mo ang dami na niyang binili dahil nahihirapan na siyang itulak ang cart. Ano kayang pinagbibili neto?

 

“Seulgi,” tawag mo.

 

“Mhm?”

 

“May bibilhin ka pa?”

 

“Yup! Titignan ko kung anong pwedeng iuwi sa bahay.”

 

Natawa ka. “Pati para sa kusina?”

 

Napansin mo kasing nasa aisle na siya ng mga panluto. Pinipigalan mo lang talagang ‘wag matawa dahil kung anu-ano ang nilalagay niya sa cart! Oyster sauce, cake mix, leche flan mix, knorr cubes… alam niya kaya anong kinukuha niya?

 

Hinayaan mo pa rin. Pera niya naman ‘yan at magagamit mo din naman siguro lahat ‘yan sa kusina. Hahahaha.

 

“Bibilhan rin kita ng sampung bote ng Silver Swan,” biglang sabi niya.

 

Natawa ulit si Jennie habang ikaw, napailing na lang bago tumayo at pumunta sa table. Hiniram mo ang sticky note at ballpen ni Baek. Hay nako…

 

Rinig na rinig mo pa rin hanggang dito ang pagbabangayan ng dalawa.

 

“Hoy Yeri san ka galing- bakit ang daming ice cream?!”

“Seulgi may ka block ako tago ka dali!”

“Ba’t ako ang magtatago?!”

 

Napailing ka ulit habang nakikinig sa dalawa, si Jennie natatawa rin dahil sobrang savage rin talaga netong si Yeri.

 

“Tangi?” tawag niya sa ‘yo. You just hummed, busy sa pag-iisip kung ano nga bang kulang sa bahay. “I’ll hang up na. Anong ginagawa mo?”

 

“Sinusulat ang mga bibilhin mo, malamang. Hindi ka nga nagluluto, pa’no mo malalaman ang bibilhin mo?”

 

Natawa siya. “Smart talaga ng tangi ko.”

 

“Sige na.” Sinara mo na ang ballpen. “Isesend ko na lang sa ‘yo.”

 

“Okay!”

 

“Bye na, tangi. Go home straight, okay?”

 

“Noted, boss,” nag-flying kiss pa ito sa ‘yo. “I love you!”

 

Hindi ka na rin niya pinasagot dahil agad niya itong pinatay. You silently giggled bago pinicturan ang sticky note at sinend sa kanya. Bakit ba kasi niya naisipang mag-grocery nang wala ka? Ayan tuloy.

 

Normally, hindi talaga ‘yan nag-susuper market mag-isa. At alam naman niyang mas maganda kung kasama ka dahil hindi maalam ‘yun sa bahay. Hindi nga ‘yun nagluluto kaya hindi niya alam kung anong kulang sa kusina.

 

But still, gaya ngayong nag-iinsist siya, hinahayaan mo pa rin dahil cute din namang isipin.

 

“Cute niyo…” Mukhang pareho pa kayo ng naiisip ni Jennie. “Para kayong mag-asawa.”

 

“Asawa ka diyan.”

 

“Siya talaga na-grogrocery?”

 

“Kaming dalawa sana, mostly on weekends. Ewan ko nga bakit naisipan niyang pumunta ngayon, eh, Saturday naman sana bukas.”

 

“That’s so cute,” panunukso pa niya. “Kinikilig ako habang nakikinig sa inyo kanina. Para talaga kayong mag-asawa.”

 

You rolled your eyes in jest, though a grin was breaking out from your lips.

 

“Speaking of... question lang, how do pay off your bills ba?” she asked out of the blue. “If you don’t mind, of course.”

 

“Gathering ideas na ba?” tukso mo kaya napaiwas siya.

 

“Diyan ka na nga! Nagtatanong lang eh.”

 

You laughed. “Joint account, Jens. Diyan kami kumukuha to pay our bills and stuff.”

 

“Talaga? Pareho kayong nagdedeposit doon?”

 

“Syempre...” tawa mo. “A portion of our sweldo.”

 

“I see. Oo nga ‘no?”

 

“Pero when it comes sa ano, mga grocery ganyan, minsan nagiging own expense na. Nag-uunahan na lang kami kung sinong magbabayad sa counter.” Natawa ka pa sa mga naalala. “And I seriously don’t mind. Siya rin naman. We talked about it too. Nako Jens, matatawa ka na lang dahil paggising mo punong-puno na ang ref niyo ng pagkain.”

 

“Sana all! Iba talaga kapag financially secured na.”

 

“Sira,” hawi mo ng kamay niya. “We went through a rough time din naman, in terms of finances ha, nung kakasimula pa lang namin.”

 

“Ah... ‘yung sa bahay?”

 

Tumango ka. “Yeah, and during that time, binabayaran pa niya sasakyan niya.”

 

Kaya pareho talaga kayong naging keen ni Seulgi pagdating dito. Na-aamaze ka na lang at how she keeps everything upright para sa inyong dalawa with all the budgetting and other finances.

 

“Eh bakit naman kasi diniretso niyo sa malaking bahay kahit dalawa lang naman kayo?” pagtataka niya. Napaupo tuloy siya. “Hala, oo nga ‘no? Ba’t di kayo nag-condo— teka, diba may condo ka naman? Ba’t di kayo do’n nagsimula? O apartment muna, ganon? Ang mahal mahal kaya ng mga bahay diyan sa subdivision niyo! Ganon ba kayo kayaman?”

 

“Gaga,” tawa mo sa sunod-sunod na tanong niya. “Secret na namin ‘yun.”

 

Napairap siya sa ‘yo. “Panget mong mag-advice.”

 

Mas natawa ka. “‘Yan, umamin na rin.”

 

“Aba syempre, ikaw teacher ko eh.”

 

You grinned at her. “Guess...”

 

“Joohyun naman!”

 

“Hahahaha.”

 

“Ano nga?! Investment? O trip niyo lang talaga?”

 

Tinigilan mo na rin ang pag-aasar. “I’m not gonna explain it further pero it has something to do with...” Inikot-ikot mo ang daliri mo. “...future.”

 

Saglit siyang natigilan, staring at you blankly for a while. Hindi nagtagal ay tumili siya nang malakas at talagang pinapalo-palo pa ang couch.

 

Ang exaggerated talaga ng bruhang ‘to.

 

“Kyaaaaaaa!” Inaalog ka pa niya. “Gets ko! Gets ko na! Gaga, kinikilig ako!”

 

Natawa ka pa rin sa reaksyon niya. “OA mo.” Pero nararamdaman mo ang pag-init ng pisngi mo at the same thought.

 

“Hoy, totoo ka ba?!”

 

“Oo nga, kulit.”

 

“Ang cute niyo! Argh, nakakabwisit!”

 

Tumawa ka at hinayaan na siya sa dinaramdam niya. But it’s true... Noong pinlano niyo kasi ni Seulgi lahat, naisip niyo na it’s better this way, na your first home will be your last home, and this will be the home that will watch you grow.

 

…the same home kung saan niyo itatayo ang future niyo.

 

Oo na, kayo na ang senti.

 

Kumalma na rin ang kaibigan mo. Ngayon ay nakangiti na siya habang nakatitig sa ‘yo kaya pabiro mo siyang siniko. “Anong tingin ba ‘yan...”

 

“I’m happy for you, Hyun,” pumikit-pikit pa siya. “Like, suuuuper happy.”

 

Her eyes… they really look so happy…

 

“I know,” you smiled. “I’m happy, too. Suuuuper happy.”

 

“Totohanan na pala talaga ‘to? Wala nang tibagan?”

 

Natawa ka. “Of course.”

 

Napatili na naman siya. “Kayo na talaga!”

 

“Nah, swerte ko lang dahil isang kagaya niya ang kinakasama ko ‘no.” Natawa kayo pareho. “I mean she’s mushy and playful pero when it comes to our relationship, she’s... mature and decisive? Yeah, that’s the right term. Alam niya pa’no i-work out ‘tong whole... staying together thing that we have...”

 

Nangingiti ka pa sa explanation mo dahil totoo talaga. Ang swerte mo lang na kahit may pagka-kalog ‘tong girlfriend mo, hindi ka naman binibigyan ng sakit sa ulo. Alam niya paano ilugar ang sarili niya, and maybe, that’s one thing you love most about her.

 

“So ready ka na pala?”

 

“Anong ready?” takang tanong mo.

 

“Having little Joohyun and Seulgi-”

 

“HOY!”

 

“Ano? Diba-”

 

“‘Wag!” pagbabanta mo. “Ayoko pag-usapan ‘yan!”

 

“Hoy, you were hinting it!”

 

“I know!” mamumula mo nang sabi. “Pero masyado pang maaga-”

 

“Anong maaga? Malapit ka nang mag 40-”

 

“Excuse me?!”

 

“Hehehehehe,” dali-dali siyang naglakad papunta sa pinto. “Alis na ‘ko, bye!”

 

“Jennie Kim!”

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

“Last na po ‘yun, Doc,” baling sa ‘yo ni Nurse Mijoo nang makaalis ang pasyente mo. “Nagpa-resched po kasi ‘yung isa dahil may lakad.”

 

“Si Mr. Choi?”

 

“Opo. Yung nag-undergo ng surgery sa ‘yo two weeks ago.”

 

“Ah… gano’n ba? Paki-contact na lang sa kanya, please.” Napasandal ka sa upuan mo at nag-unat. “Tsk. Urgent dapat ‘yung follow-up check up niya eh.”

 

“Noted, Doc.”

 

“Sige, thank you, Mijoo. You can go ahead na.”

 

Nagpaalam na siya sa ‘yo at lumabas na. Pinatay mo na ang desktop mo at inabot ang cellphone mong kanina pa vibrate nang vibrate. You opened it, at natawa ka kaagad sa bumungad sa ‘yo.

 

Si Yeri at Joy pala, pinagtatawanan ang tangi mong nagluluto.

 

“Ah, seriously...” natatawang sabi mo.

 

Pinanood mo ang video na sinend ni Yeri. Inaasar nila si Seulgi na seryosong-seryoso sana sa paghihiwa. May isa pa, at dito ka mas lalong natawa. Bigla kasing tumalsik ‘yung mantika nung nilalagay ni Seul ang karne kaya ang comic ng mukha niya. Hahahaha! Inaaway pa siya ng pinsan niya!

 

You shook your head, amused, bago tumayo na at sinukbit ang tote bag mo. Alas tres na pala, pwede ka nang umuwi dahil nag all-nighter ka naman kagabi.

 

Hindi mo pa nakikita ang tangi mo.

 

…which explains bakit uwing-uwi ka na ngayon.

 

Dinial mo ang number ni Yeri habang naglalakad ka.

 

“Hoy, ate,” bungad ng pinsan mo.

 

“Hoy ka diyan. Ano na? Ba’t ang aga niyo nagluto?”

 

“Mag-swiswiming tayo! Pauwi ka na ba?”

 

Swimming? Nagpaalam ba sila kina Tita?

 

“Oo. Pakausap nga kay Seul. Ba’t ‘di siya sumasagot?”

 

“Yoko. Pinapatulog pa niya si Mark.”

 

“Si Mark? Ba’t andyan kapatid mo?”

 

“Busy si Mommy kaya sinundo namin ni Seulgi.”

 

“Ate Seulgi. Ate. Prof mo ‘yan.”

 

“Psh,” mataray ring ismid niya.

 

“Sige na nga. Mag-tataxi na lang ako.”

 

“Hahahaha-”

 

Binaba mo na. Walang hiya talaga. Ban mo kasi ngayon kaya magpapasundo ka sana kaso wag na lang dahil naisip mong walang maiiwan sa tatlo pag umalis si Seulgi.

 

Pagdaan mo sa nurses station ay binati ang mga nurses na andon.

 

“Wow, aga natin ngayon Doc ah!” pang-aasar ni Nurse Jihyo sa ‘yo. Agad naman siyang binunggo ni Nurse Mijoo.

 

“Sira. Kagabi pa ‘yan andito si Doc.”

 

“Ah, hehe, gano’n ba, sorry…” Tumawa ka lang at pinindot ang sanitizer na nasa desk nila. “Doc Bae, hindi ka pala sasama sa kanila?”

 

“Huh? Saan?” takang tanong mo.

 

“May pakain daw po si Doc Wendy eh.”

 

“Pakain? Bakit-”

 

“Halaaaa si Doc!” mapanlinlang na turo ni nurse Jihyo sa ‘yo. “Chief Resident mo po tapos ‘di mo alam?”

 

Naguguluhan ka na. “Anong meron?”

 

“Birthday po niya ngayon.”

 

Natigilan ka.

 

Birthday…?

 

“T-Totoo?”

 

“Opo,” tawa ni Mijoo. “Nako, okay lang ‘yan, Doc, busy niyo kanina eh.”

 

Birthday ni Wendy? Bakit ‘di ka niya sinabihan? Then it hit you. Kaya pala parang may narinig kang kumakanta ng Happy Birthday kanina nang napadaan ka sa office nila.

 

Napanguso ka na lang bago sinukbit ulit ang bag mo. Nakakaguilty naman. Magkasama pa kayong nag night shift, sinama mo pa siya sa isang elective kanina, at nagkita pa talaga kayo sa caf tapos ‘di mo man lang siya nabati.

 

“Gano’n ba?” you frowned. “Sobrang busy nga kanina.”

 

“Nagpunta po si Doc Son dito kanina at tinanong kung andito ka pa pero-”

 

“Doc Bae!”

 

Sabay kayong tatlong napalingon sa sumigaw. Nagulat ka nang makitang si Doc Wendy pala ito, hinihingal, habang nakatukod ang kamay sa tuhod.

 

“Wendy?” Nagpaalam ka na sa mga nurse at dali-daling naglakad papunta sa doktor. “Anong- teka, bakit ka hingal na hingal?”

 

Hindi pa rin siya makapasalita.

 

Hinawakan mo ang balikat niya. “Huy, ayos ka lang?”

 

Ngumiti siya saglit bago itinaas ang kamay. “Wait lang, Doc. I’ll catch my breath muna.” Natawa ka na at pinanood ang Chief Resident mong mukhang galing sa marathon.

 

“Happy Birthday pala,” nahihiya mong bati. “Sorry, I didn’t know.”

 

Tumayo na siya nang maayos. “Okay lang. Thank you rin. Pauwi ka na ba?”

 

“Oo eh.”

 

Napakamot siya sa batok. “Gano’n ba?”

 

“How about you?”

 

“About that...” napaayos pa siya ng lalamunan niya. “Napilit kasi ako nila Jisoo na magpakain kaya… I want to invite you din sana.”

 

Damn.

 

Sabi mo na nga ba.

 

Napalunok ka. You promised Seul na uuwi ka nang maaga ngayon. Yeri’s been pestering you pa na magmadali. Idagdag mo pang hindi kayo nagkita ng tangi mo buong araw. And you’re dead tired.

 

Certainly not a good idea…

 

“Uhm-”

 

“You rejected me din noon,” she looked at you with eager eyes, “Sana naman ‘di na ngayon.”

 

Great… she’s right, and now, you’re honestly feeling bad. Hindi mo nga alam na birthday pala niya ngayon tapos hihindi ka pa sa invitation niya… and to think na first birthday niya dito sa hospital...

 

Hays…

 

An hour won’t hurt naman siguro, diba? Tinignan mo ulit siya and she’s really anticipating. Mas lalo ka tuloy naguiguilty.

 

You finally smiled, “Sure.”

 

Lumiwanag ang mukha niya at may malawak kaagad na ngiti sa kanyang mga labi. “Talaga?”

 

“Oo naman,” tawa mo. “There’s no such thing as free lunch na nga, diba? Kaya dapat ko nang sulitin ‘tong pakain ng Chief Resident namin ‘no.”

 

Natawa na siya, at hindi mo maiwasang magtaka kung bakit parang may gustong ipahiwatig ang pagliwanag ng kanyang mga mata.

 

 

 

 

 

═══

 

 

 

 

 

 

Sabay kayong nagtaxi ni Jisoo papunta sa sinabing resto ni Wendy. Hindi na kayo sumama sa kanya dahil may iilan ding nakisabay.

 

“Wow,” you heard Jisoo whisper beside you nang nasa harap na kayo ng gusali. “Mahal dito ah.”

 

Wasting no more time, pumasok na rin kayo. Agad kayong pinaupo at pinatabi ka pa talaga sa birthday girl. Mga residents din pala ang andito. Kilala mo rin naman silang lahat kaya walang problema sa ‘yo.

 

“Minsan nagsisisi ako kung bakit ‘di ako nag Neuro eh,” biglang sabi ni Taemin na isang resident ni Baekhyun sa General Surgery. “Edi sana, na-under ako kay Doc Bae.”

 

Natawa ka. “‘Pag ikaw narinig ni Baek, magagalit ‘yun.”

 

“Ay joke lang, Doc. Nakasalalay performance rating ko dun.” Natawa rin tuloy ang mga kasama niyo. “Pero totoo nga, basta na-uunder sa ‘yo, nagiging favorite ka eh. Una si Suho, tapos ngayon, diba, Wends?”

 

“H-Huy, wag ka nga...” At nagtawanan silang lahat habang ikaw, takang pinanood sila. Tinignan mo si Jisoo pero tinaasan ka lang niya ng kilay kaya napabaling ka kay Wendy na nahihiyang nakatingin din sa ‘yo.

 

Tinaasan mo siya ng kilay habang nakangisi.

 

Umiwas siya ng tingin.

 

“Favorite pala ah…” panunukso mo kaya natawa ulit ang mga kasama niya.

 

At ganoon nagpatuloy ang celebration ng birthday ni Wendy. Inuman, kainan, asaran, bulgaran, hanggang bumagsak na ang dalawa niyong kasama. Si Taemin at ang napakagaling mong kaibigan na si Jisoo.

 

“Ang daya!” reklamo ng kasama nilang si Sunmi. “Palibhasa, walang pasok ‘tong dalawa ‘to bukas!”

 

You glanced at your watch. Mag-aalas kwatro na pala kaya you fished out your phone. Malas pang pa-lowbat na ito kaya tinitipid mo na ang battery.

 

Tinignan mo ang mga sinend na pictures sa ‘yo ni Yeri. Mukhang ready na ready na silang maligo. Nakakalungkot naman dahil hihintayin ka pa rin daw nila.

 

Sunod mong binuksan ang text ng tangi mo. Aweee. Pinicturan niya ang luto niyang... ano ‘to? Hahaha. Hindi mo rin alam. Sabi niya nagugutom na siya pero hihintayin ka niya.

 

You frowned.

 

Nasa kalagitnaan ka na ng pagrereply nang biglang namatay ang phone mo.

 

“,” you lowly whispered.

 

“Okay ka lang?”

 

“Oo, haha,” Binulsa mo na lang ito. “Lowbat.”

 

“May powerbank ako, gusto mo?”

 

Umiling ka na lang. Pinagpatuloy niyo na rin ang kainan. Tamang patawa lang ang lasing na si Taemin hanggang sa nakita mo ang kaibigan mong bagsak na bagsak na talaga. Langya talaga ‘tong si Jisoo. Wala pa naman kayong sasakyan ngayon.

 

You’ve noticed how Wendy is so hands on sa ‘yo. Kanina pa siya panay tanong kung may kailangan ka or what. Nakakahiya tuloy. Tama nga si Jennie, she’s different kapag ikaw ang kaharap niya. Bakit naman? You tried to brush those thoughts away.

 

Tinignan mo ang orasan mo. It’s almost five. Ang sana’y plano mong isang oras lang ay nauwi na sa dalawang oras. Tinignan mo ang mga kasama mo. Mukhang kuntento na rin naman sila kaya bumaling ka na kay Wendy.

 

“Iuuwi ko na si Jisoo,” ang sabi mo bago natawa. “She gets super handy kapag lasing. Ayaw pa naman ng Mom niya kapang umuuwi siyang ganyan.”

 

“Ganun ba?” Saglit itong tumingin sa mga kasama. “Ban mo diba, Doc? Hatid ko na kayo, mukhang ayaw pa nila umuwi eh.”

 

Napatingin ka sa kanila. Nagkamali ka pala, umorder pa pala si Taemin ng third wave of food. Ugh. Magmumukha ka talagang KJ pag umuna kayo dahil kating-kati ka nang umuwi.

 

“No, okay lang. May taxi naman. We’ll be fine.”

 

Kahit nagpupumilit siya, tinanggihan mo pa rin. Birthday celebration niya kaya tapos iiwan niya mga bisita niya? Nakakahiya. Wag na.

 

Nagpaalam ka na sa mga kasama mo. Naiintindihan naman nila dahil sobrang lasing na rin nitong inaakay mo. Tsaka totoo talagang mahigpit ang parents ni Jisoo kapag nauuwi ‘tong lasing.

 

“Ang bigat mo.” Pinaupo mo ang pagewang-gewang na si Jisoo sa bench malapit sa entrance. “Peram ng phone mo tatawagan ko si Seulgi.”

 

“Hahahaha-hik-ahaha! Sheulgi hahasha shi-hik-shino ‘yan?” she laughed bago kinuha ang phone sa bulsa. Nahulog pa talaga ito kaya napailing ka bago ito pinulot.

 

“Bakit ka ba kasi naglasing?” Kinuha mo ang daliri niya at ginamit ang fingerprint para buksan. Wala ka namang planong i-invade ang privacy niya kaya agad mong dinial ang number ni Seulgi.

 

“Ahhh! Sheulgiii?... j-jowa ni D-Doc Baeee? Ni Joooohyun??!”

 

“Oo,” natatawa mo ring sabi. “May number ka?” tanong mo pa kahit nag-riring na ito.

 

“Yeppp! Hahaha-hik-ahaha! c-crushh ko ‘yun!!...” Tinaas niya ang kamay niya at pumorma ng tatlo, “...hihihi th-hik-three yearshh ago… pffft! hahaha!”

 <

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Pekitita
happy new year! /proof of life/

see u sa valentines for QT32!

Comments

You must be logged in to comment
xantheaverielle
#1
Chapter 3: Rereading :( Miss you Team Tangi 🥺 comfort characters ko talaga kayo
alexis_keithh
#2
Chapter 12: miss ko na team tangi 😭💔
DivisionOne_Seven
#3
Maghihintay.
wafflegi #4
I MISS YOU.
hi_sseulgae
#5
final na po di ko today??🤧
hi_sseulgae
#6
this year po ba na valentines??😔
xantheaverielle
#7
Chapter 44: I miss my magtangi 🥺
sevrf_ #8
Chapter 44: i miss you both🥹
kwinter
#9
happy new yearrr
xantheaverielle
#10
Chapter 44: Team Tangi pa rin sa 2024 🥺