PROLOGUE

Stranger

 

PROLOGUE

 

“Joy!” Sigaw ni Seulgi habang patakbong humahabol kay Joy “Joy, wait!” sabi nya sabay hawak sa braso ni Joy ng maabutan nya ito sa labas ng bahay “L-let me explain.” Nanginginig nyang sabi, habang nakatitig kay Joy

“Para saan pa? Tapos ano?” Umiiyak na tanong ni Joy

“Yung nangyari kanina, yung nakita m—“

“Ano, na wala lang yon? Na lasing ka lang?” Galit na tanong ni Joy. Gustong sumagot ng oo ni Seul kasi yun ang totoo pero alam nyang napakalaking kagaguhan na isagot yon.

“Sorry…” Yun na lang ang nasabi nya

“Seul sana sinabi mo na lang, sana sinabi mo na lang na kating-kati kana!” Sigaw ni Joy sa kanya “Ito ba?” Tanong nya habang unti unting tinatangal yung butones ng damit nya

“Joy, stop” Pigil si Seulgi habang pinipigilan nya yung mga kamay ni Joy

“Ito bang gusto mo?!” Patuloy nyang bukas sa damit nya

Biglang niyakap ni Seulgi si Joy ng mahigpit “I’m sorry, I’m sorry, I’m sorry.” Sambit nya habang sinusubukan namang umalis ni Joy sa pagkakayakap nya “Let me go!”

Mas lalo namang hinigpitan ni Seulgi yung yakap nya habang tumutulo na din yung luha nya “Hindi ko sinasadya, sorry... sorry.” Patuloy nya habang naubusan na rin ng lakas si Joy at isinandal na lang nito ang noo nya sa balikat ni Seul habang umiiyak.

“Ang sabi mo maghihintay ka, na hihintayin mong maging handa tayo, maging handa ako.” Sabi ni Joy habang umiiyak sa balikat ni Seulgi

“At wala pa ring nagbabago don, hihintayin ko yung pagkakataon na ma—“

Tumayo si Joy ng diretso at tumitig sa kanya “Kaya ba sa iba mo hinanap? Kasi ikaw handa na at ako hindi pa?”

“Joy, hindi.” Halos pagmamakaawa nyang sagot, sabay hawak sa mga kamay nito “Umiinom lang kami tapos nag-aasaran kanina tapos hindi ko na alam, hindi ko na alam kung panong nangyari, hindi ko alam.”

“Hindi mo alam?” Madiing tanong ni Joy sabay hila sa mga kamay nya “Hindi mo alam kung paano ka naglakad papunta sa loob ng kwartong yon, hindi mo alam kung panong nahubad yang damit mo, hindi mo alam kung pano ka napunta sa kamang yon habang nakikipaghalikan sa babaeng yon?”

“Joy…”

“Sumagot ka!”

Yumukong nagsorry si Seulgi “Sorry, I’m really sorry.”

“Di ba sinabi ko sayo, there’s no such thing as second chance.”

Halos mabali ang leeg ni Seulgi sa bilis ng pag-angat nya ng ulo at tumingin kay Joy “Joy, please…” Pakiusap nya habang muli na namang tumutulo ang mga luha nya. “Mahal na mahal kita.”

“Kung mahal mo ko wala tayo dito ngayon, kung mahal mo ko hindi nangyari to!” Galit nyang sabi sabay tulo ng kanyang luha “Kung mahal mo ko, hindi mo ko sasaktan ng ganito.”

Biglang lumuhod si Seulgi at niyakap si Joy sa bewang nito “Joy, please, give me another chance, hinding hindi na mauulit, pangako.” Pakiusap ni Seulgi habang nakaluhod na nakayakap kay Joy na patuloy sa pag-iyak “Mahal na mahal kita, mahal na mahal kita.”

“Ako rin.” Sabi ni Joy habang patuloy ang pagtulo ng kanyang luha “Pero hindi ako tanga.”

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Callixtus_0917
#1
Chapter 1: Dammmmnnnnn sana ganyan din ako noon, fighting joyyyyy