Fate is a tricky thing

Forever Yours
Please Subscribe to read the full chapter

"Talaga ba ililibre mo ako ng pagkain?"

 

Tinuruan si Sooyoung na wag sumama sa mga hindi naman nya kakilala. Pero sino ba sya para tanggihan ang libreng pagkain? Her mother told her to cut down on eating chicken pero gutom na sya at ilang araw na din syang nag-pigil. 

 

"Ano pang gusto mo? Wag kang mag-alala ako ang magbabayad ng lahat." ika nang babaeng kasama nya. 

 

Lumapad ang ngiti ni Sooyoung. Hindi nya akalaing ganito sya kaswerte. "Ano ka ba ate? Nakakahiya naman, tama na yung isang bucket ng chicken joy."

 

Para syang naasinang bulate ng dumating ang inaasam-asam nyang order. Agad syang kumuha ng isang hita. Tinitigan nya ang manok at mangiyak-ngiyak pa itong binulungan.

 

"Sa wakas, aking mahal. Alam kong tayo'y pinagtagpo." Kakagatin na nya sana ang manok ng biglang----

...

...

...

PARK SOOYOUNG! MALA-LATE NA TAYO. HAYOP KA TALAGA.

 

Agad napadilat ang kanyang mata at nakita ang nya ang kanyang kaibigan na nakapaymang at nakataas ang kilay sa kanya. 

 

"Ano ba yan Joohyun! ke aga-aga nandito ka na agad. Isusubo ko na yung manok eh!"

 

Nakatanggap sya ng malakas na hampas ng unan. "Sooyoung, wala akong pakialam sa kinks mo. First day ng klase ngayon. Ayaw kong malate, bilisan mo." 

 

Kinusot nya ang kanyang mata at umupo, "Teka nga, Joohyun. Wag mong sabihing sa bintana ka na naman dumaan? Ikaw talaga, pag ikaw nahulog."

 

Joohyun just glare at her, "Where's the thrill in that? Maligo ka na. Kakain na ko sa baba."

 

Sanay na sya. Sanay na sanay na sila ng Mama nya na nakikikain si Joohyun. 

 

Grade 9 nang makilala nya si Joohyun. Umuulan nung araw na yun kung kaya't wala masyadong dumadaang sasakyan. Kaya kahit puno na yung jeep na dumaan, pinilit nyang isiksik ang sarili para lang makupunta ng maaga sa school. 

 

Isang pisngi lang ata ng pwet nya ang nakaupo sa upuan. Sa dinami-dami ng taong mamalasin nung araw na yun, sya ata ang napiling saluhin lahat ng kamalasan.  

 

Pumreno lang naman ang tangang driver. Lahat ata ng mura naisigaw na nya sa isip nya. Mas maganda sana kung nangudngod na lang sya sa unahan ng jeep. 

 

Pero hindi. Gusto na lang nyang mag-invisible. Hindi nya alam kung paano syang tutunghay mula sa malambot na bagay na kinasusubsuban nya. 

 

Malambot. Mabango.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Gin0111
Hello. Ugaliing maghugas ng kamay. Mag-ingat. It's really cold too. Please take care of yourself. Bye.

Comments

You must be logged in to comment
Karissa0212
#1
Chapter 6: Sino kaya ang partner ni Seugwan dito? Hehe baka naman secret crush si Irene at Joohyun ang isat isa? Hmmmn
LockLoyalist
#2
Chapter 6: Close agad si Seungwannie sa mama ni Sooyoung hahaha no one really can't resist Seungwan's cuteness
LockLoyalist
#3
Chapter 5: Paparating na si Madame lagot tayo Park Sooyoung XD
jay28554
#4
Chapter 5: all caps yung tumawag so Irene yun lmao
Arctus #5
Chapter 5: Parang galit yong tumawag si irene ba yon
Jisoo_Yah
#6
Chapter 5: potek pangalawang beses na ko nagulat sa pagbasa ko dahil sa taglish. lolol skl

yiieee sweet sweet. pero sino yung sumigaw sa kaniya? si Joohyun o si mama Park na may dalang tsinelas? hmm..
WeenieHut_Jr
#7
Chapter 5: YUNG MOMENT NASIRA
STAN_LOONAforclearsk
#8
Chapter 5: uwu....
STAN_LOONAforclearsk
#9
Chapter 2: ewan ko pero nakakatawa tong AU na tohh hahahha
ash_pomu
#10
Chapter 4: joy galaw galaw baka lumubogggg