Tayo sa Huling Buwan ng Taon

Please Subscribe to read further chapters

Description

Hindi na natuto si Joohyun.

Foreword

Nahihilo na si Joohyun sa kakailing niya sa bawat estudyanteng iniluluwa ng pinto. Hindi na nga siya makakain nang maayos kakatingin doon, nagbabaka-sakaling may dumating na kaaya-aya sa paningin.

 

Baka naman.

 

"Hay nako," buntong hininga ng bespren niya na kasalukuyang kumakain, "Hayaan mo na kasi, tama naman talaga si Joy."

 

Padabog niyang ibinaba ang kutsara, "Mama mo tama! Hindi pwede! Hindi ako makakapayag na makuha niya 'yung bonus point."

 

'Di bale ng hindi tumama si Joohyun, 'wag lang din si Joy. 

 

"One point lang 'yon, sis."

 

Wala siyang pakielam. Nayurakan ang dignidad ni Joohyun dahil sa sagot ng seatmate niyang higanteng demonyong nagkatawang tao para maging kontrabida ng buhay niya.

 

"Basta," sabi niya sabay sandal sa upuan, "Eto na talaga, kung sino ang susunod na papasok, jojowain ko na."

 

"Tangina, kanina mo pa sinasabi 'yan!" Nagdabog na rin si Jennie, "Napakachoosy mo! Sabihin mo na lang kasi na may inaabangan ka talaga, then go! Dami pang ebas, eh."

 

Napakurap si Joohyun at namula. 

 

"P-pinagsasabi mo d'yan," utal niyang sagot. Kinuha niya ang Pepsi niya sabay higop sa straw, nagpapakalma.

 

"Asus," pang-aasar ng nasa harap niya, "Mapagpanggap ka."

 

Hindi na narinig ni Joohyun ang litanya ng kaibigan nang biglang bumukas ang pinto. Nasapawan ito ng malakas na pagtibok ng kanyang puso.

 

Pumasok sa loob ng canteen ang isang dalagang nakablack na hoodie at sweatpants na naglalakad papunta sa counter. Nagtama ang tingin nila at bahagya siya nitong nginitian. Agad na umiwas si Joohyun nang masamid sa iniinom.

 

"Aba, lakas mo kay Lord, ah," manghang sabi ni Jennie. "Maligayang pasko?"

 

Pinunasan ni Joohyun ang labi niya gamit ang tissue. Nilingon niya uli si Wendy na ngayon ay nakikipagbiruan na sa tropa nito. Tanaw niya ang maaliwalas na mukha nito -- ang kanang mata ay nakapikit dahil sa matamis na paghalakhak.

 

"Maligayang pasko," sang-ayon ni Joohyun.

 

 

 

a/n: charaaaaan hehe dapat nung wenrene day pa talaga 'to with a different plot kaso ngayon lang start ng bakasyon namin so hindi kinaya isulat. skl.

hiddenstage
we'll be okay, bebeluvs <3

Comments

You must be logged in to comment
TaeSicaDaisy #1
Chapter 4: 🔥🔥🔥
TaeSicaDaisy #2
Chapter 2: Sakit ng pisngi ko sa kakangiti and kakatawa 😂
reveclean
#3
Chapter 4: hindi ko kinakaya yung kiliiiiig!!!!!
mydearwenrene
#4
Chapter 4: kinilig ako sa lahat ng chapters!! iba pa rin pag pinapakingan mo yung songs na nakalagay dito. sana all nalang sa wenrene, thank you authornim:)
hi_mitochondria #5
Chapter 4: 🥵🥵🥵🥵🥵🥵🥵
M_jeeh08
#6
Chapter 4: Hahaha jusko grabe taragaaaaaa
_iceGRRR #7
just want to say i always go back to this story, it always gives me kilig. i miss your stories and i hope you can come back to writing one day! ☺️
wnandehy
#8
POTANGINA NAGWAWALA AKO SA SOBRANG KILIG GRABE MAHAL NA MAHAL KO TALAGA WENRENE HSJDJDDJSJDKDJDH
pinkblueskies #9
Chapter 3: AAAAAAA jusko yung kilig ko habang binabasa ko 'to, 'di ko kinakayaaaa!!!
shikshinsoo1525 #10
Chapter 4: putangina BAT NGAYON KO LANG TO NABASA