2: Siguro? Oo!!

TNT

 

Note : Joohyun's

           unknown number

_______________________

 

Ilang araw ding tahimik ang buhay ni Joohyun dahil di na nagsesend ng jokes sa kanya yung babaitang may lahi yatang pakboi na ginagamitan sya ng famous tagline nila.

Naparoll nalang ng eyes si Joohyun as if naman kasi madadala sya ng mga ganoong klase ng salita.

Irita lang ang nararamdaman nya para sa nilalang na yon.

Buti na nga lang at natapos na rin ang hellweek nila. Kaya eto nakakapag-isip na sya ng mga ibang bagay. Sarap kasi na tapos na yung mga priorites mo and now, you have time to use for the things you enjoy.

Perfect ang araw na to for Joohyun, she got the highest score for some of their quizzes and exams today. Sobrang worth it ang pagod nya. Right after her classes, she treated herself ng favorite nyang choco mousse sa starbucks and nagtake home pa ng isang buong cake pagtapos lumantak ng 2 slices nito. Nakanam kung umuwi sya sa kanila aba pingot sya sa nanay nya lahi kasi sila ng may diabetes. Pero lablab sya ng nanay nya so di naman masakit ang pingot sa tenga, kaya nga wala syang kadala-dala.

(A/N: Di talaga ako nagstastarbucks kaya di ko knows mga pagkain doon at inumin pero dahil yayamanin si Joohyun dito kunwari may alam ako hahaha suggest nalang kayo ano talaga meron dun hahah 🤣🤣)

Excited na sya umuwi at manood ng series na ilang linggong pigil na pigil dahil sa tambak na exams and reports. Talaga namang binilisan nya kumilos para makarami ng episodes, nalagay nya na lahat ng kailan, di na sya tatayo sa pagkakasandal nya. Finally, eto na ang most awaited moment niya at habang nanood ay akala nya nothing's going to ruin this day.




Lol akala nya lang pala...

May hindi yata nakatanggap ng memo ni Bae Joohyun sa NO TO EPAL day!!

Parang bubuyog na malaki ang phone nya at di natigil sa pagnginig. Todo pigil naman sya ng inis kaso, hindi yata magtigil at hindi nakakaintindi tong nambubulahaw sa kanya.

Psssst!

Hi!!

Hiiiiiii

Helloo misss

Hmmmpp sungit mo naman

Missssssss sungiiiiiiiittttt!!!

Pssst!!!

Miss sungittttt!!!!

:'(((((((((

Huhuhu

huhuhu basta kumain ka.... sigeee



Di nya pinansin, palatak nalang nya sa utak nya. Hala bahala yang nilalang na yan hanggang sa mapudpod nalang sana ang mga daliri nya para mapagod.

Good thing her phone stopped buzzing, sa wakas peace is in Bae Joohyun's house.

Tumutulo na ang uhog nya kakaiyak sa kdaramang pinapanood nya when her putan-- phone started to buzz again.

Miss??

Miss Sungit???

May joke ako uletzx hehehe

Anong numbero ang hindi favorite ng mga negosyante?
-
-
-
-
-
-
-
Edi, NOBENTA!!! HAHAHAHA


Eto pa, marami ako baon na jokes for u :))

Knock knock naman tayo hehrhe

Knock knock miss sungit~~

-
-
-
-

ALAK

-
-


Alak who?

-
-
-
-
-

Alak to muvet muvet!
Alak to muvet muvet!
Alak to! Muvet!!!

Tawa ka na? Heheheh sobrang funny kaya...

Gusto mo pa isa? weyt

Anong pangalan ng tao ang walang makita?
-
-
-
-
-

Edi Andy Lim!!

Sige ha ayaw mo pa tumawa... eto isa pa!
Kaso medyo dugyot to ah eh pagpasensyahan mo na...

Ano ang similarity ng UTOT at TULA??
-
-
-
-
-

Pareho silang nagmula sa POET!!!

Hehehe panalo dba?? Laughtrip talaga yon kahit dugyot HAHAHAHHA 🤣🤣



Ano bang trip to? Y r u texting me again???

Uhh.. I know I sounded weird last time pero I swear I'm not trying to flirt with you..

Don't get me wrong pero type mo ba ko? Alam mo namang babae rin ako.

Hindi po pramis, di nga kita kilala eh at wala ako dark intention... linis ko nga po eh

Haruyy, muntik na rin magdilim ang paningin ni Joohyun sa padark intention ng stranger na ito. Di kinaya ng braincells ni Joo.

Tsaka bawal ba magtext ang girl sa kapwa girl?

Hindi naman pero girls usually liked to text with guys.. Why would you even want to text a girl that isn't even your friend?

Ngumiti si Joohyun mukhang wala na maisasagot sa kanya tong uhugin at makulit na taong to.

Sabihin nalang natin na I'm not like most girls na interested lang kapag lalaki ang itetext.

Oh, lesbian ka ba? Pls, I just told you hindi ako interesado na pumasok sa relationship at straight ako, okay?!!

Uhh hindi at di rin naman po ko naghahanap noh.. uhmm pero biual ako, may prob ka ba dun?

Joohyun squinted her eyes, did the girl just came out to her casually? Wow!

but promise, I have no ill intention.. just wanted to talk to someone.. :))

No no not that I hv problems with gay people... pero wag ako, dahil straight ako, okay? ilang ulit ko na sinabi sayo so don't even try...

Sabi ko nga I have no ill intention.. Diba pwedeng maging friends? Again, i'm not trying to flirt just wanted to talk....

Eh may mga kaibigan ka naman, bakit hindi sila ang itext mo?

I do pero anong masama sa text text lang?

What makes u think everyone has the luxury of time para sa text text lang?

Ah eh ano kasi kakatapos lang ng exams namin kaya naisipan ko lang magunli...

At naisip mo rin ba na di lahat gustong gamitin ang free time nila for talking? Srsly, r u a high school student? ang dami mong oras ha, why not use it for studying your lessons in advance..

I mean di naman siguro masama to take a rest sa pag-aaral kasi halos 1 month rin akong nalubog sa libro... and no, I a 4th yr college student at nag-aaral naman... Sobrang sama ba talaga na gamitin ung free time sa gnitong klase, I mean I've done it during hs and it was nice talking to people about anything.. ang spontaneous kaya and fun...

Miss??

Miss sungit??

Ayaw mo ba talaga ako itext text???

Huhuhu miss pramis I just want to talk :'( naloka kasi ako sa exams namin.. nakakadown na isiping na nag-aral naman ako but di ako confident sa magiging results...

Ustu ko lang talaga magunwind sa ganitong paraan since wala rin naman akong budget gumala kaya nagunli nalang ako...

Miss sungiitt

Ahuhuhu pleaseeeeeee

Wag mo ko ighost sa text :'(( mga hilig nyo talaga 💔💔💔



Ang kulit mo!! Tbh, katatapos nga lang din ng exams namin at nagrerelax ako ngayon at istorbo ka!! so you are looking for a breather tama ba?

Ah oo?? Pero humihinga pa naman ako hehehe bangag nga lang

She rolled her eyes at pinag-isipan muna kung talagang ito na ang irereply nya. This stranger is messing with her usual relaxing schedule.

Ok stranger... fine... alam mo ba medyo maganda talaga ang mood ko kanina (na sinisira mo ngayon) dahil I passed all of my exams with flying colors.. kaya responsable ka pagiging inis ko ngayon... go ahead and entertain me baka mapilit mo ko sa trip mong text text

Ahh wow buti ka pa with flying colors, ako without colors ang linis ng worksheet ko knina wala ako naisagot hehehuhu... ay erase erase ayoko na isipin exams..

You know that only means that you haven't been your best, kaya continue mo lang magsipag mag-aral.. kaya after texting me magbasa ka na ulit ng book!

Yehetttt pumapayag ka na sa text text?? 😃😃 turuyyy ng entertain me ginawa akong pet ahihihi pet mo ganun HAHAHA

May sinabi na ba ko? What I said was make sure to entertain me baka pagisipan ko kung sakali, kaya tell me funny stories dahil asar pa rin ako sayo.. oh my god!!

Ohhhhh okay po, pero wag mo sana masamain ha.. exams? I actually thought na matanda ka na kasi sobrang sungit mo kasing sungit mo si aling sica dito sa min pagumuutang ako ng chicha sa tindahan nya.. kala ko stressed ka sa work mo..

Sabi ko entertain me!! Lalo mo ko ginagalit! Excuse me di pa ko ganon katanda no!! Grrrrrrr!!!

Di ka pa ganon katanda?? So ibig sabihin matanda ka pa rin HAHAHAH oki lang yan I prefer older women...

WHATTT?!!! DIDN'T U JUST SAID NA HINDI KA NAMAN LUMALANDI WTF??!!

ganyan ka ba talaga kajudgmental?? what I meant ay yung kausap sa text text lang kasi at least may time for serious talks.. ah medyo may pagkaisip-bata ako so mas maganda siguro if I get to talk randomly sa mas matanda sa kin :))

Lokohin mo pa ko.... Kala ko ba u want to unwind so malamang di naman serious talks ang habol mo.. and wag mo istate yung obvious sobrang isip bata mo kajirits ka!!!

Okay okay sorry na po ate ghurl nausok na naman bumbunan mo... osige entertain na kita... may ikwekwento ako sayo...

Siguraduhin mong matutuwa ako dyan...

Pagnatuwa ka, may reward ba ko? 😏🤔

ABA TIGILAN NA NGA NATIN TO!!!

Yan ka naman eh :(( ibig ko sabihin at least bigay ka ng info abt you? Syempre magtext text na tyo tas di ko pa alam name mo... ano na tatawag ko sayo? Sungit nalang forever??

Not going to entrust my name sa stranger na kagaya mo.. plus, I haven't agreed yet!! Bagsak ka siguro ng reading compre noon hmmmp...

ah sigiii :((( basta pagnatuwa ka eh, textmates na tyo?? :D

Ang tagal naman ng kwento mo!!

Eto na!!!! Di ko alam kung entertaining to but sabihin ko nalang yung origins ng pagiging bi ko?? Hahaha I mean most of the time kasi pagsinabi ko na ganun ako everyone was suddenly curious how I ended up becoming one.. bat ganun no? Nakafocus nalang sila don hahaha it's not like I'm being too different, isn't it just supposed to be normal? Normal lang naman magkagusto... at nagkakagusto ako both sa guy and sa girl...

Hmmm, well.... I guess di mo talaga gusto ikwento yun.. and I know what you mean sometimes people don't look past beyond what's in the surface.. kaya sabihin mo nlang whatever u want don't think of me na gaya lang din nila... but I can't lie na hindi ako curious...

Wow, ganun nga ibig kong sabihin para bang iniisip nila yun ka lang and sa dami ng katotohanan na meron ka yun lang lagi nila nakikita.. hehehe oo nga pala sabi ko entertaining but ang heavy ng simula ko..

Eto na talaga yung kwento, I'll save my personal story sa susunod pagclose tayo ACKDHDJFKLS ingat ka lang kasi pag naging close tayo aayaw ka na humiwalay sa kin ECKFJFJD

Ganyan ka ba talaga? Paiba-iba mood! Sira closed fist gusto mo?

Hehehe jok onle... ganito kasi yun yung bespren ko di nya alam na gay din sya until she met yung 2nd yr rep ng dept nila... tawagan nalang natin si W ang espren ko at si J naman si 2nd yr student...

Okay continue

Ayun nga nabighani si W kay J noong napanood nya yung rehearsals kasi sa totoo lang walang hilig ang bespren ko sa panonood ng pageant ganun.. pero sabi nya nga nakita nya na rw ang miss universe ng buhay nya.. eh to think na akala namin sya ang pinakastreyt sa tropa namin kaya nag-alala kami na baka dahil nga halos lahat kami either bi or lesb or gay kaya feeling nya lang she's attracted to her..

Tapos ayun nga medyo guilty kami kasi nga minsan niloloko namin sya na she might just end up like us... I mean na magkagusto rin sa kapwa gurlaloo l.. but then, she proved us wrong, talaga ngang nainlababo sya kay J... hinatak nya kaming manood ng miss bio 2017 sa univ para lang suportahan ang kras nya... kahit pa she fell short eh 2nd place sya naman ang ginawang mundo ng kaibigan ko.. talented tong bespren ko pero shy type lahat ng yun nag-iba dahil kay J sumali ang bespren ko sa seranata kasi may bulong-bulungan na papasok din dw si J doon.. tas kahit pagproctor tuwing exams ng mga lower year bio students ginawa nya na para lang makita si J kahit sandali..

Mukha namang your bestfriend is genuine... hindi naman dahil nadala lang sya dahil sa inyong magtotropa.

Sadly, isang taon ang nakalipas sulyap at nakaw tingin ang nagawa nya kaya sa sobrang pagkaawa naman hinatak namin sya papunta sa bahay nila J. Ayun kasi, may tropapips kaming highschool classmate ni J dati kaya alam nya..kaso sa sobrang torpe ni W halos tuktukan na namen sya hanggang sa matauhan sya.. aba nagsalita sya bigla na matanggalan raw muna sya ng ngipin bago sya aamin..


Bat nyo naman kasi pinipilit yung tao eh kung di sya handa eh?!

Eh kasi we believe naman na kagusto-gusto naman sya kaya y not take the risk..

Sa di talaga ready friend nyo umamin, naduduwag siguro sya?? Ikaw ang lakas mo magsalita, di ka duwag ha?? 

Hep hep wag kang atat, d ko muna story to.. nxt tym nga sabi... malalamam mo rin what i'm like ba sa susunod hihihi... yun nga lang naging literal hahaha natanggalan talaga sya kasi inakala ni J na isa sya sa mga pasyente ng mama nya since dentista pala ito at sa harap lang ng bahay nila yung clinic hahaha si J ang naging assistant ng mama nya while binubunutan si W ayun hahaha lango sya sa anesthesia at napaamin ng de oras.. takot na takot yun magpabunot, ngumawa pa nga di na nahiya sa harap ng kras nya pero buti nasabi nya na...

Ah wow?? What happened then? That's ridiculous, nagpabunot talaga sya!

Sila na hahaha cool nga kasi J's parents don't mind and they like W for J so ayon botong-boto... Turned out low key crush din pala sya ni J dahil nandoon nga rin sya nung nagaudition si W sa himig serenata... kaya after ng 6 mos ng paglalandian at ligawan naging sila na YEHEYYYY WOOOHOOO

Ang swerte nya lang..

Ah hehehe sorry nabored ka sa kwneto ko?? Paano ba yan sabi nga kasi nila may pagkano-jam ako.. MAAAHHH... IM SORRYYYY MAAAAHHH DI NAMAN DW KASI TALAGA AKO MAGALING HUHUHU

Hahaha omaygad well, okay ka sa kin dahil I'm a big fan of 4 sisters... nagenjoy naman ako sa story mo since ngayon lang ako nakarinig ng taong nagconfess habang binubunutan ng ngipin hahaha buti nagkaintindihan sila...

Oo ganun nga yata talaga kapag anak ka ng dentista sanat ka na rin kaya gets mo sinasabi hehehe 🤣🤣

tsaka ang hirap makahanap ng ganyan ng nowadays.. parents supportive sa gay son or daughter nila... ikaw ba do your parents know?

Ah oo nga swerte nga... ay next question tayo tito boy...

Baliw, okay if ayaw mo sagutin... sabi mo nga next time yung abt sayo..

Hmmmm DOES THAT MEAN PUMAPAYAG KA NA MAKIPAGTEXT TEXT SA AKIN MISS SUNGIT NA KALA KO GURANG NA dahil LAGING UMUUSOK ANG ILONG AT BUMBUNAN???!!! Hehehehe🤣🤣🤣🤣🤣


Sige keep on annoying me and I'll chabge my mind grrr!!

Ayun oh waaahhh, nabago ko isip nya... I know IM INIRESISTiBLE 😏😏😏... ACSKDJDHDL

U mean irresistible??

Tama naman ha.. inire ni mader earth at born with irresistible charms hahahha that's me :)))

Kakalbuhin na talaga kita!!! Tsk tsk!

baka naman may balak ka na rin magpakilala ahuhuhu napagod ako magtype ng msg haba kaya :((

Well, it is still too early for u to know my name but dahil naappreciate ko naman ang effort mo.. sabihin ko ang age ko dahil kanina mo pa ko iniinis tungkol don.. I'm not that old 23 palang naman ako... ikaw?? 

19 but turning 20 na dis year... di halatang 23 ka na ha kala que 53 hehehheh joke!! Wag taas kilay...

Ikaw naman 9yr old isip-bata ka talaga 🙄🙄 Aren't u curious na 23 na ko at nag-aaral pa rin ako?

Naisip ko rin yan pero just like you, di naman ako gaya nila... wala namang masama doon, hangga't kaya at gusto natin mag-aral, sino ba sila para sabihin na dapat ganito ka at di ganyan?

Ang serious naman but totoo wala namang masama... actually, 2nd yr na ko sa med school, nagwork naman ako bit for a year lang but I realize na gusto ko na talaga ituloy to sa pagdodoktor...

Waaahhh future doc ka pala, libre na pagamot ko ha??

Hahaha hndi ako psychiatrist so di ko.. magagamot ang turnilyo mo sa utak..

Ay grabe sya matino po ako... matinong-matino sa sobrang bait ko nga natubuan na ko ng halo sa bumbunan di gaya mo puro usok heheheh 🤣🤣 jirits ka na naman no?

Sige tuloy mo yan, mang inis ka pa.. mabait ba yan?! apaka mo bahala ka pagako talaga napuno sayo ha..

Napuno ng pagmamahal ba?? Yieuttss wag kang ganyan ano po marupok lang aqu0h eh 🤣🤣

Alam mo ikaw sabi ka pang di ka gaya ng iba, lalandiin lang din pala hanap mo.. hay nako!

Anjoke joke lang naman po di talaga ako naghahanap noh pag-aaral muna sa sobrang busy sa exams wala na ko time pa magganyan.. pero magtext sayo yun, yon ang may time ako :))

Sus padali mo, nanlandi pa ng subtle! Tumigil ka nga straight ako, okay?

Luhhh kala nito paulit-ulit nalang hahaha oo nga hindi nga pramis!! alam mo bang kayong mga straights ay walking patibong para sa ming mga gays and bi... parang unspoken rul naman na yon... kasi dba nga streyt kayo 🤷‍🤷‍♀️🙅‍♀️🙅‍♀️

Unspoken rule?

Wag kami mafafall sa mga streyt na gaya nyo na madalas paasa...mga mahilig magpasa haytzx ✊✊
 

Mukhag may past hmmm, may hinanakit ka no?

Hephep dugain mo pa ko nxt tym na yong abt sa kin... ikaw talaga hehehe ustu agad maging close ahihi

Hala sya..so ano pa?? what else do u wanna talk abt?

Idk, ikaw?

Ako?

Uhhmm I mean ikaw ano gusto mo pagusapan

Oh my god hahaha yes, I know what u mean.... since I'm just really curious, dba bi ka? So, nakailang bf ka na bago mo nalaman na bi ka?? Sagutin mo na para may pag-usapan tayo.. U sounded na may grudge ka against someone so kanino ka bitter??

Iiiihhh di sya makapaghintay... hehehe anong sautin ka dyan?? Grabe ligawan ba ko?? Heheheh jok lang baka magalit ka na naman.... going back sa tanong mo uhhh sige na nga dahil pumayag ka makipagtext text eto na...

Aissshh!!!

Heheheh baba mo muna kilay mo .. eto nga oh uhhh actually, I've never been into any relationship

Owsss?? Paano mo nasabing bi ka then??!!!

Yeahh just that I find both guys and girls attractive..

I also do find them attractive, syempre honest lang tayo if a girl's a pretty like me too inaacknowledge ko naman din?

Well, for me attractive as in attractive enough para maging jowa..

Ohhh okay but wala ka pang nagiging bf/gf???

Oo yun lang, just haven't met the one yet..

ooouuuhhh well, nakakagulat tbh... bitter na bitter ka kasi kanina... pero alam mo bang linyahan kasi ng mga pakboi ang kumain ka na?

Siguro may kaalmost ako?? Hehehe but let's save that sa susunod para di ka mabore kausapin ako... Oh?? D ko alam na ganun pala yun but promise wala akong ibang minimean nun ganun lang talaga ako kaconcern if kumain ka na... Kaya pala ganun ka makareact.. sadtt

Hala, totoo ka ba?

Uhh oo? Di ko lam pati pala sa landi may modus operandi rin hmm..

Hahaha but sure ka ba? Are u rlly not flirting with me? Eh kanina ka pa may mga hirit...

Hindi nga talaga.. bakit gusto mo ba?

No, ofc not!! It's just that akala ko you have an ulterior motive for texting me again...

Ok para sa ikatatahimik ng konsensya ko at para di ka rin kinakabahan.. I swear I won't hit on you, promise yan.. textmates to friends lang ang goal ko...

Okay sabi mo yan ah, pero okay lang if magkacrush ka sa kin kaso bawal magkafeelings HAHAHAH

Luhhh sya, sumumpa na nga ko noh tsaka crush? Paano kita maging kras di ko nga lam itsura mo malay ko ba kung chararat ka...

Ang babaw mo!! You only care for looks!! Plus, I'm not chararat noh!! Ang annoying mo sobra!!!!

Luh sya mamiii katakot!! Hindi naman po, I must say sa mga naging crush ko although magaganda't gwafu sila sa personality nila talaga ako naattract not for their looks... tsaka okay lang kahit chararat ka, goal ko lang naman maging kaibigan mo kaya tatanggapin lahat ng about sayo ayiiiieee tru prend kasi ako di nahusga....

Hoy epal ka, sabi d nga ko chararat.. ikaw siguro kaya di ka crush ng nga crush mo no!!

Excuse me miss laging kunot noo na 23 palang stressed na! Ako po ay cute baka po ikaw hindi kaya d ka makarelate...

Di ako naniniwala no, kaya siguro sama ugali mo kasi sama rin mukha mo!!! Lagi ka ng iinis grrrr!!!!

De wag ur loss, baka maglaway ka sa hot body pagnakita mo 😜😜😜heheheh😁😁😁

Sino naman magsabi sayo makipagkita ako?? Yuckzx pake ko sa body mo!!

Awwchh, someday gugustuhin mo ring makita ako ahihihi sabi ko nga dba im iniresistible hehehe 😁😁😁

NEVER mangyari yon no!!

Edi igogoal ko na rin yan hahaha syempre pagnaging friends tayo you'll want to meet me..

Di ko na need ng friend sorry ka

Luhh sya want pala ako maging more than pren?? 🥰🥰Ayiiieee kilegzx aqu0h bwahaha

SO ANNOYING!! OFC NOT!! TEXTMATES LANG!! YOKO KITA MAGING FRIEND ANG KULIT MO!!!

Hahanap-hahanapin mo rin tong makulit na to hehehe I'll make sure of that miss sungi... mangungulit ako para mabawasan wrinkles mo sa noo hehehe kaya tetext tayo ulit next weekend ha?? Plitthhhhh *puppy eyes* pretty please..

Whatever bahala ka, osya late na pala... di ka cute wag ka magpuppy eyes dyan!!

Ihhhh di nya napansin tym hehehe enjoy ka noh kahit no-jam ako? hehehe sige na tulog ka na, tenk u ulit ha!!! Thank you for letting me talk to you, miss sungit! Pano ba yan di ka na pala sungit kasi pinansin mo ko hahaha 🥰🥰

Kaya palitan mo na yang miss sungit na tawag mo sa kin!!

Oo na wag ka na magreklamo pinapalitan na nga.. Ms. Med na po tawag ko sayo... ayieee go future doc, sige tulog ka na ha.. Good nytieee miss med!! Next week ulit may kakatok sa cellphone mo para mangulit na naman :))

Sige na kulit mo!! Night din :) I'll admit I had fun talking to you :D

 

==========

Nung tinatype ko to sa notes nakaibang colors (purple/dark red for Hyun) na talaga para di kayo malito kung knino galing yung msg kaso pagpinepaste na dito sa aff nagiging all black ulit (dahil sa di na access yung clipboard??)... try ko gawin yung nxt chapter sa laptop tgnan ko if mapaste sya na colored na 🤣🤣

Di po sa kin galing ang jokes nakuha ko lang dito sa net :)) credits to the owners ng mga jokes ako po talaga yung tawang-tawa 🤣🤣 ang witty nyo po 🤣🤣

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
codetracker
Hi! Fast forward tyo next update 2-3 mos. n cla mgktext non.. pero tagal pa yon hahaha lipat muna ako dun sa isa >> Sumisinta HAHHAHA don nman aq maguud... sana abangan nyo pa ano mangyayari... anyway, appreciated lhat ng comments, paghihintay and upvotes ninyo... thank you :))

Comments

You must be logged in to comment
JiHyun12 #1
Chapter 14: Balik ka na po.
chocochipc00kie
#2
Chapter 14: Well samedt. Panic mode din pag tumawag and crush lol
Kawawang wan, ubos braincells sa mga tropa
chocochipc00kie
#3
Chapter 10: Ang sarap niyang i-block LOL or kung sa messenger na sila nag uusap, mute muna lalo na pag busy. Kung hindi...di matatapos ang labada! LOL
michip #4
Chapter 13: Wait with respect pa din ako otornim. Take ur time ayiie
_m3owrene
1023 streak #5
Chapter 12: Napakaaaaa cute ng story na toh. Ugh! *sinuntok ang pader*
vanillacookiescream
#6
Chapter 12: harot ni sulge pero ayaw tawag hahahaha
kang_ddeul
#7
Chapter 12: sana magkarinigan na sila ng boses next time!! huhuhu
kang_ddeul
#8
Chapter 12: may mga suyuan ng nagaganap ?
kang_ddeul
#9
Chapter 12: HAHAHAHAHA KE CUTEE!! HAHAHAHAHAHAHA
Legendarynotgay
#10
Chapter 12: Nakikita ko sarili ko sakanila ganyang ganyan ako ky seulgi humarot sa text dati tapos kakabahan pag tinawagan HAHAHAHAHAHAHAAH pistinimal! Haha can't wait sa next update