[ WenRene ] Tagalog: BESPREN

Amare

 

                                                                                                                        [ BESPREN ]

                                                                

 

 

“Happy Birthday” Nakangiting bati ni Wendy kay Irene sabay yakap “Ate Irene.”

“Anong Ate?!” Sabay kurot sa tagiliran ni Wendy habang nakayakap sa kanya

Tumatatang bumitaw sa yakap si Wendy “Oh bakit? Baka sabihin mo na naman hindi na kita ginalang.”

“Magalang mo mukha mo, ang sabihin mo nang-aasar ka lang.” Sabi ni Irene na masamang nakatitig sa kanya

“Ito naman.” Suyo ni Wendy na nakangiti, sabay hawak ilalim ng baba ni Irene, na binitawan nya rin agad “Syempre, yung lang pwede ko ipang-asar sayo.” Sabay hawak sa mukha ni Irene gamit ang dalawa nyang kamay “Alangan namang sabihin kong ang panget mo. Eh kahit ata mag 70 kana ikaw pa rin ang pinakamaganda.”

 

Napatitig na lang sa kanya si Irene.

 

“Uy, kinilig sya.” Nangaasar na sabi ni Wendy ng tumahimik si Irene.

“Anong kinilig?!” Sabi ni Irene, tinanggal yung mga kamay ni Wendy sa mukha nya

“Eh bakit ka tumahimik?” Patuloy na pangaasar ni Wendy “Kinilig ka~”

“Panong hindi ako tatahimik, pinigilan kong huminga.  Ang lapit ng mukha mo sakin, amoy na amoy ko yung kalderetang kinain mo pa ata kaninang tanghalian.

“Mali ka, Afritada hahahhaa” Sabay hingang malakas kay Irene

“Kadiri ka!” Sigaw ni Irene, habang nakatakip ang ilong

 

 

“Irene…” Tawag ni Wendy habang papalapit sa kanya, nasa gate si Irene hinatid lang yung huling bisita nya

“Uuwi ka na?”

“Ikaw kanina ka pa tanong ng tanong kung uuwi na ako, diring diri?” Tanong ni Wendy “Naligo naman ako.”

“Hindi ka naman nagtoothbrush.”

“FYI nag toothbrush na ako kanina habang inaasikaso mo mga bisita mo. Naalala ko may toothbrush nga pala ako duon sa cr mo.” Nakangiting sabi ni Wendy “Nakakahiya naman sayo baka sabihin ng mga bisita, baho ng hininga ng bespren mo.”

 

Bespren. Tangina.

 

“Uy…” Tabig ni Wendy sa kanya ng bigla syang tumahimik “Alam mo natatakot na ako sayo minsan, bigla bigla ka na lang tumatahimik para kang may nakikitang hindi dapat makita.”

“Kaya ba hindi mo makita?” Seryosong tanong ni Irene “Kasi hindi dapat?”

Nalilitong nakatingin sa kanya si Wendy “Pag teacher laging may pabugtong? Pero sure ako, multo sagot dyan.”

“Tanga mo.” Sabi ni Irene sabay lakad papasok ng bahay

“Ang hard…” Sabi ni Wendy habang nakasunod na naglalakad kay Irene “Kaluluwa?”

 

 

“Oy, magshower ka muna bago ka pumunta sa higaan ah, kakapalit ko lang ng bedshe—“ Natigilan si Irene ng biglang humiga si Wendy

“Sabi ng magshower ka muna!” Sigaw ni Irene habang hinihila paalis ng higaan si Wendy

“Wala akong dalang damit.” Sabi ni Wendy na nakahiga pa rin

“Anong walang damit, nanduon sa aparador mga damit mo, kulang na lang tumira ka dito sa bahay eh.”

“Tinignan ko kanina, wala ako makita, tinapon mo na ata.”

“Anong wala kakaayos ko lang dyan nung isang araw?”

“Eh baka kaya wala ako makita kasi inayos mo, baka nailagay mo sa iba.”

 

Tinignan sya ni Irene, seryoso itsura nya. Naglakad sya papunta sa aparador.

Sigurado syang sinabit nya mga damit ni Wendy duon. Pagbukas nya, agad bumungad mga damit ni Wendy. 

 

Tinignan nya si Wendy na tawa naman ng tawa.

 

Naiinis nyang hinugot damit ni Wendy, “Dugyot ka na nga ang tamad mo pa!” sabay bato sa kanya, na nasalo nya naman.

“Thanks!” Nakatawang sabi ni Wendy sabay takbo sa CR.

 

“Wendy…” Katok ni Irene sa pinto halos magiisang oras na kasi si Wendy hindi pa lumalabas ng cr. “Nakatulog kana ba?” sabay bukas ng pinto. “Ang tag—“ napatigil sya ng makita yung mga mata ni Wendy.

 

“Labas tayo, sarap maglakad-lakad ngayon, maliwanag yung buwan.” Mahinang sabi ni Wendy na nakangiti, pero alam na alam ni Irene na peke.

 

 

Halos 20 minutes na silang naglalakad pero wala pa ring imik si Wendy hanggang makarating sila park ng Subdivision at umupo sa swing.

“Ano nangyari?” Tanong ni Irene. Pero kahit di pa man sabihin ni Wendy kung bakit alam nya kung sino.

“Si Joy…”

Syempre si Joy. Lagi namang si Joy. “Anong nangyari?”

“Nagkabalikan na sila nung ex nya.” Mahinang sagot ni Wendy “Akala ko okay na kami eh, halos gabi gabi magkausap na kami, lumalabas na, label na lang kulang, tapos tangina… ayon bumalik lang ex nya, biglang sorry lang. Tanginang yan, sa sorry lang natapos lahat.”

 

Tahimik lang na nakikinig si Irene sa kanya. Sanay na sya, ganun naman lagi eh, tagapakinig lang sya mga kwento at rants ni Wendy. Kahit ang sakit sakit sa part nya, masaya pa rin sya kasi masaya si Wendy. Pero yung mga ganitong pagkakataon yung pinaka masakit sa kanya.

 

“Mahal na mahal ko sya.” Sabay ng pagtulo ng luha

 

Umalis si Irene sa swing at umupo sa harap ni Wendy, habang pinupunsan nya yung luha ni Wendy gamit daliri nya “Minsan ganun yata talaga, hindi para sayo yung taong pinapangarap mo.” At di nya na rin napigiling tumulo ang kanyang luha

“Na kahit sobrang mahal na mahal mo sya, hindi nya makikita, hindi nya mararamdman kasi hindi yon ang nakatadhana.”

 

Sabay yakap sa kanya ni Wendy habang umiiyak.

 

Halos kalahating oras na rin ang lumipas at medyo tumigil na rin si Wendy sa pag-iyak.

 

“Sorry…” Sabi ni Wendy habang nakatingin kay Irene “Pati tuloy ikaw naiiyak sa mga kadramahan ko.” Sabi nya sabay punas sa mga tuyong luha ni Irene.

“Wala yon…”

“Ang swerte swerte ko sayo…” Nakangiting sabi ni Wendy “Ang swerte swerte ko sa bespren ko.”

 

Ang sakit maging bespren mo.

 

 

2 blocks na lang sila bago makarating ng bahay nila Irene, ng bigla huminto si Irene sa paglakad…

 

“Bakit? Masakit na paa mo?” Pag-aalalang tanong ni Wendy “Pasan kana lang sa akin.” Sabay yuko sa harap ni Irene, pero hindi gumagalaw si Irene.

“Uy, anong problema?” Nag-aalalang tanong ni Wendy habang nakatitig kay Irene

 

“Naalala mo yung bday gift ko?” Tanong ni Irene

Kahit nagtataka sya sa out of the blue na tanong ni Irene sumagot pa rin sya “Anong bday gift? Diba nga ayaw mong binibigyan kita ng gift pag bday mo kasi ang sabi mo, hihingiin mo sya pag tingin mong kaya ko ng ibigay.”

 

Tumango si Irene.

 

“Ngayon mo na sasabihin?” Nakangiti na tanong ni Wendy, “15 years utang ko sayo, kahit na bahay pa yan…”

“Sure ka?”

“On second thought, pwede bang tent na lang muna?” Tanong nya habang tumatawa “Gusto mo Wendy’s camping house? Kayang kaya yon.”

“Bakit Wendy’s camping house? Eh sakin yon… Irene’s camping house dapat.”

“Edi Irene’s camping house.” Nakangiting sabi ni Wendy, na ikinatuwa rin naman ni Irene. “Pero seryoso nga, kahit ano pa yan, kung para sa bespren ko, ibibigay ko.”

 

Bespren na naman.

 

Ngumiti sa kanya si Irene “Hindi mo kayang ibigay...”

“Irene, ay—“

“Ako muna…” Sabi ni Irene sa kanya, sabay hawak ng kamay ni Wendy “Alam kong hindi mo sya kayang tuparin, pero kung hindi ko sya sasabihin ngayon, hindi ko alam kung kelan…”

 

“Isang wish lang ang gusto kong tuparin mo since the very first time we met 15 years ago.” Sabay bitaw sa kamay ni Wendy “Isang wish lang…” Nakangiting sabi nya, sabay tulo ng kanyang luha.

 

“Irene, wag…” Sabi ni Wendy na parang alam nya na ang susunod na sasabihin ni Irene, umiiling sya na wag ng ituloy ni Irene kung anuman ang sasabihin “Please, don’t…” bigla na ring tumulo yung luha nya

 

“Ngayon lang… Isang beses lang.” Sabi nya sabay hawak sa mukha ni Wendy habang pinupunasan nya ang mga luha nito “Pwede ko bang hilingin na ako na lang yung piliin mo? Na sakin mo na  lang ibigay yung puso mo?”

 

Yumukong umiiyak si Wendy.

 

Hinila ni Irene pabalik yung kamay nya. Sabay yakap kay Wendy “Mas mahal lang kita, pero ako pa rin ang bespren mo. Hinding hindi ako mawawala sa tabi mo” Sabi nya sabay bitaw kay Wendy at tumalikod na para umalis. Pero pagkatapos ng pangatlong hakbang…

 

“Irene gustong gusto ko.”

 

“Gustong gusto ko.” Sabi ni Wendy na patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha, hindi naman napigiling humarap ni Irene sa kanya “Gustong gusto ko na ikaw na lang ang gustuhin nito.” Sabay turo sa dibdib nya “Na sana ikaw na lang, sana ikaw na lang. Pero wala eh, and tanga nito…” sabi nya na hinahampas na yung dibdib nya “Ang tanga-tanga.”

 

Lumapit sa kanya si Irene na tumutulong muli ang luha “Subukan natin… baka pwede.”

Si Wendy naman ang humawak sa pisngi  nya at nagpunas ng luha nya “Hindi ka pang baka pwede lang. Hindi man kita nagawang mahalin kung pano mo ko mahalin, masyado kitang mahal para ikulong sa baka pwede.”

 

“Pero ikaw lang ang gusto ko at kung kailangan kong hintayin na maging pwede na yung baka pwede maghihintay ako.” Sabi ni Irene habang umiiyak “Wendy maghihintay ako.”

 

Tinanggal ni Wendy yung kamay nya sa mukha ni Irene, sabay hawak sa mga kamay nito “Makinig ka sakin, wag mo kong antayin, maglakad ka ng tuloy tuloy at kung kailangan mong tumakbo palayo sa akin, tumakbo ka… kasi duon sa dulo makikita mo yung taong papantay sa pagmamahal na kaya mong ibigay. Yung taong magpupuno ng pagmamahal na hindi ko kayang tumbasan, yung taong mamahalin mo ng higit pa sa pagmamahal na meron ka para sakin.”

 

“Wendy…”

 

“Hindi man ako yung taong nasa tabi mo hanggang dulo, nasa likod mo lang ako, ako pa rin ang bespren mo, hinding hindi ako mawawala.”

 

 

After 5 years…

 

“Irene? Irene ikaw na ba yan?” Nakangiting tanong ng babae sa kanya

“Jennie?!” Bati ni Irene

“Ikaw nga!” Sabi ni Jennie sabay yakap kay Irene “Wow! It’s been so long.”

“Oo nga ang tagal na.” Sagot naman ni Irene na halatang tuwang tuwa sa kanilang muling pagkikita

“Kakabalik ko lang after months of preparation from fashion week sa Paris and I was too tired and annoyed to be honest  para alamin kung sino bang bride and magpapagawa ng wedding gown na nakaschedule day after ng event but I can’t believe it’s you.”

“I’m sorry…” Sorry ni Irene “Gusto mo resched na lang tayo?”

“No, no, ano ka ba.” Sabi ni Jennie tapos umupo na sila ni Irene “Remember that wedding booth we did in college and you wore that cheap rotten wedding gown but you made it look like a million peso, I’ve been designing wedding gowns for almost 5 years now and you’re still the most beautiful bride I’ve ever seen.” Nakangiting sabi ni Jennie “And Wendy was as good looking as expected on those tuxedo na hindi ko alam kung saang lumalop nila nakuha.”

 

Napapangiti si Irene sa mga kwento ni Jennie. Good old days.

 

“Akala ko nga kayo na talaga magkakatuluyan eh, halos iship na kayo ng buong campus” Sabi ni Jennie habang nakangiting inaalala mga kalokohan nila nung college “But I guess, pag bestfriend lang ata talaga, bestfriend lang talaga.”

 

Ngumiti lang si Irene.

 

“So am I going to see Wendy at the wedding?”

“Why do I feel like na you’re not really interested to me? Don’t tell me may sikretong crush ka kay Wendy?”

“Hindi ba’t ikaw ang may sikretong crush duon sa bestfriend mo, kaya nga abot tenga ngiti mo nung nagkasal kasalan kayo.” Pangaasar ni Jennie, tapos bigla naging seryoso “Did you ever tell her?”

 

Tumango si Irene. “I did. 5 years ago and she rejected me right there and then.”

“I strongly believed na you two will be the end game back then, hindi kayo mapaghiwalay.” Sabi ni Jennie “You two looked so perfect together.”

 

Ngumiti si Irene “We did everything together, except Wan fails to fall in love… Pero it brings us to where we are now and I’m very much happy now.”

“I could see that. You’re glowing” Nakangiting sabi ni Jennie “I’ve never seen you this happy. You look so much happier than your fake wedding with Wendy.”

“Maybe because I’m getting married for real.” Nakangiti nyang sabi

“I guess you really found the one.”

“I did…” Nakangiti pa rin nyang sabi

“I’m really happy for you.”

“Yeah, me too.” Nakangiting sabi ni Irene “And yes, you’re going to see her at the wedding. It’s my wedding, my best friend wouldn’t miss if for the world.”

“No she wouldn’t” Sabi ni Jennie “And before you say anything. She’s cute pero not really my type. Gusto ko lang malaman kung kamusta na sya ngayon, how is she anyway?”

 

“Happy too, I hope.”

 

“Anyway, where is the lucky soon to be Mrs. Bae?” Tanong ni Jennie sabay tingin sa relo nya “It’s already—“

 

Sabay bukas ng pinto…

 

“Babe sorry late ako.”

 

Nakangiting tumayo si Irene sa upuan at palapit na naglakad papunta sa taong nasa pinto “Sinabi ko naman sayo, di mo kailangang tumakbo papunta rito.” sabay punas ng panyo sa pawisang mukha nito “Diba sabi ko naman sayo, maghihintay ako.”

 

“A-are you?” Di makapaniwalang tanong ni Jennie habang nakatitig sa dalawa. “Is she?”

 

“Not soon to be Mrs. Bae, Jen… but soon to be Mrs. Son.” Masayang sabi ni Irene, habang niyakap naman sya ni Wendy mula sa likuran.

 

 

The End.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
hiyerimie
13 streak #1
Chapter 9: I've read this many times, but I always cry until my eyes are swollen 😭
paradoxicalninja
#2
Chapter 3: thank god 😭💙💖
Soneisa #3
Chapter 6: This is so sad 😭 I cant 🤧
JeTiHyun
#4
Chapter 9: 😭😭😭
LockLoyalist
#5
Chapter 9: Aww my heart :(
liljung
#6
Chapter 9: im crying at work and its all on you T.T
even after the SJF, wenrene author still going for angst i can't believe y'all T.T
Favebolous #7
Chapter 9: No 😭
juhyuneeeee
84 streak #8
Chapter 3: akala ko angst my goodness 😭 buti nalang hindi 🙈
purplejoch
#9
Chapter 3: re reading this once again 💙💗
JeTiHyun
#10
Chapter 8: At least Seungwan do everything to get back Joohyun and they are together in the end.