•Be Mine• JAEYONG FANFIC

Please Subscribe to read further chapters

Description

JUST A FANFIC OF JAEYONG


⚠WARNING⚠
It contains of murahan overload and everything here is just a fanfic.

Tagalog fic of JaeYong. Walang masyadong tagalog na fanfic ng Jaeyong.

So, may english is lubak-lubak, sorry na. Nagppractice pa ako.

Yung mga hindi nakakakilala kay Hansol, kasama sya ng NCT noon na akala naming lahat ay magdedebut din sa NCT.? Hanggang ngayon bitter pa din ako doon at wala na atang gamot doon. But still syempre support ko pa din sya sa bago nyang group. So YuSol ship ako, si Hansol lang talaga shiniship ko kay Yuta haha sorry mga YuWin shippers jan. ??

So sa mga magbabasa, thanks sa time nyo! ?

Foreword


"Hoy Nakamoto, kilala mo yon?" Turo ni Taeyong sa isang lalaki na nakasuot ng jersey. May championship game ang basketball team kasi na ginaganap sa school nila ngayon at ito ang kauna unahang beses na manonood sya ng game.

Liningon naman iyon ni Yuta. "Syempre. Sino bang hindi makakakilala sa kanya?"

"Ako. Ako nagtanong diba?" Taeyong said sarcastically, almost hitting the other boy. "Wag ka ngang tanga."

"Maka-tanga naman!" 

"Tara na kaya sa loob no? Kesa nag-aaway kayo jan. Pareho lang naman kayong bading na mahilig sa green!" Saway ni Taeil sa dalawa nyang kaibigan na mahilig magtalo pero mahal naman ang isa't isa. 

"Pinagsasabi mo hyooong? I like black." Giit ni Taeyong.

"Oh popcorn!" Sabi ni Yuta sabay abot ng large size na popcorn kay Taeyong na kakainin nila during the game. Gusto kasi nila na laging may kinakain oras-oras. May pinapanood man wala.

"Ang dami naman, hati na tayo dito. Wag na kayo bumili ng iba."

"Baka nakakalimutan mo? May palamunin pa tayo sa loob ng gym na nagbabantay ng upuan natin ngayon." Sabi ni Taeil at umiling-iling. Si Kun, Jungwoo, Xiaojun at Hendery lang naman yung tinutukoy nila.

"Oo nga pala. Oy hyong! Bili mo ko nung caramel na candy. Mukang masarap eh."

"Hindi Taeyong! Magkaka diabetes ka nyan, tumigil ka." Saway ni Yuta. "Yang popcorn ang kainin mo!"

"For petesake hoy! Candy lang yon! Di naman ako lalaklak ng isang galong asukal na tinunaw sa tubig ah!" Taeyong rolled his eyes, mahilig sya sa sweets pero minsan pinipigilan syang kumain ng mga kaibigan nya dahil nasosobrahan na daw sya at baka magkasakit na. "So ano na nga, anong pangalan nung tinuro ko sayo kanina? Hindi mo pa sinasagot." 
Huminga ng malalim si Yuta. "Jung Jaehyun. The campus' heart throb na kinababaliwan ng lahat."

"Jaehyun? Yung bukambibig parati ni Jungwoo?" Pagtatama nya.

"Oo. Yung crush na crush nya. Baka naman makiagaw ka pa, alam mo naman kung gaano kapatay na patay si Jungwoo doon." 

Taeyong bit his lip. So, sya pala yun? Kaya naman pala gustong gusto sya ni Jungwoo.

"Grabe, ano bang tingin nyo sakin? Saka sabi mo kinababaliwan ng lahat. Edi isa ka na dun? Pati si Taeil hyung?" 

"Hindi ako! Alam mong nag-iisa lang si Hansol sa puso ko!"

"Sus. Lamporeber." 

"Hoy kayo jan, tara na. Wag nyo kong dinadamay dyan ha. Nananahimik ako." 

Taeyong rolled his eyes before following the older boy. Pumunta na sila ngayon sa gymnasium at kaagad na dumirecho sa upuan na sinave ni Jungwoo at Kun para sa kanila. 

Pagkadating na pagkadating nila, kaagad na kinuha ni Hendery ang popcorn sa kamay ni Yuta at ibinigay kay Xiaojun. "Tingnan mo! Ang gwapo ni Ten hyung and Wow, bro may chance tayong makasali sa baskteball na yan!" Hendery said then pointed the shortest member of the team.

"Ayoko nga. Okay na ko sa dance troupe. Say ahh!" Sabi pa ni Xiaojun at sinubuan ng popcorn ang katabi.

"Salamat Hendery ha." Tinapik ito ni Yuta sa balikat. Ni hindi man lang aware na sarcastic pala iyon.

"Welcome hyung." Sagot pa nito.

Samantala, tumabi naman si Taeyong kay Jungwoo. Hindi nya kilala si Jaehyun noon kahit pa bukambibig iyon ni Jungwoo araw-araw. Pero ngayon na nakita na nya kung sino ito, para bang nagkaroon ng liwanag ang kanyang puso at nag uudyok sa kanya na kilalanin pa si Jaehyun lalo.

"Hey Jungwoo."

"Yes?" Nakangiting bati nya.

"Nakita ko yung crush mo kanina. Jaehyun diba?"

"Talaga? Seryoso? Hala dapat tinext mo ko para nakatakbo ako agad nun para makita din sya. So anong say mo? Ang hot diba? Saka matangkad at perfect?" Jungwoo said while giggling. Iniisip nya palang si Jaehyun kinikilig na sya.

"Paano ka itetext nyan eh natameme din kay Jaehyun kanina yan." Sabi ni Taeil at umiling-iling pa na may halong pang-aasar kay Taeyong.

"Uy hindi ah!" liningon ni Taeyong si Jungwoo. Natatakot sya na baka magalit ito sa kanya sa pag-aakalang inaagaw nya ang crush nya kahit hindi naman.

Sino ba naman kasing tao ang hindi magkakagusto sa Jaehyun na yun kung ganoon sya kagwapo?

"Nakakastar struck naman talaga. Oh heto banner para kay Jaehyun. Support mo din baby ko ah." Napatango na lamang si Taeyong bago kuhain yung banner na nasa kamay ni Jungwoo. 

Hinanap ng kanyang mata si Jaehyun at mabilis nya naman itong nakita. Sa gwapo ba naman ng nilalang na iyon? Paanong di mo agad sya makikita? Sobrang puti nya din kaya.

Ni hindi man lang nakaramdam ng gutom si Taeyong habang nanonood ng basketball. This is his first time na manood ng game pero isang tao lang naman ang tinitingnan nya. 

Oh my gosh. 

Mukhang nahulog na sya.

Paano na to?

Comments

You must be logged in to comment
ynnarhin
#1
Chapter 35: bitin ako season 2 juseyo~ hahahaha pero ang ganda ng story puro kilig, saya.. hahahaha pero curious ako sa kung anong nangyari kanila lucas at jungwoo nung hinalikan ni jungwoo si lucas ehh amp HAHAHAHAHAHA
ynnarhin
#2
Chapter 34: lord mag papakabait na po ako when ba ako ulit mag kaka jowa????!!!!! lord baka pwede si taeyong na lang bigay mo sakin huhuhuhu
ynnarhin
#3
Chapter 33: sana all may jowa char HAHAHAHAHA
ynnarhin
#4
Chapter 33: landian na ulit HAHAHAHAHAHA yawa talaga
ynnarhin
#5
Chapter 32: malapit na ako matapos bwiset wala naman akong ababsahin dito sa aff HAHAHAHAHAHA skl lang author nim.. natatanga ako kay jaehyun amp pabebe pa
ynnarhin
#6
Chapter 31: ampota nag kagulo na.. kung ako kay jaehyun sasapakin ko yang jr na yan -,-
ynnarhin
#7
Chapter 30: walang chapter na walang landian amp HAHAHAHAHAHA
ynnarhin
#8
Chapter 28: yawa wet sounds taenaaaaa HAHAHHAHAAHHA
ynnarhin
#9
Chapter 27: nako doyoung bakuran mo na si taeil HAHAHAHAHA

highblood si koya mo jaehyun ang creepy HAHAHAHAHA
ynnarhin
#10
Chapter 26: ayan na may conflict gago na eexcite ako pag may ganito ehh HAHAHAHAHAHA