EPILOGUE

•Be Mine• JAEYONG FANFIC
Please Subscribe to read the full chapter

**✿❀ ❀✿**

TAEYONG

"Yon gago si tanda may jowa na mga bobo!" I heard Ten's voice in our room. Payapa kaming natutulog dito ni Yuta tapos sya bigla nalang papasok at walang katok katok. Amputa.

"Pano mo nasabe bakla?" Yuta asked with his sleepy voice. 

"Nagpost si Doyoung sa IG story nya. Magkaholding hands sila ni tanda. Tangina kung di pa pagseselosin eh."

Ngiti pa sya. Hindi nya alam nung isang araw pa namin nalaman, sya nalang ang hindi nakakaalam hahaha! I feel bad. Pano ba dapat magreact?

"Talaga?" I asked at tumango naman sya pero yung nakangiti nyang mukha kanina napalitan ng pagkairita yata? "Oh bakit?" 

"Bakit hindi pa kayo bumabangon? Ngayon yung competition ng band ng school natin ah."

"Oh tapos?"

"Anong sagot yan beh? Bumangon na kayo jan nang makapaghanda na tayo!"

"Tangina Ten ang aga pa. Mamayang gabi pa yun!" Reklamo ni Yuta saka nagtalukbong ulit ng kumot.

"Eh tanga mahirap humanap ng spot!"

"Kaya na ni Doyoung at Taeil yun."

"Teka nga, bat di kayo nagreact dun sa sinabi ko? Hindi kayo nagulat?" Takang tanong nya kaya medyo natawa ako. OMG I'm sorry beh. 

"Alam na namin nung isang araw pa. Ewan ko kung anong nangyari sayo at nahuli ka sa balita." Yuta again at tumango-tango naman ako.

Ten crossed his arms at tinaasan kami ng kilay. "Aba, anong katrayduran to? I've never feel so betrayed in my entire life."

"Sinasabe mo jan? Hindi ka namin trinaydor ha. Isa pa nahulaan lang din namin yun base sa kinikilos nila. Di mo napapansin nung mga band practice nila kung makangitian sila sa isa't isa? Hindi ako aware na slow ka pala minsan." Sabi ko naman sa kanya at tinawanan ko pa. Mukha talaga syang trinaydor HAHAHA imagine sama-sama kaming nag-uusap para sa dalawang yun tas malalaman mo na ikaw nalang pala ang may hindi alam ng balita.

"Hindi ko malilimutan ang araw na to."

"Tss. Yan eh. Busy kasi magSarawat. Palibhasa kalahi."

"Hoy! Anong Sarawat ka jan? Gawa issue ka!"

"Nakita ko kayo kahapon. Lagot ka kay Johnny. Landi landi mo! Pati yung kabilang section na si Green nakita ka din!"

"Ay judger si puta. Sasapakin na kita! Si Johnny talaga ang kasama ko kahapon umayos ka. Kung sino-sinong binabanggit mo, dun ka pa talaga naniwala. Close kayo ni Green?" Inirapan naman sya ni Ten.

Sino nanaman yon? Bakit ang dami nilang kilala na hindi ko naman kilala? Super friendly ni Hapon ha, nakakatakot.

"Sinong Green? Gandang pangalan ah?"

"Yong baklang taga kabilang section na may gusto sa bebe ko. Shuta itakwil mo na to si Yuta. Close pala sila nun."

Sha, labas ako jan.

At ang gaga hindi pa talaga umalis hanggat hindi kami bumabangon. Bakit ba ang excited nito kapag may event? Duh? 7:00 pm pa ang start nung competition mamaya, anong oras pa lang? 11:30 am palang jusko.

"Bakit ba kami ang binubulabog mo at hindi ka dimirecho sa dorm ni Johnny."

"Yun na nga eh. Dinaanan lang pati kita dito kasi hinahanap ka din ng bebe mo. So sabay na tayo. Breakfast daw."

"Gagi Ten hindi pa ako nagshoshower."

"Kaya nga tumayo ka na jang bruha ka. Dalian mo at miss na miss ko na ang daddy ko."

"Parang tanga parang hindi kayo nagkita kahapon ah?"

"Shuta ka parang hindi ka ganun kay Jaehyun ah? Bilisan mo nga, sasabunutan kita eh."

Wala na akong ibang nagawa kundi ang bumangon at magshower. Hindi na to breakfast actually. Magtatanghali na kaya, pero oks lang.

Matyagang naghihintay si Ten doon at si Yuta naman ang binulabog nya. Matagal-tagal pa naman akong maghanda ng sarili lalo na at si Jaehyun ang imemeet ko, aba dapat laging mukang maganda noh.

"Grabe ang tagal."

"I want to be pretty ano ba."

"Mas gusto nga ni Jaehyun na wala kang make up at natural look ka para walang magkagusto sayo eh."

"Kahit hindi ako magmake up, kung pinanganak akong maganda wala na akong magagawa."

"Tanginang confidence yan." - Si Yuta naman at tiningnan ako ng nakangiwi ang muka. Para syang tangang Japanese na tao dun. 

"Bakit ba Nakamoto? Usto mo lip shiner?"

"Yoko."

"Attitude. Ah oo nga pala. Alam mo one time nung nilagyan kita ng lip shiner noon, hindi pa kayo ni Hansol hyung nun."

"Oo. Pano ko malilimutan yun?"

"Haha nena! Kung nakikita mo lang ang nakikita ko nung mga araw na yun. Grabe sya makatingin sa lips mo bakla! Bahala ka kung ayaw mo ng lip shiner. Tangina ka."

"Balasubas talaga bunganga nito. Akina na nga!" Kinuha nya naman yung lip shiner sa kamay ko ng padabog saka dumirecho sa banyo. Arte naman din talaga ng Hapon na yun.

Maya-maya pa may narinig kaming kumatok kaya naman binilisan ko na din ang kilos ko. Si Ten na ang nagbukas ng pinto.

And there, bumulagta ang mukha ng mga jowa naming bihis na bihis.

"Ang tagal mag-ayos ng jowa mo Jae!" Reklamo kaagad ni Ten bago humalik kay Johnny. Ay kasweet nemen.

Tumingin naman sakin si Jaehyun at ngumiti. Pumasok sya sa loob at inabot sakin yung candy flower na dala nya. 

Ah, sweet talaga ng boyfriend ko. 

"Thank you." Tinanggap ko yun and kissed his cheek. 

"Love you."

"Love you most."

"Taeyong bilis! Gutom na ako." Rinig kong reklamo ni bading. Inirapan ko naman sya saka ko kinuha yung bag ko at cellphone. Nagpaalam na din kami kay Yuta bago lumabas ng dorm. Baka kasi mamaya magdrama yun na umalis kami kaagad.

So ayun, kumain kami ng breakfast-este lunch mga folks. Kailangan namin ng energy para magcheer mamaya sa band ng school namin. Big event yun, ang mananalo don uuwi ng 100k. Oh diba ang laki? Kailangan nilang seryosohin, tapos kami naman ni Ten tinatarantado yung dalawa habang nagpapractice. Mga bida-bida talaga. 

Pero tiwala ako sa band ng school namin. Anjan na pati si Taeil hyung eh. Magaling kaya yan magcompose ng kanta. Hindi lang nya pinapakita, and balita ko composer din yung Sarawat so pag nagtulungan sila, edi bongga.

So anyway. Kakain na kami. Wag kayo magulo.

----

So after namin chumibog, dumirecho muna kami ng music room para panoodin ang last rehearsal ng band.

Seryoso ang mga lolo nyo.

Pero hindi mawawala ang kalandian syempre.

Habang kumakanta kasi, naghoholding hands si Doyoung at Taeil hyong. Aba pota.

Kita nyo yon? Ay di nyo pala kita. Wawa naman kayo. Isipin nyo nalang.

I feel sorry for Pear. Kinausap na naman sya ni Taeil hyung but I can still see the pain in her eyes. Ganun talaga ang buhay mga folks. Hindi yun maiiwasan. Bat hindi nalang sya kay Sarawat magkagusto? Mas bagay naman sila nun.

Happy naman kaming lahat dahil after magkajowa ni tanda, ang blooming nya kayang tingnan. Ayieee. Malandi din.

Hindi kasi, he looks so happy and adorable kasi. Hindi naman nya ineexpect daw na gusto din sya ni Doyoung and I can see na, he's more confident na. Very good.

"Jae, ang cute nila tingnan diba? Tingnan mo yung height differences nila."

"Focus on me. Cute din naman ako ah."

I pouted and look at him, nakatitig lang ang lolo nyo sakin at nagpapacute. Ang hilig ta

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ynnarhin
#1
Chapter 35: bitin ako season 2 juseyo~ hahahaha pero ang ganda ng story puro kilig, saya.. hahahaha pero curious ako sa kung anong nangyari kanila lucas at jungwoo nung hinalikan ni jungwoo si lucas ehh amp HAHAHAHAHAHA
ynnarhin
#2
Chapter 34: lord mag papakabait na po ako when ba ako ulit mag kaka jowa????!!!!! lord baka pwede si taeyong na lang bigay mo sakin huhuhuhu
ynnarhin
#3
Chapter 33: sana all may jowa char HAHAHAHAHA
ynnarhin
#4
Chapter 33: landian na ulit HAHAHAHAHAHA yawa talaga
ynnarhin
#5
Chapter 32: malapit na ako matapos bwiset wala naman akong ababsahin dito sa aff HAHAHAHAHAHA skl lang author nim.. natatanga ako kay jaehyun amp pabebe pa
ynnarhin
#6
Chapter 31: ampota nag kagulo na.. kung ako kay jaehyun sasapakin ko yang jr na yan -,-
ynnarhin
#7
Chapter 30: walang chapter na walang landian amp HAHAHAHAHAHA
ynnarhin
#8
Chapter 28: yawa wet sounds taenaaaaa HAHAHHAHAAHHA
ynnarhin
#9
Chapter 27: nako doyoung bakuran mo na si taeil HAHAHAHAHA

highblood si koya mo jaehyun ang creepy HAHAHAHAHA
ynnarhin
#10
Chapter 26: ayan na may conflict gago na eexcite ako pag may ganito ehh HAHAHAHAHAHA