Chapter 1
Orpheline ( JENLISA )*LISA'S POV*
"Jisoo, kinakabahan talaga ako." sabi ko habang naglalakad papunta sa bago kong papasukan na school, YG State University. "Kasama mo naman ako pati si Seulgi. Tutulungan ka namin." she replied with a smile.
"May transferee daw guys, si Irene Bae, yung sikat na trainee na taga-Korea. Yung crush ko dati pa magiging schoolmate natin!" sigaw naman ni Seulgi at nagtawanan kami ni Jisoo.
I turned 18 a few months ago at simula noon, I learned to be more independent, if that's even possible dahil buong buhay ko ay lumaki ako sa isang bahay-ampunan; Home of Lilacs ang pangalan ng orphanage kung saan ako lumaki. It was founded on 1950 by a group of Sisters. Sabi ni Sister Marisol, noong 2001 niya ko dinala sa Home of Lilacs sa Quezon Province, kasama ni Jennie.
Ayon sa kwento ni Sister, she saw a group of men sa isang sari-sari store na kumakain at may kasamang dalawang umiiyak na sanggol sa tabi lang nila. Na-curious daw si sister kung bakit hinahayaan nalang kami nung mga lalaki na umiiyak at mukhang gutom na gutom na samantalang sila eh masaganang kumakain sa carinderia. Doon na napansin ni Sister na may mga nakasukbit na baril at balisong yung mga lalaki. Namukhaan niya pa daw yung isa dahil nakita niya dati sa tv na kasama sa sindikato ng mga nang kikidnap ng mga sanggol at bata para ibenta yung mga organs nila.
Kaya naman etong si sister, nung makita niya na iniwan kami saglit ng mga lalaki, kinuha niya kami ng dali-dali at iniuwi sa Home of Lilacs. Doon na kami lumaki ni Jennie.
Kabilang sa mga naging kaibigan namin at itinuturing ko ding pamilya ay si Jisoo at si Seulgi. Simula bata palang ay kami na ang magkakasama.
Nagbago lahat nung 14th birthday namin ni Jennie. Oo, pareho kami ng birthday ni Jennie dahil nung kinuha kami ni Sister ay may tag pa kami sa braso kung san nakalagay yung date at time of birth. Pero walang nakalagay na pangalan, na baka tinanggal daw nung mga kidnappers namin kaya walang naging ideya si Sister kung saan kami nanggaling. Kung sa Maynila ba? Sa Luzon? Sa Visayas? O Mindanao kami ipinanganak.
Noong mismong birthday namin, hinanap ko si Jennie at inikot ang bahay-ampunan para mahanap siya pero wala hindi ko siya nakita, nalaman ko nalang na inampon pala siya nung araw na yon ng isang mayamang pamilya at dinala siya sa Manila. Simula noon, hindi na namin siya makita.
Sina Jisoo at Seulgi naman, they both turned 18 last year kaya they decided to move out from the orphanage para mag-aral sa Manila. Nagpapart time silang dalawa sa isang Coffee Shop malapit sa YGU para may pambayad sa renta at pang-araw araw. Buti nalang ay scholars sila pareho dahil sobrang mahal ng tuition sa YGU.
Kaya naman ngayong 18 na din ako, I decided to join them sa Manila para mag-aral, nakapasok din ako sa scholarship surprisingly. At nasa isang apartment kaming tatlo. Si Sister ay may kaibigan dito sa Maynila na may-ari ng boarding house kaya pinakiusap niya na bigyan kami ng discount sa three-bedroom apartment na titirhan namin. Kaya ayon, students sa umaga at barista sa gabi. Binigyan kami ni Sister ng kaunting pera para makapagsimula kami dito sa Manila kaya naman malaki ang pasasalamat namin sa kanya.
Comments