CHAPTER 22 - Sembreak IV
Two of a KindIRENE's POV
10am na ng magising tayo at nagtatawag na sila para sa breakfast at paalis na din tayo papuntang Laoag at Vigan last 3 days nalang natin.
Nang makabangon ako, nakahiga ka pa din na parang inaantok pa.
"Ah-ouch.."
Napabalikwas ka naman sa kama at sinilip ako,
"Hyun? Bakit? Ano nangyari? Masakit pa din ba?"
"Hmm yea medyo masakit pa pero nawala naman na ata yung maga."
Nasprain nga pala ako kaninang madaling araw dahil sa kaartehan,
Anyways, after namin kumain ng breakfast umalis na kami ng Pagudpud at dumerecho muna ng Bangui Wind farm at Bantay Abot Cave para mag picture.
Nang makarating kami ng Laoag after 1 hour dumerecho kaming Sinking Bell Tower at Paoay Lake para din magpicture, so yea adventure and tour talaga ang pinunta namin dito sa Ilocos Norte.
At hapon na ng makarating at makapag-ATV at 4x4 sa Paoay Sand Dunes. Nakakatuwa dito sa Sand Dunes! OMG first time kong mag ATV, buti nakuha ko agad kung paano. Thanks to you and kay kuya na nagassist sakin.
Last stop natin sa Laoag is yung Paoay Church.
After nun sa hotel na tayo na nireserved ni Amber dito sa may Laoag. Nasa Fort Ilocandia Resort & Casino na tayo para magcheck in at mag dinner.
Kinabukasan, sa Vigan.
Kumain muna kami sa Casa Jardin ng brunch dahil 10am na kami nakadating ng Vigan. At saka dumerecho ng Syquia Mansion Museum at Plaza Salcedo. Napakaganda ng vigan actually first time ko makapunta dito and sobrang ganda dito lahat makikita mong vintage at pamodern na.
Wala kaming ginawa kundi ang magpicture. Si Seulgi naman ay nagsshoot at nagffilm dito kasama kami. Ang sarap magkajowa ng photographer. hihi.
"Hyun, look here.. "
"Bubu, smile!"
"There, more. Smile.."
Ayan lang naman mga pinagsasabi ni Seulgi habang kinukuhaan ako ng pictures, after kasi namin sa may Plaza Salcedo, ibinaba lang namin yung mga gamit namin sa hotel at dumerecho na kaming Crisologo Museum at Calle Crisologo.
Ngayon nasa Calle Crisologo kami nag pipicture picture. Napapailing nalang ako dahil halos lahat kami ay may picture sa camera ni Seulgi.
"Okay! Tama na, Joy. Ang dami mo ng picture.."
"Hala! Parang iilan lang yung, Seul! Ang daya bakit kay Irene?"
"Jowa ka ba?" rinig kong sabi ni Byul.
"Huy! *laughs* sira ka talaga, Byul!" sabi ko kay Byul. Lagi kasi nilang inaasar tong si Joy. Lalo na si Amber hilig asarin si Joy.
Natapos na kaming lahat magpictorial, yes pictorial talaga ginawa namin dito sa vigan. haha.
"Tara meryends! Dun sa masarap na empanada daw dito," sabi ni Amber,
"Saan naman babe?" tanong ni Krystal.
"Sa Irene's Empanada daw, around dito lang naman daw. Tara mag kalesa tayo,"
Tawang tawa naman tong mga to sa Irene's
Comments