Chapter 1

Law of Attraction ( chaelisa )
Please Subscribe to read the full chapter

A/N: Hi guys! if you have time please leave a comment sharing your thoughts on whether or not I should continue this fic. Salamat!

--------

 

*Lisa's POV*

 

 

"Ma, kulit mo!" saway ko kay mama habang inaayos niya yung bedsheet ng kama ko. "Sabi ng ako na eh!" sigaw ko habang inaagaw yung paborito kong death note comforter na binili ko sa comic alley nung 16 palang ako.

 

"Nako anak, sure ka ba na kaya mo magisa dito?" Tanong ni mama habang lumapit siya papunta sa sala ng unit at umupo sa sofa.

 

"Oo naman ma, 19 na ko grabe ka!" sambit ko habang pinagpatuloy ko ang pagtiklop ng comforter sa ibabaw ng kama ko.


 

Aaminin ko na spoiled kami ni mama, kaming tatlong magkakapatid. Yung kuya kong si Ten at ang bunso kong kapatid na si Sorn. Si kuya na mas matanda sakin ng 2 years, nagfflight school, last year na din niya at makakagraduate na. Si sorn naman, 2 years ang bata sa akin, economics naman ang kinukuha niya. 


 

4th year ko na dito sa JJRL College sa Maynila at Legal Management ang kinuha kong kurso dahil maganda daw na pre-law. Taga QC kasi ako, kaya hirap na hirap ako sa byahe. Eto ang bunga ng araw araw kong pagrereklamo ng tatlong taon.

 

Napagpasyahan ni mama saka ni papa na payagan na ko magcondo para tuloy tuloy na daw yung stay ko hanggang law school. Magandang investment din naman daw itong condo kahit may kamahalan, binili pa talaga nila ako ng flat screen na tv, sofa saka dinala ko na din yung ps4 sa bahay. All in all, parang ang spoiled ko tuloy tignan kahit di naman. Pinilit pa ni papa na dalhin ko yung isa naming kotse para pwede daw ako umuwi anytime na hindi nahahassle sa pagcommute. I couldn't ask for more.


 

"Yung mga mo, baka di mo labhan magtututong yan." sabi ni mama habang nakabungisngis.

 

"Uy grabe ka ma, may washer at dryer naman." sabi ko habang tumatawa.

 

"Meron nga. Gagamitin mo kaya?" grabe talaga manginis tong si ma. Napaghahalataang nagmana ako sakanya.

 

"Baka naman mapariwara ka dito nak ha." sabi ni mama.

 

"Di ma, ako pa ba. Ako bahala sayo pag naging abogado na ko." Mariin kong sagot kahit na deep inside kinakabahan ako sa pag llaw school. 

 

"Basta behave ka ha." paalala niya ulit. 

 

"Opo. Labyu." Sagot ko habang nakahug kay mama. Di naman sa sipsip ako pero parang ganun na nga.




 

------------------------


 

"Tangina, big time ka na ngayon ah!" sigaw ni Bambam sabay plakda sa sofa ng unit. Classmate ko siya since first year college. Swak kasi yung mga gusto namin --- ps4, basketball, manga, poetry, dancing, saka babae. Yes, girls. 

 

 

Pareho talaga kami ng tipo nito ni Bambam. Naalala ko nga nung 1st year nagkacrush ako kay Tzuyu, na Biology major, yun pala type niya din. Edi ayun, hinayaan ko nalang siya. Nagbreak din naman sila kasi nalaman niya na may ibang type daw si Tzuyu. Siya ang una kong bisita dito sa condo, pagkaalis na pagkaalis nina mama, talagang pumunta siya agad. Kapal talaga ng mukha akala mo walang pasok kinabukasan.


 

"Oy ayusin mo naman yung paa mo, bagong bili yang sofa ko!" Saway ko sakanya sabay bato ng unan sa mukha niya.

 

Binuksan niya yung ps4, feel na feel at home talaga.

 

"Uy, may crush nanaman ako." sabi ni Bam.

 

"Oh sino nanaman." tanong ko sakanya habang binuksan ko yung cabinet na puno ng grocery. Kumuha ako ng honey butter chips na favorite namin pareho ni Bambam sabay bukas at deretso kong nilantakan yung chips.


 

"Yung ano, yung taga Accountancy na pink yung buhok. Ang ganda niya pare. Rosé daw pangalan sabi ni Jennie. Naging classmate niya daw once sa Theology." Sabi ni Bam at napatigil ako sa pagnguya ng honey butter ko.


 

"Tangina gago, off limits yun Bam. Wag mong subukan. Balita ko family friend daw yun nina Jennie. Magagalit yun pag nalaman na prospect mo siya." Sabi ko sabay tawa. 


 

Ayun nga. Pareho talaga type namin. Second year college palang, nung nagtransfer yung sinasabi ni Bambam na Rosé. Aware naman ako sa presence niya, kasi naging crush ko talaga siya at some point nung second year kami. 

 

Kaso medyo napigilan nung naging tropa ko si Jennie at Jisoo. Nagkakilala kami ni Jennie at Jisoo nung nagconduct ng leadership workshop kung saan nagpaparticipate yung mga piling students kahit magkakaibang course sa buong college. Naging groupmates ko sila for a whole week and even after that activity, naging solid yung tropa namin. Engineering majors sila pareho at nasakanila ng 5th and last year, since 5 years ang engineering dito sa college namin.

 

 

Sabi ni Jisoo sobrang strict daw ng parents nung Rosé. May-ari daw ng isang malaking company yung nanay niya. To the point na de sundo daw siya ng bodyguards at minsan daw pinoprofile pa mga nagiging friends niya.

 

Kaya ayun. Once or twice ko lang ata siya nakausap. Di naman kami magkacourse kaya di naman required magusap. Haha. 

 

"To naman. Pero type ko talaga eh. Pareho tayo ng type diba? Wag mong sabihing di mo type yun?" Panggigisa niya sakin. 

 

"Bwisit ka, isalpak mo nalang yung bala. 2k nalang tayo. Ikaw bahala kung g ka sakanya wag mo ko damay" Sambit ko naman habang umupo na rin ako sa sofa. 

 

"Ang kj mo! Parang di ka playgirl. Ano asan na sina Wheein?" Tanong niya.

 

"Papunta na daw. Tumae lang si Moonbyul." sabi ko sabay tawa.

"Tangina ang baboy talaga ng tropa na to!"

 

————

 

"Joy, mamaya na kasi." Bulong ko sakanya. She kept on touching my leg habang nanunuod kami ng The Heirs. Trip daw i-binge ni Jennie, syempre si madam Jennifer yun bawal tumanggi. 

 

"Di mo pa pinapakita kwarto mo." dagdag pa niya, sabay kindat. 

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
lisasrosie
First chapter of Orpheline is OUT! Sana magustuhan niyo :)

Comments

You must be logged in to comment
TheFanFicWoman
#1
Chapter 7: chaeng gonna miss her birthday the way jake gyllenhaal missed taylor swift's.
straightG
#2
another chaelisa au please
urmyangel
#3
I want to read this please I really do.
Boss16 #4
Chapter 22: Please make it english version
myshenaniganslol #5
Chapter 23: Chaelisa but! Write whatever you feel like writing. I’ll read it kahit ano. Btw, sailing ang Jenlisa nowadays. Hahahaha Chaengie galaw galaw! Medyo starving na ako sa chaelisa content. HAHAHAHAHA
YooJeongSunbae
#6
Chapter 23: Full blown angst coming right up! I’m ready ?
BPAdelinka
#7
Can someone please translate it to english, pretty please? I really wanna read this.
straightG
#8
Chapter 21: update ka na agad excited na ko sa next scene

P.S
another chaelisa story please for the next story
teanyfeelinginlove
#9
Chapter 21: Jisoo the cocktail master haha