Final!

Stargazer!

 

 

10 Things I Love about Seulgi, my lovable Bear! 
(What it takes to have an amazing Girlfriend!) 

1.) Her smile - Killer smile! Yung tipong ang layo layo mo pa sa kanya, pero nakangiti na agad sya. Yung ngiting hindi mo gustong pakawalan, yung ayaw mong kumurap dahil sa sobrang ganda nito. Yung ngiti nyang abot sa kanyang mga mata, dun palang alam mo ng masaya sya pag natatanaw na nya yung girlfriend nya. Minsan nga nawawala na yung mga mata nya pag sobra syang nakangiti haha, but I really Love it! 

2.) Her laugh- Jusko po pagtumawa na sya parang mag iiba yung mundo mo! Sobrang sarap kasi pakinggan sa tainga. Maski yung mga corny mong jokes, tatawanan nya kasi ayaw ka nyang mapahiya. Ayaw nyang masayang yung effort na nilaan mo para lang sa walang kwentang joke. 
3.) She is Honest and trustworthy- Hindi mo na sya kailangang tanungin kung ano bang ginagawa nya o kung nasaan man sya.  Kasi magkukusa syang mag-update sayo. Yung taong hindi mo na kailangan pang bantayan *parang sinaing lang sa rice cooker! Hahaha* Hindi mo talagang magagawang magduda sa kanya. Maski nga pagtae nya, sasabihin pa nya sayo para informed ka if ever na hindi agad sya makakareply sayo dahil magkokoncentrate sya sa toilet!

4.) Her dedication- Pag may gusto sya na makuha, talagang paghihirapan nya. Yung tipong walang sukuan, basta sisiguraduhin nyang makukuha nya to hanggang sa huli, whatever it takes or how long it will take pa. Tulad nalang kung paano sya magbigay ng effort sa kanyang girlfriend. Talagang hindi mo na sya mapapalampas pa! 

5.) Her positivity- Kahit sobrang hirap kana sa situation mo, lagi syang andyan sa tabi mo at sasabihing "Kaya mo yan! Wag kang susuko. Just remember that I'm always here to cheer you up!" tapos ngingiti na naman sya na talagang magpapagaan ng loob mo. At Lahat na ng negative thoughts mo ay maglalaho dahil sa kanya. 

6.) She is so funny- Kapag kasama mo sya, walang dull moments. Tatawa ka lang ng tatawa hanggang sa panggigilan mo na sya na para bang isang batang mataba na ang sarap pisil pisilin ng mga pisngi. Hindi mo mararamdaman yung pagkainip mo sa haba ng pila pag manunuod kayo sa cinema dahil sa kanya palang libang na libang kana tapos mamamalayan mo nalang na kayo na pala yung next. 

7.) Her patience- Sobrang haba ng pasensya nya, talagang hahanga ka sa kanya dahil dun. Yung tipong ang usapan nyo 8am pero dumating ka ng 9:30am, powta! 1hour and 30 minutes late! Pero wala kang maririnig na sermon mula sa kanya. Ngingiti lang sya tapos tatapikin ka sa ulo at sasabihing "Sabi na nga ba at dadating ka eh." Then she will hug you, yung isang mahigpit na yakap na para bang ang tagal nyong hindi nagkita kahit na parang halos everyday naman kayong magkasama. Tapos pag bad mood ka at nasusungitan mo sya hahayaan ka lang nya. Makikinig lang sya sa mga pagiinarte mo. Wala kang maririnig na reklamo mula sa kanya. Hihinga lang sya ng malalim tapos ikikiss ka nya sa noo at ayun kakalma ka na uli. 

8.) She listens to you very well- Kahit pagod pa sya galing sa work basta may problema yung girlfriend nya isinasantabi nya yung pagod nya na yun para lang makinig. Yung tipong hindi nya ipaparamdam sayo na kailangan nya munang magpahinga. Basta pag may ikekwento ka sa kanya lagi nang nakahanda yung mga tainga nya. Minsan nga kahit wala ng saysay yung sinasabi mo sa kanya, talagang magfofocus pa sya sa mga bawat salitang bibitawan mo. 

9.) She is caring and supportive- Yung tipong malalate na sya sa work nya tapos malalaman nyang may lagnat ka,  talagang uunahin ka pa nya. Kahit naman alam nyang may iba ka pang kasama sa bahay nyo na pwedeng mag alaga sayo. Tapos hinding hindi mo mararamdaman na nag iisa ka sa lahat ng laban mo,  kasi alam mong lagi syang nakasuporta sayo. Kung may gusto kang maachieve talagang ipupush ka nya to do your very best.  And she will always motivates you to become a better version of yourself. Yung alam mong sa huli makukuha mo talaga yung mga goal mo sa buhay dahil may isang Kang Seulgi sa mundo mo.

10.) And last but absolutely not the least!--Being Consistent! - Yap this is so so so true!  Kasi kung ano yung effort na pinakita at binigay nya sayo nung nag uumpisa palang kayo sa relationship, asahan mo ganun padin ang gagawin nya hanggang sa dulo. 

My Bear! This is for you!  Happy 6th anniversary! Grabe noh! Ang tatag talaga natin! Dami na ngang naiinggit eh. Sabi pa nga nila, ibigay nalang kita sa kanila. Sabi ko naman kahit ibigay kita alam kong sa akin ka parin babalik haha diba tama naman ako? Basta asahan mo na hanggang sa walang hanggan ikaw lang ang mamahalin ko ah. Kahit anong mangyari hindi ka mawawala sa puso ko. 

Pag nalulungkot ka basahin mo lang ito. Pag dumating na yung panahon na wala na ako sa tabi mo at namimiss mo na ako,  lagi ka lang tumingin sa langit,  andun lang ako laging nakatingin sayo. Always remember that you always have my heart. Ayokong makikita kitang umiiyak huh! Hindi ako sanay at ayokong masanay! Alam kong matagal akong mawawala pero sana wag kang panghinaan ng loob kung sakaling matalo na ako sa laban ko.  Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. 

My Bear alam kong medyo mahaba na tong sinusulat ko pero lulubusin ko na hanggat may lakas pa ako. 

Sorry! Sobrang sorry kasi nilihim ko sayo ng napakatagal itong kalagayan ko. Alam ko kasing hindi ko kakayanin na makita kang malungkot pag nalaman mong stage 4 na yung leukemia ko at wala ng cure dito.  Sorry sa mga araw na itinataboy na kita kasi ayokong nakikita mo akong nanghihina.Ayokong nakikita mo akong unti unting sumusuko. Sorry kung nasabi ko din sayo na hindi na kita kailangan. Nasabi ko lang yun dahil gusto kong magalit ka sa akin! Gusto kong lumayo kana sa akin kasi hindi magtatagal mawawala din naman ako eh. 

Pero kahit ganun pa man yung ginawa ko sayo,  hindi mo parin ako iniwan. Hindi mo ako hinayaan na lumaban na nag-iisa. Hanggang ngayon ikaw parin yung nagbibigay ng lakas ng loob sa akin para patuloy akong lumaban. Kaya lang alam naman nating hindi ko na kakayanin. 

Sorry Mahal ah kung balang araw gigising ka nalang na wala na ako sa mundong ito kung nasaan man tayo ngayon.  Sorry kung hindi mo na ako mayayakap at mahahalikan. Sorry kung iiwan kita pag dumating na yung oras na kukunin na ako ng lumikha sa atin. Sorry kung nasasaktan na kita ng todo. Hayaan mo kakausapin ko si God pag nagkasama na kami sa heaven, na ipakilala ka uli sa isang tao na mamahalin ka tulad ng pagmamahal ko sayo. Yung taong hindi kana talaga iiwan at hindi ka na papaiyakain. At yung taong hindi ka na sasaktan. 

Gusto ko balang araw makakangiti ka uli tulad ng dati huh? Yung mahirap iresist na ngiti! Gusto ko din na makakatawa ka parin tulad ng pagtawa mo sa twing magkasama tayo. Wag ka sanang magbabago Mahal. Alam kong magiging mahirap to sayo pero isipin mo nalang na lagi kitang babantayan pag hindi mo na ako nasisilayan at nahahagkan. Promise hinding hindi kita papabayaan. 


Sya nga pala wag na wag mong kakalimutan yung favorite flower ko ah. Yung stargazer! Naalala ko pa nun, halos punuin mo na ng stargazer yung room ko dahil alam mong gustong gusto ko yun. Grabe sobrang saya ko nung mga panahong yun. Aabangan ko yun sa tuwing dadalawin mo ako sa puntod ko ah. Kahit nasa malayo na ako magiging masaya parin ako pag nakita ko na yun. 

Basta tandaan mo na mahal na mahal kita. Ikaw lang hangang sa huli. 

I love you so much Kang Seulgi! 

 

 

Nanlalabo na naman ang mga mata ko habang binabasa ko yung sulat mo sa akin. Ang tagal na pala noh? 3 years ka ng wala dito. Pero bakit hanggang ngayon ang hirap hirap pading tanggapin? Hanggang ngayon ang sakit parin! 

"Ang daya daya mo Joohyun! Sabi mo walang iwanan, pero bakit ka lumisan? Bakit mo ako hinahayaang mag-isa ngayon? Bakit naman ganun? "

 Pinahid ko yung mga luha ko pero ayaw nilang huminto. 

Sorry Joohyun ah kasi umiiyak na naman ako. Nagiging mahina na naman ako. Alam mo namang ikaw lang yung lakas ko diba? Sorry kung hanggang ngayon hindi parin kita napapalaya sa mga ala ala ko. Dun nalang kasi kita mababalikan eh. Dun ko nalang makikita yung dating tayo.
 
Nga pala, ito oh dinalhan kita ng napakaraming stargazer. Sana nakangiti kana dyan. Sorry na, pipilitin kong hindi na umiyak. Pipilitin ko na hindi na masaktan. 

Mahal na mahal kita Joohyun. Please kausapin mo naman si God dyan oh. Kausapin mo sya na ibalik ka na dito sa tabi ko kasi sobrang miss na miss na kita eh. Sobrang gusto na kitang yakapin at halikan. Please, kausapin mo sya. Kahit isang araw ka lang nyang ipahiram sa akin. Pwede ba yun? Sobrang miss na kasi talaga kita eh, parang hindi ko na nga kakayanin yung pangungulila ko sayo. Kaya please balik kana dito. 

Sana ganun lang talaga kadali ano? Yung hihiling lang ako tapos isang iglap andito kana uli sa tabi ko. Pero alam naman kasi nating pareho na hindi mangyayari yun, kaya ito ako ngayon nakatingala na lang sa langit. Sabi mo kasi diba tumingin lang ako sa langit kasi tinitingnan mo ako? Ito oh nakatingin ako ngayon, Nakikita mo ba ako? Okay ka na ba dyan? Wala ka na bang pain na nararamdaman? Sana ayos ka na dyan. 

Ako? Magiging maayos din ako para sayo, kahit hindi ko pa alam kung kailan. 

Lagi mo akong gagabayan mahal ah. I Love You!

THE END! 

 

**********************************************************

Author's Note:

Stargazer flower's message is to keep your eyes on the heavens instead of always staring at the ground.  Stay positive and watch as the world changes around you. 

 

Sorry guys if malungkot yung story na to. But I hope that you appreciated it kahit na papano.

Thank you sa lahat ng nagbasa at mag babasa pa. 

Please feel free to leave a comment down below.  

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 1: ang ganda ng story kahit nakakaiyak! huhuhu power couple nila ditooo <3