CHAPTER I.

UNTITLED, 2017

Unang araw ko sa practicum. 

I wear my uniform, wear a light make-up at ang hindi kailangan pumalya eh ang pagkaka-ayos ng aking super precious na BANGS! Bangs is life my friends! Kailangan maitago niyan ang aking pinakamamahal na forehead. lol

After ko mag-ayos ay bumaba na ako sa kitchen at kumain na.

Ng madami.

Kailangan may lakas ako. Sabi kasi ni tita, na admin officer sa pag-o-OJT-han ko, peak season ngayon dahil may ni-launch na program ang company so, dagsa talaga ang mga customers sa branch kung saan ako na-assign. Ito kasi ang branch kung saan accessible sa lahat. Along EDSA lang kasi, so, alam na. Mapapalaban ang beauty ko. ㅋㅋㅋㅋ

@ YGS Kalookan

"Ano Lisa, gets mo na ba ang mga gagawin mo? Mag aassist ka lang naman sa mga employees and some clerical works." Tita Josephine asked me.

"Yes po tita. Este Ma'am Josephine." I answered to her politely.

"Sige, tara na. Ipapakilala na kita dun sa magiging supervisor mo." Tita Josephine guided me palapit dun sa 3 counters na magkakadikit. And upon seeing the customers they're serving, OMG, di nga nagbibiro si tita sa warning niya. SOBRANG DAMING TAO. As in!

"French! This is Lisa, siya ang OJT ninyong tatlo dito." Tita introduced me to the guy with a curly hair, around 40+ years old.

"Siya lang mag-isa?! Kakayanin ba niya? Eh tatlo kaming i-aassist niya?" React ni sir French sa kay tita. Tama nga naman siya. Diyos ko, mahuhulas talaga ako neto.

"Hindi naman. May 2 pang parating. So, pansamantala, siya muna." Tita explained. "Lisa, observe ka muna ha? French, ikaw na magturo kay Lisa sa mga gagawin niya. Ok?"

"Ok sige. Sige na, ako na bahala dito sa kanya. Salamat." Sir French said.

And with that, tita left me with sir French, my supervisor, and the two girls who are busy as of the moment. They didn't even noticed na nasa likod na nila ako.

So, being me, the pretty and nasty Lisa, introduced myself to the two busy girls.

"Hi po, I'm Lisa, Lalisa Manoban. Dito po ako na-assign sa department ninyo."

"The one with reddish hair looked at me and smiled. "Hi Lisa! Ilang taon ka na? Dito ka sa amin? Naku, wag ka susuko dito ha? Hahaha. Joke lang. Upo ka muna diyan, wala pa naman kami ipapagawa, if may prinint kami, andiyan lang sa likod, pakikuha nalang. Salamat!" Mahabang bati sa akin ni ano nga pala pangalan niya?

"Nga pala, ako si Jiselle Soophie Lim. In short, JiSoo. in shortest, Chu. So kung ako sa'yo, Chu lang tawag mo sa akin." yeah. Ni ma'am Chu.

"Jendeuk! Si Lisa oh, bagong trainee natin" tawag pansin ni Ma'am Chu dun sa other girl na katabi niya at kinulbit pa ito.

So, while waiting for that girl's warm welcome, ni-ready ko naman ang aking, bright smile. Pero,

Wtf!

Nilingon niya lang ako at tinignan lang nang sobrang saglit at bumalik na agad sa ginagawa niya. Like WTF?

Pangit ba ako? Kasulyap-sulyap lang ba ako?

Sa tanang buhay ko, ngayon lang may tumingin sa akin ng ganun lang kasaglit! Aba't!

"Lisa, pagupit naman ako nitong DTR ko. Sundan mo lang yung outline. Thank you!" Utos ni mam Chu habang inaabot yung gunting at yung DTR niya. Tatayo na sana ako para gawin yung inuutos niya ng...

"Wait, pasabay nitong akin. Thanks." Pahabol ni Ma'am Jendeuk. Like wtf? Di mo man lang nga ako matapunan nang tingin, uutos utos ka pa. Saksakin kita ng gunting na to eh. Charot. Pero kahit inis na inis ako sa kanya eh kinuha ko pa rin yung pinapagawa niya at lumipat na ako sa bakanteng table at dun ginagawa ang inuutos nila.

Habang nag-gugupit ako ng DTR ni ma'am Jendeuk,

"Jennifer Ruby Kim." So, Jennifer Ruby pala ang name nitong mataray na to. Tsss.

"Smile ka naman diyan" sabi nitong isang guy na mga mid-20's na siguro ang edad. Matangkad, pogi, magaling pumorma,empleyado dito sa company at

"Nagustuhan mo ba ang nakikita mo?" The guy smirked

Mayabang.

"By the way, I'm.."

"Ben! Andami ng tao dun sa counter mo! Pagala-gala ka na naman!" Sigaw sa kanya nung isang matandang empleyado na kaya napatakbo siya paakyat.

And left me dumbfounded. A very nice way to start my OJT.

--

Lunch time.

Kasabay ko kumain si Ma'am Chu. She's very nice. Kalog siya and napaka-daldal. While eating, nakasabay ko kumain ang ibang co-workers niya from other floors and departments. They're all nice to me and other OJTs.

 

Ng patapos na halos ang lunch, kami nalang ni ma'am Chu ang naiwan sa pantry. Nagkwentuhan lang kami about sa buhay ng isa't isa. And I found out na she had a girlfriend which lasted for 4 years until that girl cheated on her and they broke up last January. But she said, she's ok now and she's happy with her current boyfriend, Bobby.

 

"So, ikaw naman magkwento nang buhay mo."

 

"Adopted ako. My biological mother left me with my aunt and never seen her ever since. Si mama lang ang nagpalaki, nagpaaral at nag-alaga sa akin since then kasama ng girlfriend niya. Lesbian si mama. Pero I'm proud of her." Kwento ko.

"How 'bout your dad?" Ma'am Chu asked.

"He's in his 1st family. With his legal wife and legitimate children."

"Ohh. So, your biological mother is---"

"She was Dad's mistress. At ako ang bunga ng kasalanan nilang iyon." I said. Keeping a straight face. Everytime na kinukwento ko itong buhay ko, kahit paulit-ulit na, masakit pa rin talaga. Kahit sabihin na tanggap ko na.

"So, ano naman? At least naman you're proving them na kahit yun ang pinagmulan mo, you'll be better naman. And that's with the help of your mama and not them." Ma'am Chu said while rubbing my back to comfort me.

"Yeah. Tara na po, tapos na break time natin." Yaya ko sa kanya.

"Ay oo nga pala. Tara, baka stress na stress na si Jendeuk doon sa dami ng customer." Sabi ni ma'am Chu at nauna nang lumabas.

Sumunod naman ako agad sa kanya at naupo na sa pwesto ko.

I am observing the two. Ma'am Chu and Ma'am Jennie. They are complete opposite of each other. Ma'am Chu is bubbly while Ma'am Jennie is serious. Pero they're bestfriends.

"Lisa, pakidala naman to sa third floor. Pakipapirmahan kay Boss Yang." Utos sa akin ni sir French.

Agad naman akong tumayo para sundin yun at tinanong kanila ma'am Chu kung may ipapasabay at agad naman umiling si ma'am Chu, while si ma'am Jendeuk naman eh as usual, No Reaction.

Umakyat na ako sa third floor para magpa-pirma kay Boss Yang. Habang palapit ako sa kanya, one guy caught my eye. Grabe, ang gwapo niya. Para siyang living anime character.

He's serious typing in his PC and siguro napansin niya ang pagtingin ko so, before pa niya ko mahuli, inalis ko na ang tingin ko sa kanya at dumiretso na kay Boss Yang.

Nang nakababa na ako, gustong gusto kong magtanong kay ma'am Chu about dun sa guy, pero, ayoko naman ma-misunderstood niya yun, so, I let it pass nalang.

Dumating naman na ang 2 pang co-OJT ko, si Roseanne at si ate Mina.

We got along. At ang naging ka-close ko agad ay si Rosé. Inaasar nga kami ni ma'am Chu dahil we converse in full english.

After ng office hours, sinabay na ako ni tita pauwi.

After reaching our home, nag freshen up na ko and sumabay na kanila mama kumain. Nagkwento lang ako regarding my first day and naghugas na ng pinagkainan.

"After a looooong and tiring day, at last! Makakapagpahinga na din!" I bursted out at tumalon na sa higaan.

Nakatulala lang ako sa kisame at nagpapaantok ng maalala ko ang itsura ni Anime Guy kanina.

"Grabe, ang gwapo niya talaga."

The last words na nasabi ko before I fell..

 

asleep.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet