Final

Totoo ka ba?
Please Subscribe to read the full chapter

 

Pauwi na sana si Jongin from his org meeting ng nakita niya si Kyungsoo na may kausap sa labas ng isang coffeeshop sa tapat ng kanilang university, mukhang seryoso sa pakikipag-usap si Kyungsoo sa isang binata kaya hindi niya napansin ang paglapit ni Jongin sa kanya.

 

“Sorry HyunSeung, I don’t think na makakapunta ako” Sabi ni Kyungsoo sa binatang kausap niya

 

“Hi babe sorry I’m late” biglang sabi ni Jongin sabay akbay sa balikat ni Kyungsoo. Nanlaki ang mga mata ni Kyungsoo at siniko si Jongin

 

“Uy pare” bati ng binata kay Jongin “Hey dude, ikaw pala” tumingin si HyunSeung kay Kyungsoo at sinabi “Oh you have someone to go with pala, Soo.” “Ha? Eh still I don’t think we can go medyo busy kasi” palusot ni Kyungsoo, sana lang ay magets ito ni Jongin.

 

Nagsmile si Jongin at nagtanong kung tungkol saan ba ang pinag-uusapan nila. “May small gathering kasi ang batch namin sa high school at inaaya namin tong si Kyungsoo kaso sabi di daw siya makapunta kasi walang kasama”

 

“Don’t worry dude pupunta kami ni Kyungsoo, kailan ba yan?” again muling siniko ni Kyungsoo si Jongin sa tagiliran at kinurot ngunit mukhang hindi ito pinansin ni Jongin

 

“This Saturday. Alam na ni Kyungsoo saan.”

 

Nang maka alis na si HyunSeung ay bigla nalang sinipa ni Kyungsoo si Jongin sa paa at kinurot ulit ito sa tagiliran ngunit naka iwas agad ito.

 

“Gago ka ba? Bakit ka naman pumayag eh wala naman akong plano na pumunta sa party na yun.”

 

“Huh? Sa tingin mo sasamahan din kita sa party na yun?” sagot ni Jongin habang pinapagpag ang nadumihang pantalon pagkatapos ay ngumiti ito kay Kyungsoo

 

“Ganda ka ba?” tumawa ito at dahan dahan naglakad paalis napasigaw na lang si Kyungsoo sa sobrang galit

 

“Masagasaan ka sana ng jeep!”

 

Patuloy na naglalakad si Jongin palayo kay Kyungsoo at tinaas ang kanyang middle finger. Sa sobrang galit ni Kyungsoo ay tinapunan niya ito ng maliit na bato at saktong natamaan ang ulo ni Jongin.

 

"Pakyu mo din, ulol"

 

Kyungsoo 1, Jongin 0

 

Kung sa tingin ni Jongin ay makakalimutan na lahat ni Kyungsoo ang tungkol sa nangyari kagabi ay nagkakamali ito. Laking gulat nalang ng kanilang mga classmate ng nakita nilang umupo si Kyungsoo sa tabi ni Jongin at kinausap ang binata.

 

“Help me!” sabi ni kyungsoo, umiling si Jongin at patuloy sa paglalaro ng pubg sa kanyang cellphone

 

“Ano ba Jongin eh kasalanan mo naman lahat to” Hindi pa rin kumikibo ang binata sa sobrang inis ay kinuha ni Kyungsoo ang cellphone ni Jongin at tinago ito sa bulsa.

 

Pota isang kalaban na lang at chicken dinner na sana si Jongin nang tiningnan ni Jongin si Kyungsoo ay halos namumula na ito sa galit aba sya pa talaga tong may lakas loob na magalit sabi ni Jongin sa sarili

 

“Ano?”

 

“samahan mo ako dun sa party”

 

Natahimik ang lahat ng tao sa classroom ng narinig nila si Kyungsoo, ano bang nangyari katapusan na ba ng mundo at biglang nakiusap ni Do Kyungsoo ang kinaiinisan nitong si Kim Jongin.

 

“Yoko nga, may event akong pupuntahan sa Sabado”

 

Kinurot ni Kyungsoo si Jongin

 

“Gago ka pala kung di ka umepal kagabi di na sana ako nagkakaganito ngayon” sagot ni Kyungsoo habang patuloy sa pagkurot kay Jongin

 

“HOY DO KYUNGSOO NAKAKAILANG KUROT KA NA HA AKALA MO BA DI MASAKIT YAN?” Sasagot pa sana si Kyungsoo ng biglang ng bell at pumasok na ang kanilang professor.

 

Pagkatapos ng klase ay mabilis na tumakas si Jongin sa classroom para lang hindi ito makita ni Kyungsoo buti na lang at hindi sila magkaklase sa next subject at hapon na ng muli silang nag kita for Philo class. Nasa likod ito nakaupo si Jongin malayo ito kay kyungsoo at masayang naglalaro ng pubg habang hinihintay ang kanilang professor tatlong kalaban na lang ang natitira at may posibilidad na maipanalo niya ang larong ito ng biglang may unknown number na tumawag sa kanya

 

"Ay pota !"

 

Halos maitapon ni Jongin ang kanyang cellphone sa galit maya-maya pa ay may nag text

From: Unknown Number

Samahan mo naman ako sa party

 

Napatingin si Jongin sa paligid at nakita si Kyungsoo na nakatingin din sa kanya. Badtrip na si Jongin dalawang beses na kasi siyang ginugulo ni kyungsoo habang naglalaro ng pubg.

 

To: kalbs

Yoko nga bahala ka dyan

 

From: kalbs

Jongin sige na

 

Nakatingin si Kyungsoo kay Jongin habang binabasa ng binata ang kanyang text at pagkatapos ay umiling ito

 

From: kalbs

Please

 

From: kalbs

Gagawin ko lahat ng gusto mo samahan mo lang ako

 

Napangiti si Jongin sa nabasa

 

To: kalbs

Usap tayo after class

 

Agad na hinawakan ni kyungsoo ang braso ni Jongin paglabas nito sa classroom

 

"Chill"

 

"Paaano ako kakalma baka aalis ka naman at iwan ako"

 

Hindi napigilan ni Jongin ang matawa dahil sa sinabi ng binata pagkatapos ay inakbayan niya ito "Nandito lang ako" asar nito. Nakaupo sila ngayon sa isang bench malapit sa gym wala na gaanong tao dahil gabi na

 

"Sabihin mo nga bat ngayon gustong gusto mo na samahan kita sa party eh sabi mo kahapon ayaw mo pumunta?"

 

"Paano ba naman kasi ang epal mo kagabi sinabi mo pa na pupunta tayo sa party"

 

"Di icancell mo, sabihin mo di na tayo makakapunta"

"Sana ganon lang kadali yun, eh nag expect na ung EX ko na pupunta tayo"

 

Umirap si Jongin. Ex? Si do kyungsoo may exo?

 

Tanong nito sa sarili pagkatapos ay tiningnan si Kyungsoo from head to foot

 

"Sino ba ung ex mo?"

 

"Si HyunSeung, ung kausap ko kagabi" Hindi makapaniwala si Jongin sa narinig at tingnan ulit si Kyungsoo, paano nangyari yun? Totoo bang naging boyfriend ni HyunSeung ang Kyungsoo na to eh para ngang bata kung mag-ayos palagi lang nakasuot ng black tshirt at pants dagdag pa

ang bag nya na parang level 2 backpack sa pubg.

 

"Alam mo kyungsoo okay lang din naman mangarap pero wag mo nalang ipaalam sa iba" Sa sobrang inis ay kinurot na naman ni Kyungsoo si Jongin

 

"Hindi ka ba naniniwala na ex ko si HyunSeung?"

 

"Totoo ba?" napabuntong hininga na lang si Kyungsoo, wala na syang choice kundi magkwento tungkol sa ex nyang si Cha HyunSeung

 

 

 

"Seryoso ka ba? Almost one year naging kayo tapos ganon lang sinabi nya sayo na hindi ka na nya gusto?"

 

Nag nod si Kyungsoo at hindi maiwasan na maalala nag araw na nakipaghiwalay sa kanya si HyunSeung

 

"Tapos anong ginawa mo?"

 

"Nagpakalbo" sagot nito

 

Hindi na alam ni Jongin kung magagalit ba sya o maaawa o di kaya ay matawa sa sinabi ni Kyungsoo.

 

"Paano ba naman kasi sya ung first boyfriend ko tapos nafrustrate ako kaya nagpakalbo nalang ako"

 

"Hindi mo ba sya kinausap man lang?"

 

Umiling si Kyungsoo, never ko na sya nakausap until last night nung nagkita kami sa coffee shop. Ang alam ko may girlfriend na sya ngayon.

 

"Oh yun naman pala eh, di ikaw move on ka na rin"

"Alam mo ikaw kung maka advice ka akala mo ganon lang kadali. First boyfriend ko yun"

 

"So?"

 

"So? Hindi madali yun jongin"

 

"Unless may feelings ka pa sa kanya, eh ilang months na na kayo naghiwalay?"

 

"Seven months"

 

"Tangina ang tagal na pala eh. Ano mahal mo pa sya no?"

 

"Hindi na nga eh, kaso ayoko sana makipagkita sa kanya hanggang di pa ako nagkakaboyfriend ulit"

 

"Ano namang connection dun?" Ngumiti si kyungsoo

 

"Syempre gusto ko ipamukha sa kanya kung sino ang sinayang nya" Tumawa bigla si Jongin sa narinig pagkatapos ay tinitigan ulit si Kyungsoo

 

"No ofense pero sa ayos mong yan feeling ko magpapasalamat pa sya at hiniwalayan ka nya"

 

Tumahimik si Kyungsoo kahit hindi nito sabihin ay halatang nasaktan sya sa sinabi ni Jongin pero sa halip na sagutin pa ito ay hindi niya na lang pinansin.

 

"So bakit nga kailangan kong sumama? Eh kung si jongdae na lang isama mo total bff mo naman yun"

 

"Tanga ka ba tinawag mo akong babe sa harap nya kagabi tapos ibang tao ang isasama ko?"

 

"Kaya ako ang gusto mong isama?" Nag nod si Kyungsoo

 

"at magtanggap na boyfriend ko"

 

"Woah, woah, woah a-ako as boyfriend mo?" Nag nod ulit si Kyungsoo sabay smile

 

"remember babe"

 

"tigil-tigilan mo nga ako dyan sa mga plano mo Do Kyungsoo, ayoko nga magpanggap ng boyfriend mo isa pa ano naman mapapala ko dyan" sabi ni Jongin bago ito umalis

 

"Jongin naman eh, kung di ka umepal kagabi eh di sana wala tayong problema ngayon"

 

"Ngayon kasalanan ko pa?"

 

 

 

"ilang oras lang naman to tsaka after ng event na to di na kita guguluhin. promise" napatigil sa paglalakad si Jongin at tiningnan si Kyungsoo na nakaupo parin sa bench, maya maya pa ay bumalik din ito at tumabi sa kanya

 

"sige payag ako, pero sa isang condition"

 

"kahit ano gagawin ko" sagot ni Kyungsoo

 

Natapos ang gabi na napapayag ni Kyungsoo si Jongin na samahan sya sa event ngunit hindi parin sinabi ng binata kung ano ang isang condition niya. Ayon sa kanya ay pag iisipan pa raw niya ito.

 

"dapat walang ibang makaka-alam ng tungkol dito" sabi sa kanya ni Jongin

 

"Ah wag kang feelingero Kim Jongin wala akong balak na ipagsabi ito" sagot sa kanya ni Kyungsoo.

 

Kinabukasan ay hindi nagkita ang dalawa sa campus kaya naman ay tinext na lang ni Kyungsoo kay Jongin

 

From: Kalbs

7 pm bukas sunduin mo ako dito sa bahay

 

To: Kalbs

Pwede bang sa labas na tayo magkita?

 

From: Kalbs

Tangina mo naman jongin oh

minsan nga lang ako magpapasundo

 

To: Kalbs

Sige na nga. 7

 

From: Kalbs

See you tomorrow,

BABE

 

To: Kalbs

Grrrrrrrr

 

 

 

Alas kwatro pa lang ay nag text na si Kyungsoo kay Jongin na wag itong magpa-late ngunit di siya nireplayan ng gago. Bandang alas kwatro y medya ay dumating si Jongdae at ang pinsan nitong si Baekhyun para magpatulong sa pag aayos hindi kasi gaya ng iba ay may paka late bloomer si Kyungsoo at hindi pa gaanong magaling mag makeup. Tanging skin care lang ang inaatupag kasi daw nakakatamad ang pagmamakeup. (Pero mind you umaabot sya ng almost 2 hours para sa skin care routine nya)

 

"Saan nga lakad mo ngayon at mag-aayos ka?" Tanong ni Jongdae

 

"High school get together"

 

 

 

"Mag-isa?"

 

"Hindi, with Jongin" Napatigil si Baekhyun sa pagte-text pati na rin si Jongdae ay napatigil sa ginagawa nya

 

"Jongin? As in Kim Jongin from Engineering department ung laging kaaway mo?

 

"Yep, him" sagot ni Kyungsoo

 

"Diba galit ka dun? Anong nangyari?"

 

At since mahaba pa naman ang oras kaya ay kwenento na lang muna ni Kyungsoo ang lahat ng nangyari sa kanila ni Jongin nung isang gabi pati na rin ang tungkol sa paguusap nila nung isang araw.

 

"Ang gago naman pala ng lalaki na yan sana wag ka na lang pumunta"

 

"Pero dae ini-expect na ni HyunSeung na pupunta kami ni Jongin"

 

"Ine-expect o gusto mo lang din talaga makita yang ex mo?"

 

"No, gusto ko lang talaga ipamukha sa kanya na naka move on na ako"

 

"Move on daw, eh fake boyfriend naman"

 

"Dae naman wag ka na magalit"

 

"Hay nako sayo Kyungsoo, basta pag ikaw nasaktan dyan sa pinag gagawa mo wala na akong ibang sisisihin kundi sarili mo."

"Alam ko naman yun eh" sagot ni Kyungsoo bago nito niyakap ang kaibigan "

Eh Kyungsoo may tanong ako, di mo ba talaga gusto si Jongin?"

 

"Nope, hindi, never"

 

"Soo may text ka!" Sigaw ni Jongdae nasa banyo pa kasi si Kyunysoo

 

"Sino nag text?"

 

"Di ko kilala GT ung nakalagay"

 

"Ahh, si Jongin yan"

 

"Bakit GT?"

 

"Gwapong tanga, ano ba sabi nya?" Inunlocked ni Jongdae ang phone ni Kyungsoo

 

"I'm on my way, see u in a while babe"

 

 

 

Halos malunok ni Kyungsoo ang mouthwash nya pagkatapos na nabasa ang text mula kay jongin, agad naman itong nagmadali at lumabas ng banyo para kunin ang cellphone at siguraduhin na tama ang binasa ng kaibigan

 

From: GT

bat ang tagal mo

magreply kinikilig ka noh?

Ayeeeeee

 

 

 

kilig mo mukha mo gago sabi ni kyungsoo sa sarili pero sabi nga nila two can play this game. Syempre di magpapatalo si Kyungsoo

 

To: GT

Slr, may ginagawa kasi ako kanina.

See u in a while &

drive safely babe

 

"Babe?" Napataas ng kilay si Jongdae sa kanya

 

"Wala yan dae"

 

 

 

To: kalbs

Babe nasa labas na ako

 

From: kalbs

Okay babe, pababa na me

 

Sa totoo lang ay kinakabahan talaga si Jongin hindi nya alam kung tama ba ang desisyon nyang tulungan si Kyungsoo paano kung pati sya ay mapahamak dahil sa pinaggagawa nila Good luck sayo kim Jongin. Ilang minuto pa bago bumaba si Kyungsoo at iniisip ni Jongin kung bakit ito natagalan siguro naghahanap pa yun ng tshirt na isusuot (kung may ibang taong nakakita kay Jongin baka pagkakamalan na syang sira ulo dahil tumawa siya ng mag-isa ngayon habang hinihintay si Kyungsoo)

 

"Hey sorry medyo natagalan ako" biglang napahinto si Jongin at nakatitig na lang kay Kyungsoo. Halos hindi makasalita si Jongin ang laki ng pagbabago ng pananamit ni Kyungsoo ngayon. Nakasuot ito ng maluwang na white polo shirt na naka tuck-in sa kanyang highwaisted blue jeansat ankle boots.

 

TANGINA KAILAN PA NANGING GANITO KA HOT SI KYUNGSOO?

 

Nang nakalapit na sa kanya si Kyungsoo ay hinawakan ng binata ang baba ni Jongin para isara ang kanyang bibig.

 

"Oh jongin bat nakatunganga ka pa dyan malalate na tayo" sabi ni kyungsoo ngayon ay nakasakay na sa montero ni Jongin.

 

"A-ah oo andyan na." Tahimik sa loob ng sasakyan, biglanb hindi alam ni Jongin kung paano makipagusap kay kyungsoo buti na lang at nagsasalita si Kyungsoo

 

"Btw, jongin isa lang talaga pakisuap ko sayo wag ka sanang umepal ngayon please lang"

 

"Bakit ayaw mo bang baka may gawin na naman ako?"

 

"Jongin please, then last time na umepal ka ito ang nangyari sa atin. Ayoko na ma stock sa isang sitwasyon na kasama ka. Last na to okay?"

 

"Grabe ka naman makapag salita."

 

"Totoo naman ah. Bakit gusto mo pa ba?"

Hindi na sumagot si Jongin at nagpatuloy sa pagmamaneho.

"Btw, saan cellphone mo?"

 

"Anong gawin mo?"

 

"Basta akin na" Agad naman binigay ni Jongin ang kanyang cellphone kay kyungsoo at napansin nitong kumukuha ng picture si kyungsoo sa cellphone nya

 

"Anong ginagawa mo?"

 

"Pinapalitan ung wallpaper mo ng picture ko para naman maniwala silang magboyfriend nga tayo" Pagkatapos palitan ang wallpaper ay kinuha ni Kyungsoo ang cellphone nya at saktong naka red ang stop light kaya napagdesisyunan nitong mag take ng selfie kasama si Jongin. Dahil medyo malayo sya kay Jongin dahan-dahang itong umurong palapit sa binata habang si Jongin naman ay nakatingin parin sa daan.

 

"Jongin tingin ka sa akin dali!" Ngunit di sya pinansin ni Jongin kaya naiisipan niyang lumapit at magkunwari na hahalikan ito sa pisngi ng biglang humarap sa kanya si Jongin *click* Saktong kuha sa cellphone ni kyungsoo ang smack kiss nila ni Jongin. Biglang nanigas silang dalawa at natahimik bigla sa loob ng sasakyan.

 

"S-sorry! Di ko sinadya" sabi ni kyungsoo na ngayon ay namumula sa sobrang kaba

 

Mabuti na lang at malapit na sila sa kamnilang pupuntahan, tamihik lang si Jongin sa pagmamaneho habang si Kyungsoo naman ay naglalaro na lang ng games sa kanyang cellphone. Maya-maya pa ay pinark na ni Jongin ang sasakyan ngunit bago pa man sila makalabas ay tinitigan nya muna ulit si Kyungsoo.

 

"Teka soo" humarap si Kyungsoo kay Jongin at nagulat sa narinig.

 

Nakatitig na rin si Kyungsoo kay Jongin at as usual ang gwapo pa rin nya no actually ang gwapo nya ngayon nakataas ang buhok niya at kita ang noo habang naka suot ng black polo na naka tanggal ang dalawang butones, naka fitted pants at Dr. Martens na sapatos.

 

"Yes?" Tanong ni Kyungsoo

 

"You look so pretty tonight" sabi ni Jongin

 

Shoot biglang kinabahan lalo si Kyungsoo at nagblush dahil sa narinig amputa baka di nya na kayanin di pa nga sila nakapasok sa event may kahit ano na lang ang sinabi nitong si kim jongin.

 

kalma kalbo kalma

 

"Thanks, ikaw din naman ang gwapo mo ngayon" sagot ni Kyungsoo, ngumiti sa kanya si Jongin. "Also, let's have fun tonight at promise di ako mag eepal." Dagdag ni Jongin.

 

Hindi nakasagot si kyungsoo, hindi nya din kasi alam kung ano ba kasi dapat ang isasagot sa sinabi ni Jongin. Bababa na sana sya nung biglang hinarangan sya ni jongin at nauna itong bumaba pagkatapos ay pinagbuksan sya ng pinto.

 

"Uy ang sweet naman" asar nya

 

"Ngayon lang to para sa boyfriend ko"

 

Pagkatapos ay unti-unting hinawakan ni Jongin ang kamay ni Kyungsoo. Malaki ang kamay ni Jongin at medyo magaspang pro parang gusto na ni Kyungsoo na palagi itong hawakan.

 

"Magkwento ka naman tungkol sa high school mo atleast may idea ako malay natin may magtanong"

 

"Sige na nga"

 

Marami ng tao nung dumating sila kyungsoo sa bar ngunit hindi parin nya nakikita HyunSeung. Umupo sila sa isang couch kung nasaan nandoon ang iba nyang mga classmate na babae at nakipag kwentuhan

 

"Kyungsoo kanina pa tayo nag uusap di mo man lang kami pinapakilala sa kamasa mo"

 

"Oo nga naman kyungsoo" hirit pa ng isang classmate nya

 

"Pakealam nyo ba" mahinang pagkasabi ni Kyungsoo ngunit narinig ito ni Jongin at di naiwasang tumawa bigla na lang inakbayan ni Jongin si Kyungsoo pagkatapos ay bumulong kay Kyungsoo

 

"wag ka na mag selos babe" bago nito hinalikan si Kyungsoo sa pisngi.

 

Pasimpleng kinurot ni Kyungsoo si Jongin sa tagiliran bago nya pinakilala si Jongin bilang boyfriend sa mga dating classmate nila "Inggit ako, ang sweet nyong dalawa" sabi nung isang classmate ni Kyungsoo Ngumiti lang sila kyungsoo at jongin

 

"Ang daya nitong si kyungsoo ang gwa-gwapo ng mga jowa"

 

"Speaking of na jowa ni Kyungsoo nakita mo ba si HyunSeung?" Tanong ng isang classmate nya

 

"Actually siya nga ung nag invite sa amin dito nung isang araw" nagulat ang lahat

 

"So u mean nagkita na sila ni Jongin?"

"Yep"

 

"Girls alam nyo bang single na ulit sya" nag hiyawan ang mga classmate ni kyungsoo matapos marinig ang balita, habang sya naman ay hindi alam kung ano ba dapat ang maging reaction. Naramdaman nya na lang na hinahawakan na ni Jongin ang kamay nya

 

"Single na daw ex mo" asar nito. Ilang oras palang magkasama si Kyungsoo at Jongin pero mukhang mababaliw na ito sa mga pinaggagawa ng binata, minsan gusto nitong batukan o di kaya kurutin dahil sa pang-aasar ng wala sa oras. At dahil hindi na napigilan ni kyungsoo ay hinarap nito si Jongin at kinurot ang mgapisngi nito (pero syempre light lang kasi ayaw nya din magalit si jongin nangigigil lang talaga si Kyungsoo sa kanya)

 

"Aray sakit naman nun babe" malakas na sabi ni Jongin kaya naman ay napa lingon sa kanila ang mga classmate ni kyungsoo

 

"Ang sakit, kiss mo nga para mawala"

 

Pulang pula na si Kyungsoo hindi lang dahil sa nahihiya sya kundi dahil kinakaban sya (at sa totoo lang hindi nya alam bakit sya kinakabahan)

 

"Dito, kiss mo dito" sabi ni jongin habang tinuturo ang kaliwang pisngi nya at dahil nakatingin sa kanila ang mga classmate ni Kyungsoo walang nagawa ito kundi halikan ang pisngi ni Jongin.

 

"Ang sweet talaga ng boyfriend ko" sabi ni Jongin at biglang niyakap si Kyungsoo hanggang napahiga ito sa dibdib nya hala sumusobra na talaga tong si Kim Jongin mukhang kinacareer na talaga ata ang pagiging boyfriend niya pero bakit ganon kahit na naiinis na sa kanya si Kyungsoo parang slight as in SLIGHT lang daw na nagugustuhan din nya ang ginagawa ng binata kasi mas convincing.

 

"Hey pare andito na pala kayo" biglang bati sa kanila ni HyunSeung. Nataranta si Kyungsoo at kumalas sa pagyakap ni jongin sa kanya.

 

"Hi Soo" bati sa kanya ni HyunSeung

 

"Hello! Ngayon ka lang ba dumating?"

 

"Yeah medyo na traffic eh tpos nautusan pa ako ni Mom. Alam mo naman yun"

 

"oh kamusta na ba si tita?"

 

"She's fine, natuwa nga sya nung sinabi ko na pupunta ka ngayon sabi pa nya bisitahin mo daw sya sa shop nya minsan"

"Pag di ako busy pupuntahan ko sya" sagot ni Kyungsoo

"Sama mo si jongin para makilala din sya ni mom" pagkatapos ay umupo si HyunSeung sa tabi ni Kyungsoo. Sa almost one year nilang magboyfriend ay naging close din kasi si Kyungsoo sa pamilya ni HyunSeung lalo na sa mom nito minsan nga ay mas itinuturing pa niyang anak si Kyungsoo kesa sa totoo nyang anak kaya naman ay labis din ito nalungkot nung nalaman na hiwalay na sila awkward. Ang awkward ng situwasyon ni Kyungsoo ngayong napapa-gitnaan sya ni HyunSeung at Jongin sa couch, yung ibang classmate nila ay isa-isahan ng umalis, buti na lang at napansin ito ni Jongin kaya siya na ang naunang magsalita

 

"Yearly nyo ba ginagawa to?"

 

"Di naman, actually ngayon lang. Batchmate kasi namin yung may-ari ng bar siya din nag organize ng party na to"

 

"Ang cool naman buti pa kayo" Napalingon si Kyungsoo kay Jongin

 

"bakit babe sa inyo ba?"

 

"Wala eh, di ko na sila nakita after graduation"

 

"Btw, jongin right? I'm HyunSeung pala" at nakipag shake hands ito kay Jongin

 

"Wait paano mo nalaman pangalan nya? Di ko pa naman kayo pinapakilala?" Tumawa ang dalawang binata kay Kyungsoo at sinabi ni HyunSeung na minsan ay nagkikita sila ni Jongin sa dance competition

 

"Sumasayaw ka?"

 

"Wait soo di mo alam na dancer ang boyfriend mo?"

 

"Ha? No Di nya kasi sinasabi sa akin na nagkita na pala kayo" "

 

“Actually dalawang beses pa lang kami nagkita babe" sagot ni Jongin bago nito pinatong ang kanyang ulo sa balikat ni kyungsoo at niyakap

 

"Oo twice na kami nagkita ni Jongin, una nung around 1st week of this month tapos yung pangalawa parang last week lang ata. Bat di mo alam? I mean knowing you gusto mo talaga alam kung saan pumupunta ung boyfriend mo" Natahimik si Kyungsoo na alala nya kung gaano siya tanong kay HyunSeung dati kapag hindi sila magkasama daig pa ata nya ang mga fbi kung magtanong sa kanya noon.

 

"People change HyunSeung, di na ako masyadong nagtatanong sa boyfriend ko ngayon" sagot sa kanya ni Kyungsoo

 

"Swerte mo naman Jongin, kaya ingatan mo yan si Kyungsoo"

 

"Ako pa, eh mahal ko to syempre i-ingatan ko talaga" sagot ni Jongin bago hinalikan nanaman ang pisngi ni Kyungsoo

 

"Maka alis na nga dito, maiinggit lang ako sa inyo" biro ni HyunSeung saka iniwan ang dalawa. Ilang minuto pa ay tumayo din si Kyungsoo para makipag-usap sa ibang classmate nito habang si Jongin naman ay lumabas sandali para magpahangin. Masayang nakikipagkwentuhan si Kyungsoo sa mga classmate nya ng may naramdaman syang kamay na humawak sa kanyang baywang, nung una ay akala nya si Jongin ngunit laking gulat nito ng nakita si HyunSeung

 

"Hey, magisa ka lang?"

 

"Yeah, nagpahangin lang si Jongin sa labas" Naglakad kaunti sila kyungsoo hanggang pumunta sila sa may terrace ng bar kung saan hindi gaanong maingay binigyan sya ni HyunSeung ng beer ngunit hindi nya ito tinanggap

 

"Wow soo ang laki ng pinagbago mo"

"And you look so beautiful tonight" dagdag ni HyunSeung Ngumiti si Kyungsoo at nagblush matapos marinig ang sinabi sa kanya ng binata. Halos hindi nga ito makatingin kay HyunSeung dahil sa sobrang hiya lalo na ng napansin niyang kanina pa sya tinititigan nito. Unti-unti pang lumapit sa kanya ang binata hanggang sa nagkalapit na ang kanilang mga mukha at halos naramdaman na nito ang paghinga ni HyunSeung Habang lumalapit ito ay bumibilis naman ang kabog ng dibdib ni Kyungsoo

 

"I miss you Soo and I want you back" bulong nito

 

"I miss you too, but I'm with someone else now hindi ko kayang iwan si Jongin para lang sayo"

 

"Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa pinapalabas mo, niyo ni Jongin? Kilala kita Soo alam kong hindi mo talaga siya mahal at gagawin ko ang lahat makuha lang kita ulit"

 

Pagkatapos ay bigla na lang siyang hinalikan ni HyunSeung, mabilis lang paghalik ngunit parang hindi na makahinga si Kyungsoo dahil sa kaba. Nang maiwan na si Kyungsoo mag-isa ay hinanap niya agad si Jongin hanggang sa nakita niya ito sa labas nag yo-yosi.

Mabilis na tumakbo si Kyungsoo papunta sa kanya at bigla na lang itong niyakap. Naitapon ni Jongin ang bagong sinding yosi dahil sa gulat habang patuloy pa rin sa pagyakap sa kanya ni Kyungsoo. Maya-maya pa ay narinig niya itong umiiyak at naramdaman ang mga luha ni Kyungsoo sa kanyang damit.

 

"Anong nangyari?" Tanong nito habang sinusubukan niyang pakalmahin si Kyungsoo Hindi sumagot si kyungsoo ngunit hinigpitan nito ang pagyakap kay Jongin

 

"Wag ka nang umiyak nandito lang ako sa tabi mo"

 

"H-he wants me back" pagtapat ni Kyungsoo

 

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hinigpitan na din ni Jongin ang pagyakap niya kay Kyungsoo na para bang ayaw niya rin itong pakawalan. Ilang minuto pa ang lumipas bago kumalas ang dalawa sa pagyayakapan, hinawakan ni jongin ang kanyang mukha at pinunasan ang mga luha nito dahil sa pagod ay nakatulog si Kyungsoo pauwi at nagising na lang ito ng nakarating na sila sa kanyang bahay. Pinarada ni j

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
haerimiza
#1
Chapter 1: hindi ko po inaasahan ang eksena sa abandonadong classroom ?? pero ang kyuuuut ????
mswitty
#2
Chapter 1: Gusto ko yung sleepover nila. Hahahsh
stressfangirl
#3
Sorry there's not :(
shine_star
#4
Is there translation for this fffic???