Final

Tacenda

Magkahalong emosyon ang nararamdam ko ngayon sa eksenang nagaganap sa harapan ko, pero sa lahat ng emosyon na iyon ay may isang nangingibabaw sa lahat at yun ay ang sakit na nararamdaman ko, na para bang pinipiga at binibiyak ang aking puso, dahil nasasaksihan ko lang naman na magpakasal ang taong pinakamamahal ko sa taong pinakamamahal niya.


 Gusto kong pigilan ang kasal pero hindi ko magawa dahil ayokong ako ang maging dahilan upang mawala ang kasiyahan niya at ayokong masaktan siya dahil sa pagiging makasarili ko.


 Mas pipiliin ko ng ako ang masaktan kesa siya, dahil napakahalaga niya sa akin. Siya ang nagbibigay ng saya at liwanag sa buhay ko pero ngayong mag iisa na sila ng mahal niya magiging madalim na ulit ang buhay at mundo ko. 

 

Pinipilit kong ngumiti kahit na sa loob loob ko ay basag na basag na ako. Kahit na gusto kong makita ang maganda mong ngiti ay hindi ko magawa dahil hindi ako ang dahilan ng pag ngiti mo. 

 

Habang tinatanong ka ng pari kung gusto mo bang makasama habang buhay ang ka harap mo sa altar ngayon ay hinihiling ko naman na sana ay hindi sabihin ang "I do" ay tumakbo ka na lang kasama ako paalis ng simbahan. Kahit alam kong imposible ay umasa pa din ako. Pero sa kasamaang palad. 

 

Nagpapalitan na kayo ng "I do" at ang tanging mag agawa ko na lang ay ipikit na lang ang aking mga mata dahil hindi ko kayang makita at baka hindi kayanin ng puso ko at para na rin pigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang bumuhos. 

 

Gusto kong tumakbo palabas ng simbahan ngunit parang na estatwa ako sa kinatatayuan ko. At sa oras na ito nagsisi ako dahil hindi ko man lang nasabi sayo ang nararamdaman ko, hindi ko man lang nasabi sayo na mahal na mahal kita simula pa nung una kitang masilayan, siguro kung nagtapat lang ako sayo simula palang ako siguro ang nasa harapan mo, ako sana ang pinapakasalan mo at ako sana ang mahal mo. 

 

Pero dahil napangunahan ako ng pangamba na baka layuan mo ako sa oras na malaman mo ang nararamdaman ko ay pinigilan ko ang sarili ko. Ngunit sa kabilang banda ayos na din siguro na hindi ako nagtapat dahil baka hindi mo mapakasalan ang taong matagal mo ng pinapangarap. 

 

Natapos na ang kasal. Masayang nagdidiwang ang lahat may ilan na naiiyak sa saya, pero ako umiiyak ako dahil hindi ko lubos akalain na ang taong mahal ko ay natali na sa mahal niya at ang pinaka masakit pa doon ay hindi ako ang mahal niya. 

 

Ang hiling ko lang sana ay maging masaya ka sakanya at mabuo mo ang pamilyang matagal mo ng pinapangarap.

 


 

 


At lagi mong tatandaan mahal na mahal kita Irene Bae.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 1: awwww, naalala ko yung on your wedding day 😢💔
Chaaa132
#2
Chapter 1: Oh sht huhuhuhuhu ang sakit po T.T