A Little Less Than

Description

Prompt: #29 - Minsan nang umamin si Baekhyun ng tunay niyang nararamdaman para sa kaibigan niyang si Chanyeol. Minsan na rin siyang sinabihan ni Chanyeol na hindi niya nakikita si Baekhyun sa ganung paraan. At nung minsang sinabi ni Chanyeol na "pwede bang magkaibigan pa rin tayo?" ay minsan na ring sinabi ni Baekhyun na "oo naman". At ngayon, hindi niya maalis ang tanong ng matalik niyang kaibigan na si Luhan sa kanyang utak, "tama bang maghabol sa tanging tao na kaya kang saktan?"

Hango sa kantang Habol by Maude

 

This is the fic wrote for NaritoKami! 

Foreword

Baekhyun, Ikaw na next." Bulong ni Minseok pagkatapos ilapag ang panibagong baso ng beer sa harap nya. Agad syang tumango at ininom ang pangatlong beer nya sa gabi na yon. Naramdaman nyang humarap sakanya ng bahagya si Luhan habang binibigyan sya ng makahulugang tingin. Maya maya ay inilapit ni Luhan ang upuan nya sa upuan ni Baekhyun at ipinagsalok ang kamay nila.

"Ano, Kaya mo ba?" Ibinaling ni Baekhyun ang tingin nya mula sa kanyang beer papunta sa taong kasalukuyang tumutula sa stage. Gusto nyang sagutin ang tanong ni Luhan pero parang may isang malaking bato ang nakabara sa lalamunan nya.

 

Hindi ko kaya. Hindi ko ata kakayanin. Gusto nyang sabihin ito sa matalik nyang kaibigan pero pinigilan nya ang sarili bago pa kumawala ang mga salita. Ibinalik nya ang tingin sa mga mata ni Luhan at pinilit ang sarili na tumango.

  Walang kahit anong emosyon ang makikita sa mukha ni Baekhyun. Parang walang baekhyun sa tabi ni Luhan. Wala ang dating masayahin at maligalig na kaibigan nya, Wala ang baekhyun na hindi mapakali sa kaba dahil sya na ang susunod na tutungtong sa entablado. Ang baekhyun na kaharap nya ngayon ay tahimik at tila nasa laot ang isip. Ang baekhyun na kaharap ni Luhan ay hindi magaslaw kundi kalkulado lahat ng galaw; At ang mga mata nito, Ang mga mata na dati ay puno ng ningning at saya, ngayon ay parang isang malaking kalawakan na walang bituin.

 

Nasasaktan si Luhan para sa kaibigan nya pero pinilit nya parin ngumiti at i cheer ito. "Galingan mo, Baekhyun. Balikan mo ko pagtapos ha?"

Pinisil nya ang kamay ni Baekhyun bago ito pakawalan upang makapunta na sa harap. Mainit sa buong resto ngayong gabi. Tuwing biyernes ay puno ng tao ang restobar ni Minseok.  Kadalasan ay mga nagt trabaho lamang ang kanilang parokyano pero ngayon ay puno narin ito ng mga kolehiyala na gusto makinig ng spoken poetry.

 

Pinunasan ni Baekhyun ang pawis sa kanyang noo bago umakyat sa stage. Agad naghiyawan ang mga tao sa paligid nya. Isinara nya ang kanyang mata at sandaling pinakiramdaman ang paligid.

  Nararamdaman nya ang titig ng mga manunuod sakanya, lahat ay sabik na marinig ang tulang mamumutawi sa labi nya. Nararamdaman nya ang init na nagmumula sa mga ilaw na nakatapat at nakatutok sa maliit na entabladong tinutungtungan nya, Nararamdaman nya ang bibig nya na unti-unting natutuyo sa bawat minutong lumilipas.

  Pero mas nararamdaman nya yung sakit. Yung sakit na unti unti syang kinakain.

"Hello, Ako si Byun Baekhyun from PUP- COC. Sana magustuhan nyo ang tula ko ngayong gabi. Ito ay pinamagatang 'Baliw sa pag-ibig'.

  BALIW SA PAG-IBIG

 

  Mahal, Matatawag mo ba kong baliw sa pag ibig?

  Hindi ako magaling magsalin sa salita ng nararamdaman ko
Pero siguro masyado nang baliw tong utak at puso ko kaya sila nalang rin ang sumulat ng mga katagang andito,

  Mahal, matatawag mo ba akong baliw sa pag ibig?

  Malabo sakin ang umpisa. hindi ko alam kung kelan nagsimulang maging magandang umaga ang mga umaga kapag nakikita ko ang ngiti mo

  Malabo kung panong nagiging magandang gabi ang mga gabi kapag naririnig ko ang tawa mo

  Malabo parin sakin kung panong sa simula ay nasa isip lang kita
Pero ngayon ay nasa puso na.

 

  ikaw at ako, masyado akong baliw sa ideya na sana merong 'tayo'.

  sa gabi na niyayakap ako ng kalungkutan at ang tanging nagsasalba sakin ay ang mga imahe ng ikaw at ako

  Oo, ikaw at ako.
Ikaw at ako na nagtatagpo sa isip ko, mahal.

 

Ginawa nating munting palaruan ang isip ko
Doon ang lugar kung saan malayo tayo, Doon ang lugar kung saan hawak ko sa mga kamay ko ang mainit na palad mo,
habang pareho tayong nakatanaw
sa palubog na araw, mahal.

 

Ginigising ng isip ko ang buong sistema ko
Na kahit wala ka naman talaga sa tabi ko ay nararamdaman ko
Nararamdaman kita
Nararamdaman ko yung tayo
Nararamdaman kong

  mahal mo rin ako

Minsan ay natatawa nalang rin ako mag isa
Siguro dahil sa yakap mo ako'y natitigang
o dahil sa utak ko'y kulang kulang.

  Pero tangina, kahit anong bilang

  Pakiramdam ko palaging may kulang.

 

  Palagi kang kulang.

 

Palaging ako lang 'to
At ang isip ko
na nababaliw na
kakaisip sayo

 

  Mahal, matatawag mo ba kong baliw sa pag-ibig?"

 

Pagbitaw nya ng mikropono ay agad na nagpalakpakan ang lahat. Pagtapos ng tula ay ang pagtatapos rin ng kanyang pagpapanggap.

Hindi nya pinansin lahat ng mga tao na gustong bumati sakanya at dire diretsong pumunta paakyat ng rooftop. Alam nyang umuwi na si Luhan. Hindi dahil iniwan sya nito kundi dahil alam nyang alam ni Luhan na kailangan nya mapagisa. Pagbukas nya ng pinto ay agad syang nikayap ng malamig na hangin na tila nag aabang sakanya.

Nakakapanginig ang lamig pero iyon siguro ang hinahanap nya. Yung lamig na nakakamanhid.

Hindi maalis sa isip nya ang tanong ni Luhan.

  "Tama bang maghabol sa tanging tao na kaya kang saktan?"

Huminga sya ng malalim at tumingin sa kalangitan. Bumagsak ang mga luha na kanina pa nya pinipigilang kumawala at kasabay nito ay ibinulong nya sa hangin ang  hiling ng puso nya.

  "Chanyeol, pwede bang mahal mo nalang rin ako?"

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet