Awitin mo at Isasayaw Ko (1/1)

Awitin Mo, Isasayaw Ko (Sing to Me and I will Dance to It)

Mainit. Ano pa nga ba ang gagawin kapag nag-iinit? Alam na.

 

Swimming. 

 

“Tatang! Sa’yo na ‘yung susunod!” Sigaw ni Samuel, na kanilang apo sa anak nilang si Soonyoung, habang umaahon sa pool. Ibinigay niya ang mic sa Tatang. Marahil narindi na ang bata sa walang humpay na kabibirit sa videoke ng Dads n’yang si Seokmin. 

 

One-Zero-Zero-Four” tunog ng machine.

 

“Mga bata, palakpakan natin ang Mamang! Para sa kanya ‘to! Darlinggg, pahinga ka muna sa pagtuhog ng hotdog at marshmallow. Mamaya na ‘yan.” At nagpalakpakan ang lahat na may kasamang sipol at hiyawan.

 

“Yeehee!” Panukso ni Seokmin.

 

“Yahoo!” Gatong ni Soonyoung.

 

“NAGMUMURANG KAMIAS!!” Sigaw ni Chan.

 

“Yiiieee” Pahabol ni Mingyu.

 

Talaga naman. Paboogie-boogie pa si Tatang. Sige lang. Akala mo’y walang rayuma.

 

 

“Walang iba pang sasarap sa pagtitinginan natin

Sana ay 'di na magwakas itong awit ng pag-ibig

Awit natin ay ‘wag na ‘wag mong kalimutan

Pangako ko naman na lagi kang pakikinggan”

 

 Iba talaga ‘pag para kay Darling. Kaya siguro sila tumagal ng ganito.

 

 

“Magpakailanman”

 

Kilig na kilig ang lahat lalong lalo na si Mamang. Unti-unti siyang inilapit ng apo sa kumekendeng na lolo.  Ang paboogie-boogie ni lolo Cheol ay naging chacha na may halong swing dahil nariyan na ang one and only partner for life niya.

 

 

“Ang isang pag-ibig ay parang lansangan na pandalawahan

Kaya’t sa aking awit tayo ay magbigayan”

 

“Darlenggg! I lab yo!” Nagtawanan ang lahat habang inikot-ikot niya ang misis.

 

 

“Ah-ha-ha awitin mo at isasayaw ko Ohh

Ah-haa awitin mo at isasayaw ko”

 

“Ahha AAA-RAY!” Biglang napatigil si Tatang at napahawak sa tuhod.

 

“Cheol! Naku ayan na nga ba— Jasmine, pakikuha ang gamot!” Napasigaw nang ‘di oras si Mamang Han.

 

“Biro lang! Relax, mahal ko. Naka-Skelan ako.” Papogi pang wika ni Tatang.

 

“Limampung taon na ang nakalipas, humina na ang tuhod ko pero hindi ang tibok ng puso ko. Kahit ilang taon pa ang dumaan, ikaw pa rin ang pinakamaganda sa lahat. Ikaw pa rin ang pinakamamahal ko, Darling Hannie Honey Pie.” 

 

Cheolie Lolli Pops…” Lumuluha na nga ang Mamang mong iyakin. Hinawakan naman ni Tatang ang pisngi ni Mamang. Hawak pa rin ang mic sa kabila, s’yempre.

 

“Kung pwede lang kitang anakan uli-”

 

“TATANG!!!” Sigaw ng lahat.

 

Mainit. ’Sing init ng panahon ang pagmamahalan na sinukat at sinubukan na rin ng panahon. 

'Sintamis ng wine, 'sintatag ng sunshine.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
veIvetdiamond
#1
Chapter 1: hanep , ang lakas ng hagalpak ko the whole time na nagbabasa ako hahahah ang sakit ng baga ko. boogie pa 'tong si tatang , hayup
Hadeeesh
#2
Dami kong tawa pero nakakakilig uwu
inimeg19
#3
Chapter 1: Nice one! Medyo bitin :) more!