Backfire

Ulan
Please Subscribe to read the full chapter

 

Ilang beses triny i-open ni Seulgi ang inaamag niyang kakaotalk, sa pagkakatanda niya kasi dito sinend ni Jongin ang number niya. 

 

"Punyeta ano ba kasi password ko dito?" 

 

seulgicutie? error.

 

cutieseulgi? error.

 

cutiesiseulgi? error.

 

anghotnikangseulgiakaniako? Punyeta kelan naman ako nagmahabang password na ganyan.

 

Nag-isip ng mabuti si Seulgi. Ano ba yung mga hindi niya makakalimutan, lalo na nung nag ttraining pa siya dun sa cebu?

 

food4lyf? error.

 

"TEKA, PRINGLES!" napasigaw si Seulgi nang maalala niya yung nakalimutan niyang "hindi makakalimutan at importante" na bagay sa buhay niya.

 

pringles4lyf? error.

 

"LUH POTA." 

 

Natawa naman si Seulgi mag-isa,  oo mag-isa siya sa nirerentahan niya ngayon eh. 

 

"Alala ko na." 

 

pringleslhungxsczhaphuat5nh4. Logging in.  

 

"Oo nga pala,  jeje ako dati." 

 

Kahit wala si Joy alam niyang sasabat nanaman 'to tapos sasabihin "parang hanggang ngayon hindi ah." 

 

 

Wala naman masyado nagchat sakaniya dun. Dun kasi yung pinaka private na niyang messages, puro group chats and individual chats lang ng dance crew niya. 

 

Syempre hindi maiiwasan na mapapadaan si Seulgi sa messages at nandun yung convo nila ni Krystal pero naiwasan naman niyang buksan. 

 

Nagpalit na si Krystal ng icon, halatang di na yung mga nene na last year pa. Di naman inakala ni Seulgi na icacareer ni Krystal ang paggamit ng Kakaotalk. 

 

Yung sakaniya, syempre iniwan niyang ganun para walang makaalam na binuksan niya to. 

 

At kinopya na ni Seulgi ang number ni Jongin sakaniyang panibagong phone nang biglang may tumawag. 

 

0905******* calling.  

 

"Hello?" sagot ni Seulgi. 

 

"Oi, Seul, Wendy 'to." 

 

Nagulat naman si Seulgi. "HOY NAKA UNLI KA BA??!"

 

"Anong sinisigaw-sigaw mo?! Oo!" 

 

At sa mga oras na yun, gusto lang ipagdasal ni Seulgi ang kaluluwa ni Joy na ngayo'y tatalon na siguro sa bintana. Tama si Joohyun, ito nga ang kapalaran ng pangalan niya. 

 

"Tangeks! Smart 'to! Kay Joy mo hiningi noh?" 

 

"HA?!?!" si Wendy naman ngayon yung sumigaw. Gusto sana ibalik ni Seulgi yung 'anong sinisigaw-sigaw mo?!' pero syempre this is it pancit! si Joy na yung pagtataniman ng galit ni Wendy. 

 

"HOY! JOY! PUNYETA KA! BAKI-" syempre inend na ni Seulgi yung call kasi baka mas lalo pa 'tong makain. 

 

Tinext na niya si Jongin. 

 

You: Oi! Seulgi to! Panibago na number ko kasi hindi bumubukas yung phone. Save mo nalang. Pasabi na din sa ibang crew kasi nga hindi ko na alam numbers nila. 

 

Nakatanggap naman siya ng text pero mula kay Joy. 

 

Spokesperson Park Joy: Sabi ni Wheein, dadating na daw mamaya si Moonbyul. Btw, Wendy 'to, kakatayin ko na si Joy. 

 

Natawa naman si Seulgi. Napaisip naman si Seulgi kung bakit si Wheein pa yung nag-anunsyo sakanila. Ano siya spokesperson din ni Moonbyul? 

 

You: Bat si Wheein pa? Susurprise ata tayo nung gago hahahaha wala naispoil na siya pero Wendy, patalunin mo nalang yan sa bintana, yan daw yung hiwaga ng pangalan niya sabi ng isang matanda.

 

Sino pa ba yung matandang yun? Edi si Bae Joohyun! 

 

Spokesperson Park Joy tatalon na sa bintana: Sige, noted! Ubusin ko muna load neto. 

 

 

Binuksan naman ni Seulgi yung facebook niya na siguro hindi na inaamag pero nilulumot na.

 

Kilala kasi yung facebook ni Seulgi kasi nga senior dancers na sila sa crew nila, actually nga choreographers na sila, kaya kung bibisitahin mo profiles nila mahigit 2k mga followers. 

 

Tambak as usual yung friend requests ni Seulgi. 

 

40+ friend requests and 300 new followers 

 

Pinapasalamatan naman ni Seulgi ang friend request limit ng facebook kasi kahit papano, nabawasan  naman yung 50 kada araw na natatanggap niyang mga friend requests.

 

10 unread messages and 700 message requests

 

Syempre yung 10 na yun galing sa crew, mostly sa group chats ng crew na walang tigil na ginagawa ni Jongin. Ang saya daw pala mag facebook kasi ngayon lang siya natuto ampota.

 

Tinignan naman ni Seulgi ang message requests, di naman masama diba? Atsaka hindi naman nila malalaman if naseen or hindi. 

 

Bh0xsz KiMchi: Hi oppa! I really like Kpop and I hope you notice me oppa :DDD

 

Jusmiyo. Kung hindi lang ako kasali sa crew siguro ganito na din puhunan ko. 

 

Sa pagkakaalam ni Seulgi, paginaccept niya yung request, makakapag reply na siya, ibig sabihin, mamemessage na siya ng mga kiti-kiting yun, at mag iingay nanaman account niya. 

 

Okay lang, hindi naman na niya ginagamit yung fb niya kadalas. Tsaka notice daw oh.

 

You: Hi din pero hindi ako oppa, unnie ako hehe. Gagamitin mo lang oppa kapag lalaki na mas matanda siya.

 

Dahil tatlong buwan na nung naisend yung message na yun, akala ni Seulgi hindi na ginagamit yung account pero

 

Bh0xsz: Alam ko po hehe

 

Ay punyemas alam mo pala. So sinasadya mong lalaki ako.

 

Bh0xsz: Napanood ko po kasi yung videos ng sayaw niyo tapos para po kayong oppa tas ang angas niyo po. 

​​​​​​

Ah, kaya pala. Natats ako.

 

You: Ah, kaya. Salamat.

 

Syempre nag message pa yun tapos yung casual na kung paano mag usap yung tao para hindi mamatay yung convo pero nag exit na si Seulgi sa chat nila. 

 

Lodi ng Lahat: Anong number sa electricfan paborito mo? 

 

Tanginang mga pangalan 'to. 

 

Kinabahan naman si Seulgi kasi minumulto na siya ng jejemon niyang kaluluwa na matagal na daw "patay"

 

You: 10. Yung umiikot na pati katawan. 

 

Nag-exit na ulit si Seulgi. Kunwari nalang iniiterview siya ganon.

 

Jose Rizal: Magandang umaga, binibini! Ako'y nagagalak na ika'y maaaring padalhan ng mensahe pero ako'y lalong mas magagalak kung tutugunan mo ito :)

 

Luh? Edi wow! Lupit neto ah. 

 

You: Hindi nagagalak si Rizal sayo! Pero hi din. Pinapahaba mo pa. 

 

Alam naman ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
pringlesniseulgi
HOOOOOYYY HAPPY ANNIVERSARY SA FIC NA TO YIEE (nalate ako 8 days pero yon nga yehet)

Comments

You must be logged in to comment
neggyL
#1
Chapter 19: Wala ng kasunod otor? Sure na? Hehezz bitins
soo_jjang25 #2
Chapter 19: <span class='smalltext text--lighter'>Comment on <a href='/story/view/1247302/19'>Surrender?</a></span>
Luh 1 year na pala hahahahha ge tawa nlng kahit medj mashaket #loyal
jiCHUyaa
#3
Chapter 19: sana ma update pa to :(
forgotme #4
Chapter 19: ..ang cute nla...haha...
erzcaps27
#5
Chapter 19: Wag kang susuko Irene. Fight Fight lang. Pipiliin niya pa din ung Sr Pedro hehehe hindi na ko mkapagantay sa susunod na update author. Excited nako
sluggshyun
#6
Chapter 19: Team Sr Pedro!!
Cheetosqueen
#7
Chapter 19: Dami kong tawa sa fic na 'to hahaha the best talaga friends ni Seul
gomtokki_23
#8
Chapter 19: wawa naman si Joohyun :(
gomtokki_23
#9
Chapter 18: nakakatawa si Hwasa bwiset. haha nasend yung baby Joohyun tapos yung isa naman dapat daw nilagyan ng heart. Hahaha thanks sa update author-nim. welcome back :D