Adiktus meets Tambay
Description
Sa lugar kung saan naghahari ang mga adik at tambay, ay may dalawang lalaki na tila bang pinaglihi sa dalawang manok na nagsasabong. Sa araw-araw ba naman kasi na ginawa ng Dyos wala ng ibang ginawa yung dalawa kundi magbangayan. Pagsamahin mo ba naman ang adik at isang tambay ewan ko na lang kung di ka tumawag ng baranggay. Pero hindi ba’t sabi nila na ang madalas na bangayan, sa dulo ay nauuwi rin sa...pagmamahalan?
Foreword
paalala: puno ng muro, may kalaswaan, RATED
note: dapat tatapusin ko muna yung KTAP kaso nasabik ako sumulat hahaha
“Taba, taba!”
Sige lang ang paglakad ni Sungmin. Akala niya chicks lang ang naka-catcall. Pati pala mga lalaking katulad niya. Maayos naman ang suot niya - nakashorts na hanggang tuhod at nakat-shirt na medyo may disenyo ng tatlong butas sa dalawang manggas. Pero teka matatawag nga bang catcall kung ang tawag sa iyo ay-
“Taba, taba!”
Tanginang yan. Ito talagang mga tambay dito sa kalyeng to walang ibang alam kundi mang-usig. Akala naman kagwapuhan eh halos mabilang mo na nga yung mga ribs na lumilitaw sa dahilang ang lakas ng loob nilang magtopless.
“Pakipot pa siya oh. Sige na nga- y y!”
Ay grabe hindi talaga titigil oh.
Sinunggaban agad ni Sungmin yung tambay na kanina pa tawag ng tawag sa kanya. Nako, high pa naman siya ngayon.
“Ikaw! Bukod sa mukha mo ano pang problema mo ha?” Banat ni Sungmin habang mamula-mula pa yung mata niya sa rugby na hinithit nya kanina.
“Wow bebelabs, chill ka lang! Huwag mo ilapit masyado mukha mo saken baka mainlab ka.”
Binitawan ni Sungmin ang kwelyo ng tambay sa harap niya. Sa lahat ng tambay dun, itong isang ugok na nagngangalang Kyuhyun lang ang may pang-itaas. Jusko buti naman at naisipan niya mukha kasing tatlong ubo na lang ang kaya ng katawan neto eh.
Tatlong matinding ubo na lang tong Kyuhyun at mae-expire na sa mundong earth.
Sabay kindat. Sabay kindat ng quing inang to.
Namumuro na talaga to kay Sungmin.
Ah painlaban ba ang laban. Eh bakit hindi siya makiki-ride. Tutal laro pala ang hanap ng mokong na to eh. Dyan naman siya magaling eh, ang paglaruan ang damdamin ng iba. So why not?
“Ano nag-adik ka na naman kanina no? Tulala ka na naman. Tsk. Adik!”
Singhal ni Kyuhyun sa kanya habang nakangisi na nakakaloko.
Ngumisi din si Sungmin bilang ganti, hinila pa neto ang kwelyo ni Kyuhyun hanggang sa halos nakalapat na ang mga labi niya sa tenga ni Kyuhyun. Narinig niya ang mahinang hiyawan ng mga iba pang tambay sa gilid na ikinatuwa naman niya.
“Hoy Kyuhyun, adik man ako sa iyong paningin, subukan mong tumingin sa akin maaadik ka din"
At dahan dahan niyang pinakawalan ang kwelyo ni Kyuhyun upang tingnan siya sa mga mata.
At puta, ang mokong nagblas. Kinilig ata. Nadala sa mapungay na mga mata ni Sungmin.
One point para sa adiktus. Zero point para sa tambay na si Kyuhyun.
Comments