---

uso pa ba ang carolling
Please log in to read the full chapter

          hindi sigurado si jongin kung manga-ngaroling nga sila o manggugulo lang. hindi rin niya sigurado kung makatwiran pang gawin nila ‘to sa edad nila. samantala, excited si sehun sa plano kahit hindi siya masyadong mahilig kumanta at nagpaalala lang naman ang nakakatandang si chanyeol na wag silang male-late sa usapan.

 

         "iikutin talaga natin yung buong village?" nag-aalalang tanong ni jongin, dahil alam niyang may mga schoolmates silang nakatira sa parehong community, at isa na do'n ang crush niya. dyahe, syempre. alam niya kasing most likely, at some point, papalpak sila.

          palihim na nilingon ni sehun si chanyeol dahil alam nila pareho ang iniisip ni jongin. nag-ehem lang si chanyeol at umiwas din agad ng tingin kay sehun. "kung hanggang saan lang yung kaya natin. katuwaan lang naman ‘to."

          kahit nakukulangan si jongin sa energy ni chanyeol nang sabihin niyang 'katuwaan,' tumango na lang rin si jongin sa hyung niya. samantala, binuhat na ni chanyeol yung gitara niya. "tara?"

 

         "wag dyan. sabi nong kapit-bahay kong mga bata hindi nagbibigay yan." sumunod na lang naman yung dalawa kay sehun para lumipat sa ibang bahay.

         "nako, wag dyan." iling ni sehun. "magagaling kumanta yung mga nakatira dyan. mapapahiya tayo." lumakad ang tatlo paalis.

         "hmmm...single na meonopausal?" nakaakbay na tinangay ni sehun ang dalawang kasama palayo sa bahay ng matandang hindi pa nadidiligan.

         "guys," reklamo na naman ni sehun. "alam niyo namang ex ko yung nakatira dyan eh."

         "dito din," sabi ni sehun nang nakanguso sa sumunod na bahay.

         "ang pangit nung decorations nila." umiling at pumalatak naman si sehun. "nakaka-distract. hindi gagana nang maayos yung vocal chords ko."

pang-walong bahay na yata ang nilampasan nila at wala pa rin silang nakakantahan.

          "ang galing," sarcastic na pinalakpakan ni jongin si sehun. "ang dami mong problema sa village natin ah. kung lumipat ka na lang kaya?"

          hindi naman siya pinansin ni sehun at dumiretso lang ang pinakabata sa panglimang bahay sa kaliwa nila. naging tensyonado si jongin nang mapansin niyang kila soojung yung bahay na hinintuan ni sehun. nag-inward panic na si jongin nang humakbang si chanyeol pasunod kay sehun.

          "hyu-hyung! pwede bang sa iba na lang?" natatarantang tanong ni jongin. "d-dyan kasi nakatira si..."

          pero mukhang hindi siya narinig ni chanyeol. isa pa, naisip niya ring nakakahiya naman kung pati siya mag-iinarte gaya ni sehun. pikit-mata siyang sumunod sa dalawang kasama, pinagdadasal na lang na sana wala si soojung sa bahay nila.

          "ay, dito pala." lakad pa nang kaunti ni sehun pa-kanan. "sa gitna tayo ng dalawang bahay, para dalawa agad yung magbibig

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
yu_isangnim
#1
Chapter 1: Kai-biased but not KaiStal shipper. ㅠㅠ
HAHAHAHAHAHAHAHA
yu_isangnim
#2
Chapter 1: My poor heart send help~