Itim Na Bulaklak [tagalog drabble]

genre: horror; type (as to length): drabble

 

Ibinaba kami ni Papa sa bus terminal at sa huling pagkakataon ay nagpaalam na kami sa kanya bago kami umuwi pabalik ng Maynila. Binigyan siya ni Mama ng isang matamis na halik habang ako naman ay nagmano sa kanya at ngumiti habang kumakaway. Bumaba na kami sa kotse at doo'y nagsimulang maglakad papuntang bus. Walang kakaibang pangyayari o bagong itsura ang meron sa terminal. Ganoon pa rin siyang puno ng mga manininda, puno ng mga tao at syempre kumpulan ng mga bus na nakaparada, paparating at paalis.

Sumakay kami sa palagi naming sinasakyang bus na papuntang Avenida. Philippine Rabbit sa isang sulok ng malaking terminal. Kagaya ng karaniwang hapon kung kailan kami bumabiyahe, hindi gaanong marami ang tao sa bus na iyon. Walang pila, pwedeng pwede pang pumasok dahil may mga sampung upuan pang bakante sa loob. Nang sumakay kami, wala namang kakaiba sa mga pasahero at drayber. Ang drayber ay nakaupo lang nang tahimik sa kanyang upuan, ang mga pasahero ay tahimik ding gumagawa ng kung ano sa kanilang mga pwesto, at ang isang manininda na nakasalubong namin papasok ay tahimik na tumabi sa gilid para bigyan kami ng daan. Normal lang ang lahat--bukod sa halimuyak ng mga bulaklak sa bungad palang ng pintuan. Halimuyak na parang sa patay. Halimuyak na naamoy sa tuwing may bangkay na pinagluluksaan. At matapang ang amoy nito. Mula sa pintuan hanggang sa dulo ng bus, umaalingasaw ang amoy nito. Hindi ko alam kung bakit ganoon. Marahil ay may pasaherong may bitbit na bungkos ng mga bulaklak at nadadala ito ng hangin na mula sa aircon. Mabango naman ito, ngunit nakababahala nga lamang. Pakiramdam ko talaga kasi ay nasa burol ako. Nakakaisip nga ako ng hindi kanais-nais na bagay, na baka pinagluluksaan na kami ng lamang lupa sa paparating naming kamatayan.

Umandar na ang bus at ako ay tumingin na sa bintana para makita ang mga tanawin sa aming dadaanan. Nakalagpas na kami sa bayan, nakadaan na kami sa toll gate, at matiwasay na naming binaybay ang kahabaan ng North Luzon Expressway. Maluwag ang kalsada, payapa kaming umaandar sa tamang bilis at ako ay nanabik na sa mga tanawin. Malalawak na mga palayan, matataas na pausukan ng mga pabrika, at sa tuwi-tuwina'y malalaking bahay at magagarang gusali. Lumipas ang kalahating oras at patuloy pa rin kami sa pag-andar. Sa loob ng isa't kalahating oras ay inaasahan naming makakarating na kami sa Maynila at makakauwi sa bahay nang maayos.

Nang bigla akong may nakitang itim na nilalang sa gilid ng kalsada, nakatayo sa tabi ng mataas na puno. Siya ay purong itim, halos tila anino lang, ngunit hindi sya anino at buong buo ang katawan nya. Sunog sya. Durog durog ang katawan. Naglalabasan ang mga sariwa nyang laman sa mga hiwa ng nauling niyang balat. Nanlilisik ang kanyang mga puting mata, at siya ay nakangiti sa akin. Nanayo ang aking mga balahibo. Kumabog nang malakas ang aking dibdib at bigla akong nanlamig. Mukha siyang si kamatayan. Ang kanyang titig at ang kanyang ngiti--itsura ng isang dimonyong nanunundo. Naging sukdulan ang aking takot. Hindi na ako mapakali. Ilang sandali lang, Inipon ko ang lahat ng aking lakas ng loob at tumayo ako sa aking upuan upang balaan sila sa paparating na trahedya.

Ngunit pagtayong pagtayo ko, tumapang ang amoy ng mga bulaklak. Tapang na kasula-sulasok, na lahat ng tao sa loob ng bus ay ininda ang sama at sakit ng amoy nito sa ilong. Hindi ko na natuloy ang aking pagbababala. Sapagkat sa puntong iyon, nakalanghap din kami ng napakatapang na amoy ng gaas, at ilang segundo lang, sumabog ang aming bus.

Habang ako ay naghihingalo, sumusubok na lumanghap ng hangin sa nagliliyab na apoy, nakita kong muli ang itim na nilalang, kumakaway, at naglalakad papalapit sa akin.

"Mabango ba ang mga bulaklak?" tanong nya sa akin.

-30-

 

 

Hello. I know that this is not K-pop related, but since this is my account, I will still post it. I have written this drabble years ago, and way back before when I wrote this I really planned to post it here since I do not have any other blog account and asianfanfics is my only releasing space. I would just want to write this post-script so that I would also know the history of this write-up in the future when I think of reading my past works. Actually, I got amazed with myself. I read this work of mine for the first time after all those years, I still remember how I wrote this, I wrote this on the bus itself when we had a complete stop because our bus crashed onto the car ahead of us. We were safe, but I really got scared because the impact was strong and we all had our nerves wracked. I wrote this during the time when we could not do anything else but wait until everything gets fixed. Seriously, I did not edit anything in this write-up, only a few incorrect spellings, and I am so proud of myself that I was able to write this stuff impromptu. I never, ever thought that I could do that because right now I am struggling so hard to write a story that I seriously could not continue even after more than a year. I am immensely frustrated with myself, and instead of dying of wrath because of my bullsht mental block, I just thought of going back to my thrown away short write-ups and posting it here (just as I planned way way before).

anyway, that's it, I really just wanted to have this post-script for my future reading.

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet