Chapter T-1

Tuhog tuhog
Please Subscribe to read the full chapter

Napabalikwas ng bangon si Winter ng marinig nya ang malakas na katok sa pinto ng kwarto nya. Pakiramdam nya binuhusan sya ng tubig na malamig sa gulat. 

"Dapat talaga hindi ko ginagawang tubig ang kape." napa-buntong hininga sya para pakalmahin ang sarili. Napahilamos na lang sya ng mukha. Antok na antok pa kasi sya, 3am kasi sila nagigising ni ryujin para bumili ng mga kakailanganin sa ihawan, lalo na ang mga lamang loob, kahit sabihin na suki na sila at talagang may pagkukunan na sila. Iba parin ang maaga, minsan kasi kulang ang supply. Magandang maaga para makahanap pa sila sa ibang pwesto. 

Pag uwi, lilinisan, i-mamarinate at papakuluan pa nila ang mga ito, habang hinihintay nila matapos, halinhinan sila ni ryujin sa pag idlip para makabawi, late na din kasi sila nag sasara sa gabi. 

Katulong nila ang lola at nanay nya, pero hindi na nya masyado pinapatulong kasi naawa na sya , parang buong buhay nung dalawa ganito na ginagawa nila, kaya ngayong malaki na sya , hindi na nya inaasa sa nanay at lola nya. Sila na lang taga tuhog haha

Tsaka pasalamat sya nandyan si ryujin, kahit medyo kolokoy eh talagang masipag din, pareho sila ni ryujin. Hindi na sila nakapag college. Dahil hindi nila kaya financially , sabi ni ryujin ok lang sa kanya na mag give way para makapag aral sya, pero ayaw nya kasi parang unfair kay ryujin, at syempre ganun din naisip ni ryujin kaya nagpagka-sunduan na lang nila na mag vocational course sa Tesda. Dress making ang kinuha nya kasi natuto sya manahi dahil sa lola nya, natulong pa nga sya dito kapag may nagpapatahi ng punda,bedsheet o kurtina. Tapos welder si ryujin, trip lang daw nya, parang astig daw kasi nung may tumitilapon na baga sa paligid. Ewan ba nya sa utak ng pinsan nya, nakulot na ata kakakain ng tirang isaw. Wala ng magulang si Ryujin iniwan ito ng tatay nya nung pinagbubuntis palang sya ng nanay nya , at namatay naman ang nanay nya nung pinanganak sya kaya para na silang magkapatid dahil ang nanay nya na ang nag alaga dito. 

Ang pag kakapareho lang nila ni ryujin, parehong iresponsable ang tatay nila, iniwan din sila ng tatay nya nung 2 yrs old pa lamang sya, yung tatay nyang manloloko at sinungaling , akala ng nanay nya lumiwas ng Maynila para magtrabaho para sa pamilya nila, yun pala nambabae na dun , ang nanay nya palibhasa mabait at mahal na mahal ang tatay nya ay hindi naniniwala sa mga sinasabi ng mga katrabaho nito na taga sa kanila lang din. Hanggang sa isang araw may pumuntang babae sa kanila at hinahanap ang tatay nya, sya daw ang boss ng tatay nya at may urgent project daw sila sa Manila. Kaya pumawag ang nanay nya na umalis ang tatay nya, nung araw na yon. Ayun na pala ang huling araw na mabubuo sila , huling araw na iniwan ng tatay nya ang responsibilidad bilang asawa at ama sa kanila. Sumama sa mayaman nyang boss, pinagpalit sila sa karangyaan ng tatay nya. 

Kaya galit na galit sya sa taong sinungaling eh, naku talaga murahin mo na sya, wag na wag mo lang sisirain tiwala nya. Hindi sya tutulad sa nanay nya na sobrang bait kahit niloko na .

Napapikit sya sa ala ala na yun. 

"Insan!" malakas na tawag ni ryujin habang kinakatok ang pinto sa kwarto nya. 

"Ano?!" sigaw nya pabalik, pag eto si ryujin walang kwenta ang sasabihin, kotong talaga to sa kanya pag labas.

Bumukas ang pinto at dumungaw si ryujin 

"kakagising mo palang, silverswan mode ka na naman" pang aasar ni ryujin .

Lalong nagsalubong ang salubong na nyang kilay. Mukhang may pinsan syang babalatan ng buhay.

Dahan dahan syang bumangon sa higaan habang hindi inaalis ng masamang tingin sa pinsan nya. Kitang kita nya paano nawala ang ngisi ng bugok nyang pinsan at napalunok. 

iwinasiwas ni ryujin ang kamay sa harap nya 

"S-sandali I-nsan ano kasi , sasabihin ko sana sayo na inutusan ako ni lolo na dalhin yung mga itik sa irrigation, eh yung pinapakulo natin na bituka ng baboy walang magbabantay, aalis sila lola at nanay" halos mag rap na si ryujin sa bilis nito mag salita. 

Ilang sandali ang lumipas bago naging normal na uli ang itsura ng mukha ni winter. Nakahinga na ng maluwag si ryujin . Akala nya toyo na naman ni winter aalmusalin nya. 

Naghikab si winter at nag unat. Ang sakit ng katawan nya. 21 palang sya pero pakiramdam nya pang 40's na yung sakit ng likod nya.

"sige ako na dun, pasalamat ka talaga may dahilan ka ngayon" nakangising sabi nya

napatawa si ryujin " Syempre no, hindi pa nga magaling kagat mo

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
BleuHyacinthJ
May ⭐ na ang TT 🥺


Thank you so much po sa lahat ng readers, grabe yung akala ko na trip trip lang na story umabot na sa ganito hahaha hindi ko talaga inaasahan ko kasi magulo pagkakagawa ko, madaming errors at first time ko din. Pero thank you kasi sinuportahan nyo pa din. 🤧

Thank you all 😘🧡

Comments

You must be logged in to comment
Jaeeeeee_
221 streak 0 points #1
Chapter 86: Go Karding! HAHAHAHA
iamriou_
1190 streak 0 points #2
Chapter 86: Ang Khio ko tuwid na magsalita 🥺🥺🥺
howdoyouknowmee
567 streak 0 points #3
Chapter 86: BUMALIK ANG INIS KO
__taeny 0 points #4
Chapter 86: crying sobbing pulling my hair rn dahil hindi na buyoy ang mochi namin na yan 😭🥹
ROYAL_LOCKSMITH 0 points #5
Chapter 86: Awww, big girl na talaga si ate khio namin. Pero hindi biro yung trauma na nakuha niya doon sa mga Cruz. Buti na lang at na agapan.

Nakakatawa yung mga suggestions na names ni khio. Ate khio maawa ka sa mga kapatid mo. Si nanay na muna ang bahala.
Eybrelros 0 points #6
Chapter 86: Sabi ko bat naibalik si Mrs Cruz yun nga pala dahilan bat natuwid ang khio mag salita🤦‍♂️ panget mo talaga Mrs Cruz dapat nagpapoknat ka pa kay mars Ning bwis🤬 ka dasrb mo yon😡

Medyo mahirap pala mag adjust sa hindi na buyoy era hahah parang nabibingi ako at diko marinig yung nakaset up na boses ni khio sa isip ko awit😅 pero tawang tawa pa din ako kase yung cornbeef nga HAHAHAHAHA saktong ulam ko nga ngayon😆 tapos yung mga nasuggest pa na pangalan tsk kala ko kakabonding nila ni Lolo Vicente yan yun pala si ryujin naman may sala 😂 loko lokong bata talaga.

Salamats sa update Tor ingat☕
joonmoneybaby
0 points #7
Chapter 86: naalala ko lang rin doon sa KA, buong sambayanan yung gustong sumugod kay Mrs. Cruz
joonmoneybaby
0 points #8
Chapter 86: hala ang inaanak namin hindi na buyoy pero omg so sooooo good job for you baby mochi namin! pero please, kaawaan mo mga kapatid mo at possible nilang maging pangalan HAHA
parkrongtler 0 points #9
hindi na buyoy si khio 🥺
RookieToki 0 points #10
Chapter 52: mAKO AYAN NA SFYDUDFEGDJDGDJDG NAPAKA ATE TALAGA NI MINJEONG KELA RYU AT NING LEADER DIN NG PAGKATARAY