Chapter-1

Kahit Kailan
Please Subscribe to read the full chapter

NO ONE POV

"Dito na lang po. Salamat Kuya." Sabi ng magandang dilag sabay abot ng bayad sa driver.

Pagbaba ng tricykel ay namangha ito sa nakita.

"Ito na ba yun?" Tanong sa sarili ni Hayoung. Isang freshman student sa university ng Apunk.

Tiningnan niya ulit ang napakalaking dorm at luminga-linga sa paligid.

"Pwede po magtanong Kuya?" Patawag niya ng pansin sa Guard na busy sa paglalaro ng ML.

"Ano iyon, bata?" Tanong ng Guard habang busy pa rin ito sa paglalaro.

"Ito na po ba yung Apunk Dormitory?" Tanong niya.

"Oo, pero dapat pumunta ka muna sa registrar ng University para kunin yung susi." Paliwanag ng guard.

"Ah, ganun po ba. Sige po salamat." Paalam nito.

 

 

 

 

HAYOUNG POV

"Salamat po Ma'am." Sabi ko sabay ngiti ng maiabot niya ang susi para sa room ko sa dorm.

First time kong pumunta ng Manila, katunayan itong daan papuntang University at Dorm pa lang ang kabisado ko.

Taga Mindanao kasi mga Magulang ko kaya heto at mag-isa ako. May kamag-anak naman sina Mama pero nasa ilocos norte sila. Malayo daw dito sabi nung pinsan ko.

Nag-iisang anak lang din nila ako, kaya pumayag na ako na dito mag-aral dahil hiniling nila iyon.

Naglakad na ako pabalik ng Dorm, di naman kalayuan, katunayan aabutin ka lang ng sampung minuto sa paglalakad galing University.

Ewan ko nalang kung sa ibang direksyon ka nanggaling.

 

 

 

***

"Hello, ikaw ba Yung bagong salta?" Tanong ng isang babae, pagbukas ng pinto sa akin.

Mukha rin naman siyang estudyante. Kung titingnan siguro nasa junior or senior college na siya.

Pero bakit salta ang tawag niya sa bagong nangungupahan sa dorm? Or sa akin lang ba siya ganon?

"Opo, sa room 210 po ako naassign." Sagot ko habang tinitingnan yung papel na binigay sa akin ng registrar.

"Room 210? Kilala mo ba kung sino makakasama mo dun? Nga pala wag ka ng mag'po sa akin, Ate nalang itawag mo sa akin. Hindi naman ako ganon katanda eh." Tumawa siya ng marahan habang sinasabi iyon.

"M-may kasama ako? Akala ko, ako lang mag-isa?" Takang tanong ko.

Wala rin naman kasing sinabi sa akin yung registrar.

"Oo. May makakasama ka. Makikila mo siya mamaya. Ngayon kasi nasa labas siya at may ginagawa. Ako nga pala si Bomi. Yoon Bomi." Pakilala niya sa sarili niya.

"Nice to meet You Ate Bomi. Ako pala si Hayoung. Oh Hayoung." Sabi ko sabay ngiti.

"Nice to meet You too Hayoung. Taga rito ka rin ba?" Tanong ni Ate Bomi habang naglalakad kami.

"Hindi, taga mindanao ako. Ikaw ba Ate Bomi?" Pabalik na tanong ko sa kanya.

"Talaga taga mindanao ka?!" Puno ng sorpresa ang kanyang boses.

"Oo. Bakit Ate Bomi?" Takang tanong ko.

"Wahh! Nice. Alam mo bang si Ate mo Eunji ay taga mindanao din. Mamaya ipakikilala kita sa kanila. Wala pa kasi dito yung apat. Nga pala taga dito lang ako sa metro manila." Sagot niya.

"Oh. Bale lima kayo na nakatira rito?" Tanong ko ulit.

"Oo. Bale tong Dorm ay may six room, pero under renovation pa yung dalawa." Paliwanag niya.

"Tara, ituturo ko sayo Yung room Mo." Sabi ni Ate Bomi sabay hila sa akin.

Wala naman akong dala maliban na lamang sa maliit na maleta na bitbit ko pa galing probinsya.

 

 

 

***

"Andito na tayo." Sabi ni Ate Bomi habang nakangiti.

Nasa harap kami ngayon ng room 210.

"Teka bakit kulay black to?" Takang tanong ko.

Humagikgik naman sa tawa yung katabi ko." Mahilig kasi sa black yung roomate mo." 

"Sige ha. Maiiwan na muna kita. Mamalengke pa kasi ako para sa hapunan natin. Ako kasi nakatoka para sa hapunan eh." Paalam nito.

"Sige, ingat ka Ate Bomi. Salamat." Kumaway ako bago ko sinara ang pinto ng kwarto.

Kailangan ko nga pala tawagan yung mga Magulang ko para di sila mag-alala sa akin.

Kinuha ko yung phone ko at dinial ang numero ni Mama.

"Hello Ma?" Patawag ko ng pansin nung may sumagot sa kabilang linya.

"Hayoung, anak? Nakarating ka na ba?" Tanong ng Mama ko na may halong pag-alala.

"Opo, Ma. Kanina po mga Alas tres. Pasensya na po ngayon lang ako tumawag, pumunta kasi ako ng University kanina." Paliwanag ko kay Mama.

"Ganon ba anak. Ayos lang iyon. May naging kaibigan ka na ba jan anak?" Tanong ulit ni Mama.

"Meron naman po. Ma tatawag po ako mamaya. Aayusin ko lang po yung mga gamit ko." Sabi ko Kay Mama habang tinitingnan ang makalat na kwarto.

"Sige anak. Mag-iingat ka jan. Mahal ka namin ng papa mo." Sagot ng Mama ko.

"I love You din po. Ma, Paki sabi din po kay papa Yun." Tugon ko.

"Sige, anak. Ingat ka." At Binaba na ni Mama ang telepono.

Ngayon kailangan kong mag-ayos ng mga gamit ko. Teka san ba ko pupuwesto?

Narinig kong may kumatok sa pintuan, agad ko namang Binuksan iyon.

"Hayoung, halika ipakikilala kita sa iba, pwera sa roomate mo mukhang hindi ata uuwi iyon." Paliwanag ni Ate Bomi sa akin ng pagbuksan ko siya ng pinto.

"Ah, sige. Pasensya na  Ate Bomi, medyo makalat pa yung kwarto, mag-aayos na sana ako." Rason ko habang kakamot kamot ng ulo.

"Hindi, ayos lang. Makakalat rin naman kami. Eh." Pabiro niya.

"Tara, nag-aantay na sila sa my sala." Sabi niya at hinila na ako pababa.

 

 

 

 

***

"Hello guys. heto na pala yung bagong salta natin!" Pagbungad ni

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Apinktagalog
Pasenya na natagalan ngayon ko lang naalala to 😅😅

Comments

You must be logged in to comment
drakyvamp
#1
Chapter 2: Bitin po. Waiting sa next chapter
gom_tokki
#2
Chapter 2: Thanks, waiting po sa next chapter.
ciishuxhi #3
baka naman sana matuloy pa toh at na enjoy ko !!
lovenihayoung
#4
Chapter 1: nice. may nagsulat din na tagalog.