Tagahanga

Ang Lihim Na Tagahanga (A Secret Fan)

">http://

Joao's POV

Ako ay bagong gising pa lamang. Nag-iisa lang ako dito sa room ko since roommate ang mga dalawang pinakabata at dalawang pinakamatanda. Eh, ako yung nasa gitna, so solo ako.

Ako ay bumangon upang maligo at maghanda para sa aming gagawing production number sa Showtime mamaya.

Pagkatapos ko magkapag-ayos sa aking sarili ay dumiretso ako agad sa practice room namin upang magensayo.

Paparating  na ako sa practice room nang may narinig akong magandang boses. Napangiti ako, si bunso yun.

Hanga na hanga talaga ako sa angking galing ni bunso sa pagkanta. I must admit na sobrang galing din ni Russell sa pagkanta pero may something talaga sa boses ni bunso na mas nagugustuhan ko kaysa kay Russell.

 

Niel's POV

Maaga akong gumising upang magensayo sa aming gagawing production number sa Showtime mamaya.

Nagensayo ako sa aming kakantahin. Ako pa lamang mag-isa sa practice room namin kaya di ako nahihiya na ipalabas ang lahat ng makakaya ko sa pagkanta.

Sinubukan ko din ang high note ni Russell sa kakantahin namin. Hirap nga pala pero nagawan ko ng sariling paraan ko at masaya ako sa resulta.

May bigla na lamang pumalakpak, kaya napalingon ako at nakita ko Joao na may napakalaking ngiti.

"Wow, galing mo bunso." Sabi niya ng papalapit siya sa akin.

"Nah, hindi naman." Sabi ko sa sarili at umupo sa harapan ng malaking salamin.

"Sus, mahiyain parin si bunso. Masyadong humble." Sabi naman ni Joao at umupo siya katabi ko.

"Turuan mo naman ako sa part ko para di ako maging palpak mamaya. Few lines lang naman but it matters parin sa whole performance. " Favor ni Joao sa akin.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti, "Sige."

 

Joao's POV

Humingi ako ng tulong kay Niel sa pagkanta ng maayos sa part ko at di siya nagdalawang isip na tumulong.

Mabait na bata.

Maya-maya ay nagsisidatingan ang iba naming kasamahan, sina Russell, Ford at Tristan.

 

No POV

Nagsimula na magensayo as group ang BoybandPh, ensayo sa sing and dance production number nila.

Nageensayo sila ng maayos para magpakita ng magandang performance sa mga fans nila.

10:00 am

Pumasok na ang lahat sa van papunta sa venue nila. Naging tahimik ang biyahe since pagod na pagod sila sa kaeensayo.

Maya-maya ay nakarating na sila sa venue. Agad sila dumiretso sa dressing room upang maghanda sa kanilang 'Performance look' for today.

 

Joao's POV

Habang naghihintay kami sa turn namin upang magperform ay halos busy ang lahat dito sa kanilang mga cellphone.

Nandito ako sa kinauupuan ko sa harap ng salamin, nagoobserve sa mga members ko. Hiwa-hiwalay kami ng lugar.

Si Tristan yata ay nanonood ng movie, si Ford naman parang may kachat o katext, si Russell naman ay tulog habang nakaheadset.

Si bunso naman ay naggigitara habang kumakanta. Yep, may guitar dito sa dressing room at di ko alam kanino pero ginamit ito ni bunso.

Napangiti na lamang ako sa kanya, kinuha ko ang phone ko which is nakapuwesto lang sa lamesa.

Binuksan ko upang palihim na videohan siya sa salamin. Nasa dulo siya, sa kanan.

Napangiti lang ako habang nagvivideo.

"Hoy Joao!" Nataranta ako nang tinawag ang pangalan ko, kaya agad agad ko na tinapos ang video at tinago ang cellphone ko.

"Turuan mo nga ako sa sayaw dun sa chorus." Sabi naman ni Tristan sa akin na nasa likod ko na.

"Sige sige." Sagot ko. Agad naman ako tumayo at tinuruan si Tristan.

Maya-maya ay tinawag na kami lahat para magperform.

 

No POV

Malakas ang hiyawan ng mga fans ng lumabas na ang BoybandPh. 

Pagtugtog nang kanta ay agad silang sumayaw at kumanta.

Pagkatapos ng performance ay bumalik muna sila sa dressing room and also binigyan sila mg free lunch.

 

Niel's POV

Busy ako sa kakakain nang biglang may binigay si Joao sa akin. Katabi ko pala siya.

"Ano to?" Tanong ko sa kanya.

"Bigay ng fan mo, sa akin niya lang pinabigay kasi nauna ka na eh." Sabi naman nito sa akin.

"Ohhh...thank you sa kanya." Sabi ko naman at binuksan ko agad ito dahil nakawrap ito.

At ito ay isang notebook na may drawing sa mga pahina, halos mga mukha ko ang ginuhit... May ginuhit rin siya na kami ni Joao.

"Joao, tignan mo. Tayong dalawa." Sabi ko na tuwa tuwa kasi ang cute ng drawing, chibi.

Ngumiti naman si Joao sa nakita niya, "ang cute~" sabi nito na may pagigigil.

 

No POV

Pagkatapos kumain ng free lunch ng BoybandPh ay dumiretso sila kaagad sa bahay nila, bahay nila na sama sama sila together.

Halos lahat sa kanila ay nagpahinga dahil sa pagod.

Si Joao lamang hindi.

May pupuntahan siya.

 

Joao's POV

Nandito ako sa venue kung saan plinano ko with my friends.

This is actually sa bahay ko, since my mom and dad is in Macau now so walang naiiwan dito sa malaking bahay namin dito sa Maynila.

Nakita ko ang napakaraming tao sa harap ng bahay namin, naghihintay.

Napansin nila ako kaya lumingon sila sa akin lahat at huminto ako sa harapan nila.

"Sorry guys, medyo late ako nang kunti at naghintay pa kayo dito na sobrang init." Pagapoligize ko sa kanila.

Nakita ko na ngumiti sila at sabi rin nila na 'okay lang kami.'

"Sige, pasok na tayo." Pagimbita ko nila sa loob ng aking bahay.

Nasa living room kami lahat since ito ang pinakamalaki na area sa loob ng bahay namin.

Ang ilan sa kanila nakaupo sa couch, habang ang karamihan sa kanila ay nakatayo lamang.

"Sorry for the inconvenience guys." Sabi ko sa kanila.

At nagsimula na kami sa discussion namin, sa plano namin.

"So guys, when niyo gustong mameet ulit si Niel?" Tanong ko sa kanila.

May iba't iba silang sagot ngunit nagkaisa sila sa final decision nila.

"Okay, so sa friday niyo imimeet si Niel ulit. Also, magprepare rin kayo ng production number for Niel para surprise na surprise siya since birthday niya this friday." Sabi ko naman sa kanila.

"Di ka ba sasali sa amin Joao or iintroduce mo ang sarili mo as the President of Niel's fansclub?" May nagtanong sa akin.

Yep, ako ang President ng fansclub ni Niel simula nang nabuo ang aming grupo. Di to alam kahit kanino na kamember ko dahil nahihiya ako lalo na kay bunso.

Napaisip ako sa isasagot ko sa tanong since half of my brain tells me to finally introduce myself as a Niel fan and also the other half of my brain tells me not to do so since nakakahiya nga.

Ito nalang isasagot ko, "Hmm...busy ako that time eh so di ako makadalo." Pagsisinungaling ko.

Di rin naman dapat sa lahat ng pagkakataon ipakilala mo ang sarili mo sa taong mahal mo na mahal mo siya, same rin yan sa case ko. 

I'd rather just be a secret fan forever.

Tumango lamang sila sa naging sagot ko.

At tapos na ang discussion namin.

 


NEXT DAY...

Joao's POV

Kumatok ako sa pintuan sa room nina bunso at Russell at binuksan naman ito ni bunso.

Pumasok ako at umupo agad ako sa kama ni Niel, Tulog pa si Russell.

"Bunso, pwede mo ba ako samahan mamaya?" Tanong ko sa kaniya.

Umupo si bunso sa kama ni Russell, magkaharap na kaming dalawa.

"Saan?" Tanong naman nito.

"Sa mall since may bibilhin ako." Sagot ko naman sa kanya.

Tumango at ngumiti si bunso, excited na excited, "Sige sige." Napatayo siya nang sabihin ito.

Ngumiti na lamang ako sa pagiging excited ni bunso.

Pagkatapos namin kumain ng lunch ay dumiretso na kami agad sa mall since nakabihis na kami.

Pumunta ko sa Clothing shop upang maghanap ng damit. Busy kaming dalawa ni Niel sa kakahanap ng damit.

May mga nagustuhang damit si bunso kaso binalik niya ito sa kalalagyan kasi wala siyang dalang pera.

Naghanap ako ng naghanap ng damit na nagugustuhan ko na ibigay kay Niel since wala namang pili si Niel sa susuotin niya. Habang si Niel ay naghintay na  lamang sa labas.

Pagkatapos kong bilhin ang damit ay agad ako lumabas at binigay ito kay Niel.

"Sa akin to?" Tanong niya sa akin na may pagtataka. Akala niya siguro bibili ako ng sarili kong damit.

"Oo sayo yan, advance birthday gift ko sayo. Gusto ko advance magbigay eh." Sagot ko naman habang inabot ang plastic kay Niel.

Ngumiti siya sa akin at kinuha ang plastic, "Thank you Joao."

Pero di pa dun nagtatapos ang birthday treat ko kay bunso.

 

Niel's POV

Akala ko ay uuwi na kami pagkatapos bumili ni Joao ng damit para sa akin pero di pala kami uuwi. Pumunta kami sa amusement park upang sumakay ng mga exciting rides.

Unang ride namin is yung 'Octopus'. Nakapuwesto kami sa seat tentacles,magkatabi kami ni Joao. Inayos yung bakal na parang safety belt namin at agad ako humawak dun sa handle. Daan daan kami pinaikot nang pinasakay ang ibang riders, nasa itaas kami ngayon.
Maya-maya ay nagstart na kami.

"Woah~" Sigaw ko. Dinig ko rin sigaw ni Joao at iba pa naming kasamang riders. Nakakahilo tong ride nato.

Pagkatapos namin sa 'Octopus', ang second ride namin is yung 'Freefall'. Tinignan ko palang ito, sobrang taas. Pero hindi ako takot, gusto ko to!

Dinig dinig ang aming sigaw dahil sa ride na ito. And also nakagaba din na bigla na lamang kami babagsak at biglang pupunta sa itaas ng sobrang bilis na parang walang pahintulot, walang resting time kahit 10 seconds man lamang.


Ang ikatlong ride namin is yung 'Frisbee'. Nakakatakot rin na ride ito for sure, sa nakikita ko palang sa pinapanood ko na paikot-ikot sila.


(A/N: Special mention:Hurricane, Viking,Carousel,Ferris Wheel,Rollercoaster,RoundUp...
Since sobrang dami na, baka gusto niyo itry mga lists na sinakyang rides nina Joao at Niel lol)

Nakakapagod yung rides na sinakyan namin pero sobrang enjoy naman. At akala ko naman na uuwi na kami pagkatapos, hindi pa pala. Daming pera ni Joao hehe joke lang.

Time check: 3:00 pm

 

Joao's POV

Next treat: Movie

Pumunta kami ulit sa mall upang manood dun sa sinehan. Manonood kami ng 'Avengers Endgame'.

Pumila ako sa ticket booth upang bumili ng dalawang tickets and then pagkatapos ay bumili ng isang popcorn, yung malaki ang size and also dalawang ice tea.

Pagkatapos bumili ay agad kami pumasok sa sinehan at hinanap ang upuan namin.
Di pa nagstart ang movie ay kinain na namin ang dalang snacks namin.

Maya-maya ay nagsimula na ang movie. Tahimik at focus kami sa panonood habang ang kamay ay busy sa magkuha ng popcorn.

Pagkatapos sa aming napakasayang panonood, ay tinreat ko si bunso for dinner, sa mamahaling restaurant.

Time check: 5:20pm

Nagwindow shopping muna kami for 30 minutes before pupunta sa restaurant.

Nagorder ako ng maraming napakasarap na pagkain for dinner para sa amin ni bunso and also for bring home for my other brothers.

Tahimik at concentrate kami sa kakakain ni Niel. Maya-maya ay busog na busog na kami sa aming kinakain.

"Hmmm sarap ng mga pagkain dito." Sabi naman ni Niel sa akin.

Pagkatapos ay umuwi na kami sa bahay dala dala ang bring home foods namin.

Masaya naman itong tinanggap ng mga nagugutom kong brothers.

 

Niel's POV

Agad ako pumasok sa kwarto nang dumating na kami sa bahay.

Umupo ako sa kama ko at agad agad inalis ang mga nakalagay sa plastic na dala ko.

Tatlong damit pala binili ni Joao sa akin. Ito ang kanilang mga itsura.

  

 

Napakaganda talaga pumili ni Joao ng damit, fashionable talaga siya.

Biglang binuksan ni  Joao ang pintuan at doon lang siya nakapuwesto. 

"Kamusta ang mga binili ko bunso? Nagustuhan mo ba?" Tanong niya sa akin.

Tumango ako, "Oo nagustuhan ko, ang ganda ganda. Thank you pala." Sabi ko naman.

"You're welcome." Nakangiti niyang sagot at agad naman sinara ang pintuan at umalis.

 

Joao's POV

Agad naman ako dumiretso sa kwarto ko matapos kong bumisita kay bunso.

Nakahiga ako sa kama at kinuha ang phone ko sa bulsa ng pants ko. Inopen ko ang 'group chat' na 'Niel Fanatics' (secret gc ito) upang doon pagusapan ang mga other plans namin this friday.

Tuesday pa lamang ngayon  pero advance na ang treat ko kay bunso kasi nakakapagod kapag each day before sa birthday niya kami lalabas hehe.

Nagshare ideas naman yung iba sa groupchat about sa mga kakainin, games at mga production number sa surprise birthday treat nila kay Niel.

Bigla ako napaisip. Pupunta ba ako dun or much better hindi?

Nagdedebate na naman ang utak ko sa case na ito.

"Hindi ako pupunta, may date kami ni Sue niyan." Sabi ko sa sarili.


Joao's POV


The day has come, birthday ni Niel!

10:30 pm

Hinandaan namin siya ng simpleng party dito sa bahay. Si Tristan ang taga-luto ng foods, Si Russell sa special song for bunso, si Ford taga-lead sa games then ako naman as a MC.

Masaya kami sa aming bigay na handog kay bunso at nakakita ko sa kanyang mukha na masaya siya dito.

Pagkatapos namin maglunch ay agad ako nagbihis upang umalis.

"Joao, saan ka pupunta?" Tanong ni Niel sa akin nang papalabas na ako sa bahay.

"Hmmm... Date.." Sagot ko sa kanya.

Tumango lamang siya, "Sayang, manglilibre ako sainyo ngayon." Sagot nito.

Ohhh... Anong gagawin ko? Icacancel ang 'date daw' o sasama ako kay bunso upang makalibre? Lol

Napatunganga lamang ako sa sinabi niya.

"Hoy! Okay ka lang?" Tanong ni Niel since litaw na litaw ang pag-iisip ko.

Di ko matitiis si bunso eh.

"Icacancel ko nalang ang date ko." Sabi ko kay bunso.

Napatawa siya sa sinabi ko, "kawawa naman si ate Sue, pinalit mo para lang sa libre." Sabi naman nito.

"Wow grabe siya. Actually surpise date sana sa kanya kaso mas importante ang birthday boy eh." Sabi ko naman at inakbayan si bunso at pinisil ang cheeks ni bunso.

Papunta kami sa mall at naglaro kami ng arcade dun, libre ni bunso. And also suot ni bunso ang binigay kong sweatshirt sa kanya.

Kaming lima ay masaya na naglalaro nang biglang may phone call ako. Agad ko naman ito sinagot.

 

Niel's POV

Enjoy na enjoy kaming naglalaro nang napansin ko na biglang nawala si Joao.

"Russell, napansin mo ba si Joao?" Tanong ko.

"Hindi. " Sagot naman si Russel at lumingon kahit saan at narealize na biglang nawala si Joao.

"Baka nagcomfort room lang yun." Sabi ni Russell sa akin.

Tumango ako at nagpatuloy sa paglalaro.
Nang maya-maya, ay napansin ko ang phone ko na ang ingay, yung ingay kapag may nagchachat.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa, nakaopen pala wifi ko which connected na sa wifi dito sa mall(kasi lagi ako nagwiwifi dito sa mall eh). May message sa 'We Are Niel Fan' gc.

Yep, kasali ako sa gc since gusto nila na makainteract ako and vice versa.

 Nagmessage yung pinakaleader sa kanila or yung tawag nila na 'President' sa fansclub ko.

J_DragoNiel: Niel, pwede ka bang pumunta dito sa meeting place natin every may fanmeeting? May ibibigay sana ako sayo now na.

Niel Murillo: Oh Okay.

Reply ko naman sa kanya.

Time check: 04:45 pm

Nagpaalam ako sa mga kuya ko na aalis muna ako at inabilin ko rin sa kanila na pwede na sila umuwi since baka matagalan ako sa pupuntahan ko.

Agad ako umalis at pinuntuhan yung place na lagi namin pinupuntahan kapag may private fanmeeting.

Nang dumating ako ay nakita ko ang mga fans na naghihintay sa labas. Masaya ako ngunit parang may surprise na inihanda sila para sa akin.

Papasok na kami lahat sa loob. Umupo na sila sa chairs at yung iba ay busy sa likuran. Umupo naman ako sa table sa harapan, actually parang college room ang sa loob, may nakikita ako na projector at projector screen sa gilid.

Sinubukan kong hanapin yung 'President' sa fansclub, hindi ko alam ang itsura niya, naghihintay lang ako na may lalapit sa akin at magbigay ng regalo.

Ngunit walang lumapit.

"Hello guys, kilala niyo ba yung 'President' sa fansclub na ito?" Pagtatanong ko sa kanila.


Nagtitiningan lamang sila. Di rin kaya nila kilala?

Maya-maya may isang fan na pumunta dito sa harap na may dalang mic.

"Mr. Niel Murillo, do you know what day is today?" Tanong naman nito sa akin habang gamit niya mic niya.

Tumango naman ako, "birthday ko."

Ngumiti siya then nagclap ng three times, after nun ay silang lahat ay kinantahan ako ng 'Happy Birthday Song'.

Napangiti ako sa ginawa nilang effort.
Maya-maya ay pinaupo ako ng MC dun sa front seat. Nagstart na ang program.

May paproduction number sila na sayaw at kanta usually. May pa-games.

Pagkatapos ng mga mga nakakaaliw na part sa party na ito ay kumain kami.

Una nila ako sinerve ng foods. Tinulungan ko rin sila na magserve sa iba.

Pagkatapos ng kainan ay may mga message sa akin ang mga fans ko.

Isa't isa sila pumunta sa harapan at nagbigay ng napakagandang mensahe ng paghanga sa akin at wishing me a happy birthday and happy journey in my life.

Maya-maya ay nasa harapan na naman ang MC, may special announcement.

"Mr. Murillo, alam mo ba na sa lahat ng naging fan mo, si 'President' ang fan na kilala na kilala ka.?" Sabi nito habang nakatingin sa akin.

"Ngayon may special message siya sa iyo." Sabi nito at tinuro ang projector screen.

May lumabas na video na naggitara ako sa 'dressing room' sa Showtime. Nagtataka ako kung ba't may video ako niyan.

Sinubukan kong inalala kong sinu-sino ang iba ko pang kasamahan doon except sa mga members ko.

Ngunit naputol ang aking pag-iisip ng may nagsasalita sa video(black lang ang video).

'First of all, Happy birthday Mr. Niel Murillo. I have been a fan of yours since the Boyband SuperStar days, I have always admired your beautiful voice and soul. Bonus points yung cute ka lol.'

Nakikinig ako sa message, di familiar ang boses at parang edited rin ang boses, parang bakla na babae pero natutuwa ako sa message niya.

'Kaya napakasaya ko na nanalo ka at napasali sa boybandph since deserve na deserve mo yan. I always watched your live every Sunday, yung BoybandPhXperience at di ako nagsawa na suportahan ka and your group also. I wish na mas maging successful pa kayo and more blessings to come.'

Napakaganda ng message niya, natouch ako.

'Di pa tapos. Ito ang gift ko sayo.'

May dagdag siya na sinabi.

May video na lumabas na parang compilation ng mga singing videos ko offcam, kasali na yung sinubukan kong ihit ang highnote ni Russell.

Sobrang distracted ako sa kakaisip at di na ako nakafocus sa video nang biglang may narinig ako na boses ni, Joao?

Napatingin ako ulit sa screen, nakita ko si Joao. So, siya pala yung nagvivideo sa akin offcam?

'Niel, I am your secret fan and I'm proud of it.' 

Napatulala ako sa nadiscover ko pero di ko mapigilang ngumiti. Actually masaya ako.

Joao's POV

At masaya ako na nasabi ko na kay bunso ang gusto kong sabihin. 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet