Coffee Shop

Please Subscribe to read further chapters

Description

“Love is in the air and it smells like coffee.” 

♥♥♥

                        

Foreword

"1 Caramel Macchiato please."
 
"Coming right up, Maam!"
 
After work lagi akong pumupuntang dito sa Lucky Coffee Shop. Gusto ko kasi ang ambiance dito. Lalo na ang aroma ng coffee. Nakakarelax.
 
I was sipping my coffee. When suddenly one guy caught my attention. Mag-isa lang siya katulad ko. Madalas kasi ang mga nagpupunta dito sa coffee shop mostly mga couple at family or yung iba in a date pa nga.
 
Hindi ko na lang siya pinansin kasi baka may hinihintay lang siya.
 
From: Officemate Eric
Krystal. Are you free this Saturday?
 
Ito na naman ang officemate kong si Eric. Isa sa mga manliligaw ko. Take note, isa. Tatlo kasi sila. Puro sa iba't-ibang departments. Kahit kasi magkakaiba kami ng departments iisa lang naman ang office namin. Umiikot lang kasi ang work place namin.
 
To: Officemate Eric
I can't. I need to visit my parents in Jeju.
 
Hindi ko naman talaga bibisitahin sila Mommy sa Jeju kasi napagpasyahan ko na sa leave ko na lang ako bibisita sa kanila. Gusto ko lang talaga makaiwas sa mga date-date na yan. Ayoko na maulit pa yung nangyari dati.
 
I already finished drinking my coffee so i decided to go home.
 
Naglalakad na ako papunta sa condo ko ng madaanan ko ang billboard niya. Bumabalik na naman lahat ng sakit sa puso ko. Binilisan ko na lang maglakad pero kung sinuswerte ka nga naman nadapa pa ako. Nagulat ako ng may tumulong sakin makatayo.
 
"Miss. Are you okay?"
 
Pagtingin ko nakita ko yung lalaking mag-isa lang sa coffee shop kanina. Sinusundan niya ba ko? In your dreams, Krystal. Baka naman pauwi na din siya.
 
"Oo. Thank you ah!" i said smiling at him.
 
"Here! Naiwan mo kanina sa coffee shop."
 
Inabot niya sakin ang suitcase ko na may laman na mga files sa office.
 
"Naiwan ko pala 'to kanina. Salamat talaga ah!"
 
"Wala yun. Sige. Mauna na ako. Ingat ka."
 
"Okay. Thank you ulit. Ingat ka din."
 
Dumerecho na ako sa condo ko. Hindi naman siya sobrang laki. Sakto lang pang-dalawang tao. Maya-maya lang dumating na ang ka-condo ko na si Jane. Pareho kaming nagwowork na. Officemates kami dati. Since mag-isa lang siya dito sa Seoul para magtrabaho katulad ko. We decided na mag share na lang kami ng condo ko.
 
"How's work, Krystal?"
 
"Sobrang pagod. Tignan mo nga ang dami ko pang files na kailangang tapusin. Ikaw?"
 
"Same here. Lahat na ata ng trabaho ng boss ko binigay na sakin eh. Asar!"
 
"Kaya natin 'to Jane! Fighting!"
 
***
 
"1 Caramel Macchiato please."
 
"Coming right up!"
 
Saturday ngayon. Walang pasok. Wooh! Nasa Lucky Coffee Shop na naman ako. Gusto ko kasi talaga dito napaka-peaceful at parang lahat ng stress mo nawawala.
 
Dumating na ang order ko. I was sipping my coffee ng biglang mag ring ang phone ko.
 
Incoming Call...
Officemate Henry
 
Sinagot ko agad 'to. Baka kasi importante at tungkol sa work.
 
Hello.
 
(Are you free today?)
 
Why does something happened?
 
(No. I just want to ask you out.)
 
Sorry but I can't. I still need to finish things.
 
(Oh. Okay. Maybe next time?)
 
Yeah. Sure.
 
(Bye. Take care Krystal.)
 
You too, Henry. Bye.
 
Kailan ba ako titigilan ng mga 'to? Alam naman nilang iniiwasan ko na sila hindi pa makaramdam. I just continued drinking my coffee ng may maramdaman akong presence sa harapan ko. It was him! Yung mag-isa lang lagi dito sa coffee shop at tumulong sakin kahapon na inabot ang naiwan kong gamit.
 
"Do you mind?"
 
"Sure."
 
"How are you?"
 
Friendly pala 'tong si Kuya. Akala ko masungit eh. Mukha kasing masungit. But he's really nice kasi nga inabot pa niya kahapon yung suitcase ko diba? First impression ko lang sa kanya yun.
 
"I'm fine. You?"
 
"Doing great. Madalas ka dito sa coffee shop noh?"
 
"Yes. Narerelax kasi ako sa ambiance dito."
 
"Ako din. Feeling ko pag nandito ako nawawala lahat ng stress ko."
 
"Oo. Tama ka diyan! That's what I feel too. Kaya nga lagi after work at every weekends nandito ako eh."
 
He just smiled at me in response.
 
"So what do you do? Anong work mo?" tanong ko sa kanya.
 
"I run a business."
 
"Business? What kind of business? Sa business field din kasi ako. But i'm not really the owner. Office staff ako."
 
"That's good. Actually, I own this coffee shop."
 
"Really? Kaya pala lagi kitang nakikita dito."
 
"Yes. Kailangan ko kasing bantayan 'to. Pamana kasi sakin 'to nila Mommy."
 
"Wow! Alam mo gusto ko din magtayo ng sarili kong coffeeshop."
 
"Why don't you build one?"
 
"Hindi pa kasi kaya ng budget ko. Sinusuportahan ko kasi ang parents ko sa Jeju. Gusto ko kasi hindi na sila magtrabaho at magpahinga na lang sila."
 
At nag-usap pa kami tungkol sa mga happenings sa buhay namin. Nalaman ko na Sehun pala ang name niya. Hindi namin namalayan na hapon na pala.
 
"Sige. Uwi na ako. Pagabi na din kasi."
 
"Gusto mo hatid na kita?" nakangiting sabi niya.
 
Ang gentleman naman ng isang 'to. Panigurado swerte ang magiging girlfriend nito or kung may girlfriend man siya ngayon. Hindi kasi niya nabanggit kanina.
 
"No need. Malapit lang naman ang condo ko dito."
 
"No, I insist."
 
"Okay lang talaga. Sige na. Bantayan mo na lang 'tong coffee shop mo." i said with an assuring smile.
 
Nag-nod na lang siya at ngumiti na parang nag susurrender. Hindi kasi ako sanay na hinahatid ako sa condo ko. Gusto ko kasi walang masyadong nakakaalam ng condo ko bukod samin ni Jane.
 
Paglabas ko ng coffee shop may nakasalubong akong isang babae. Siguro kaedad ko lang 'to. Nakafloral dress siya na above the knee. Ang ganda niya. Nakita ko siyang pumasok ng coffee shop. Siguro suki din 'to ng coffee shop tulad ko.
 
***
 
"Sige na, Krystal. Sama na ako sayo."
 
"Ang kulit mo, Jerome! Sabi ng ayoko ng may kasama. Kaya ko na ang sarili ko."
 
"Ngayon lang naman. Sige na! Pagbigyan mo na ako."
 
Kahit kailan talaga hindi uubra ang pagtataray ko dito kay Jerome. Napakakulit! Sarap sapakin sa esophagus.
 
Papunta kasi ako sa coffee shop ngayon. Alam niyo na to relax myself. Pero mukhang mas mastestress ata ako dahil dito kay Jerome.
 
"1 Caramel Macchiato please."
 
"Make it 2."
 
Iaabot ko na sana yung bayad ko pero pinigilan ako ni Jerome. Pakitang gilas na naman 'to.
 
"Ako na magbabayad. Alam mo naman na ayokong pinagbabayad ang babae. This is my treat."
 
"Sus! Sige na nga."
 
Tatanggi pa ba ako sa libre? Natawa na lang kaming dalawa. Sa totoo lang, close talaga kami nitong si Jerome. Masaya siya kasama. Hilig lang talaga namin ang mag-asaran. But there's one thing na ayoko sa kanya. Nililigawan niya ako. Ayoko pa kasi talaga magpaligaw. Hindi pa ako ready.
 
Umupo na kami at nagsimula ng inumin ang mga coffee namin. Napatingin ako at nakita ko si Sehun na nakatingin samin. Nung nagtama ang mga mata namin nginitian ko siya. Ngumiti din naman siya.
 
"Hatid na kita."
 
"No. Hindi. Ayoko."
 
"Sige na. Para naman safe ka."
 
"Kaya ko ang sarili ko."
 
"Please?"
 
"Ang kulit mo! Bahala ka nga diyan!"
 
Tumakbo ako papunta sa condo ko. Baka kasi maabutan niya at malaman niya pa kung saan ang condo ko mahirap na.
 
Nagulat ako ng biglang may humawak sa braso ko. Pagtingin ko nagulat ako ng makita ko si Sehun.
 
"Naiwan mo."
 
Inabot niya sakin ang payong ko. Bakit ba ang hilig mong makaiwan ng gamit? Burara mo talaga, Krystal.
 
"Ah! Salamat. Sige mauna na ako." at naglakad akong muli.
 
"Wait!"
 
Lumingon ako at hinarap siya.
 
"Bakit?"
 
"Can i invite you for lunch tomorrow?"
 
Lunch? Date ba 'to? Siguro friendly date lang kaya pumayag na ako since weekend naman bukas.
 
"Sure."
 
"Fancy Restaurant. 12pm."
 
"Got it."
 
***
 
Hindi ako mapakali. Hindi kasi ako makapili ng damit na isusuot ko. Nakakainis naman! Dati hindi naman ako mapili sa damit pero ngayon ugh! I decided na mag shirt at jeans na lang. Hindi naman kasi ako katulad ng ibang girls na sobrang girly. Kakain lang naman so why bother na magsuot ng bonggang damit diba?
 
Time check: 11:30am
 
30 minutes pa pala. I put light make-up para naman presentable ako tignan. Baka pag nakita ako ni Sehun mawalan siya ng gana kumain. Sa totoo lang, ayoko talaga lumalabas kasama ang lalaki. Hindi naman sa man hater ako. It's just that nadala na siguro. Never mind. At Sehun seemed harmless naman. Kaya i should give it a try right?
 
Pagdating ko sa Fancy Restaurant hinahanap ko kung nasaan si Sehun. Nakita ko naman siya na winave ang kamay niya para makita ko siya agad. Pag-upo ko. Saktong dumating ang isang babae. Ito yung babaeng nakita ko before na naka-floral dress. Magkakilala sila ni Sehun? O baka naman? Omg!
 
"You're here! So mag-order na tayo?"
 
"Ah! Sure."
 
Umorder na kami at maya-maya lang dumating na din ang food.
 
"Do you mind introducing me to her, Sese?"
 
Sese? Sino ba 'to? Girlfriend ni Sehun? Kung girlfriend niya 'to hindi na dapat niya ako niyaya mag lunch at sinama pa talaga niya ang girlfriend niya. At may endearment pa talaga sila? Wait nga? Bakit parang ang oa kong magreact?
 
"Sasa, I would like you to meet Krystal. Krystal this is Sandra."
 
"Hello! Nice to meet you, Sandra. I'm Krystal." at nagshake hands kami.
 
"Let's eat?"
 
Natapos na kaming kumain. Masaya din naman pala kasama 'tong si Sandra. Napag-alaman ko na kagagaling lang pala niya from States. She's a professional vallerina.
 
***
 
"Ingat kayo! Bye!" at nagwave naman kami ni Sehun kay Sandra.
 
Hinatid namin siya sa kanila. Malayo pala ang bahay nitong si Sandra kaya nagpresenta na si Sehun na ihatid siya.
 
"Thank you for this day, Krystal. I really had fun."
 
"Thank you din for inviting me for lunch. It's fun being with you too and Sandra."
 
"Sana maulit ulit 'to, Krystal." seryosong sabi niya sakin.
 
"Oo naman. Bakit naman hindi diba?" natatawang sabi ko.
 
Pag-iiba ko ng atmosphere. Seryoso naman ni Sehun. Mas lalo tuloy siyang gumagwapo. Quiet lang kayo kay Sehun ah. Sa totoo lang. Unang pagkikita pa lang namin nagkacrush na ako sa kanya. Pero crush lang ah. Ssh lang!
 
"Saan nga pala ang condo mo?"
 
"Sa El Dorado Condominium." at bigla akong napatakip ng bibig.
 
Bakit ba kasi napakadaldal mo, Krystal. Hindi mo nga sinasabi sa mga suitor mo. Sinabi mo naman dito kay Sehun. Harmless naman siguro siya and we're friends naman right? So siguro okay lang.
 
"We're here!" sumilip ka naman at nakita mo nga ang building ng El Dorado Condo sa harap mo.
 
"Okay. Thank you ulit. Ingat ka!" i said smiling then i bowed at him.
 
"You too. 'Till next time?"
 
"Yeah! Ingat!"
 
***
 
Halos mag-tatatlong buwan na din simula nung nag lunch kami nila Sehun at Sandra. At nasundan pa nga ito ng nasundan. This time kaming dalawa na lang ni Sehun. Then one day, nagpaalam sakin si Sehun kung pwede ba siyang manligaw. Pumayag ako kasi feeling ko iba si Sehun sa naging ex ko. But there's one thing stoping me for saying 'Yes' to Sehun. It's Sandra. Hanggang ngayon kasi hindi pa din niya nasasabi sakin kung anong relationship niya with Sandra. Friend ba niya 'to? Sigurado akong hindi niya 'to girlfriend kasi nililigawan niya ako diba?
 
Papunta na ako ngayon sa coffee shop. Back to the old habit. Coffee after work. Nakita ko sa loob si Sehun at Sandra na magkasama. Papasok na sana ako ng coffee shop pero nagulat ako ng makita ko si Sandra na pinupunasan ang upper lip ni Sehun.
 
"Ang sweet naman nila." i said bitterly at parang nawalan ako ng ganang mag coffee kaya umuwi na lang ako.
 
***
 
Sa mga sumunod na araw napansin ko si Sehun na parang hindi na madalas nagpaparamdam sakin at kada pupunta ako ng coffee shop nakikita ko silang masayang magkasama ni Sandra kaya lagi na lang akong umuuwi. Baka makaistorbo pa ako sa kanila.
 
Naglalakad na ako papuntang condo ko. Galing akong coffee shop. Ganun ulit ang scene na nakita ko. Sehun at Sandra talking and laughing. Inaamin kong nakakaramdam ako ng konting selos pero tinatago ko na lang 'to.
 
Nagulat ako ng may biglang magtakip ng mata ko at tinakpan din ang bibig ko. Nanlaban ako pero masyado siyang malakas. Ito na ba yung napapanuod ko sa TV na kidnapping scene? Lord! Help me!
 
Napatigil lang ako sa pagpupumiglas ng bumulong yung 'kidnapper kuno' sa tenga ko.
 
"Ako 'to Krystal."
 
Tinanggal naman niya ang kamay niya sa bibig ko kaya nakapagsalita na ako.
 
"Sehun? Bakit naman kailangan mo pang takpan ang mata ko? Baka madapa ako or mahulog."
 
"Don't worry. I'll be there to catch you when you fall."
 
Napanganga ako sa sinabi niya at ramdam ko ang pagtatambol ng drums sa puso ko. Ang cheesy ah!
 
"Saan ba kasi tayo pupunta?"
 
"You'll see."
 
***
 
Nakaamoy ako ng aroma ng coffee. Siguro nasa coffee shop kami ngayon ni Sehun. Sa coffee shop niya. Tinanggal na niya ang kamay niyang nakatakip sa mata ko pero pagdilat ko. Madilim ang paligid. Okay? Anong nangyayari? Brownout ba?
 
Hanggang sa naramdaman kong may nag-alalay sakin para makaupo. Pagdilat ko bumakas na din ang ilaw pero medyo madilim pa din siya. Nakita ko ang isang cup ng coffee sa table kung saan ako nakaupo. May nakadikit na sticky note dito. Binasa ko ang nakasulat dito.
 
Can i spend my whole life with you?
- OSH
 
Napangiti ako sa nabasa ko. Ano ba 'tong nangyayari? Ano bang trip ni Sehun? Hanggang sa may biglang nag spotlight sa may gitna at nakita ko ang isang malaking gift box. Lumapit ako dito at nakita ko ang tag na nakasabit sa gift box.
 
"Pull the ribbon."
 
Pinull ko naman 'to at lumabas sakin ang nakaformal attire na si Sehun. Omg! What's happening? May hawak siyang cup of coffee at binigay ito sakin. Napatingin naman ako sa kanya pero ngumiti lang siya.
 
Tinignan ko ang loob ng coffee at nakita ko ang salitang nakapagpabilis ng tibok ng puso ko. 'Will you be my girl?'
 
Napaiyak ako kasi parang nag propose na siya sakin. Walang pag-aatubuli akong nag 'Yes' at itinabi ko ang coffee na hawak ko sa baba para mayakap siya.
 
"It's official right? Tayo na?" sabi niya sakin ng nakangiting nakakaloko.
 
"Yes! Sinasagot na kita." nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan pero smack lang. Pinalo ko naman siya para hindi niya makita na kinikilig ako.
 
"I can't believe this is happening, Krystal. To be honest. Unang beses pa lang kitang nakita dito. Na love at first sight na ako sayo. Sounds chessy. But it's true." he said at niyakap ako.
 
Niyakap ko din siya pero agad din akong napabitaw sa yakap ko sa kanya ng may maalala ako.
 
"Wait! Bakit this past few days nakikita ko kayong magkasama ni Sandra? Take note. Madalas ko kayong nakikita."
 
Bigla namang bumukas ang ilaw at nakita ko si Sandra kasama ang isang lalaki at nakacling ang braso nito sa guy. Ngumiti sakin si Sandra.
 
"It's because she's my twin sister. Siya pa nga ang nakaisip nito para daw romantic. Nagpatulong kasi ako sa kanya kung paano ba kita isusurprise. This is what she recommended." nakangiti niyang sabi sakin.
 
Natatawa ako kasi ang taong pinagseselosan ko kapatid pala ng taong mahal ko. Kaya pala may endearment at halos magkapangalan sila. Kambal pala sila. How cute!
 
Lumapit samin si Sandra at niyakap ako.
 
"Thank you for everything, Sandra."
 
"Anything for my future sister-in-law."
 
Bumalik na ulit si Sandra sa guy na kasama niya na napag-alaman kong husband niya.
 
Kaharap ko na ulit ngayon si Sehun. Hinawakan niya ang kamay ko at sinabi ang salitang nakapagpabilis ng tibok ng puso ko.
 
"I love you Krystal. Mahal na mahal kita." he said getting closer to me. Lumapit pa siya lalo at pinagdikit ang mga ilong namin.
 
"I love you too Sehun. Mahal na mahal din kita."
 
Then we sealed our love with a kiss.
 
End
 
***
 
Author's note:
 
Sorry for the typos and grammatical errors. Hope you have fun reading! :)
 
You can also check out my other one shot stories and my Wattpad acc.
http://www.wattpad.com/user/perfectlyours
 
Vote. Comment. Subscribe. Lovelots ♥
 
littlekyungshoe

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet